Jade's POV
"Oh, eto na." pag-abot ko sa kanya ng total products na gawa namin. "Pasyensya ka na nga pala at yan lang yung lalagyan. Nasa restaurant pa kasi yung iba." pagturo ko sa lunchbox na pinaglagyan din nya ng mga sandwiches noong unang bigay nya sa akin.
"But I already gave this to you." kunot noong saad nya. Pati ba naman yan natatandaan nya. Nakakarami na sya ah. Hindi ba pwedeng gamitin ulit?
"Hindi, hin-di--" nawala ang sasabihin ko, taka ko syang tinignan. "Bakit? Hindi ba dapat ibalik ko sayo yung mga yun?"
Kasi kung hindi, aba, baka tabunan na ng puro pink nyang lunchboxes ang buong bahay namin. Sa araw-araw ba naman nyang pagpapadala. This week pa nga lang puro iba't ibang klase na yung natatanggap ko, na minsan ay hindi lang iisa dahil sa dami nang luto nyang binibigay.
Aba, ang ganda naman ng source nya kung ganun. Hindi ba nauubusan na ng laman ang bahay nila? Hindi ko alam na investment na pala ngayon ang pag-iipon ng nga mamahaling lunchbox.
"No, no. I want to give them to you." dun na tumulad ang reaksyon ko sa mukha nya. Ang weird ng lalaking to.
"Ah, hindi na. Ang dami na rin kasi. Kaya kunin mo na yan. Marami pa akong ganyan. Iisa lang naman ang mawawala kung kukunin mo yan ngayon, he-he--he he." hilaw na tawa ko. Oo, iisa lang, kaya namomoblema ako kung paano ko ibabalik yung iba.
"But this is too much." pagtingin nya sa kapit. Bakit kasi ang laki mo maglunchbox, ha? Ano bang akala mo sa akin sa tuwing pinapadalhan mo ako? Na palagi akong gutom at walang makain, ganun ba?
"Okay na yan. Meron din naman ako sa loob." pagturo ko sa may gawi ng pinto. Nasa labas na kasi kami ngayon at inihatid ko lang sya sa may kanto para hindi sya maligaw. Madilim na rin kasi. Inabot ba naman kami ng 7pm mahigit dahil sa pagka-inosente nya sa pagluluto.
"But you don't h---"
"Okay na yan! Sige, alis ka na." pagtulak ko sa kanya. Hahanapin na rin kasi ako sa amin. "Tsaka, kung may magtanong man dyan sa dumi ng damit mo, sabihin mo sa cooking class galing yan ha."
Ang dumi kasi nya ngayon dahil hindi ko namalayang puro pahid pala sya ng pahid sa damit nya kanina tuwing nadudumihan yung kamay nya. Hindi sya marunong gumamit ng apron, halata naman. At yung apron na pinagamit ko sa kanya kanina, ayun mukhang bagong laba pa rin. Hay~ -___-' g**o nya no.
"Well, thanks for this." pagtaas nya sa kapit. "And for teaching me." pagngiti nya. Parang natangay naman ako dun. Mula sa mata nyang may makintab na ngiti at mukha na sobrang liwanag, alam kong totoong nagpapasalamat talaga sya ng tunay. Makahulugan yun sa akin, dahil alam ko ang susunod na mangyayari.
Kung hindi lang sana kami nagkakilala sa kakaibang scenario, ay baka maging magkaibigan nga kami.
Bakit ba kasi kami nagkita sa grocery-han na yun??? Edi sana wala akong sama ng loob sa kanya at masamang pag-iisip tungkol sa mga pagsisinungaling nya. Though, alam kong para sa pagtakas namin yun. Pero ang gaga ko na ata talaga dahil pinapaniwalaan ko pa rin yung masamang kutob ko sa kanya. Kung pwede sanang sa pagiging mag-classmate kami nagkakilala, edi sana maayos ang pagpapakilala namin sa isa't isa.
"Hey, something bothers you?" kinaway nya ang sariling kamay sa harap ng mukha ko. Napatitig kasi ata ako ng matagal. Kitang kita ko ang pagtatanong sa mukha nya na sinabayan ng ihip ng hangin. Nagulo ang buhok nya na medyo tumabing sa mga mata nya. Magulo man yun pero hindi naging hadlang yun para maputol ang tinginan namin. "Are you alright?"
"Oo naman, hahaha." kinapitan ko ang kamay nya bago yun binaba at inalis malapit sa mukha ko. "Uwi ka na oi, gabi na rin." pagtataboy ko ulit sa kanya. Muli nya akong nginitian bago tinignan ang kabuoan ko at kumaway.
Okay na sana eh, may pangmayakis move pa sya. -_- Panira to.
"Alright, I'll go then. You better get inside." pagtalikod nya.
Tsk', para saan naman yung mga remarks na yun? Feeling close lang.
Pinangmasdan ko muna ang likod nya, medyo lumilinga-linga pa sya sa kinakatayuan ko pero sinisinyasan ko lang sya ng "shoo". Lumakas ang tawa nya dahil dun na kinig ko hanggang dito kahit mahina. Hindi pa kasi sya nakakalayo. May pag-skip pa nga syang nalalaman at mukhang sayang saya sa dala-dala nyang pagkain.
Tsk', mabait ka sana. Sayang lang.
"Nga pala, Hi-la---" nawala dun ang sasabihin ko nang bumaba ang tingin ko sa kabuoan nya. Imposible.
Mabilis na humakbang ang mga paa ko papalapit sa pakay.
"Teka?" pagkapit ko sa damit nito bago sya tinignan ng seryoso. Nagulat sya pero hindi ko yun pinansin. "Pamilyar 'tong uniform na to ah. Kung hindi ako nagkakamali parang katulad to ng u-uniform ni Ge-o?" napabagal ang pagkakabanggit ko.
Sobrang napatitig ako sa nga mata nya dahil sa natuklasan. Pwede kayang si Geo ang nagpapunta sa kanya dito?
"You're full of sh't Jade, you think you're the savior of your friends?" nginisian ako nito. "Hahaha, don't make me laugh, Jade. You'll never gonna be that, because you know what. Among your friends, you're always the duff. The last pick, kaya di ka nagkakaboyfriend eh. To be honest, may chance ka sana, if everyone is taken. Hahaha, you're just their shadow. You're nothing without your friends." malalim ako nitong tinignan ng deretsyo sa mata at may lumalawak na ngisi. "You can't change that. You're a loner. That's what I think you are."
Ito ba yung sinasabi ni Geo, na last pick ako? Loner, walang chance at shadow lang ng mga kaibigan ko? Na isa lang akong duff at last pick, kaya sinabihan ako ng Hilaw na to na gusto nya ako?!!!!
Para dun ba yun kaya sya sumasama sa akon ngayon at nag-aaksaya ng oras?!! Tapos ngingiti-ngiti pa sya sa akin at bibigyan ako ng kung ano-ano para lang pagkatuwaan! Ang sakit kaya lagi ng tyan ko dahil sa mga binibigay nila!!! Hindi kaya ako minsan pinapatulog nun kasama ng sobrang pag-iisip na di magreklamo at abalahin si Papa!!!! Tapos pagtri-tripan lang nila ako!
Ano nakakatuwa ba ako sa kanila?! Masaya na ba sila na pinagbigyan ko ang laro nila para magmabuting loob pa ako na turuan sya! Magkano naman kaya ang pustahan nila?!!!!
"Ano, pinapunta ka ba nya dito?" pinilit kong pinahinahon ang boses ko sa kabila ng matinding inis na nararamdaman. Hindi ko inalis ang tingin sa mga mata nya, ganun din naman sya ngunit nagpapabalik-balik ang tingin nya sa dalawa kong mata.
"Geo?" bumagsak ang ngiti sa labi nya na napaltan ng seryoso ding tingin sa akin. "Did you just call me Geo?"
Pagturo nya sa sarili na may hindi makapaniwalang tono. Napairap ako dun. Nagmamaang-maangan pa sya, eh walang duda na magkaparehas sila ng uniform ni Geo kaya sigurado akong kilala nila ang isa't isa. Bakit ba kasi ako naniniwala dito sa lalaking to?
Sinungaling nga pala 'tong isang to at talagang tatanggi pa ang loko. Anong akala nya, madadaan nya ako dyan? Tsk! Nakita ko na yan!
"Hoy!" paglapit ko dito at tsaka umabante. Umuurong sya, nabigla ata. "Kung nag-aaksaya ka lang ng oras para dyan sa mga trip nyo ng master Geo mo ay wag mo nang ituloy! Dahil hinding hindi ako magpapauto sa inyo!" pagdidiin ko.
Geo, ha! Buhay pa pala yun. I should have know this na gaganti nga sya. Natagalan nga lang siguro kaya hindi na napansin ng instinct ko na late sya. Nagpadala pa talaga ng Hilaw para gantihan ako. Kulang kulang talaga yun at dapat mas magaling pa dito ang pinadala nya. Tignan nya ngayon, napapaghalata kaagad. Ang bilis nilang mabisto.
Mabilis nyang kinapitan ang hintuturo ko sa expresyon na hindi na gustuhan ang nakinig. "What are you saying? Geo, who? And why are you so mad at me?"
"Paanong hindi?!" pagtaas ng boses ko. "Kung galit kayo ni Geo sa akin, sabihin nyo na lang! O di kaya magkita-kita na lang tayo para mag-usap! Hindi yung nang gagago kayo! Lalo ka na!!!!" madiin ko na turo sa mukha nya. "Pinagplanuhan mo pa talagang magkita tayo ha!!! Ang dami mo namang oras!"
"I don't know what are you saying!" ganti nya. Nabigla ako sa pagsigaw nya at sa mukha nyang parang galit din. "Are you playing with me?!"
Napaurong na ako ngayon. Kung ako ang umaabante kanina, ngayon sya naman. Tsaka, bakit sya nasigaw? Huling huli na naman sya. Galit sya, ganun? Eh, diba ako nga dapat yun? Ano to, isa na naman sa mga palabas nya? Ang galing nya kasi dahil parang natakluban yung galit ko gamit ng galit nya.
Ano ako magpapatalo?
"Hoy, wag mong balikta---" nakubli ang pagturo ko sa kanya nang kapitan nya yun at ibaba. Aba, ginaya pa talaga ako!
"Who's Geo?" paglapit nya muli. Napatingin ako sa galaw nyang yun. "You know I'm spending my time with you being okay with whatever names you call me, even when actually I want us to know each other, but I can't be fine with this! You call me a different guy's name! And I'm here with you!" pagturo pa nya sa pagitan namin. "I'm here, not anyone else's! So tell me who is this Geo?!"
Napatigil ako sa biglang out burst nya. Ang kapal ng mukha nitong hipon na to!!!! Hindi lang script writer, artista rin pala!
"Tigilan mo ako! Ako ang unan nyong nilok----" napatigil ako sa pagkapit nya ng balikat ko.
"Tell me, who?! Or am I wasting my time here?!" may lungkot sa mata nya at panglulumo na para bang may panghihinayang. Napako ang tingin ko sa buong mukha nya.
Ngayon ko lang napansin ang napagod nya, dahil siguro sa paluluto namin. Isama pa ang madumi nyang suot na nagpamukha sa kanyang dugyutin, which is hindi bagay sa kanya. Ang fresh-fresh nya nang dumating sya sa bahay tapos ngayon, ay ewan. Parang ang dami nyang ginawa sa araw na to. Sabagay may school nga din pala sya kanina.
Huminga na lang ako ng malamin. Pagbibigyan ko na at baka naman ngayon lang to nakaranas ng gantong bagay kaya napagod. Wala sa mukha nya ang naghihirap at wala din naman sa kanya yung mga normal na kakayanan para sa gawaing pangkaraniwan. Obviously, anak mayaman nga sya. Kaya ano nga ba ang ginagawa nya dito?
"Yung totoo, ano ba talagang kailangan mo?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong. Mahinahon na ako, pero sya hindi pa rin. Nagkabaliktad na kami ngayon.
"How is it about me?! We're talking about this Ge---"
"Hindi, hindi. Tungkol to sayo! Bakit ka ba naandito?"
Kung hindi ka naman kasi uto-uto at nag-aaksaya ng oras mo dito, eh di ka sana natatanong ngayon. Maiinis na talaga ako kung magtatanong pa ulit sya.
"Why are you avoiding the question about this guy Ge----"
"Hoy, Hilaw!!! Anong akala mo sa akin, hindi marunong magtaka? Alam mo simula pa nga lang ng pangalawa natin pagkikita naweirduhan na ako sayo. Hindi mo ba alam na imposibleng magkita ang dalawang tao sa pangalawang pagkakataon ng hindi planado. Hindi tayo magclassmate o magka-same school. Dahil clearly, tiga-ibang school ka." mapakla kong tinignan ang suot nya.
"At talagang sa school na kinakaayawan ko pa! Hindi rin coincidence yun, dahil malayo ang school nyo dito para mapadpad ka. At pwede ba, hindi tayo magkapit-bahay para magkita na lang ng basta-basta sa kalsada o sa kahit na saan pa man! At kung iniisip mong hindi ko paghihinalaan yung sa restaurant, ay nagkakamali ka. Never kong nakita ang anino mo dun ni minsan bago pa man tayo magkita. Tapos bigla-bigla kang makikigulo dun?! Alam ko kayang sinadya mo ang pagkabasag ng mga gamit dun. Para, ano, maghugas lang ng pinggan, ha? Never ka bang nakagawa ng gawaing bahay sa inyo at pinagtripan mo ang restaurant namin! Hoy! Kung marami kang oras, pwes ako wala. Kaya wag kang mandamay!!!"
Hingal kong saad. Sa buong oras kong sinabi yun ay nakatingin lang sya sa akin. Tahimik at nakaalalay sa paglapit ko para makahakbang papalayo sa distansya naming isang kamay na pagitan. Tanging nakatingin lang sya na parang nag-aabang kahit nabigla sa mga sinabi ko.
Whooo! Ang dami pala nun.
"You let it out?" mababang saad nya na hindi pa rin nakaka-recover sa pagkabigla. Wala na rin ang galit sa mukha nya. Mukha tuloy syang nawawalang bata. Nakaawang pa ang bibig nya na nag-aabang kung may sasabihin pa ako.
Nagtango ako sa tanong nya. "Good, cause I didn't understand what you just said."
Mabilis akong huminga ng malalim para sana ulitin ang sinabi ko pero naunahan na nya ako.
"You talked way too fast. I can't catch everything all at once." depensa nya.
Madiin akong napapikit. HILAW! Nasayang lang pala lahat ng sinabi ko!!!
"You're chill?"
"Hmm-um." pag-oo ko. Muli ko syang tinignan ng patago pero nahuli nya yun kaya umiwas ako.
Nakakahiya yung ginawa mo, Jade. Hindi pala nya naintindihan tapos ang lakas-lakas pa ng boses mo. Baka may kapit-bahay pang nakakinig sa amin tapos kung ano pang isipin. Napaka-scandalosa mo kasi, Jade. Ano ba yan?!
"Let's finish first your part." at tinignan nya ako ng hindi sigurado. Chine-check pa nya ata kung okay ako. Bwisit to. "Then next answer my question, you're good with that?"
"Oo na." paghinga ko ng malalim para kumalma. Kita ko ang pagsilay ng ngiti nya na kaagad nyang pinigilan dahil sa masama kong tingin.
Ang dami pang sinasabi eh. Papayagan ko lang naman syang kausapin ako ng matino dahil kaya kong ibigay yun. Hindi naman talaga ako easy triggered sa mga gantong bagay kung hindi lang talaga masama ang timpla ko dun sa Geo na yun.
"You were saying?" pagsisimula nya.
"Okay, first. Anong ginagawa mo dun sa restaurant? At tsaka alam mo ba na naandun ako? Kasi nagkita tayo dun sa grocery tapos yun yung sumunod. Then binasag mo pa ng SADYA yung mga pingg------" napatikom ako sa pagsangat nya.
"Oh, that." pagtingin nya sa taas kaya sinegundahan ko na kaagad.
"Oi, walang ganyanan! Deretsyong sagot dapat, baka nag-iisip ka pa ng ibang rason eh! Akala mo naman lulusot ka."
"No, I just did that to cut you off before you babble something that will lost me. But to answer your question, I did broke the dishes because I really wanted to talked to you personally. But it seems like I can't talk you at your shift. So I made some ways, explaining the reason for that to happen."
"Kausapin?!"
Ha? Para naman saan at kinailangan pa nya basagin at maghugas sa amin?
"Didn't we talked?" bored nya tingin sa akin.
Ah yung usap na yun? Yun pala ang pakay nya. Ang labo! Pati ba naman yun tanda nya.
"O sige." pag-iling ko. "Pero hindi sapat yun para mag-caused ka ng troubles dun. Tsaka hindi naman mahalaga yung pinag-usapan natin eh." kita kong umiling sya pero hindi na ko na sya binigyan ng chance para magreact pa. "Pangalawang tanong, bakit ka nagpapadala ng lunches sa school ko? Tsaka kelan pa nagsimula yun? Sa pagkakaalam ko matagal tagal na din yun before pa tayo nagkita ulit sa restaurant dahil sem break yun eh."
"So you do remember. I thought you always forgot our encounters." pagbulong nya na may pagkamangha. Akala naman nya hindi kinig yun. Puro paligoy-ligoy pa sya dyan.
"Bilis na, sagot na."
"Hahaha, I didn't know you're quite demanding." paghinga nya ng malalim. "Alright, I did sent you a lunch before coming to your restaurant."
"So matagal mo na akong kilala? Kel---"
"Since at the grocery store. You saw me and ran away with me there. That's evidential, we both know it."
Evidential? Hindi naman nya kailangan sabihin yun.
"Oh, edi stalker ka nga?" rektang tanong ko.
"No."
Napapikit ako sa sagot nyang yun. No? Eh, anong ibig sabihin ng mga sagot nya, kasinungalingan na naman? Imposibleng sinabi ko yung mga bagay tungkol sa school ko at sa resto nung unang kita namin, ang alam ko tumakbo lang kami, kaya paano nya nalaman yung nga lugar na pinupuntahan ko?
Hindi naman ako palakwento at hindi rin naman kami magkakilala, kaya paano nya nalaman yung mga detalyeng yun?
Wala na to. Sinasayang lang namin ang oras namin pareho. Ang linaw na ng sagot eh, ayaw pang umamin. Dapat talaga hindi ko na lang pinagbigyan at wala rin namang papupuntahan to.
"Sige, okay na ko. Yung sayo naman para matapos na." walang ganang tanong ko.
"Who's Geo?" pagseryoso muli ng tono nya.
"Ha, yun? Ewan." pagwawalang bahala ko. "Geh." hahakbang na sana ako papatalikod ngunit may mabilis na kamay ang humablot sa aking balikat na nagpabalik sa kinakatayuan ko kanina.
"Who's Geo?" pagdidiin nya sa bawat salita at deretsyo akong tinignan sa mata. "Tell me if I'm wasting my time here."
Bumalik sa pagiging maamo ng expresyon nya. May bumalot ding katahimikan sa amin habang sinusuri ko ang reaction nya. Geo na naman? Ano ba talaga ang gusto nya? Akala ko walang aminan, kaya para saan pa yang tanong na yan? Nakakatawa na lang sya. Para na lang kaming naglolokohan.
'Tell me if I'm wasting my time here', tsk', pa-romantiko pa huh? Baka kamo, 'tell me about it' dahil bakit nga ba sya talaga naandito in the first place? Dun palang dapat alam na nya yung sagot sa tanong nyang yan.
"Geo? Hmmm." iniwas ko ang tingin ko bago nagkibit balikat. "Malay ko dun---hhmap!" mabilis na paghapit nya sa akin papalapit.
"Don't play jokes with me. Who is this guy?" paghabol nya sa mga mata ko. Sa lapit ng mukha nya ngayon sa akin, alam kong hindi nga sya nagbibiro.
Di nga kilala yun, nakakapagtaka. Eh diba, mater mind nya yun? Mali ba ako?
"Tell me." muling saad nya. Nawala ako sa mga mata nya at dahil sa napagtanto ay hindi na ako nakapagsalita.
Imposible. Wag mong sabihing---
"I like you, that's why I'm doing this." dagdag pa nya.
Seryoso ba talaga sya???