Single as A Waitress

2337 Words
Jade's POV "Jade." tawag sa akin ni Weng, kasama ko syang nakahalumbaba dito sa may counter, nakaharap kami sa buong dinning hall. "Paano kaya kung tulungan mo na lang syang mamili? Kawawa naman oh." "Hmmm." pagtango ko dito. Kanina pa kasi namin tinitignan yung Hilaw kong costumer. Mga isa't kalhating oras na siguro syang naandito simula nung dumating sya, pero hanggang ngayon hindi pa sya na-order. Minsan nga lumilinga-linga sya dito na parang pusa at hindi mapalagay sa upuan nya. Ano ba naman kasing ginagawa nya dito? "Hoy, Jade!" pag-uga nya sa akin. "Aba, table mo naman yan! Kaya tulungan mo na! Baka hindi nya talaga alam yung mga pagkain dito!" Napailing na lang ako.  "Imposible." mahinang bulong ko. Kanina ko pa kasi iniisip yung rason kung bakit sya naandito. Oo, pwede ngang dahil sa pagkain pero bakit mukhang hindi naman nya alam yung ginagawa nya dito? Hanggang ngayon kasi nakakapagtaka na nakita ko lang sya sa grocery noong nakaraang linggo. Tapos sa school naman nung nakaraang mga araw, tapos ngayon dito naman, ganun? Saan na yung kasunod? Baka mamaya makita ko na rin yan sa loob ng women's washroom. Nakaka-kaba lang kaya gusto kong makasiguradong pagkain talaga ang pinunta nya dito. "Oi, wala ka bang puso?" at tsaka nya ako pinitik sa noo. "Aba, ang saki--" ngunit napatigil ako nang lingunin ko to. Nakita ko si Weng sa may kalayuan sa pwesto ko at tahimik na tinuturo ang bago kong katabi na tinulad ang pagkakahalumbaba ko. "Pa!" reklamo ko. Sya yung pumitik sa akin. "Kanina pa yang si Pogi ah." pagsulyap nya sa akin. "Kanina nyo pa rin tinitignan, wala ka bang balak tulungan yan? Sabi ni Weng table mo daw yan." Mukhang kanina pa sya nakikinig ah. Chismoso talaga. "Oh, eh, hindi pa umo-order eh." pag-iwas ko ng tingin dito. "Paano nga ba oorder yan?" mahina nyang saad na may tunog na parang sa akin nya talaga tinatanong. "Tignan mo, mukhang wala syang kaalam-alam sa tinitignan nya. Kawawa naman. Mukhang wala syang kamuwang-muw——oh tignan mo!" Napansin din pala nya kahit sa maigsing oras nang pagmamasid. "Oh, tignan mo. Binaliktad pa! Aba, kakaiba din no!" may pagkamanghang saad nya. Ganyan na ganyan din ang reaksyon ni Weng nang nakita nyang binabaliktad ni Hilaw yung menu kanina. Promise, hindi yan ang first time na nagtaka sya kung paano basahin ang menu. Kung alam mo lang, Pa. May pa side-view side-view pa yang nalalaman. At tamo, lilinga na naman dito yan pagkatapos ng routine nyang yun. "Oi, Jady." pagkulbit nya sa akin na tinignan ako gamit ng relax nyang tingin. Yung tipong nakataas ang kilay na parang may pang lasing na tingin. "Puntahan mo na, at ako ang naaawa sayo nan eh." Mabilis naman akong nabigla sa sinabi nya. Ako? Bakit ako? Eh, dihamak naman na mas matalino ako dyan at tsaka marunong akong tumingin ng menu, okay. Para menu lang eh. 4 years old pa lang ata ako mabilis na akong magbasa. "Luh! Ano naman ang kinalaman ko dyan, Master Chef? Ako na naman ang nakita mo." Iiwas na sana ako kaso kinapitan nya ang balikat ko, gumamit pa sya ng mga nakakaawang tingin. Seryoso ba sya? Kanina tinatawanan nya ako tungkol sa mga manliligaw, tapos ngayon naman kakaawaan nya ako. Hindi ka rin mood swinger no, Pa. Pagkanga naman ikaw ang natripan ng matanda na isip bata, talagang mas mang gagalaiti ka naman talaga eh no. Tinalo pa yung asar ko sa mga bullying basta-basta na lang nanunulak eh. "Anak, mas naawa ako sayo." deretsyong tingin nya sa akin na may madamdaming tingin. Anong drama to? "Kasi parang nagkulang ako ng pagpapalaki sayo, dahil nakikita mo naman sya pero bakit wala kang ginagawa? Mas alam mo dapat ang tama." bumagsak ang mata ko dahil sa huli nyang sinabi. "Wala ka bang puso?" Akala ko papagalitan nya talaga ako for real, dahil gumamit pa sya ng matang pang aso. Tapos biglang ganun, linyahan yun ng pang barkadang advice-san eh. Akala ko magfa-father figure na sya sa akin eh, yun pala paasa lang. Seryasli? Walang puso talaga? Bakit kailangan yun pa yung huli nyang sinabi? Alam mo yung parang ang ganda na nung next scene ng paborito mong teleserye, tapos biglang nagcommercial. Ganun yung pakiramdam ko ngayon. Yung tipong, ang sarap basagin nung tv. Ganun, yun yung best explanation ko sa drama ng tatay ko ngayon. "Ganun?" plain kong tingin sa kanya. Medyo na palunok naman sya at muling tumungo, bagkus ay nilagay ang kamay sa harap ng mukha na parang nagsasabing "Ulit, ulit uli". Bago humugot ng expresyon at lubos na pinikit ng madiin ang mga mata sa sobrang dramang way. Medyo kinagat nya pa ang ibabang labi na nagmimistulang para bang pinipigilan ang luha, kahit wala naman talaga. Pasyenysa na kayo sa tatay ko, ha. Kita nyo naman, nagtayo sya ng restaurant na may mga hindi maaayos na tao. Kaya ano pang ine-expect nyo sa may owner, diba? Syempre, mas malala sya. Naku Pa, ayusin mo. Last mo na yan. "Kasi mas alam mo yung tama pero di mo ginawa." muling bawi nya. Good, may sense ngayon yung sinasabi nya. Ganyan dapat ang magulang sa anak dapat nagsasabi ng may pagtuturo ng--- "Gawain yun ng mas tanga pa sa tanga talaga, anak." mabilis na pagdugtong nya. Napihit nun ang hinga ko. WALA NA! BIGTI NA!!!! Wala talaga syang tamang pwedeng sabihin!!!!!!!!! Wala na 'tong pag-asa! Hoossh!!! Nauubos dugo ko dito! Inis na napakamot ako sa ulo bago mabilisang pinihit ang daan papunta dun sa tukmol na kanina pa binabaliktad ang hindi naman talaga dapat binabaliktad. Naku!!!! Magsama kayo ng tatay ko! Sarap ibaon sa limot nitong mga to. Saang mundo ba talaga ako nabubuhay at parang mga alien ang mga nakakasama ko! Yung tatay ko parang ano! Ano lang talaga dahil hindi ko alam kung saan at anong klaseng utak sya nanggaling. Dahil kung ako sa magulang nya, mapapaisip din ako kung bakit ko pinanganak ang isang tulad nun. Tsk', isama na rin dyan 'tong Hilaw na pupuntahan ko. Grabe naman to, parang ang swerte ko ah. "Hindi nga sabi ganyan." mabilis na hablot ko sa menung kapit-kapit niya para maitama. "Hindi ka makaka-order ng ganun." pagbuntong hinga ko. Iintayin ko sana ang remarks nya, dahil alam ko namang hindi sya nauubusan ng mga linya. Alam na alam ko na yun dahil hindi ko lang basta-basta nakinig, kundi nasaksihan ko pa mismo talaga. Ngunit siguro dahil sa pinakita kong attitude nung lumapit ako ay nabigla ko ata sya. Nakakapagtaka na tahimik syang nakatingin dun sa menu, mukhang pinipilit nya talagang intindihin yun. Hindi din nya ako nilingon kaya nakakaalarma tuloy. "Sir, okay ka lang?" hindi ko inaasahang masasabi ko ang nasa isip ko. "Yeah." mahinang saad nya bago ako mabilisang nginitian, at tumungo ulit. Ngiti na hilaw yun, at mukhang nahihiya sya. Jade, sumobra ka ata. Pagkausap ko sa sarili ko. Kaya naman kinalma ko ang sarili ko bago medyo tumungo ng kaunti malapit sa kanya. At gamit ng malumanay na boses ay tinanong ko sya. "Gusto mo bang ako na lang ang mag-suggest sayo ng pwede mong kainin?" Dahan-dahan nya akong nilingon. Mukhang nabigla pa ata sya sa tono ng boses ko. Don't worry, ako nga rin eh. "Yes, please." pagtango nya. Unti-unting nagliwanag ang mukha nya na parang nasiyahan sa ideya ko. Hirap na hirap na ata talaga sya sa pag-order. Dapat pala kanina ko pa to ginawa. Kaya naman inisa-isa ko ang pwede nyang orderin. Simula sa meat hanggang sa posibleng magustuhan nya. Pero sadya atang hindi nya naka-catch yung sinasabi ko at umo-oo lang sya sa ibang sinasabi ko. Katulad din nang dati kong napansin, puro English na naman sya. Nosebleed nga eh. Buti na lang at nagbunga ang desisyon kong tulungan sya dahil sa wakas ay naka-order na rin sya. Sayang saya nga yung mga tiga-kitchen at may puso na raw ako. Ewan ko ba kung bakit laging gusto nila na may kinalaman ako, kahit alam mo yun, hindi na nakakatuwa. Hindi naman kasi ako yung hindi maka-order, pero dahil sa talent nila, nagawa pa rin nilang maging about sa akin yung topic. Malay ko ba. "Ano yun na ba lahat?" tanong sa akin ni Weng na tumulong sa paghahatid ng pagkain dun kay Hilaw. "Oo." pagtango ko at muling bumalik sa tapat ng counter kung saan namin pinapanuod ang costumer na kanina pa umaagaw ng attensyon ng mga tao dito. Kakaiba din 'tong si Hilaw no. Gusto talaga laging napapansin. Sobrang kinang nya kasi ngayon dahil sa mukha nyang sobrang saya. Yung totoo pati yung mga nasa kitchen sumisilip dito dahil sa mukhang enjoy na enjoy daw kasi nya yung mga pagkain. Eh ang akin lang naman ay sigurado yun, dahil gutom na gutom na yan for sure. Wala namang choosy at pangit na lasa sa taong gutom na, diba? Ilang oras na rin yan dito eh. "Bakit parang ang weirdo nan? Ha, Jade?" pasimpleng tanong ni Kuya Mike na nagpupunas ngayon ng kamay. Kakagaling nya lang sa kusina, at nakikisilip dito. "Ewan." kibit-balikat ko dito. "Anong ewan? Ikaw ang kumuha ng order nan." Ako na naman. -_- Nagserve lang ako! Ano naman ang kinalaman ko dyan? Hindi naman ako ang nagpalaki dyan! "Parang di mo ata ginuide." sabay lingon nito sa akin gamit ng parang may galit na tingin. "Kita mo namang hindi sya yung tipong parang ang dami kumain kaya bakit mo binigyan ng maraming option? Tignan mo, para tuloy syang nasa feistahan nan." Ano ba talagang meron sa mga tao dito at bakit parang gusto nilang magalit sa akin lagi? "Ewan kooooo." pag-iistress ko. "Ang sabi lang sa akin, i-explain ko daw yung menu. Ginawa ko lang yun!!! Hindi ko na kasalanan kung bakit ang dami nyang inorder! Malay mo gusto nya talaga yun!!!" Sumosobra na talaga sila! Pag ako nagwala dito! Pero sahalip na sumagot ay inilingan lang ako nito. "Ewan ko sayo." at tsaka pumasok ulit sa kitchen. Ewan ko sayo? Anong klaseng sagot yun? Grabe, may mali ba akong ginawa, bakit ang malas ko naman ata? I mean, oo, alam kong ang dami nga nyang inorder at oo, aminado akong talagang may part ako dun. Pero hindi ko na kasalanan kung bakit sya pumayag. Malay nyo naman magaling lang talaga akong magbenta, pero hindi ko na kasalanan yun!!! Bakit ba naman kasi umorder yang Hilaw na yan ng 8 na ulam? Take note, mga food list of the day pa yung inorder nya. At oo may part ako dun, dahil yun naman talaga ang una namin dapat i-alok bilang isang waitress. Matik na yun. Pero sya talaga yung may kasalanan. Nagtaka nga rin ako nung specific nyang hiningi yung best seller dishes namin, at yung signature dishes ng chef namin. At hindi lang yun, sinabi nya talaga na "I want your most expensive dishes." Dishes, mga brad. With 'es' po, kaya marami talaga yung gusto nya. Buti nga at 8 lang dahil pinigilan ko rin sya. Kaya totoong aminado akong may part din ako sa sinasabi nilang kaweirduhan, dahil pinigilan ko yun! "Ah?!" biglang tayong saad ni Weng. "Oh, Jade, nakataas yung kamay nya! Wag mong sabihing may kailangan pa yan, eh ang dami na nyang na-order ah." "Baka tubig lang." bulong ko bago sya nilagpasan para puntahan si Hilaw. Nagbalik na ang ngiti sa mukha nya nang sumalubong sa akin, kaya bilang mabait at magalang na isang waitress, ay binalik ko rin ang ngiting yun kahit na medyo parang hilaw yun. Katulad nya. "May kailangan ka pa?" mabait na tanong ko dito. "Yes." pagbalik nya ng parehas na tono. Napakunot ang noo ko dun. Hindi ba parang sya din yung kawawang lalaki na hindi maka-order at hiyang hiya na, oh-eh anong nangyari? Nasaan na? Ang alam ko dito din nakaupo yun. Ano ba yan, nakakain lang ng konti nagkaganyan na kaagad. Balik presko na naman. "I'm done." simpleng saad nito, at nagpupunas na ng bibig gamit ng tissue. T-eka, mali ata ako ng kinig. Kaya muli akong ngumiti ng hilaw dito. "Hmmm, Sir?" "I said I'm done." Nablangko ako dun kaya mabilis kong itinaas ang kamay ko para makita ang orasan. Ngunit, dun nagpabalik-balik ang tingin ko sa nakangiti nyang maaliwalas na mukha, at sa relo na nasa kamay ko ngayon. Hindi ko tuloy alam kung sino ang nangloloko sa akin. Sya ba o yung orasan? Mukhang mali kasi ata yung oras. "Sir, 20 minutes pa lang po ka--" "I know." pagputol nya sa akin. "And I'm done." Dahan-dahan na lang akong napatungo habang sinusuri ang nakakaloko nyang ngiti. Sinabi na ba at tama yung kutob ko kanina! Sobrang napaniwala na nya talaga ako kanina na pumunta sya dito para sa pagkain. Pero sino ba naman talaga ang magbabaliktad ng menu, ha? Ang mas nakakagalit pa nun ay tinulungan ko pa sya na umorder!!!! Bwisit! Ano ba talaga ang gusto ng lalaking to?! Pati pagkain sinasayang!!!! Pero chill, Jade. Baka naman may lakad sya at naaksaya na nya masyado yung oras nya dahil sa tagal ng order nya kanina. Oo, baka ganun nga. Tutal kanina pa naman sya naandito eh. Baka may iba namang pupuntahan. Tama! Ganun yun! "Sige, Sir. Eto na po yung check nyo." nilapag ko yun sa table malapit sa braso nya. "Ite-take out ko na lang po ito para sa inyo." sabay kapit ng isang pinggan. Ngunit tumigil ako dahil sa akto nya na pagkapa sa bulsa . Ano na naman?! "Shoot, I forgot my wallet." nakangiting saad neto, deretsyo nya akong tinignan sa mga mata kaya natigilan lalo ako dahil sa ideyang muling pumasok sa utak ko na kanina ko pa rin iniiwasang isipin. May ilang minutong tumagal ang titigang yun dahil sa pagbabasa ko ng expresyon nya. Ngunit wala talagang tumugma sa expresyon nya na tama sa pag-akto nya. Imposible talaga. Anong kailangan nya ba talaga? Bakit pakiramdam ko may balak syang masama? Imposible talagang pagkakataon lang na nagkita kami ngayon araw na to. Sinuri ko ng maigi ang mga mata nyang sumasayaw ngayon sa saya. Ano ba talaga ang gusto mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD