Single and Her Da-Moves

2902 Words
Jade's POV Buong gabi kong pinag-iisipan yung sinabi ni Ate Nurse para makapag-isip kung may iba ba syang meaning dun, o kung may any way pa para makaalis, o takas ako dun. Pero wala, kaya dilat mata akong natulog at di na namalayan ang pagsikat ng araw. Nag-alarmed din yung cellphone ko sa same na oras katulad nung kahapon, 5am. Dun palang natataranta na kaagad ako kung aalis ba ako o hindi. "Ahh-shstsk." mahinang angal ko. Di ko naman kasi alam kung ano ang gagawin. Alam nyo yung feeling na ayaw nyong pumasok pero hindi sapat yung dahilan kaya mas nakakairitang bamangon kesa sa usual days. Napabaling ako papaharap sa gawi ni Hilaw. Gusto ko kasi may nakataklob o may dilim sa mukha ko pagnatutulog kaya nakaharap ako kanina sa may sandalan ng bangko. Dapat magdedere-deretsyo na ako nito sa banyo. Hay~ "Ummm?" pagtigil ko dahil sa medyo napansin ko na parang nagalaw si Hilaw. Nakatagilid syang natutulog at nakaharap sa gawi ko. Ano kayang itsura nya pagnatutulog? Oo nga no. Bakit ngayon ko lang naisip to?! Ang tagal ko na kasing nagwowonder kung ano ba ang itsura ng mga natutulog. Yung mga nasa school kasi mukhang pagod lang. Tsaka ang hinahanap ko talaga ay mukha ng lalaki at nang hindi ko kakilala. Sanay kasi akong matulog mag-isa kaya minsan nagtataka ako sa mga mukha ng natutulog. Kung pwede ko nga lang picturan ang sarili kong mukha, ginawa ko na. Chance! Tahimik kong hinakbang ng malaki ang paa ko at dahan-dahang lumapit sa may higaan nya. Dahil sa ilaw na nasa tabi ng kama, ay unti-unting nawala ako sa may dilim at ganun din ang imahe nyang naging malinaw. Lumitaw ang bawat parte nun. Simula sa pagkakahara ng buhok nya sa kaliwang mata, na sinagi ko para dahan-dahang nahuhulog sa gilid, ay nakita ko ang kabuoan ng buong mukha nya. Medyo lubog na mata, matangos na ilong, manipis na labi at oh---dark brown pala ang kilay at pilik nya. Akalain mo yun, buong akala ko itim yun. Hindi pala. Marami pa talaga akong hindi nalalaman sa kanya. Paniguradong may ibang lahi talaga sya, pero ano kaya? May nunal din sya sa may gilid ng kilay. Maliit yun kaya hindi mahahalata kung hindi papansinin ng may rason. Perpekto ang pagkakabagay ng lahat sa mukha nya. Pati yung pagkaputla nya dalang dala nya. Ang daya! Masasabi kong kakaiba ngayon ang nakikita ko kesa pagbukas ang mga mata nya. Ewan ko kung ano o bakit? Pero ang ganda ng mukha nya. Mas gwapo sya ng ganto. Walang expression, purong relax at kakuntentohan lang. Hindi galit, hindi tumatawa. Wala. Purong sya.  Parang kaya kong makita kung sino sya sa kalagayan nya ngayon. Parang napaka-inosente at parang nakikita ko ang mukha nya nung bata pa sya. Basta! Sya lang na walang halong kahit ano. Mas gusto kong makita to kesa sa mga banat nya o sa mga pang chicks nyang mukha. Hmmm--ed. Dahan-dahan akong lumubog sa pagkakaupo at tinuon ang siko para maging steady ang puwesto ko. Ang swerte naman nang makakakita ng mukha nya sa pang araw-araw. Hindi madalas na may pwede kang makakitang gantong mukha. Nakakakuntento lang. Nakita ko ang medyo paggalaw ng mga labi nya. Ano kaya ang napapanaginipan nya? Teka--- Sumunod na tinignan ng mga mata ko ang mga mata nya. Di nagalaw yun pero---yung paa nya. Medyo nauga. Taas kilay kong sinuri ang mga binti nya ngunit di nagtagal yun dahil may napansin kaagad ako. Ang mahigpit