Single’s Secret Lunchbox

2780 Words
Jade's POV "Hey!!!" Mabilis akong napatalikod. Stalker alert! Bilis, Jade! "Hey." paglapat ng isang kamay sa balikat ko na nagpatigil sa akin. "Ha?" ngumiwi ang ngiti ko para hindi naman halata na tinakbuhan ko sya. Okay na sana kung hindi lang nya ako naabutan eh. Eto yung scenario na nagreresemble sa una naming pagkikita. Ang kaso lang ay hindi na gwardya yung tinatakbuhan ko, kundi sya na mismong tumulong sa akin noon. "Come on, don't look at me like you don't know me." natatawa nyang saad. May maaliwalas na naman syang mukha kahit halata ang pagod sa pagtakbo kanina. Wala ba talaga syang kapaguran sa trip nyang to? "Excuse me?" maang-maangan kong tanong. Inilag ko ang braso na kinapitan nya kanina, at dahil dun, tumaas ang kilay nya na may gulat. Ngumisi sya. "Oh, sorry Miss. I think I got a wrong person." paglinga nya sa iba na tila may hinahanap. Nanlaki ang mata ko, ngunit hindi ko yun pinahalata. Yes! Oppsss, hindi ko alam na kulang kulang din pala sya. Ang aga naman nyang makalimot. Buti na lang at makakaalis na rin ako. Akala ko mahihirapan ako ngayong araw na to sa pagtakbo. Makaalis na nga bago pa ak--- "But that's not the case here, hahahaha." napatigil ako sa pagtawa nya. Bumagsak ang tingin ko sa kanya habang tumaas naman ang gilid ng labi nya. "Sorry, I just played along. Hahahahaha, that's also what you said back then at the restaurant. I remember it too well." Kupal to, pati ba naman yun naalala nya. "You also act there like you don't me. A good professional waitress with a remarkable concern to prioritized their costumer's care." lumitaw ang pilyo nyang ngiti. "It's was all good act until you suddenly called me Hilaw." Mas lalong nawalan ng buhay ang mata ko. Pati din yun tanda nya. Galing naman nya. Tsaka anong sinasabi nya, anong act? Hoy, good professional waitress talaga ako, hindi basta-basta na act lang yun! Natural may concert talaga ako sa costumers, hindi naman ako kasing peke nya. Tsk! "Hahaha, it's fine if you can't remember it." aabutin nya sana ang ulo ko pero mabilis kong iniwas yun. Feeling close na naman kasi sya. Pumikit sya ng marami na nagsasabing na-awkwardan din sya sa naging pag-iwas ko, ngunit ngumiti na lang din sa bandang huli. "Anyways, did you like your lunch?" Nakakagulat yung tanong na yun. Lunch? Ano namang kinalaman nya dun? Hala galawang stalker, girl. "Oo naman." taas noo kong ipagmamayabang yun. Baka mamaya bumaba pa yung reputasyon ng tatay ko kung sasabihin kung hindi. "Oh really! That's good." masayang pagdidiwang nya. Hindi ko naman alam kung para saan yun. "Then I think I should have your lunches too." "Talaga." pagsangayon ko. "Kung gusto mo sabihin ko kay Pap--" "I think I should also cook for myself too." saad nya sa sarili habang nakatingala. Ano daw? Napakunot ang noo ko dun. Cook for myself? "So that way we're eating the same thing. That'll be as if we're eating together, right?" tumingin sya sa akin at ang nakinig ko lang dun ay ugong. Anong sabe? Sya daw ang magluluto para parehas kami? "Te-ka, teka!" pigil ko dito sa paglalakad nya. "Ikaw?" Lumawak ang ngiti nya habang tumango ng dahan-dahan. "Of course, I did. Remember, I told you. I'm serious to what I said at your school and at the restaurant." Umiiling kong winahi ang kamay ko sa harap nya, para tumigil sya. Hindi nya ata naintindihan yung ibig sabihin ko at kung saan-saan napupunta ang usapan. Hindi yun yung issue ngayon eh. "No, hindi. Ang ibig sabihin ko ay, anong meaning mo dun sa ikaw?" pagturo ko sa kanya. "Me?" turo nya sa sarili. "Yeah, I cooked you those lunches. You don't know?" Nawala ang pagkakatitig ko sa kanya bago binasa ang mga labi at tumingin sa iba. Ayaw kong ipahalata ang inis ko dahil wala naman syang kaalam-alam dun. Tsaka nasa parte ko na rin yun. Ako yung walang ideya at naging prente lang sa isiping kay Papa yun galing. Hindi ko kasi pinansin yun kahit ang totoo ay matagal na rin akong nangangamba at nagtataka sa mga hindi normal na luto dun. Imposible ngang sumablay si Papa sa pagluluto, bakit ko nga ba di itatak yun sa isip ko? Muli kong tinignan ang lalaking nakangiting nag-aabang sa harap ko. Sya, sya?!!! Yung iniinda ko na sakit ng tyan noong nakaraang linggo ay galing pala sa kanya! Nagflashback tuloy ang lahat sa utak ko. Simula sa colorful at bagong lunchboxes na may puro pink signatures na super girly, at naglalaman ng kung ano-anong luto na hindi ko alam. Dun pala lang, bakit hindi ko pinaghinalaan yun? Pinapadala pa sa admin, kesa sa gward na kadalasang dun ko nakukuha ang pinapadala ng tatay ko. Hindi lang yun ang nakakahinala, dahil late pa ang pagpapadala na malapit na sa time and ng lunch, kaya ang weird na hindi ko napansin yun. Jade naman!!! Ikaw din ang may kasalanan! Tanggap ka ng tanggap sa mga hindi mo kakilala!!!! Ang uto-uto mo naman! Hayyyyyyy!!! Pati yung exam na minadali ko, ako din pala ang may kasalanan! Nooooo, hindi pwedeng papalagpasin ko to!!!!!! Binigyan ko ng death glare ang ugat ng kinakainisan ko ngayon. Bakit ba naman kasi ganun sya magluto? Nasabi ko pa naman na masarap. Naku kang Hilaw ka, akala ko salita lang ang hilaw sayo, yun pala meron pa. Pati pagluluto mo hilaw din! Puro ka talaga surpresa. Ang dami mo talagang tinatago, Hilaw. Ganyan ba talaga lahat ng mga sinungalin? "Hmmm." pagkimkim ko ng galit habang tinitignan ang kabuoan nya. "M-may time ka ngayon?" hindi siguradong tangong ko. "Yeah." mahinang sagot nya at tsaka nagpunas ng pawis. Namumula pa ang mukha nya dahil sa init, ngunit kahit ganun hindi nagbabago ang ngiti nya, at hindi rin alintana ang hindi komportableng init. Tiga saan ba talaga sya? "Sige, sumama ka sa akin." Galawang pangsindikato yun pero hindi sya nagtanong kung saan. Sumama lang sya at sumunod sa akin. Para syang batang binigyan ng candy, pero mas malala pa ata dahil bukod sa idadang higit bente na sya, tapos wala pa akong binibigay na kahit ano sa kanya, eh sasama na kaagad sya! Oh diba, napaka-adult nya! Bakit ko ba kasi tinanong pa kung may time sya, eh alam ko namang gusto lang nya ng may magagawa kaya sasama talaga sya ng walang katanong tanong. Pwede ko na nga syang nakawan o patayin eh. Pati pagpasok nya sa loob ng bahay namin, wala syang tinanong. Oo dinala ko sya sa mismong bahay namin. Hindi dun sa restaurant kasi baka tanungin pa ako ng mga tao dun. At tsaka wala kaming space doon sa loob ng kitchen, lalo na't medyo busy ang oras na to dahil nga sa labasan ng mga studyante. For sure sobrang g**o na ngayon dun sa kusina. "Cool space." pagmamasid nya nang pinaupo ko muna siya sa isang stool na malapit sa counter. "Your family must really love to cook. Your kitchen is so nice." "Salamat, dyan ka lang muna ha. Ihahanda ko lang yung mga gamit." Hindi ko na inintay ang sagot nya at kinuha ang mga kailangang gamit para sa gagawin namin. Buti nga at may groceries pa pala dito, akala ko ubos na. Sumilay ang ngiti ko dahil dun. Minsan kasi dito ako nagprapractice para sa mga dishes ko, at tsaka yung mga extra ingredients sa restaurant ay dito nilalagay para kung may emergency time na may kulang sa loob ay dito na lang kukuhain. Tutal, malapit lang kasi. So basically ang kitchen namin dito ay source at pang practice-san lang. Yeah, pwede ding tawaging extend storage. "Ready?" pagpwesto ko sa harap ng counter kung saan ko nilagay ang mga ingredients. Naka-apron na ako at hugas na rin ang mga kamay. Hindi na ako nagpalit ng iba pang damit at nanatili na lang sa uniform. Kung gagawin ko kasi yun baka matagalan kami bago magsimula. Umangat ang isang parte ng labi nya. "Oh, you will cook for me, that's so--" "Hindi, hindi." nilinis ko na ang ideya sa utak nya dahil baka kung ano-ano pa ang sabihin. Mahirap na at may pagka-script writer pa naman sya. Mabilis nyang mabibigyan ng ibang meaning ang ginagawa ko ngayon. "Pero magluluto tayo." "You don't need to return the favo—" kumunot ang noo nya sa pagtutol ko ulit. "Hindi, hindi sa ganun. Okay na to, para parehas tayo ng pagkain bukas." Hindi na sya tumutol at sahalip ay nginitian ako. Buti na lang at okay na. Kung hindi, wala na talaga akong sasabihin. Kasi hindi ko naman pwedeng sabihin na—na gusto ko lang talagang makasigurado kung saan nanggagaling yung kakainin ko para hindi na rin sumakit yung tyan ko bukas. Ang sama naman nun diba? Hindi rin naman kasi nya ata alam na ang sama ng lasa ng luto nya, which is malaking palatanungan sa akin. Pwede naman kasing tikman, bakit di nya ginagawa bago ibigay? Konti na lang talaga at mag-aadjust na yung tyan ko sa luto nya. Pagnangyari yun, wala ng essence ang pagiging chef ko dahil umo-okay na ako sa mga ganung klaseng luto. Kaya kailangan ko syang turuan, pero hindi sapat yun dahil alam kong hindi magbabago ng basta-basta ang luto niya, dahil iisa lang ang gulat kong reaksyon sa mga ginagawa nya ngayon. "Oh teka! Ba't mo kinukuha kaagad yan?" biglang tanong ko dahil kinukuha nya kaagad yung mga itlog na di pa ready sa pagkakaboiled. "What? I'm getting them." mapagtakang tingin nya sa akin. "It's dangerous so I'm getting them for you." Seryoso sya? Ay juiceko, bakit ba hindi muna nya kalimutan yang mga baduy nyang pick-up lines? Tatagal lalo kami dito kung unahin pa nya yan bago matututo. Tsaka eh ano naman kung kumukulo nga yan at 'dangerous', bakit kailangan nyang kunin kaagad? Tsk', napaka-impatient nya naman. "Hindi pa luto yan. Mga 5 minutes pa lang yan dyan kaya relax ka lang." sabay abot ko sa kanya ng sibuyas. "Hilaw, oh. Eto muna." Ngunit bumagsak sa hangin ang kamay ko, walang sumalo nun, kaya napatingin ako sa kanya. Hindi nya kinukuha yun kahit ginalaw-galaw ko ang kamay ko para senyasan sya. Busy kasi ako kaya di ko alam kung ano ang ginagawa nya, ngunit sadyang di ko pwedeng alisin ang attensyon ko sa kanya. Mahirap pa na mawala ang tingin ko sa kanya dahil kung ano-ano ang ginagawa nya sa mga nakakapitan nya. Katulad ngayon dun sa itog, kung ano yung makita nya gagawin nya kahit di sya sure. Kaya ngayon alam ko na kung bakit ang daming problema ng tyan ko sa tuwing kinakain ko yung mga lunch na pinapadala nya. "Bakit?" ang weird kasi ng tingin nya sa akin. Tumungo sya at tinago ang ngiti. Kumagat din to sa ibabang labi nya at medyo napailing. "Nothing, you just called me Hilaw." Umiling ako, weirdo ko syang tinignan at hindi na pinansin ang sinabi nya dahil sa hina ng pagkakabulong nun. Ginalaw-galaw ko na lang ang sibuyas sa kamay ko para makita nya na inaabot ko yun sa kanya. "Tuna muna para matapos na." Sandwiches lang ang ginagawa namin pero hindi ko inaasahang tatagal kami. Balak ko kasing itama muna yung paggawa nya ng mga sandwiches, yun kasi ang madali at sa pagkakatanda ko, yun din ang una nyang binigay. Pero yung akala kong madali, mahirap pala. Buti at hindi ko sinimulan sa putahe. Baka abutin kami ng bukas dito eh. "Oi! Hilaw hindi ganyan! Mahihiwa ka nan." kinuha ko sa kanya ang kutsyilyo bago pinakita kung pano gamitin yun. "Ganto hiwain to." Medyo tumabi ako sa kanya para makuha ang pwesto sa harap ng chopping board. Hay~ sibuyas lang ang dami na kaagad oras na nagagamit. Paano pa kaya yung ibang sandwiches? "Funny how close we are on every time we got in a same room, but we haven't still know each other yet." yan na naman sya. Wala ako dung masasabi kasi wala talaga akong balak magpakilala sa kanya. "Come on, you always called me with names. So it'll be fair if I can call you with something, right?" "Pwede naman yung Miss." "Miss?" mapakla nyang saad. "I could call all girls a Miss." Hindi kaya. Pagmay asaw na, hindi na pwede ang Miss. "Oh, eh anong gusto mo?" Ang choosy nya pa. Magtatanong tapos ayaw din naman pala ng sagot. Parang ewan. "What about your name?" paglingon nya sa akin kaya tinulak ko pabalik ang mukha nya sa ginagawa nya. "Tignan mo yang hinihiwa mo at hindi gagalaw yan para iwasan ng kusa ang kamay mo." "Okay, but seriously. Why can't you just give me your name?" Kasi stalker ka. Gusto ko sanang sabihin. "Oh, lagay mo na yan dito tapos haluin mo na at sobra-sobra na yang hinihiwa mo." pagbigay ko sa kanya nung tuna spread. "One down, two to go. Dyan ka lang ha, check ko lang yung manok." "Ah~tsk', come on, it's not like you're going anywhere. We're still in the same place, we can talk. Can you just give me your name?" paglapit nya sa akin at sa mismong tabi ko hinalo yung bowl ng spread. Totoo naman kasi yung sinabi nya dahil apat na hakbang papatalikod lang naman yung sa may kalanan namin. "Oi, tumabi ka nga. Mainit dito." Ang kulit nito ah. "Name, Miss." pagngiti nya habang pinapapungay ang mga mata. Ano sya nangchi-chicks lang? Dinala pa talaga nya ang kabaitan kong turuan sya sa ikaka-advantage nya sa kalokohan. "Wag ka ngang makulit dyan! Tsaka hindi to bar, bahay ko to! Kaya wag ka dyan maggaganyan ganyan. Tabi! Baka mapaso ka." inahon ko na yung chicken para matapos na kaagad. "Tama na yang paghahalo, tapos na yan. I-shread mo na 'tong chicken at wag mong isasama yung buto sa laman ha. Paghiwalayin mo." "Okay." pagtanggap nya sa tinidor na binigay ko. Sumulyap sya sa akin. "You let me in your house but you can't tell me your name?" At talagang ayaw nyang sumuko ha. Bakit pa nya kailangan ibalik yang topic na yan? Can't he just let it go? "Tigilan mo na yan." pinalakihan ko sya ng mata. Pati pagdala at pagpapasok ko sa kanya dito sa bahay na damay. Tsk', samantalang hindi sya nagtatanong kanina. O sige, tama sya. Eh ano naman ngayon na pinapasok ko sya dito? Kung kaya nya pating akyatin ang bahay namin. Subukan lang nya, at mahuhuli naman sya ng tatay ko. Pero sa tingin ko malabo yun, kung titignan kasi ang galawan nya at pagsasalita, hindi pwedeng yun ang kailangan nya sa bahay namin. Mukhang mayaman din naman sya dahil kita naman sa mukha. Baka nga anak pa sya ng amerikano. Tamo pati balat namumula at sensitive sa init! Nakakapagtaka talaga kung ano ang pakay nya dito. Kung trip lang kasi, pwede pa. Kaso sa akin? Parang hindi naman ata uubra yun, parang nag-aaksaya lang sya ng oras. Mayaman sya kaya malabong magka-interest sya sa akin, unless....unless may nag-utos sa kanya! Oo nga, ganun nga yun! Marami pa naman nakwe-kwento sila Cheska na mayayaman na mahilig daw mantrip at magpustahan. Baka isa to sa mga yun! "I can't understand you." pagbulong nya. Okay na yan. Ang dami pang sinasabi eh. Malalaman at malalaman ko rin naman ang pakay mo. Magluto na lang muna tayo ngayon para sa mga efforts mo. Hay, naku, anong oras na kami matatapos dito? Sana talaga hindi na kami magkita pagkatapos nito. At sana itigil na rin nya yung pagpapadala ng mga pagkain sa school. Yun rin naman ang rason ko kaya ko to ginagawa. Para sa ganun quits na kami, at para mas madali syang sabihan na itigil na nya yung pangtitrip sa akin. Siguro naman ayos na to in a good way, naiisip ko kasi na kung basta-basta ko lang syang itataboy at sasabihan ng kung ano-ano ay baka magkameron pa ako ng kaaway. Mahirap na at baka abangan na lang ako nang kung sino man ang nag-utos sa kanya. Wala rin naman kasi sa mukha nya ang gagawa ng masama pero 'don't judge a book by it's cover' nga, diba? Sinulyapan ko sya ng palihim. Malumanay talaga ang mukha nya. Sya kasi yung lalaking mukhang pala-ngiti na may mapupungay na mata. Napaka-gentle nyang tignan. Lalong bumabagay sa kanya ang kulay ng buhok at mata nya na brown. Aminado akong nagmumukha syang mabait dahil sa kulay na yun. Parang napakaliwanag at very natural, yung tipong mapapa-isip ka na nasa simbahan ka pag sa tuwing ngumingiti sya. Mabuti sana kung yun din ang tunay nyang hatid na mabuting rason sa akin. Buti at masaya sya sa ginagawa nya. Hindi ako mahihirapang pagsabihan sya ng maayos na lumayo na sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD