Jade's POV
"I like you, that's why I'm doing this."
"I like you, that's why I'm doing this."
"I like you, that's why I'm doing this."
"I like you, that's why I'm doing this."
"Whoo!" pagbuga ko ng hininga. "Nakakatakot talaga."
Napapailing na lang ako sa tuwing naalala ko yun. Ginagapang talaga ako ng takot.
"Hoy, Jade! Ano na namang drama yan?" pagpitik ni Stella sa harap ko. Naandito kasi kami ngayon sa canteen at naglulunch. "Kung makatingala ka dyan akala mo naman may boyfriend kang pinoproblema."
Ako na naman ang topic. Wala na bang bago? Hay~
"Hmmm?" pagtaas ko ng tingin sa kanila. Naiwan tuloy ang pagkain ko sa ere. "Bakit kayo nakatingin dyan?"
Yung mga mukha kasi nila parang may pinapanuod at inaabangan. Napatingin tuloy ako sa likod, pero wala namang tao dun. Bakit kaya?
"Ano na girl, nasawa ka na ba kay Stella?" pagngisi ni Cheska. "Sabagay, wala ka namang mapapala sa kanya."
Nakita ko ang pagrolyo ng tingin ni Stella dahil dun. Si Rina naman sumingkit ang mata sa akin.
"Hoy, bakit hindi ka nagrerebut dyan? Ang tahimik mo, pagod ka ba? Half day lang tayo ngayon kaya pwede ka namang umuwi."
Half day? Eto na ba yung araw na yun?!
"Oo nga no!" halos mapatalon ako sa upuan. Naitaas ko pa nga ang paa ko para mawala ang pagkakasandal ko dun. Nabuhayan ulit ang kaluluwa ko. "Pwede akong tumambay dun sa resto at hindi naman alam ni Papa na half-day lang ngayon. Tama, tama!" pagturo ko sa hangin habang nakangiti. "Yun na lang ang gagawin ko nang maabala naman ako at hindi puro pag-iisip tungkol dun sa Hila---" pagtigil ko.
Delekado akong tumingin ng dahan-dahan sa paligd ko.
"Umm, what, crazy?" pagclick ng dila ni Cheska na may duh look. Nabigla siguro sya sa akin dahil naiwan pa ang ice tea bottle nya sa ere. Napigilan ata ng reaksyon ko ang pag-inom nya.
"Jade." pagpuna ni Molly. "Umaagaw ka na naman ng eksena. Kumain ka na nga."
"Mag-jowa ka na kasi girl. Naawa na kami sayo." segunda naman ni Rina na may mapag-akusang tingin. Ano sya nandidiri sa akin? 'Tong babaeng to.
"Tamo, ikaw lang ang walang pupuntahan. Lahat kami may lakad kasama ng mga jowa namin."
Grabe, talaga mag-isip 'tong mga to. Ano namang konekta nun sa half day namin? Mamaya pa rin naman ang mga lakad nila dahil for sure, may mga klase din yung mga jowa nila. Puwera nga lang kayna Rina, Molly at Stella----ano ba naman 'tong sinasabi ko. Oo nga pala, same school kami sa mga jowa nila. Bwisit! At least, si Cheska mamaya pa.
"Hoy, Ches---" naputol ang sasabihin ko dahil sa tingin nya na makahulugan.
"No, Jade. I can't hangout with you. May friends din akong kasama sa lakad ko mamaya, bago kitain si Liam." matamis nya akong tinapunan ng malawak nyang ngiti, as if mocking me.
"Tsk', hindi naman yun ang sasabihin ko." pag-iling ko. Tutal na unahan na nya ako. Ginatungan pa yun nina Stella ng iba pang pangloloko sa mahinang boses. Nagtutunog demonyo tuloy sila sa konsensya ko.
"Pati ba naman ikaw, Cheska. Akala ko sila Stella lang yun eh."
Puro boyfriend bla-blabla--bla na naman sila. Ay ewan!!!
"Oh, you know I will." matagumpay na tugon nito.
Porque may Liam na sya, ganyan na kaagad sya. Ang bilis talagang makalimot nitong babaeng to at kinalimutan kaagad ang mga nagawa ko para sa kanya----teka?
Napatitig sa kapit-kapit ko. Sa sandwich na may kagat ko na. Paano kaya kung yun na lang ang pag-aksayahan ko ng oras kesa sa magtrabaho sa resto?
Oo nga no! Tutal hindi naman alam ni Papa ngayon na half day kami. So meaning pwede akong pumunta sa kahit saan!
"Magtatime na ba?" mabilis na pag-ahon ng ulo ko para makatingin sa gawi nila.
"Wala ngang pasok ngayon, gaga." pagsagot ni Rina. Tsk', wala talagang mahuhutang magandang sagot dito sa babaeng to. Kaya huli sa top nila eh.
"Molly?" lingon ko sa much better na kausap.
"Hindi pa, may 30 minutes pa." mabilis na sagot nya. Eto lang ata ang matino sa amin eh.
"Salamat." sabay-sabay na nagtuon ang mga tingin nila sa akin. Habol-habol din ng mga ulo nila ang bawat paggalaw ko. Nagliligpit na kasi ako ng mga gamit ko.
"Saan ka?" pagtatanong ni Stella. Nginisian ko sila. Mukhang mauuna pa ata ang plano ko sa kanila. Ha! Anong akala nila, sila lang ang may pupuntahan? May pupuntahan din ako! Bwahahaha!
"Una na ako. Mwuahh!" pagflyng kiss ko sa kanila na kinaasim ng mukha nilang lahat. "Alis na me!"
Nagmadali akong lumabas ng school para pumunta sa kinakaayawan kong lugar. Doon sa school ng mga maaangas--este mayayaman pala. Pumarapara pa ako ng taxi para maabutan ko ang lunch time nila. Kung hindi kasi ako nagkakamali sa pagko-compute ng oras, late laging magpadala si Hilaw ng lunch sa amin, so meaning dun palang nagsisimula ang lunch time nila.
Ngunit ganun nga talaga ang pagkaswerte ko. Laging hindi lumalabas pagkailangan.
"Kuya Guard!" pag-agaw ko ulit ng attensyon nito. "Papasukin mo na ko." pagpipilit ko pa.
"Hindi nga pwede Miss. Wala kang pass." kamot sa ulo nito.
"Eh, Kuya may kakilala nga ako dyan!" sabay turo ko sa loob.
"Oo nga Miss, pero hindi mo naman masabi yung pangalan kaya wala rin tayong matatawagan para kunin ka dito. School hours kasi ngayon kaya hindi kami pwedeng basta-bastang magpapasok dito."
Isang daang beses na nya atang nasabi yun sa akin. Kanina pa nga nya ako tinatawanan eh. Kulang na lang nga makipagtropa ako sa kanya para mapapasok sa loob. Bakit ba naman kasi hindi ko inisip yung mga kailangang gawin para sa ganun hindi ako na stuck dito?
"Ganto na lang Miss, nakakaawa ka naman eh. Hahaha."
Tignan nyo tinatawanan pa nya ako!
"Sabihin mo na lang o di kaya isulat mo na lang yung pangalan mo para sa ganun yung kakilala mo na lang yung pumunta dito." pagbigay nya sa akin ng ballpen at papel, bago bumulong. "Nauso na nga ang cellphone, wala ka pa ring number ng kakilala mo."
Eto si Manong sumusobra na! Bakit, lahat ba ng pinupuntahan kailangan kakilala? Tsaka pwede namang magkakilala pero walang number ng isa't isa ah. Ganun yung sa lola ko eh, hindi na ako na-update sa pagpapalit nya ng number. Tsaka, pwede din namang hindi na magkakilala tapos may number pa rin sa isa't isa, diba? Ganun yung lolo kong may alzheimer. Di na nya ako kilala.
"Oh, eto na nga at tinutulungan ka tapos ngumunguso ka pa dyan. Hahaha, sigurado ka bang hindi ka nawawala?"
Tsk', naku Manong, kung alam nyo lang na binabara ko na kayo sa utak ko. Baka mabigla kayo na meron akong sagot sa lahat ng tanong nyo. Napaismid tuloy ako bago tignan ang papel sa kamay ko.
"Eh, kahit naman to, Manong, hindi ako matutulungan." pagreklamo ko ulit. Napatingin sya sa itaas na parang nag-iisip pa ulit ng paraan.
Hindi nya alam pangalan ko kasi hindi kami nagpakilala sa isa't isa.
"Osya, sige, anong kurso nang hinahanap mo?"
"Hindi ko rin alam, Manong eh." nagulat sya sa sinabi ko.
"Aba, ano ba naman yan, Iha?" hindi makapaniwalang tingin nya sa akin. "Sigurado ka ba na naandito yung hinahanap m---ay hindi, sigurado ka bang magkakilala kayo?"
"Ang complicated, Manong, baka abutin tayo ng bukas dito kung ikwekwento ko pa sa inyo."
"Aba, iha, ano ba yan? Bakit ba, may nagawa ba yung taong yun sayo? O baka naman may naiwan sayo?"
"Parehas, Manong eh."
Ayos din pa lang kausap 'tong si Manong, parang nagto-talk show lang. Pwede rin palang tumambay ako dito para makipagchikahan sa kanya. Mas may sense pang kausap sya kesa sa Papa ko at sa Hilaw na yun. Nakahanap din ng matinong kausap, hin---
"Oi!" pagtalon ko sa gulat dahil sa kamay na pumatong sa balikat ko.
