Single Talk With Single

2715 Words
Jade's POV Pinipilit ko talagang bigyan ng rason ang mga pangyayari ngayon, pero parang ginigising lang ako ng kilabot dahil walang ibang binabagsakan ang mga mata ko kundi ang mga ngiti nyang may kahulugan. "Okay lang." pagsasawalang bahala ko. "Wag mo nang bayaran. Intayin mo na lang 'tong mga to." turo ko dun sa mga pagkain. Winaksi ko ang masamang ideya sa utak ko. Okay lang, tinulungan naman nya ako noong nasa grocery kami. Magiging quits na kami. Tsaka ganto rin naman ang gagawin ni Papa kung makiknig nya to. Hindi naman sapat na pag-isipan ko sya ng masama dahil lang sa nagkakasalubong kami nitong mga nakaarang araw. Kaya ano naman? Jade talaga oh ang sama ng isip. "TENNGKKK!!" Isang tunog nang matinis na pagkalalaglag, umagaw yun ng attensyon ko. May nabasag. Napalingon ulit ako sa lamesa kung saan kakalisan ko pa lang, para sana i-take out nga yung mga pagkain nya. Pero dahil sa lakas ng tunog na yun ay umagaw din yun ng attensyon sa iba naming costumers. Kaya naman mabilis akong humingi ng paumanhin bago nilingon ulit ang lalaking nasa harap ko. "Oi Hilaw, okay ka lang?" mabilis kong tinignan ang mga paa nya at mas piniling ilapag ulit sa lamesa ang mga pinggang hawak, para unahin ang mas kailangang unahin. "Oi, bakit di ka nasagot? May sugat ka ba?" Pagpapaulan ko ng tanong dito. Hindi naman sagot ang nakuha ko kundi ang pagkabigla na gumihit sa mukha nya. Parang may narealize sya pero hindi rin nagtagal ang expresyong yun at natakluban ulit ng isang nakakalokong ngiti. "Hoy, okay ka lang ba?" muling tanong ko. Pero this time, hindi na tanong para sa sugat nya kung meron man. Wala na akong pake. Tanong na yun para sa utak nya. Mukhang mas bagay para dun eh. "Oh, look at that." pilit na paglungkot ng mukha nya habang sinulyapan ng mabilis ang nabasag na baso. "I think I really need to pay. I caused you troubles." Maarte ang pagkakasaad nyang yun. Aminado akong wala akong nagustuhan ni isa sa sinabi nya. Ang peke kasi. Ano ba talaga ang gusto nya, at inakala nyang makakalagpas sya sa akin sa ganyan nyang style? "Hindi na." pag-iling ko. "Okay lang yan. Siguro, dapat ilipat na kita sa kabilang table at-----" "Is there any probem here, Sir?" pagputol sa akin ni Papa na biglang sumulpot sa gilid ko. Siguro ay nakikita na rin nya na umaagaw kami ng attensyon dito. "Wal---" gusto ko sana syang sagutin na kaya ko naman pero mukhang magiging 'sapaw' na naman ako. Sya na ata ang magta-take over ng sitwasyon na to. "Yes, Sir. I caused you this." pag-amin ni Hilaw na tinuro ang kadumihan ng sahig. Aba, umamin. Bago to ah. Eh noong nasa grocery store nga, ni hindi man lang yan huminga sa derederetsyo nyang kasinungalingan. Tapos ngayon, ganyan? Ano na?! Bakit sya aamin?! "I would like to pay for it." dagdag pa nya. "But unfortunately, I forgot my wallet." At katulad nga ng sinabi ko kanina ay tumama nga ako nang mabilis na hinindian ni Papa yun. "That would be alright, Sir." nakangiti nitong saad. "Your satisfaction to our service would be enough." Kitams, kahit medyo ewan ang tatay ko, kakaiba talaga yan pagdating sa mga gantong seryosong sitwasyon. Minsan nga hindi ko na sya nakikilala eh. "Jade, could you please assist him to the next table so he could continue his meal in comfort. And I would get someone to clean this mess." See, pati ako ini-English nya! Saan na yung tatay ko??!!! At siguro dahil English nga eh medyo late ko nang narealize yung sinabi nya, kaya naman mabilis akong napataligod para sana sabihin sa kanya na aalis na rin 'tong Hilaw. Kaso may muling matinis na tunog ang umagaw ng attensyon namin. "TENNGKKK!!" Parehas namin nilingon yun nang sabay at dahil siguro sa mag-ama kami ay parehas ang naging galaw namin at reaksyon. Madiin kaming napatingin sa pinggan na nasa sahig. Magkakahiwalay ang mga parte nito, in short nabasag. Gumawa yun ng panibagong kalat. Parehas naming nilingon ng may pagtatakang mukha ang pinaggalingan nun. Si Hilaw. "Sir, you're alright?" reaksyon ng tatay ko na sumalamin sa reaksyon ko noong una. At katulad din ng ginawa ko kanina ay ganun din ang ginawa nya. Samantalang ako ay nabato na naman dahil sa masamang ideya na ayaw akong tantanan. Bakit ang lapit ng relax na relax nyang kamay dun? Kung saan kasi nalalag ang pinggan, ay naandun din nakatapat ang kamay nya na nakapatong sa lamesa. Teka, imposibleng same mistakes yun. Pangalawang beses na to ah. Una baso, ngayon naman pinggan? Talaga bang paninindigan nyang stalker sya? Kanina pa kasi yun ang iniisip ko. "Jade, what are you still standing there?" tanong ni Papa na hinatak ako muli papatalikod. "You need to hurry and---" "TENNGKKK!!" Nanlaki ang mga mata ko dun. IMPOSIBLE!!!!! Muling nilingon namin ang pinanggalingan nun. Nag-ala pang horror film action ang dahan-dahan naming paglingon ni Papa. "Oppps, sorry." binigyan nya kami ng hindi siguradong ngiti. Ngiti???? Anong ngini-ngiti nya?! Kaya naman sahalip na magreact ay mas inintay ko ang reaksyon ng tatay ko. Ang nakaka-kaba ngayon ay ang paglalagyan ng kaluluwa mo, Hilaw. Ayaw pa naman ni Papa ng aksaya sa pagkain at hindi lang yun, pinapahalagahan nya ang bawat gamit dito sa restuarant. Lalo na sa kusina, kaya yari ka ngayon. Kilalang kilala ko ang tatay ko kaya nung sinabi ko na yari sya, ay nagkatotoo nga. Pero bakit ganun? Bakit ako kasama? Ano na naman ang kinalaman ko sa nangyari?! Lumalim ata ang galit ng tatay ko sa akin. At nung sinabi nya na paghugasin daw ng pinggan si Hilaw para sa damage cost, ay sinama nya ako. Tutal ako naman daw kasi ang nag-assist sa table nya kaya hanggang sa di daw sya matapos ay dapat daw i-assist ko pa rin sya. Kaya naandito tuloy kami sa may kusina at naghuhugas. Kami lang dalawa at bawal daw kaming tulungan ng iba. Napapairap na lang ako dahil una sa lahat, magche-chef kaya ako. Kaya ine-expect kong kung may paglalagyan man ako sa restuarant na to, sa kusina yun dahil magluluto ako. At HINDI para maghugas. "Hey, you shouldn't offer to help me." pagpuna ng kasama ko. Di ko pinahalata ang madiin kong pagpikit. "Hindi ko choice yun." mabilis na saad ko. "Your father told you to assist me. Not help me." Dumapo ang tingin ko sa kanya nang bigyan nya ako ng isang ngiti na nagsasabing tama sya. "Pwedeng tama ka dyan. Pero magkaiba kasi tayo ng pagkakaintidi kaya hayaan mo na." mabilis kong binanlawan ang pinggan sa kamay ko. "Tsaka, sa tingin mo ba matatapos mo lahat to?" turo ko sa tambak na hugasin. "Ako na nga na tiga-rito talagang nahihirapan na tapos ikaw pa kaya." Gusto ko sanang idagdag na, sa totoosin nga nababasa na ngayon ang nakarolyo nyang sleeves sa siko, kaya anong nirereklamo nya? Hindi nya to kaya. "Tignan mo, halatang di ka sanay. Maliligo ka nan for sure. Marami pang dadating mamayang hugasin sa closing. Mas mahirap na hugasan yung mga pangluto." Mahihirapan talaga kami nito. Mukhang ako lang kasi ang gagawa at parang di naman nya ata alam ang ginagawa nya. Bakit kasi nagpresenta pa syang maghugas? Kung di nya kayang bayaran, dapat pumayag na lang sya na wag. Dalawang beses pa kaya namin sya ni Papa pinagbigyan. Mabilis kong tinapos ang hugasin malalapit sa akin. Binababad ko na rin ang ibang pinggan sa unahan nya para hindi sya mahirapan. "Hey," pagtawag nya sa mababang boses, nang may mga ilang saglit pang lumipas. "You do remember me, right?" pagngiti nya sa akin na hindi pinansin ang pagpuna ko. Eto na ba yung moment na sinisugurado ng mga may kasalanan (bad guys) yung mga nakakakita sa kanila (witness, which is ako ngayon)? Diba inistalk nya ako dahil ako lang ang pwedeng makapagsabi nung about dun sa kaso nya dun sa groceryhan? Ako yung witness na kasama nya dun sa pagtakbo. Napalinga tuloy ako kung may kasama ako, at mahirap na. Baka mamatay na lang ako nang walang nakakaalam. "You called me Hilaw." pagpapatuloy nya. Hindi naman bumagay sa pagdulas ng dila nya ang binanggit na huling salita. Akala ko nga hindi na nya tanda yun, dahil noong nakaraan pa yun eh. Hilaw nga. "Hmm?" pagtaas ng kilay ko rito. "Ang alin? Yung sa may grocery na puro kasinungalingan yung sinabi mo, o yung sa school na puro ka-ewanan?Alin dun ang dapat kong alalahanin?" medyo natawa pa sya bago tumango. "Good, good. You remember." saad nya at suminghot. Lalagnatin pa sya ata sa paghuhugas. Parang namutla kasi sya sa pagkakawala ng maliwanag nyang ngiti. "Then you remember what I told you at your school?" Kumot ang noo ko sa pagbigay nya sa akin ng maaliwalas na ngiti. Ano naman yung about dun? Bakit biglang balik energize kaagad sya? Ang bilis naman nyang maging okay. Sa pagtingin ko sa mata nya ay parang may lubos akong naalala na para bang sinasabi na I should be drown to it. "You will be my girlfriend." Biglang pagpasok ng isang nakakagagong boses sa utak ko. Ano ba yan, pati utak ko puro kalokohan na din. Ang lala na talaga ng polusyon. "Oh, you remember!" pagbase nya sa pagtigil ko. "Hindi, hindi." mabilis kong pagtangi bago pinagpatuloy ang paghuhugas. Mas maganda kasi kung mabilis kaming matatapos, at puro kakaiba na lang na kapahamakan ang binibigay nitong ugok na to sa akin. "No, you do remember!" pagsalungat nya sa akin. Tinignan ko sya ng masama na nagpabalik sa pagiging malumanay nya. Hindi ko alam kung ano ang inaamok nya dyan, at mukhang ang excited nya. "I meant that." Alin? Yung about sa pagiging girlfriend? Aba, gago to ah. Muli kong sinuri ang mukha nya at tanging ang nakangiti nyang mata ang sumalubong sa akin. Seryoso ba sya? "Ayos ka lang?" walang prenong tanong ko. "Hahaha, of course, I am." Of course, I am? Tapos tumatawa?Anong trip nito? Tokmol na to. Akala ko ligaw lang tapos yun pala naghahanap lang ng mapapagtripan. Gago lang. So meaning, yung pagpunta nga nya dito ay sadya talaga? Kasi imposible talaga na magkita kami ng sunod-sunod. Kapit-bahay nga namin hindi namin nakikita, yung mga pangkaraniwang tao pa kaya na makakasalubong namin, diba? Eh, nagkita nga lang kami sa grocery-han tapos sa dami-dami ng tao dun, sya pa talaga yung pwedeng makita ko ulit ha? Imposible nga ang pagkikita namin ngayon. "Alam mo, ang lakas ng tama mo. Akala ko ba kumain ka na. Oh." pag-abot ko ng pinggan na dapat sya ang nagsasabon. Baka kasi nakakalimutan nya yung kailangan nyang gawin at kinekwento lang ako para ako na yung gumawa. Galawan nina Kuya Mike yan kaya sanay na ako. "No, I really meant that. Like really, for real." madiin nyang saad. "Oi, alam mo, iba na lang." "No, it can't be others." Napatigil ako dun. Nakatungo sya at hindi na nakatingin sa akin dahil naghuhugas na sya. Bulong lang yun pero nag-iba ang timbre ng boses nya. Ang bilis rin ng sagot nya. Aasarin pa ata ako. Pagka nga naman sineswerte ako oh. Napailing na lang ako. Hindi ko na lang sya pinansin. Ganun din naman ang ginawa nya. Naging parehong tahimik ang paligid na kinagalak ko naman. Pabor yun sa akin dahil ayaw ko yung pinag-uusapan namin. Hindi pa nga kami magkakilala tapos gumaganyan na kaagad sya. Ano sya feeling close? Tsk', lagi naman atang feeling close yan. Jade, remember yung sa grocery. Mag-asawa pa nga daw kayo, diba? Ewan!!!! Bahala sya! "Hey, I'll be back." pagpapaalam nya sa amin. Pero more like sa akin, dahil sa pagtingin nya ng deretsyo. Tapos na ang paghuhugas namin at closed na rin ang restaurant. Bagsak mata ko yung tinugon habang tumatango. May saglit pang tumitig to sa akin na para bang may kulang sa sinasabi ko, or more on like—-sa pagtango ko. Ngunit, lumakad na rin to papalayo. Anong ine-expect nya, na sasagot ako o di kaya ihahatid pa sya dun sa may kanto? Abnong yun. "Hay~" pagbuntong hininga ko nang nakaalis na sya. Nakaramdam naman ako ng mahinang pagdapo ng kamay sa balikat ko at hinilot yun. "Okay ka lang, Jade?" mahinang tanong ni Weng. "Ikaw kasi, wala namang nagsabi sayo na tulungan mo sya eh. Yan tuloy, baldado ka! Alam mo namang papahirapan talaga ni Master yun dahil dun sa ginawa nya. Kitang kita kaya na sinadya nya yun." Yun na nga eh. Sinadya nya yun kaya sya nagkaganun. Nakakayamot lalong isipin dahil dun sa mga sinabi nya. Kung katatrantaduhan lang talaga yun, ay hundi ko na alam. Parang sobra-sobra namang kamalasan yun sa part ko. Ganun ba sya ka-bored sa buhay nya at nangdadamay pa ng iba? Umiling na lang ako. "Nakakatakot talaga." "Ha?" pagsulyap nya sa akin. "Wala." tumalikod na lang ako para makapasok sa loob. Kahit naman ikwento ko sa kanya o kahit pa kanino, ay wala namang makakaintindi sa akin. Dahil miski nga ako ay naguguluhan sa utak ng lalaking yun. Hindi ko alam kung sino ang nagpasok ng ideyang yun sa utak nya, pero kung magkikita man kami ng master nya sa stalking, ay talagang babaliktarin ko sya ng buo. Isang linggo na rin ang lumipas at natapos na rin ang sem break namin. At dahil wala namang sumeryoso sa "I'll be back." nung Hilaw ay inaasahan kong huli na naming pagkikita yun. "Jade, lakad ka lang?" tanong sa akin ni Rina. Pauwi na kasi kami ngayon galing sa school. Gagala nga dapat kami pero mukhang sinuwerte na naman ako at ang sakit na naman ng tyan ko dahil sa lunch na kinain ko, kaya nabalakan ko nang dumeretsyo pauwi. "Oo, malapit lang naman." Actually, malayo. Tsaka ang meaning nya talaga dun sa lakad ay commute, which is lagi ko namang ginagawa. Iba kasi talaga ang vocabulary ng may mga sasakyan at ng may mga boyfriend na sundo. "Kahit na masakit ang tyan mo?" maarteng tanong ni Stella kaya tinaasan ko to ng kilay. "Hindi mo rin naman ako maiihatid kaya wag mo nang itanong." "Kaya nga, don't feel na may care ka, Stella. A-act ka pa dyan at magpapanggap, baka seryosohin yan ni Jade at umasa pa." dagdag naman ni Cheska. "Grabe, Maldita ka. Kanina ka pa." Kanina pa talaga yang dalawang yan simula nung lunch pa. Pano, mga batak at ngayon lang nagkikita after nung sem break. Batak, which means na missed nilang asarin ang isa't isa. "Bahala ka na nga." sabay tapik nya ng malakas sa balikat ko. "Sabi ko naman sayo, eh. Mag boyfriend ka na! Para naman sa ganun hindi ka na nagpapababy dyan sa pag-uwi!" Nagpapababy? Ano yun? "Oi, wala nga akong balak maggaganyan ganyan!!!" hinawi ko sila. "Pababy kayo dyan." Wala naman akong balak magpahatid kaya wag nila akong itulad sa kanila. "Kaya ko ang sarili ko!" pagpapaalam ko bago nauna na sa paglalakad. "Adiue." pagpeace sign ko. Nagbabounce bounce pa ako habang naglakakad. Nang makalayo-layo na ko, iniisip ko sanang tanungin si Papa para dun sa mga lunchboxes na pinapadala nya sa school, kasi parang hindi nya ata namamalayang hindi nya nagagawa ng tama yung mga luto nya. Diba nga kasi nung una parang mga hilaw yung mga sandwiches nya, ngayon naman puro kakaiba. May mga luto syang di ko alam, ngunit parang lahat ata ng binibigay nyang pagkain ay puro maaalat o di kaya walang lasa. Sa tingin ko nagtatry sya ngayon ng mga new recipe, at ako ang nabalakan nyang patikimin nun. Pero usually kasi, ang alam ko, si Kuya Mike lagi ang kasama nya sa ganun. Ewan ko nga lang at pati sa lunchbox ay parang napaparami ang gastos nya. Kada-isang araw kasi mga lagpas isa ang pinapahatid nya. Nagtataka na nga ako eh, nakakalimutan ko lang itanong sa bahay. Pero okay to ha, may ginawa ding hindi perfect si Papa sa kusina. Hahaha, hindi ko inaasahang dadating talaga ang araw na to. Magkakameron na naman kami ng cooking time. Pero this time, ako naman ang magtururo. Akala nya ah. Dapat talaga ganun, new perspective galing sa young blood. "Hey!!!!" Isang malakas na tinig ang pumutol sa pag-iisip ko. Inangat ko ang tingin sa unahan. Halos tumigil ang mundo ko sa lalaking kumakaway papalapit sa akin. Hindi ko inaakalang may pagka-MacArthur pala sya na nag- "I shall return." PERO BAKIT!!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD