Jade's POV
"Alam mo ang weirdo mo." kusa na akong humiwalay sa kanya at umupo kaagad sa upuan. Kapit ko ang hininga ko sa mga sandaling yun para hindi nya mahalata na kinakabahan ako. Delekado na at baka magfeeling gwapo sya.
"I know, and I'm sorry if I acted that way." pagganti nya ng ngiti. "I didn't know you rushed out going here, thank you for doing that. You even got wet from the rain."
Bumalik na ulit ang pagkapungay ng mga mata nya. Parang hindi sya nagtantrums sa liwanag ng ngiti nya ngayon. Abno talaga.
Hindi ako gumalaw at tinignan lang sya habang tumatango. Magkakapit ang kamay ko at nanlalambot na umupo kahit pilit pinatutuwid ang likod. Wala akong balak gumalaw. Katunayan nan ang lawak ng pagkiramdam ko, pero ang liit lamang ng attensyon ko. At nakatuon lahat yun sa kaharap ko.
Medyo natawa pa sya sa pagkakatigil ko at titig. "Why? Did I surprised you earlier? I'm really sorry. I just didn't thought that you'd be gone going to school."
May ilang tungo naman 'tong ginawa na para bang nahihiya nga sya sa mga rason nya. Aba, dapat lang.
Nagalit sya dahil akala nga tutularin ko sya sa di pagpasok porque't naandito sya? Oh sinong hindi mabibigla dun?
"I know acted weirdly." dagdag pa nya.
"Eh, tigilan mo na yan." wala sa sariling tugon ko. Di natakbo ngayon ang utak ko. Para kasing nasasayang lang 'tong kausap ko dahil sa mga di nya pinag-iisipang gawin.
"I can't even stop it." pag-iling nya at medyo tumawa ng konti. "Hahaha, why are you looking at me like that? You look cute."
Cute daw!!!
Mabilis akong napapikit ng marami.
Jade, act normal.
"Ah! Wala." tumalikod na ako para kunin ang pagkain nya----Mali. Bumalik ulit ako sa paghaharap sa kanya. "Magbihis ka pala muna." pagkapit ko sa braso nya at inalalayan sya.
"Jade, hahaha, wait." pagkapit nya sa kamay ko. "I'll stand, just give me a minute."
Oo nga naman, Jade. May sakit yung tao. Intayin mo. Wag kang atat, hindi ka rin naman makakalayo dyan. Magkasama kaya kayo sa kwartong ito. Hindi mo matatakbuhan yan!
Parang naging isang bula naman ang mga nakalipas na eksena. Hindi na kasi sya tinoyo. Mukha ngang hindi nangyari yung sagutan namin. Parang ewan talaga. Balik na naman kami sa dating aktohan namin. Sya na puro katamisan ang sinasabi, at ako na---na normal. Mas gusto kong definition ko yun.
Akala ko pa nga mahihirapan ako sa mga banat nyang yan pero naging matamlay sya sa pagkain. Naging tahimik din kaya nabawasan din ang mga banat nya. Lagi lang syang nakatingin sa akin at pinagmamasdan ang mga ginagawa ko. Wala rin kaming napag-usapan. Nagtanong lang sya about sa school ko at sa mga ginawa ko. Nung tinanong ko naman sya sa mga ginawa nya, ang sabi lang nya ay puro tulog lang daw sya at meron din daw kunting test na kinuha sa kanya. Napagod nga siguro.
"Ano, okay ka na?" pagtapik ko sa kumot na nilagay sa kanya. Nakainom na sya ng gamot at nakakain na rin. Nakapagpalit na rin sya ng damit at sinunod ang sinabi nung nurse, kaya pinapatulog ko na kaagad sya bago pa lang mag 10pm.
"Yeah." pagtapik din nya sa kumot bago ngumiti. "Thanks."
Kung titignan sya ngayon, sobrang pagod talaga sya. Ganun pa rin ang mukha nya katulad nung kahapon. Medyo maputla at wala masyadong kulay. Mas lumubog din ang mata nya at may itim naman sa ilalim nun. Mapuputlang labi at hindi gasinung kasiglahang mata. Nakakapag-alala talaga. Hindi lang sya mukhang may sakit, mukhang malungkot din at parang depressed. Wag naman sana. Baka nami-missed na nya ang pamilya nya. Sinabi ko naman kasing dapat tawagan nya sila eh.
Pero hindi ako kasali sa usapang yan kaya bahala sya. Ang kailangan ko lang ngayon ay gawan ng paraan yung kaya ko. At kalusugan nya yun.
Kaya naman nang makatulog na sya ay pinuntahan ko kaagad yung doctor para tanungin patungkol kay Hilaw.
"Doc, kamusta po lagay niya?"
"He's been doing some test today." at tsaka iniscan yung papel ni Hilaw. "No complication, nothing serious, pero masyadong mapili ang pasyente sa pagkain. It can be a problem soon, dahil kailangan mabawi nya ang energy na nawala sa kanya. Pero kung ganyan sya, mahihirapan tayo. And Miss," pagtingin nya sa akin. "Pansin ko din, medyo nahihirapan yung mga nurse namin sa pag-akikaso sa kanya. He seemed to be very private. Ayaw nya nung masyado syang binibisita sa kwarto."
"Hmmm," pagtango ko. "Pero, Doc, wala naman syang problema sa tyan? Hindi po kasi sya masyadong kumakain."
Naka-isang serving lang sya kanina ng pagkain. At hindi naman siguro ganun kahina kumain ang mga lalaki eh no. Kalhati lang for sure ang conversion nun sa talangang isang serving nila. Kaya nabahala talaga ako nung napansin ko yun.
"I know, pati yung nurse dito yun din ang sinasabi. Pero, there's nothing to be worried about, wala syang problema sa tyan. Pero bukas may mga blood test syang gagawin. Medyo madami yun, para macheck ko na rin kung meron pa syang ibang complications. We need further examination. That'll be all."
"Sige po, Doc. Salamat." nagpasalamat na lang ako dahil mukhang paalis na sya. Tatalikod na nga sana ako pero may nurse na dumating na nakipag-usap pa sa kanya kaya medyo tumabi ako ng konti papalayo sa kanila.
"Ah, sya nga po yun, Doc." pagturo sa akin nung nurse at ngumiti bago lumapit sa akin. "Miss!" pagtawag nya.
Eto din yung same nurse na sumalubong sa akin nun, noong unang dating namin dito. Si Ate Nurse na nagbigay sa akin ng pi-fill upan pero di ko nga nasagutan. Sya din yung niloko ko sa girlfriend thingy ni Hilaw para makapagstay dito.
"Oh, Miss, meron atang mas epektibong paraan para pakainin sya. Try mo din." natatawang saad sa akin nung Doctor bago tuluyang umalis.
Ano kayang napag-usapan nila? Kanina kasi ang seryoso nitong doctor na to, pero ngayon parang magjojoke pa kung makangiti sa akin.
Napaharap na lang ako dun sa nurse.
"Pano daw po?" pagtatanong ko. May nakakalokong ngiti din sya at parang nagpipigil ng tawa. Ano bang meron? May something ba sa mukha ko? Pasimple tuloy akong napaakto na parang nagkakamot sa mukha ko, kinapa ko kung may something dun. Baka mamaya may hindi lang sila sinasabi sa akin kaya tawa sila ng tawa dyan.
"Miss, ikaw din yung minsan, diba? Yung girlfriend ni Sir." pagturo nya sa pinto ng kwarto ni Hilaw.
"Oh." pagtango ko. -_- Grabe, tanda pa nya yun.
"Ah, ikaw nga! Miss, hinahanap ka nya kanina." pagkwe-kwento nya.
"Oo nga daw po. Nasa school po ako kanina."
Eto na naman. Kung alam mo lang Ate, pinag-awayan pa namin yan kanina. Ewan ko nga kung bakit nag-gagaganun sya. Di naman nagsabi kung bakit ako inaaway. Tapos parang wala lang, at tinapos nang walang sinasabing dahilan. Hilaw talaga.
"Hahaha, iniintay ka nya kanina. Late na nga sya kumain at sabi daw nya inintayin ka pa para sabay daw kayong kumain."
"Ha?" kumunot ang noo ko dun. "Ano po?" di ko maintindihan. Wala naman syang iintayin sa akin. Nagpaalam kaya ako. Napailing na lang ako.
Ibig sabihin hindi nya naintindihan yung nakasulat sa iniwan kong papel? Tsaka, common sense na yun. Kahit sino naman pag di bumalik ng mga 30 minutes, edi umalis na yun o napaano na. Eh, ako? Ano pa iintayin nya sa akin? Buong araw akong halos wala.
"Oo nga, Miss." pagtango nya ng may ngiti. "Hanggang 12 ka nya inintay bago ko sya mapa-oong kumain."
"Po?!? Eh, mga 5pm na po ako nakarating dito." marahas na pagkamot ko sa ulo. Anong klaseng may sakit yun? 12pm? May sakit kaya sya!!!
"Wag kang mag-alala. Kumain naman sya, kaso mga limang subo nga lang. Katunayan di pa nga kakain kung hindi ko pinilit dahil kailangan." pagnguso nya at medyo pinalo ako sa balikat. -_-' Chikahan lang ate. "May attitude pala yun no."
Umasim ang mukha ko dahil sa tono nya. "Ah, opo." pagsangayon ko na lang.
Sabagay, kahit sino naman kasi na mag-alaga kay Hilaw ay magrereklamo. May pagka-ewan kasi syang kausap, tapos pagkachoosy sa pagkain? Parang hindi naman sya ganun. Oo nga at mahina syang kumain. Pero limang subo lang? Imposible yun! Kung iisipin man, hindi sya pwedeng magfunction kung yun lang ang kinain nya kanina.
Kaya pala ganun sya katamlay. Hindi ko ata napansin kasi malaki lagi ang mga lalagyan na ginagamit ko, kaya kung makakalhati man sya ng bowl, eh madami pa rin. Sobrang lalim kasi nun. Edi, pasalamat na lang pala ako kanina na naka-isang serving sya.
Hinampas ulit ako ni Ate Nurse sa balikat. Ate, nakakarami ka na ah!
"Pero alam mo, siguro dapat ikaw magpakain sa kanya." at binigyan nya ulit ako ng makahulugang ngiti. "Feeling ko kasi kung ikaw, kakain ng marami yun."
Bagsak mata ko yung sinagot. "Bakit naman po?"
Ano na naman ang kinalaman ko? Katropa ata to nina Kuya Mike, at kahit wala akong kinalaman ay kaya pa rin nilang maging sa akin yung rason at sisi. Buti at nurse sya. Magpapa-confine talaga ako dito pagsinabi din nyang chef din sya.
"Ikaw kasi hinahanap nya kanina." tumaas ulit ang kamay nya kaya medyo umiwas na ako bago pa man yun lumapat sa balikat ko. Ayun medyo kinapos. Akala nya siguro makaka-isa pa sya.
Oh, eh ano naman kung hinahanap nya ko? Wala naman sa akin yung pagkain. Pinaiwan ko nga diba. Kaya tinignan ko lang sya ng may patanong na tingin. Na-gets nya siguro na hindi ko maintindihan yung sinasabi nya kaya muli syang tumawa.
"Iha, ganun kasi yun. Kailangan mas tutok ka sa kanya dahil girlfriend ka nya. Dapat alam mo na yan. Bakit? Nag-away ba kayo?"
'Kanina.' Gusto ko sanang sabihin pero hindi naman yun ganun kaseryoso. Tsaka, 'dahil girlfriend' ? Ang layo ko naman dun ate, kaya pala hindi tayo magkaintindihan.
"Hindi naman po." pasimpleng iwas ko dito. Wala kasing saysay yun kung sa akin lang ia-apply. Hindi naman nya ako girlfriend. Sa mata lang nila at ng ospital na to dahil yun ang kailangan, wala syang ibang relatives dito. Alam din naman ni Hilaw to, kaya no expectation para sa aming dalawa. Lalo na sa akin.
"Eh, bakit parang wala kang pakielam sa kanya?" pagdagil nya sa akin. Hindi ko naiwasan yun. Mas nabigla kasi ako sa words nya. "Iha, nagkasakit yung boyfriend mo, parang hindi ka nag-aalala."
"Po?" halos mawala ang boses ko sa tanong na yun. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin. Dahil alam kong pinangangaralan nya ako, pero sa hindi ko alam na dahilan. Ano ba naman kasi ang alam ko dyan sa mga girlfriend-girlfriend moves na yan?
"Ano po ba ang dapat kong gawin? Hindi ko po kasi alam kung ano dapat yung i-akto ko?" pag-amin ko.
Nanlaki ang mata nya at mukhang nabigla sa sinabi ko. "Bakit? Hindi ka ba sanay mag-alaga ng mga kamag-anak mo?"
"Hindi po." pag-iling ko dito. Totoo yun, kami lang kasi ni Papa yung laging magkasama. Sila Kuya Mike rin at yung iba, pero kamag-anak? Wala. Malayo kami sa kanila.
Sa pag-aakikaso naman, madalang kasing magkasakit si Papa at ako. Chef kasi sya at soon to be chef rin naman ako, kaya alam namin ang kahalagan ng pag-aalaga sa kalusugan at sa pagkain ng maayos. At kung meron mang ibang magkasakit sa amin, (which is yung mga tao sa resto), ay umuuwi sila most of the time sa kanikanilang bahay dahil syempre, may iba din silang sari-sariling pamilyang uuwian. Kaya ang magagawa lang namin ay padalhan sila ng pagkain. Pero yung personal na pag-aalaga? Hindi ko masyadong alam yun. Kahit kasi si Papa, kay Kuya Mike nagpapaalaga. Lalaki daw kasi sila pareho. Ako naman kahit sino. Kung sinong free, basta kaya ko sarili ko.
"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang bitaw nya. "Bakit first boyfriend mo ba?"
"A-h, opo." halos kapusin ako dahil sa kasinungalingang yun.
Ganto ba lagi kami ni Hilaw sa tuwing magkikita kami? Parang may gantong eksena rin kasi kami dati.
Masyado nang nagagamit 'tong kasinungalingang to. Baka mapahamak na kami pareho. Lalo na ako, may patesting-testing pang nalalaman yung tiga-kusina namin. Lagot na pagnakaabot to sa kanila.
"Ah, kaya pala. Pero usually, kusang aakto ang katawan mo sa pangyayari. Ganun kasi ang concern, syempre boyfriend mo sya. Pero baka nga siguro nabigla ka. First time rin ba nyang ma-ospital nang ikaw ang kasama?"
"Opo."
"Kaya pala. Osya," pagpalo nya ulit na iniwasan ko kaya humaplos lang sa akin yun. "Dapat wag mo syang iiwan, lalo na ngayon. Alam mong mahina na nga syang kumain kaya dapat pilitin mo sya. Yun ang kailangan nya ngayon. Be supportive!" muli nya akong pinalo sa balikat. 'Te, ha! Nakakadami ka na!
"Okay ba?!" masiglang wika nya.
"H--a-h, opo!" nawala pa ako sa pagsagot, kasi naman!!!! Mas iisipin ko pa yang kamay mo ate! Ang bigat eh!!! Yari yung balikat ko!
"Okay, good!!! Then magtulungan tayong mapaayos sya bukas." muling taas ng kamay niya. Iiwasan ko nga sana yun sa pag-aakalang papaluin nya ulit ako, kaso kinapitan nya yun at hinila para makaakbay sa akin. "Ako na ang bahala sa mga gamot nya, at ikaw naman." pagturo nya kahit malapit lang kami. "Ikaw na bahala sa pagkain nya, ha?"
"Sige po, sige po." mabilis na pag-oo ko na parang sundalo. Nasa danger zone kasi ako at ang lapit lang nya. Isang siko lang nya at mahahagip na nya buong mukha ko. Seryoso, nurse ba talaga siya o wrestler?
"Yun naman pala at ang bilis mong kausap." pagbitaw nya sa akin at humarap nang tuluyan. "Usapan natin yan ha! Sige, kita na lang tayo bukas. Ako mismo magbibigay ng gamot sa boyfriend mo. Sige ha."
Boyfriend? Bakit laging kadikit yan sa akin?
"Geh po." pagbabye ko sa pag-alis nya.
Buti at natapos na rin, makakahinga na rin ako ng maluwag. Akala ko matatagalan pa ako sa---nanlamig ang kamay ko sa pagkakapit ng doorknob at mabilis na nilingon ang gawing nilakaran ni Ate Nurse---Teka!
Sinabi ba nyang aabangan nya ako bukas dito?!???? Tsaka anong pagkain?!! Hapunan ba yung ibig sabihin nya?! Naandito lang ako nang gabi! Kaya anong ibig sabihin nya?!? Paano ang school ko????