"My, my, you're here again?" saad ng isang mayabang na boses. Nang salubungin yun ng mata ko ay napapikit ako ng madiin. Sana pala hindi na lang ako tumingin, nakakita tuloy ako ng masama para sa araw ko. Sa lahat ba naman kasi nang makikita sya pa.
Nakakasira ng araw ang yano.
"What? Are you here to ruin my date again?" bulong nya. Naandito din kasi yung mga kaibigan nya, ayaw nya atang makinig nila. Puro sila lalaki at meron din namang babe na mukhang girlfriends nila. And guess what? Meron na namang babaeng nakatingin sa akin ng masama. Iba yun sa unang babaeng nakita ko dun sa may gym. As usual, siguro nauto na naman nya.
Date? Yun pala tawag dun. Date pala talaga yung sa bench lang ng basketball court dadalhin ang mga babae? Geo, talaga oh. Utak munggo.
"Ha?" walang buhay na tingin ko dito. Medyo natawa dun ang mga lalaking kasama nya at nagbulungan na parang may hidden jokes about dun.
"Jade, come on. Don't act innocent, you destr----." pagtigil nya dahil sa presensya ni Kuya Guard.
"Iho, ikaw ba yung kakilala nya? Gusto kasi daw nyang pumasok." tumaas ang kilay ni Geo dun na mukhang nakaisip ng masamang ideya.
"Oh, you come here for me?" pagtingin nya sa akin ng mula ulo hanggang paa. Nagsi-whoa tuloy ang mga kaibigan nya. Pauso to. "Do you want to get my offer?"
Napa-scoff ako dun. Offer? Yung pagiging isa sa mga girlfriend nya? Ano sya, himang? Mukhang paa nga sya eh! Pero pwede ko naman syang gamitin para makapasok.
"Pwede din, pagnawala na ako sa katinuan ko."
Ay! Hindi nakisama yung bibig ko sa utak ko. Sayang, hindi ko na tuloy sya magagamit!
"Tsk." pagngisi nya sa akin bago tumingin kay Manong. "I'll take her inside, Sir."
At dahil dun, sumunod ang mata ko sa kamay nya na umakyat ulit sa balikat ko at dun ipinatong. Grabe 'tong hambog na to.
Humanga pa talaga ang mga kaibigan nya. Mga kupal din sila dahil hindi nila tinago yung mga reaksyon nila at nagcheer pa. May isa pa nga na nagtaklob ng kamao sa bibig para itago ang ngiti. Ano sya, nanunuod ng basketball dito?
Yung iba naman tinanong pa yung pangalan ko pero hindi ko yun pinansin. Magkakatulad ata silang lahat.
"Tek--" pag-alsa ko kaso diniin nya ang kapit sa akin.
"Don't even think about it." pagbulong nya ulit. "I'll take you inside to pay for what you've done last time."
Danger alert! Nakalagpas nga ako kay Manong Guard na masayang ngumiti pa sa akin at nag-thumbs up ngayon. pero parang mas gusto ko atang habulin yung kamay nya para dun kumapit. Dadalhin ata ako nitong kasama ko sa bahay nyang impyerno.
"Hoy, hindi ikaw ang pinunta ko dito!" pilit kong paghawi sa kamay nya.
"Miss, pwede kang sumama sa lunch namin." saad ng isang lalaking may malawak na ngiti. Sumabay sya ng lakad sa gilid namin. Feeling leader kasi si Geo dahil nangunguna kami sa kanila.
"Oo nga, mas maganda yun. Para naman may madadagdag kaming kachikahan." pagsulpot din ng isang babae. "Kokonti lang kasi kaming mga girls."
Tahimik na tumaas lang dun ang kilay ko. Wala akong balak maging katulad nyo. No offense, girl, pero parang ako ang magiging laman ng chika nyo kung sasama ako. Gusto ko sana sabih---
"Hey, Kuya. Can I go quickly outside? You know, like old time reasons."
Automatic na nilingon at hinabol ng ulo ko ang gawi ng pinanggalingan nun.
Khowya daw kaya iisa lang ang ibig sabihin nun.
At dahil sa pagtigil ko ay napatigil din ang mga kasama ko-—lahat sila Geo. Tinanaw din nila ang tinatanaw kong lalaki na nakatuon ngayon sa lamesa ng mga gwardya. May pinag-uusapan sila at katulad ng pagtawa nina Kuya Guard sa akin kanina ay ganun din ang pakikitungo nila ngayon sa kausap na lalaki. Medyo tumitikdi pa to at nagtatap ng mga daliri sa lamesa. Mukhang may iniintay ata sya dun at di na makapag-intay. Siguro para sa isang pass. Gusto daw nyang lumabas eh.
Mabilis na sumilay ang ngiti ko nang nagdalawang tingin sya sa pwesto namin. Naweirduhan ata sa dami ng tao na nakatingin sa gawi nya.
Kaso mabilis na nangiwi ang labi ko dahil sa pagkaka-singkit ng mga mata nya. Di ata sya makapaniwalang naandito ako ngayon.
Pero sahalip na ngiti ang igawad sa akin, katulad ng mga dati naming unang mga pagkikita, isang masamang tingin ang dumapo sa kamay na nakapatong sa balikat ko. Tuluyan nyang sinuri ang mga tao na nakapaligid sa akin.
"Ehem." napatikim ako dun at sumamon ng mataas na enerhiya sa katawan. "Oi!!!" masiglang pagkaway ko sa kanya. Nilaglag ko na din ng pasimple ang kamay na nasa balikat ko. Lumapit naman ang lalaki sa harap namin na may tanong sa mukha.
"Hila---"
"You're here, Mis---" pagbati nya sana habang hindi pa rin nawawala ang tingin sa akin. Para syang nagtatanong dahil hindi din sigurado ang tono nya.
Miss, na naman? Puro Miss sya ng Miss dyan ah. Mahuhuli na ako neto pagganyan.
"Jade!" baka kung ano pa ang sabihin nya kaya inunahan ko na. "Diba yun yung sinabi ko sayo na intayin mong tumawag sayo, para mapapasok mo ako. Nakinig mo ba? Tinatawag ka kanina nina Kuya, eh." pagngiti ko sa kanya at hindi pinahalata na ginalaw-galaw ko ang pagkaka-kapit sa braso nya para sa sinyales.
Tinignan nya ako habang pinanlalakihan ko sya ng mata at oh! Buti wala syang sumpong ng pagkaslow ngayon dahil tumango sya.
Ngunit binigyan lang nya ako ng nakakalokong tingin. Sobrang peke ng pagiging masaya nya ngayon. Yung tipong pinanliliitan nya ako ng mata habang nakatikom ang guhit ng naipit nyang ngiti.
Bakit masyado naman nya ata akong tinipid ngayon? Hindi ba't libre nya akong nginingitian dati, anong nangyari?
"I know, Jade. I heard it." pagdiin nya sa pangalan ko. May kahulugan ang pagbanggit nya dun.
"Ahem!" pagtikhim ni Geo. "I think she got a promised lunch with us. So if you don't mind, we have to go first."
Aba, ang abno rin pala talaga nito ni Geo. Ayaw papalagpas ha? Revenge is real talaga sa kanya. Parang ewan lang.
Nilingon tuloy ako ni Hilaw na inaalam kung ano ang nangyayari. Hindi ko sya sinagot, sa halip ay tinignan ko gamit ng bagsak na mata ang mga kaharap.
"Wala akong natatandaang may ganun." pag-iling ko. "Tsaka, hindi nga kita kilala." deretsyong saad ko. Napasipol ang mga kasama nya at medyo lumayo. Akala suguro nila eksena to ng magulong relasyon. Ano daw?
Ngumisi si Geo para takluban ang galit. "Jade, you can't even get here inside without my help. So you're basica---"
"Excuse me." pagtutol ni Hilaw na tinuro ang sarili. "I'm supposed to do that."
Okay!!! Hindi na ako umimik dahil sagutan pala to ng mga Ingleshero. Ganto ba talaga sa school na to? Lahat English speakeneng. Ede wew.
Natikom ang bibig dun ni Geo. "Okay, it's all up to you, Jade. Just make sure, you know who you're going with. Let's go guys." pagyaya nya sa mga kabarkada nya na hindi umimik at tanging binibigyan lang ako ng mga tingin---tingin na may halong loko.
"Ah, Jade pala ha. Ikaw pala yun." ngiti nung kaibigan nya na hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "Bye, Miss Tough. See yah around." nagbye-bye pa sya at tsaka hinabol ang kagrupo.
Kaibigan nga ni Geo yun dahil paniguradong may sira din sa ulo yun. Tignan mo, kahit siguro sino mag-iisip na talagang may comeback sila pagnagalit mo. Parang ang mga pikunin kasi.
"Oh!" gitlang saad ko nang bumungad kaagad sa akin ang mukha ni Hilaw. Mabilis kong iniwas yun at nagplay cool para hindi mahalata ang pagka-apektado ko. "Ay juiceko! Bakit nang gigitla ka?!" pagpalo ko pa dito. Ang lawak kasi ng ngiti nya, at this time natural yun.
"Thanks for giving me your name." pagngiti nya ng maaliwalas, tumaas at bumaba pa ang kilay nito. "Jade."
Oppurtunista 'tong lalaking to.