na kapit ng namumuti nyang kamay sa kumot. Ah---pagkagat ko sa labi ko. Mapagpanggap nga pala 'tong sinungaling na to!!!!! Tulog-tulugan pala ha!!!! Grabe, talaga to! Maagang-maga ganyan kaagad sya! Bagsak mata kong nilapit ang mukha ko sa kanya at mas tinitigan pa sya. Hindi ko na rin dinahan-dahan pa ang paggalaw. Tinuon ko ang siko ko malapit sa may braso nya. Siguradong alam nyang mas malapit ako ngayon. Pero matigas talaga 'tong lokong to at pinagpatuloy ang pagtulog-tulugan nya. Loko talaga. Mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya para malaman nya kung gano ka-intense ang tingin ko. I make sure na damang dama nya yun kahit nakapikit sya. "Jade." mapaos-paos nyang saad sa mababang boses. Oh biyaya! Pero hindi na ako madadala nan. Ilang beses ko na kayang nakinig yang malanding tono nyang yan. Nakinig ko na yan dati kaya hindi na ulit ako madadala ng minsan na yun! "Can you please move?" dagdag nya nang hindi pa rin nabukas ang mata. Wow ha! Ang tibay!!! "Oh, akala ko tulog ka pa." bagsak kong saad, ngunit hindi pa rin gumagalaw. Sarap lang bwisitin. "Tulog ka ulit." "I can't. Please move." pagtapik nya sa akin nang hindi namulat. "Bakit? Akala ko komportable kang tinitignan. Anong nangyari?" paghalumbaba ko. Unti-unti ko nang hindi maitago ang ngiti ko. "Bangon na. Ano pang iniintay mo? "You to move." simpleng saad nito. Aba, arte naman nito. "Oh, bakit?" bored kong tanong. "You're so close that I---" at dahan-dahang bumungad sa akin ang mga kulay brown nyang mata. "Don't know what I can do to you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi. Ngunit kaagad ko ding hindi pinahalata ang pagkabigla ko. Sobrang bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa dalang pahamak ng sinabi nya o dahil sa mga kakaiba nyang tingin habang sinasabi yun. Mas lumalim ang kulay ng mga mata nya, naging malapit yun sa kulay ng kape dahil sa pag-aadjust ng mga ito. Nakatuon na nakatuon yun sa akin. "Hhhhmm-hem." nahatak ko ang hinga ko para mabalanse ang pagkakatuon ng katawan ko sa kama. Namalagi din ang pagkakatitig ko sa kanya. "Anong ibig sabihin mo?" pag-angat ng baba ko sa kamay na tinutuunan. "You're too close." rektang pagpuna nya. Aba, seyoso masyado. Nawala ako dun. "Hmmm?" pag-ipod ko pabalik sa pagkakaupo at sinenyasan sya gamit ng kamay. "Maaga pa kaya balik ka ulit sa pagtulog." Napatigin na lang ako sa malayo. Tamo! Mas maganda kung tulog na lang sya at hindi yung puro banat. Nakakatakot na! Ay lintik!!! Baka nga hindi rin sya tulog nun! Bwisit!!! Wala rin palang kwenta yung pagsilip ko sa kanya kanina. "Are you leaving now? Don't mind me, just do your thing." pagtitig nya sa akin. Ayan na naman sya sa 'kakagising ritual' nya, ang manitig. Nagtango ako bago hinampas ng kunti ang sariling binti. "Hindi naman ako masyadong maingay. Kahapon nga di ka na gising." mahinang bulong ko bago tuluyang tumayo para makalayo. "I wasn't also sleeping yesterday." mahinang komento nya. Ano? Hindi ko ata naintindihan ang ibig sabihin nya. Gising din sya nun? Ano? "Ha?" tumigil ako para tignan sya at kompirmahin ang sinabi. "I saw you before you left yesterday, Jade." pagpantay nya sa tingin ko. Blanko at seryoso ang kanya laban sa nagtataka kong tingin. Nakaka-intimidate yun. Feeling ko may nagawa akong hindi ko alam. Na, ano, kasalanan? "Oh." napatingin na lang ako