Jade's POV
"Itigil mo na yan." walang buhay kong saad. Ayaw kasing tumigil nitong kasama ko.
"Well, Jade. I'm really happy that you visit me here." sabay makulit na tapik sa balikat ko. "Don't worry, Jade. I'll get you in next time, Jade. "
Oo, puro sya Jade ng Jade dyan. Konti na lang talaga at sasabog na ako. Ngayon lang nagkameron ng joke sa pangalan ko. Ang pagkakaalala ko walang ibang tumatawag sa akin ng ganyan kakulit simula nung elementary ako, at ngayon na lang talaga.
"Hindi na ako dadalaw dito next time at puro may sayad pala ang mga tao dito." at tinignan ko ang kabuoan nya. Obviously, dapat ma-gets na nya yun.
"Hahaha, I just really like your name. Though, I should be angry right now because I really thought you are after with some guys here. But your name made some amends for it. Somehow, with unknown reason, it calmed me. Hahaha, I thought you'll never gonna give it to me."
Bakit, may magic ba ang pangalan ko? Ewan ko ba naman dito sa Hilaw na to. Ang daming sinasabi, puro asukal pa sa dila. Napaliwas na lang ako ng tingin.
"Oh!" pagtutol ko sa kasiyahan nya nang ibigay ko ang pakay ko. "Lunch mo. Nakalimutan mo kasi kahapon."
Nabitawan nya kasi noong nabatak sya sa pakikipagsigawan sa akin. Late ko na ngang nakita noong umalis sya. Buti na lang at hindi na sira.
"Thanks." pagtanggap nya at tumungo ng kaunti. "I thought you hate me because you told me to leave yesterday."
Oo, sinabi ko din yun. Diba nga at may plano ako, natuloy ko yun. Kaso sa masamang paraan, pagkatapos nya kasing sabihin yung, ahem—"I like you, that's why I'm doing this." —ay nakipagsigawan pa ako ng konti tungkol sa mga trip nya. Tapos sinabi ko sa kanya na umalis na sya, katulad ng plano ko. Wala eh, plano yun. Tsaka, nawala din ako dun sa sinabi nyang 'like-like' na yan. Parang naghulog sya ng bomba na kumain sa lahat ng dapat kong sasabihin.
Pero may napala din pala ako sa pagpunta dito dahil napagtanto ko ngang hindi sila magkakilala ni Geo. Actually, malinaw na yun sa akin kahapon. Hindi ko nga lang talaga matanggap yung dahilan nya. Masyado kasing---ah basta! Weirdo!
O di kaya, malay nyo may iba pang may galit sa akin na master mind nito ni Hilaw. Pwede ding nakahithit lang pala 'tong si Hilaw. Pero dahil nga sa mali ako, ay narito ako ngayon. Making the first move to serve peace! Ayun, ganern!
"Nakakabigla ka kasi." pagtungo ko sa mahinang boses. Nakakahiya kasing pag-usapan to at wala naman akong sasabihin tungkol dun, kaya tinuro ko na lang yung lunchbox. "Tsaka, gawa mo rin naman yan kaya wag ka nang magreklamo dyan. Maayos pa rin naman ang nasa loob dahi---"
"Thanks." paghuli nya ng tingin sa akin. Ngumiti sya ng malumanay. "Really, thanks."
"Hmmm." mabagal kong tinanguan yun. Ang weirdo nya pagganyan.
"After last night, I really don't know how will I approach you again." nahihiyang pag-amin nito. Sabagay, awkward talaga yung ending kahapon. Umalis din sya kahapon na parang walang nangyari dahil sa bigla nyang pagtahimik bago tuluyang umuwi. "Anyways, what are you doing here?"
"Yan." turo ko sa kapit nya. "Sabi mo para same tayo ng lunch. Kaya ayan."
"Really?" dumaan ng panandalian ang pagkasurpresa sa mukha nya, bago mabilis napaltan ng kasiglahan at saya. "You remember that?"
Tinakluban ko ng konti ang ngiti sa labi nya. "Oh, wag kang masyadong masaya dyan. Aalis na rin ako."
Balak ko lang naman ibalik sa kanya yan. Pati na rin yung iba pang lunchboxes nya, naghahanap lang ako ng paraan. Kaya wag syang patawa-tawa dyan na parang may something sweet akong ginawa. Lilinawin ko lang, di pa rin ako naniniwalang may gusto sya sa akin kaya nagkakatagpo ang mga landas namin. Kung plano man nya yun o coincidence, for now kung ano man ang rason nya, wala muna akong balak alamin.
Gusto ko lang bumawi dahil sa nangyari kahapon. Pagkakamali kong hinusgahan ko sya at pinag-isipan ng masama. Mukha rin naman kasi syang mabait na tao kaya sa tingin ko pwede naming kilalanin ang isa't isa at maging magkaibigan.
Ang baduy, no? Para akong elementary magsalita.
"Don't." pagkapit nya sa balikat ko para pigilan akong tumayo. "Actually, I was about to go to your school again. For this." pag-angat nya sa isang bagay na hindi na bago sa akin.
Ha? Lunchbox na naman??! Panibago na naman! Paano ako mauubusan nan kung panay dagdag sya kada araw?!!! Naku! Kailangan ko palang maghanap ng ibang paraan para mas maging mabilis ang pagbalik ko ng mga yan. Hindi uubra kung paisa-isang pagsusuuli ang gagawin, matatambakan nya ako panigurado!
"Teka! Wait, hinid ka pa kumakain, diba?" pagtigil ko.
"Yeah. Did you have lunch already?"
Medyo pero---"Hindi pa!" nagtunog excited pa ata yung sagot ko dahil sa lakas nun.
Serre nemen, malakas nga daw, diba, sabi nga ni Molly. Pero may ideya kasing pumasok sa ulo ko.
Dito na lang ako kakain para pagkatapos naming kumain, sya na lang ulit ang magdadala ng lunchbox nya. Hindi madadagdagan problema ko nun. Este, lunchbox pala.
"Sige, lead the way! Para makakain na tayo."
Sumunod na lang ako sa mga yapak nya. Sa sobrang laki nga ng school na to parang walang nakapansin sa akin na tiga-ibang school ako. Kung saan-saan kasi kami nagsusuot. Sabi ko kasi ayaw ko sa maraming tao at baka maging big deal na may iba akong school uniform. Ganun kasi sa school namin. Pag may tiga-ibang school ka na kasama, meaning nun famous ka. Pero mukhang hindi ata yun ang sineryo dahil sya yung nililingon sa amin. -_- Nagmumukha lang ata akong katulong dito.
"Sure ka bang pwede tayo dito?" pag-upo namin sa isang lamesa na may nakadikit na upuang pang bench. Yung parang sa mga parke, sa mga sosyal na parke. Hindi, yung sa may mga food court pala, ('mahirap definition be like' kasi ang ate nyo).
"Yeah, some people likes to eat here." pag-aayos nya ng pagkain namin. Tutal sya na yung nagprepare, kaya napalingon na lang ako sa paligid.
May mga tao nga dito pero mostly lahat sila ay nag-aaral. Kung papansinin ko 'tong lugar na to para syang open field. Siguro ginagamit din ito para sa ibang sport. May mga linya kasi yung mga d**o dito na mukhang maintain ang tabas. Sana pati ulo din ng mga studyante dito may mga tabas din.
Pero baka sina Geo lang yun. May iba din kasing mga katulad ni Hilaw, na medyo nasobrahan sa tabas. Pero may mga tao ring mukhang puro aral lang talaga. Yun kasi yung mga tao ngayon dito. Halo-halo din pala ang mga tao dito.
Paano kaya ang mga scholars? Paniguradong mahirap magbayad ng tuition dito, yun kasi ang nakinig ko. Ang mahal daw kasi dito kaya para lang daw talaga to sa mga mayayaman. Eh, paano naman yung mga katulad ko, tumanggap kaya sila ng mga may scholarship? Meron kaya dito nun?
Teka, bakit ko nga ba iniisip yun? Wala naman akong balak pumasok dito. Ayaw ko nga dito, diba?
"Hey, let's eat." naagaw ni Hilaw ang attensyon ko sa pagbigay nya ng kutsyara at tinidor. Lumipat din naman kaagad ang tingin ko sa pagbubukas nya ng lunchbox nya.
Dati pagnakukuha ko yan sa school, medyo excited ako. Di ko kasi alam yung nasa loob kaya feeling ko nun laging may surprise at parang nagbubukas ako ng regalo. Di ko rin alam yung mga klase ng luto, at since akala kong kay Papa galing yun, nathri-thrillan ako sa mga bagong dish.
Pero simula ata nang hindi na nag-improve yung luto ng mga tatlong beses kong kain, at noted mga ilang linggo na rin nagpapadala si Hilaw, ay kada bubuksan ko na lang ata yun dun ako nakakaramdam ng masaya. Pagtitikman ko na, nawawalan na ako ng sigla at buhay. May takot na kasi akong pagsaktan ng tyan, at di naman ako nagkakamali, kaya laging paulit-ulit ang takot ko pagpakain na.
Sa pagkakatanda ko, binanggit nya kahapon na di daw nya tinitikman ang pagkain nya pagkatapos ihanda, diba?
Nagising ang mga mata ko sa pag-aabang ng pagsubo nya. Eto talaga yung plano ko eh. Tignan natin ngayon.
"Hamm--pp! Ah! Ah!" pag-ubo nya bago ako nilingon. May ngumiti tuloy sa loob ko.
Cool kong ines-steady ang puwesto ko para makita nya ang pagtaas ng kamay ko na may kapit-kapit na kutsyara. Tiniyak kong kita nya ang bawat galaw ko bago sinubo ang pagkain dun. Nanlaki ang mata nya na nag-iintay ng reaction sa akin.
"Don't." pigil nya na tinaasan ko ng kilay.
"Hmm?" pinakita ko dito ang ngiti kong walang kaproble-problema. Umasim ang tingin nya sa pagkain na para bang nagkakamali sya ng iniisip.
Hahahaha, anong reaksyon yan?!! Hahaha, nakatikim ka ngayon ng luto mo, brad!!! Nakaranas ka ngayon! Haahaha! Boy, sanay na sanay na ako dyan! Salamat sa pagbibigay sa akin ng mga luto mo para sa practice at naging easy ngayon ang reaksyon ko. Pati rin sa tyan ko easy na, biruin mo kumakain na rin ako ngayon ng mga hindi ko kinakain dati. Kakaiba ka talaga, Hilaw! Marami ata akong matututunan din sayo. Hahaha.
"Anong problema?" pa-inosente kong tanong. Mukhang may sasabihin ata sya eh.
"Hey, can I umm take some of yours?" nag-aalinlangin nyang tinignan ang lalagyan ng pagkain ko.
Haha! Nakalimutan nya atang parehas galing sa kanya yung kinakain namin ngayon. Anong akala nya nakatyamba sya sa lunchbox ko? Hahahaha.
"Sige, kuha lang." taas noo kong inipod ang pagkain ko papalapit sa kanya. Nang makita kong nakakuha na sya ng pagkain ay sinigurado kong hindi naalis ang tingin ko sa kanya, bago sinabayan ang pagsubo nya.
"Hmmm." malawak na pagngiti ko at ngumuya ng walang kaproble-problema.
"Hmm--ph." impit na saad nya bago tumalikod at hindi pinahalata ang pag-asim ng mukha. Pinilit nya yung nilunok nang hindi nginunguya at mabilis na hinablot ang kamay ko na may kutsyara para pigilan ang pagsubo ko.
"Bakit?" maang-maangan kong tanong. Eh sus! Konting sakit lang naman ng tyan ang titiisin ko. Nakasanayan ko na yun nang maraming beses, kaya okay na rin na tiisin to, kung eto ba naman ang kapalit---ang mukha nyang parang kina-crumble na papel dahilan sa luto nya. Eh priceless lang.
"Don't eat it, please." pagsusumano nya.
"Bakit? Akala ko gawa mo to? Bakit hindi natin kainin?" pagngisi ko.
"Yes, I did cooked that but forget about it. We'll argue again for sure if this goes on."
Ha? Ano namang meaning nya dun? Ang saya kaya!
"Oh, wag." pag-iwas ko nang binalak nyang kunin ang lunchbox ko. "Kung hindi mo gusto yung sayo, kainin mo na lang yang mga sandwich. Basta ako kakainin ko to." pagnguso ko sa lunchbox na ibinigay nya.
"Jade." madiin nyang tingin sa akin sa tono na may tunog something. Seryoso yun at sobrang lang napaka-manly ng timbre. Ngayon ko lang sya nakitang seryoso. Ibang seryoso. Hindi yung katulad kagabi na may halong galit. Ngayon, may halo namang tuwa at pag-aalala sa ligod ng mga mata nya. Weird lang pero ang lakas makaiba ng aura.
"Okay lang. Kakainin ko to." pagturo ko sa kinakain ko. Sisiw to sa akin, for sure, kaya no worries.
"But it's not good." rektang sagot nya. "Jade, give it back. Please."
Nag-alinlangin din ako dahil sa pag-please nya. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa kapit ko. Sa tingin ko nagmumukha akong bata ngayon dahil wala sa sarili kong nahapit ang lunchbox malapit sa dibdib ko. Gusto ko yung itago dahil parang buhay na prey ang kapit ko sa tingin nya.
"No." mahinang saad ko. Alam ko na pwede nya akong i-save ngayon sa lagim na hatid ng pagkain nya. Pero ewan ko ba natutuwa ako sa reaction nya.
"Jade." muling tawag nya bago umiling. Sinuri ko ang galaw nya kung may gagawin ba sya. Pero sa tingin ko nanalo na ata ako dahil sa pagtungo nya sa pagkain nya, kaya sinilip ko ang mukha nya. May isang maliit 'tong ngiti na tinatago.
"Stop being cute." mahinang saad nito.
Mahina akong naubo dun pero hindi ko pinahalata yun. Dumako din ang kamay ko sa kung saan dahil sa tingin ko may hinahanap ata ako. Pero wala eh, nakapitan ko lang lahat.
"Hahaha—hm." mahinang pagtawa nya na pumigil sa akin. Tsk! Ano nga ba ang hinahanap ko?!!! Bwisit!! Napaismid tuloy ako sa gilid. Ayan, medyo uminit ang mukha ko dahil sa hiya.
Girl, wag pahalata ha. Nagmumukha ka ng ewan, balik mo kasi utak mo. Pati ikaw nahahawa na sa mga tao dito.
Kaya nga eh.
"Wait!" pagtingin nya sa akin bago tumingin sa sandwich na kinagatan nya. "This isn't the sandwich we made."
Nanlaki ang mata ko dun. Wow ha! May pagka-critic pala sya! Paano nya nalaman?
"Oo, yung iba dyan. Paano mo naman nalaman?" hindi ko na maiwasang itanong. Psyche ata sya eh. Baka mamaya pati utak ko nababasa na pala nya.
"It taste different." maigsing saad nya bago pinunasan ang bibig gamit ng hintuturo nang maibaba nya ang kinakain. "Where's our sandwich?"
Kunot-noo ko syang tinignan. "Andyan pa rin naman, pero mostly bago na. Bakit ba?"
Medyo naiirita na rin ako. Ang galing kasi ng panlasa nya. Tatalunin pa ata ako, eh magchechef pa ako soon. Sana all. Kunting tikim lang, then dam! Alam na kaagad kung ano yung nakasanayang lasa!
Boom Jade! Insecurities!
"Why new? You said we'll eat the same lunch." ganti nya sa akin. Ano to, may kasalanan ako?! Bakit sya nagtatanong ng ganyan?! Parang ang dami kong tinago sa kanya ah. Tsaka, wag nga syang galaw ng galaw ng binti dyan, parang nanginginig tuloy yung buong table. Ano, asar na asar lang?
"Same lunch, tama naman, diba? Same. Lunch." pagturo ko sa mga laman ng lunchbox namin. "Ay paghindi naman magkatulad yan, eh ewan ko na."
Bulag ata sya eh. Maliit na bagay kailangan irereklamo pa? Same sandwiches din naman kasi yung dinagdag ko. Chicken, egg at tuna sandwiches din naman. Same nung ginawa namin kahapon. Problema nito? Ako rin naman ang nagturo sa kanya, natural iisa kasa nan, iisa naman ang recipe na ginagamit ko eh.
"Jade, you know what I meant?" seryosong tingin nya sa akin.
"Anong you know what you meant ka dy---"
"I thought we're eating what we made yesterday." pinal na saad nya. Grabe, para syang bata, napakaspoiled lang.
"Same pa rin yan! Egg, tuna, chicken sandw---"
"But we didn't made them. I didn't do anything for these. I, I don't have any part on these."
Parang krimen naman yung pinag-uusapan namin para makapagsalita sya ng 'do' at 'part for that-that' nya.
Bored ko syang tinignan. "Ano bang kinababatak mo dyan, ha? Pare-parehas lang yan, at OO hindi mo nga gawa yan. Hindi ko naman kasalanan na nagulo ang nasa loob nan kahapon dahil sino ba ang naghulog nan kahapon, ha? Eh, iba ikaw." sabay turo ko sa kanya. "Tsaka, bakit yung mga niluluto mo ba, nagrereklamo ako? Hindi naman, diba? Tapos ngayon kung makapagsalita ka dyan parang ang sama-sama ng luto ko!!!!"
Bwisit to!!! Kung ano-ano ang nalalaman! Nakakaapak na sya ng pride ha.
Halata sa mukha nya ang pagkabigla. MALAKAS TALAGA BOSES KO! Kaya wag na syang magreklamo, at hindi din naman ako manhid dahil alam kong pinagtitinginan na kami ng tao dito. Bahala sila sa buhay nila!
Pero ang mas nakakaasar pa nan ay ang ngiti. Oo, NGITI, sa mukha nya.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" naiiritang tanong ko. Hininaan ko na din ang boses ko para kumalma. Lagi na lang akong highblood dito sa lalaking to. "Wag mo nang kimkimin yan! Sabihin mo na."
Tumungo pa sya ng kaunti para dun tuluyang ilabas ang tawa nya.
"Hoy, Hilaw, alam mo bang pinagpuyatan ko yan para lang magawa, ha! Tapon ka lang kasi ng tapon dyan. Akala mo naman may patago kang ipon sa akin para makapagdemand." napairap na lang ako.
"Hey! Bro!" biglang tawag ng isang lalaki sa kabilang table na may kalayuan sa amin. "Can you tell your girlfriend to tone it down? We can hear her from here!"
Ano daw?
Mabilis kong binaling ang mukha ko sa ibang gawi at tsaka tinakluban ng buhok ang mukha. Nakakahiya ka talaga kahit kelan, Jade! Dapat kasi makinig ka kay Molly!
"Will do! Sorry about that." sagot ni Hilaw na tumatawa. "And she's not my girlfriend!"
Woah, pati yun nilinaw nya. Buti naman at hindi sya katulad ng ibang lalaki. Ewan ko ba kung bakit yung iba gusto na laging pinagkakamalan sila na jowa nila yung mga katab---
"Not yet!" habol nya.
YO!!! BRO! ABA!