sa kawalanan at wala sa sariling pinulot ang bag at yung mga gamit na kailangan ibalik pauwi. "Geh, alis na ko." Paglakad ko, at kusa na lang tinahak ng mga paa ko ang papalabas. Wala na akong maimik simula nung sinabi nya yun. Ngunit, nahagip ng mata ko ang mga nakasunod nyang tingin bago ko sinara ang pinto. Tila di nawala ang imaheng yun sa aking isip. I wonder kung ganun din nya ako tinignan kahapon bago ako umalis. Sanay kasi ako nang pag-aalis ay aalis talaga nang walang lingunan. Eh, yung kahapon, paniguradong walang lingunan talaga yun dahil nagmamadali ako. "I wasn't also sleeping yesterday." "I saw you before you left yesterday, Jade." Anong ibig sabihin nya dun? Na inintay nya ako kahapon simula nung 5am dahil akala nya babalik ako, ganun? 5am to 12 ng tanghalian bago sya kumain? Imposible. Bakit kaya? "Oi, Jady? Ano na naman yang iniisip mo?" pag-agaw ni Weng sa attensyon ko bago tinaas ang dala. "Eto na yung pinapabalot mo. Oh" Ilang oras pa lang ako dito sa resto, pero mukhang babalik na naman kaagad ako sa hospital. Away na naman siguro ang babalikan ko. Yung tingin kasi kanina ni Hilaw, katulad ng tingin nya nung kahapon, parang galit o may tampong hindi sinasabi. "Weng." pagtawag ko at masinsinang tinignan sya. Kami lang kasi ngayon sa may serving lane. Nung makarating ako dito sa bahay, walang ano-ano ay naligo ako at ni walang ano na nagluto. Ganun kasi ako pag masyadong nag-iisip. Kung hindi nga lang ako nasita ay baka hindi ako tumigil. Kaya ngayon ay nakatambay na kami dito. Nakick out kami sa kusina eh.  "Anong ginagawa mo pag may pinag-intay kang tao?" "Hala, gaga. Anong ibig sabihin mo?" pagkunot ng noo nya. "Linawin mo." Linawin???? Eh ang dali-dali nun! Malinaw pa sa kinabukasan nya yung sinabi ko!!! Gulo naman neto, bakit ba kasi eto pa yung pinili kong kausapin? "Pang bawe, ganun." pagkakamot ko ng ulo. Hirap naman i-explain. "Para kanino ba? Depende kasi yan." at nilahad nya ang kamay nya. "Pag sa kaibigan, regalo o text pwede na yan." at pumitik pa sya sa harap ko na para bang may natuklasan. "Hoy, Jade! Depende din yun sa sitwasyon ha! Depende din sa tao. Kaya linawin mo kung para saan." Ano ba yan!?!!! Eh mas papahirapan pa ako ng mga sinabi nya. Daming kailangan, ano to test?!! "May pinag-intay ako kahapon ng mga 7 hours." nakita ko ang paglaki ng mata nya sa bigla. Magsasalita na sana sya nang hinarang ko ang kamay ko. "Teka, ako muna." "Okay. Zip." at inakto nyang parang ziniper ang bibig. Mahirap na at madami 'tong itatanong kung hindi malinaw. Baka i-judge pa ang inosente kong kaluluwa. "Go, girl. Ikaw na." "Salamat." muli kong pinagpatuloy ang kwento ko. "Nagpaalam ako pero hindi nya naintindihan. Akala nya babalik ako kaya hindi din sya nakakain ng almusal. Tapos dahil sa tampo ay hindi rin sya kumain ng marami sa buong araw. Nag-away pa kami dahil dun sa way ng pagpapaalam ko, tapos ayun. Tinapos na lang nya yung usapan ng parang wala lang." Hindi wala. Hanggang ngayon kaya iniisip ko pa rin yung pagyakap nya, pero hindi na kailangan malaman pa ni Weng yun. Sa amin na lang ang patungkol dun dahil mabibigyan lang yun ng malisya ng iba. "Eh, alam mo---" kaagad ko syang pinutol. "Hindi ko rin sya kaibigan." paglilinaw ko. Di pa, medyo weird kaming nagkakilala eh. "Buti sinabi mo! Big part yun!" pagturo nya sa akin. "Alam mo mahirap yan, masyadong matagal yung 7 hours, girl, tapos hindi pa pala kayo nagka-intindihan. Inaway mo pa!" Tumango ko dun. Tama sya. "Pasalamat ka at inalala ka pa nya kaya sya na mismo yung nagtapos ng usapan. Kaya kung umiwas man sya, hindi yun basta lang para tapusin ang usapan nyo. Alam kasi nyang hindi mo sya maintindihan. Ang bait nan sayo, Jade. Sobrang pinagbibigyan ka nya. Eh, knowing you, ayaw mo pa naman magpapatalo sa mga kausap mo. Tapos tignan mo, hindi na nga sya kumain ng buong araw, malay mo bad mood din sya nung araw na yun at hindi lang ikaw. Malay mo, pagod din yung tao o di kaya may nangyari na di mo alam. Tapos gaganunin mo? Ay talagang magtatampo yun. Sigurado akong may sama pa rin yang loob kahit matapos 'tong buong week na to, 7 hours ba naman nag-intay, girl. Grabe lang, napakawalang puso naman ng gagawa nu---" at pinalo ko sya. "Aray! Jade!" "Alam mo namang ako nga yun, diba?!" pag-irap ko dito bago tinuro ang sarili. "At umaamin naman ako, diba?! Susuko na nga eh, huli na! Tapos gaganyanin mo pa ako???" at muli ko syang pinalo sa balikat. "Guilty na nga diba?! Kaya ano pang sinasabi mong walang puso?!" Pinanlakihan nya ako ng mata. "NA KASALANAN MO! Bwisit ka!" at ginantihan din nya ako at pinalo sa balikat. Pasalamat sya tama sya. Napatungo na lang ako na parang nagkukumpisal. Tama lahat ng sinasabi nya. Gusto ko pa ngang itanong kung naandun din sya at parang alam na alam nya yung nangyayari eh. "Oi, bumawi ka nga." marahas na pagkulbit nya sa akin. "Paano nga?" pagbalik ko ng tanong sa kanya. Nginisian naman nya ako. "Oo nga oh, eto na. Atat lang?" pag-irap nya. "Paano mo ba sya kikitain ngayon?" "Tulog?" di ko sigurado. Hindi ko naman kasi alam kung tulog o gising kong madadatnan si Hilaw mamaya. Weido nga siguro ang sagot ko at pati si Weng napatingin sa taas bago tinuro yun na tila ba may natuklasan sya dun. "Ay sus! Yun lang pala." pagturo nya sa taas. "Ay puntahan mo na lang at hatidan mo ng pagkain---" Sus dali lang pala, eto na nga at gagawin ko na. Kinapitan ko na yung bag na pinalalagyan ng pagkain at tsaka aalis na sana nang--- "Jade, hindi pa tapos. Makinig ka kasi para magkabati kayo nun." pagturo nya ulit sa itaas. "Eto, ultimate mood changer para mas lalo kayong magkabati kaagad, dahil hindi basta-basta yung mag-intay ng 7 ka-oras at di kumain ng buong oraw. Kaya bago mo pabangunin ay halikan mo muna sa pisngi, at panigurado!!! Panigurado! Magbabati na kaagad kayo nun!!! Hatidan mo ng foods at morning kiss. Minsan ka lang maglambing kaya pagbibigyan ka nun panigu---" "Okay!" inalis ko ang kapit nya sa braso ko. Di ko na kailangan yung the rest ng sinsasabi nya. Maghahatid na lang ako ng pagkain para matapos na. "Weng, okay na. Di ko na kailagan nan. Gagawin ko naman lahat ng sinabi mo. Mwah~" paghalik ko sa pisngi nya. "Thank you, the best ka sis!" "Oi, oi! Yuck!" pag-ilag nya at marte pinunasan yun. Nilisikan nya ako ng mata. "Pasalamat ka at babae ka kundi hahambalusin na kita. Di tayo talo!!!" tinaas nya ang kamay nya para sana paluin ako. Natatawa ko yung iniwasan. "Hahaha, geh, nagmamadali kasi ako. Bye, bye." paglakad ko papalayo at tsaka kumaway. "Ipagpaalam mo na lang ako kay Papa, ha! Nasa taas sya!!!" "Oi---batang to! Teka!!! Akala ko ba hahatidan mo sya?! Ikaw na ang gumising sa kany--" Di ko na nakinig yung huli nyang sinabi at tinahak na ang daan papalabas. Buti na lang at inaadvice-san ako ni Weng. Mukhang swe-swertehi---Oo nga! Swerte nga ako ngayon! Lubos na lang ang kinatuwa ko nang makita ulit si Kuya Driver na naandito pa rin. Inatid nya ulit ako papabalik katulad nang ginawa nya kahapon. Ngunit, ngayon napagpasyahan ko nang mag-iistay muna ako sa hospital. Tutal, Friday naman ngayon, at sinabi din naman ng Papa ko na magrebelde daw muna ako ngayon, kaya hindi muna ako papasok. Bantayan ko muna si Hilaw. Kaso kung gano kasaya yung pagpapaalam sa akin ni Kuya Drvier, yun naman ang kinabaliktaran na sumalubong sa akin sa pagpasok ko ng room ni Hilaw. "Tulog." mahinang saad ko sa sarili. Tahimik ang lugar at kinig ko ang malalalim nyang paghinga, sinyales na natutulog nga sya. Hindi ko alam kung bakit ganun ang pagkakadismaya ko. Lumapit ako sa pwesto ko kanina, dun sa upuan, at muling tinuon ang mga siko ko sa pagbabakasakaling magising sya katulad nang pagkakagising nya kanina. Pero binawi ang pag-asa ko dahil hindi gumagalaw ang binti nya. Tulog talaga sya. May mga ilang minuto ko pa syang tinignan. Meron ding ideya na, paano kaya kung gisingin ko na lang talaga sya? At dahil sa sobrang kulit ko, may time din na kinakapitan ko ang kamay nya para ugain ng kunti at gisingin sya mismo. Kaso pinipigilan ako ng konsensya ko. Baka ngayon pa lang kasi sya bumabawi ng nawalang lakas kahapon, kaya hinayaan ko na lang. Di ko na ata napansin, dahil sa kakaabang, na nakatulog na rin ako. Namungat na lang ako nang may gumagalaw sa tabi ko. Medyo lumalalim ang hinihigaan ng ulo ko, dahil dun kaya't naimulat ko ang mga mata ko para hanapin kung ano man ang sumira ng tulog ko. Lubos na nangunot ang noo ko nang may makitang kamay na lumipad sa ere. Dumaplis sa akin yun at di naman ganun kasakit nang dumapo sa may gilid ng ulo ko. Tuluyan ding nalaglag yun hanggang sa braso na inuunan ko. Nagmistulang paghaplos yun imbis na paghampas. May mga mag-iisang minuto ang nakalipas para masipat ko ang nasa harapan. Isang bulto ng nakahigang lalaki. Si Hilaw. Nakapikit syang nakaharap sa kabilang gilid kaya kalhati lang ng mukha nya ang nakikita ko. Halos lumaki naman ang mata ko nang muling humaplos ang kamay nya. Muling umakyat yun sa buhok ko at tumigil sa may batok na para bang kinakapa ako. Dahil siguro sa pagtataka ay naibaling nya ang ulo nya sa akin at mumungat-mungat akong tinignan nang nagtataka. "Jade?" malagong at mamaos-maos nyang saad. Kinusot nya pa ang mata na parang inaalam kung nandito nga ba talaga ako. "You're here?" di nya makapaniwalaang saad. Medyo tumawa ako dun. "Ummm." ngumiti ako at naghalumbaba. Binigyan din nya ako ng siyang maliit na ngiti. Nangikit din ang mata nya dahil sa kagigisng lang nya talaga. "Good morning, Jade." Buti naman at hindi na sya seryoso. Medyo nakakakonsensya yung kanina eh. Talagang pinag-isip ako ng mukhang yan. Napangiti na lang ako. Iba ata ang pagkakagising nya ngayon kesa sa kanina. Mabuti na lang. Let's set a good vibes para makita naman nya kung paano ako magsimula ng araw. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko at nilapat ang labi ko sa pisngi nya. Dahil sa pagkokonekta ng katawan namin ay kaagad kong naramdaman ang paninigas ng katawan nya bilang sinyales ng pagkabigla. Nginitian ko sya. "Morning." mahinang bati ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD