Single For Emergency

2959 Words
Jade's POV "Oi! Kung ano-ano sinasabi mo dyan!" hinampas ko sa balikat nya. Mamaya isipin pa ng mga tao na ang landi ko kung hahayaan ko lang sya dyan sa mga sinasabi nya. "Naku, kuya! Hindi po, wala pong ganun!" pagsigaw ko dun sa lalaking sumita sa amin. "At tatahimik na din po kami! Carry on!" Nag-okay sign sya gamit ng kamay bago bumalik sa pag-eearphones. Ang angas talaga ng tao dito, puro may something. May earphones na nga nagawa pang mamuna. Ano sya, aso? Ang lakas ng pangkinig nya eh. Tsaka, teka lang, hindi ba nya alam na dahil dun sa pagkausap nya sa amin ay sumigaw din kami??? Ang layo-layo kaya nila! Hanep talaga! Siguro pwede sya sa long distance, carrying carry nyang mag-jowa na nakikipagbreak dahil sa "I heard from my friend, news, etc--that you cheated blabla-bla" at least yun pagginawa nyang reason makatotohanan, ang effective ng tenga nya eh. "Hahaha, that's true." pagtikom nya at pagharap sa akin ng may ngiting nakaguhit sa mga labi. "Not yet. I told you before, right?" Yan na naman ba yung tungkol dun sa 'I like you—like you na yan that's why I'm doing this', bakit laging bumabalik ang topic na yan? "Ha? Puro ka talaga ka-anohan." bumalik na lang ulit ako sa pagkain. "Didn't I told you at your school that you'll be my girlfriend?" "Ah--pp!" pagbuga ko sa nginunguya ko. Medyo natatawa naman syang gumilid ng konti para makaiwas sa 'kalat' ko. Sere nemen. Magreklamo na lang sya kung nandidiri sya, hindi yung tumatawa pa sya. Oo, tumatawa na naman 'tong lalaking to. Parang ano talaga sya. Kasi naman, di ako na-inform, Nay bago na pala. Ang tinutukoy pala nya ngayon ay yung kabaliwang ginawa nya dun sa school namin. Ah hindi na pala, 'I like you that's why I'm doing this'. May iba na pala syang theme, yung, 'You'll be my girlfriend', naman pala ngayon. Di naman nya sinabi, nabigla tuloy ako. Grabe, ang lakas talaga ng trip mo. "Ah!--ah, ah!" sinamaan ko sya ng tingin habang binibigyan nya ako ng tissue at inaayos ang sarili. Walang pake ko din tinabig ang mga kababuyan ko para mahulog sa lupa. Oo, baka mali yun. Pero wala eh, bagay lang yan. Lagi na lang naman akong binababoy ng mga tao dito, kaya okay lang naman sigurong babuyin ko din yung lugar nila, diba? "Here." pag-abot nya sa may labi ko para punasan yun. Seryoso? Hindi ba talaga sya nandidiri? Di ko inaasahan yan. Para sa isang bagong magkakilala, nagme-maintain ako ng imahe ko para hindi mapahiya. Pero sa pinapakita nya ngayon, parang malabong mangyari yun dahil mas tinutulungan pa nya ako. Yun nga lang. Hindi sya makatingin ng deretsyo sa akin dahil alam kong natatawa sya kaya medyo nagtungo sya. Panira talaga. "Ako na." bagsak kong saad bago kinuha ang tissue sa kapit nya. "Kaya ko sarili ko." "I--ah know." pagkagat nya sa ibabang labi nya. Tsk! Pasimple pa. "Geh, tumawa ka na." "Hahaha, sorry." mabilis na tinaklob nya ang nakabilog nyang kamay sa bibig bago medyo umubo. "You're just so cute." Nagmukha syang umuubo na masaya. Parang may sakit na masaya, parang nakakaawa na pero ang saya pa rin nya. Parang abno lang. Akala mo naman maiitago nya yun. Sarap lang talagang kutusan nitong Hilaw na to. "You're just so cute." paggaya ko sa medyo mapangaasar na tono. Pweh! Cute, cute, tsk! Kung kanina nagwork yan, NGAYON WALA NA! Namumula lang ako ngayon dahil sa inis. "Really you are." pagngiti nya. "And thanks for preparing lunch for me. I really appreciate it." Tumaas ang kilay ko sa kanya. Naandyan na naman yung parang pang chicks nyang tingin. Mapupungay na mata at malumanay na expresyon. Ayan tuloy may liwanag na naman nang gagaling sa kanya. Kung ganto lang sana ang nakakasama ko sa araw-araw sa kusina dun sa resto, baka siguro hindi ako apektado ngayon. Knowing na may masama pa syang balak sa akin, medyo dumadagdag yun sa pagkakaba ko. Dapat pala next time, maghire kami ng medyo gwapong empleyado para masanay naman ako. Ano ba yan, dumadami ang requirements ko sa paghihire. "Tigilan mo nga yang tingin na yan! Oi, ipapaalala ko lang sayo na naandito lang ako dahil alam kong may nasabi akong mali sayo kahapon!"—At tsaka pinag-isipan ng masama.—"Kaya kung ako sayo, ayusin mo para maging magkaibigan tayo ng NORMAL." Oo, normal. Gusto ko talagang pagbigyan sya dahil naging mabait naman talaga sya sa akin, nakita ko naman lahat yun. Simula palang nang una naming pakikita ay tinulungan na nya ako. Siguro meant to be lang na magkita ulit kami, kahit na sinabi na rin nya (ahem, ng di deretsyo) na stalker nga sya. Hindi pa rin talaga matatapos ang pag-iisip ko kung anong dahilan nya ng pagpunta sa resto, o sa pagkilala namin. Pati na rin kung paano nya nalaman yung ibang mga bagay patungkol sa akin. Hangga't siguro hindi ko natutuklasan yun ay magiging malabo ang pakikisama namin sa isa't isa. "Jade, I never want to be on that zone." malagong ang boses nya at malalim akong tinignan. Ang demanding nya ha. "Tigilan mo ako dahil baka mawala yung pagiging mabait ko." sabay subo ng pagkain. "Tigilan mo din yang mga banat mo dahil wala kang mapapala sa akin." tinignan ko sya ng seryoso sa bagsak na tingin. "Just saying. It's good to be all clear." pagbitaw nya ng tingin at bumalik na rin sa pagkain nya. Ang weird talaga kung paano sya tunog sobrang sigurado sa mga sinasabi nya. Sa tingin ko talaga may psyche powers sya. Nakita na kaya nya ang future? At yang tanong na yan ay supposedly na joke, pero mukhang meant to be na masagot. Mukha atang HINDI, dahil wala pang isang oras ay nasagot na kaagad ang tanong ko. Kasi edi sana wala kami ngayon dito. Bakit kasi nya kinain yung luto nya??? Yan tuloy nagkakagulo kami ngayon dito. "Oi, Hilaw! Gising-gising, wag mo akong tulugan, oi!" pagtapik ko sa pisngi nya. Pano kasi ang sakit daw ng tyan nya. Kanina ko pa kasi napapansin na hindi sya kumakain, pero hindi ko naman alam na ganto na pala kalala. Kanina okay lang kaming nag-uusap. Pero bigla na lang syang napakapit sa tyan nya tapos nagtanong kung kelan daw ako aalis. Hindi naman yun weird na tanong sa akin dahil akala ko iniisip lang nya yung schooling hours ko. Tapos yun pala, pinapaalis na ko dahil hindi pala sya komportable sa tyan nya. Bakit kasi nagtagal pa ako at inintay yung time nila? Yan tuloy hindi naagapan yung sakit. "Manong, pwede po bang pakibilisan." pagtapik ko sa braso ni Kuya Driver. Nagtaxi lang kami at wala pang lesenysa ang ate nyo. Murunong naman magdrive pero ayaw kong pilitin at baka mapahamak pa kami. Medyo may dumadaloy na rin kasing panic sa akin dahil first time kong makaranas ng may ganto. Buti nga at pinalabas kami ni Kuya Guard kahit na ang sabi namin ihahatid lang dapat ako nito ni Hilaw. Okay pa kasi sya kanina----ay okay pala yung acting kanina. Yan tuloy, nagkabaliktad at ako naman ang maghahatid sa kanya, pero sa hospital. Hindi lang sa papalabas ng school. "Try ko po, Ma'am, medyo traffic eh." pagkamot ni Kuya Driver sa ulo. Naman Kuya, pinas eh! "Hoy, Hilaw, malapit na. Wag kang tutulog ha, mahihirapan akong buhatin ka." pagtapik ko ulit sa pisngi nya. Nakahiga sya sa hita ko dahil noong naglalakad palang kami sa school ay namumutla na talaga sya, at pa-worst pa sya ng pa-worst. Naku po, tatay ko. Mamahaling bata ang kapit ko. "Hil--aw." pagtigil ko ng maibuka ang palad nya. Namumuti na yun kaya bumilis ang paghinga ko, pero mas pinigilan ko yun dahil baka maalarma din sya. Ang lapit pa naman nya sa akin ngayon. Baka mahawa sya sa akin at kabahan din. "Oi, kapit ka lang ng mahigpit sa kamay ko ha. Wag mong bibitawan. Tapos kung may kailangan ka kurutin mo ako, baka hindi ko maramdaman eh." mabilis na saad ko. Pinatong ko ang kamay nya sa akin at katulad nga ng sinabi ko ay tahimik nyang kinapitan yun. Pero kapit lang talaga, yung tipong walang higpit. "Aishh!" asar na saad ko sa sarili nang makitang hindi pa rin umuusad ang sasakyan sa harap namin. Ano na Jade? Welga na at baka mapansin tayo. Malay mo mapabilis at padaanin nila tayo. "Kuya." tawag ko ulit kay Kuya Driver. "Ma'am, kunti na lang po. Makakadaan na din tayo." Hindi ako masaya sa sagot na yun. Kanina pa kasi nya sinasabi yun. Mas nag-aalala lang lalo ako. "Hilaw, saan masakit?" pagbalik ko ng attensyon sa kanya. Kakausapin ko na lang sya ng kakausapin, baka tulugan nya pa ako. "Sto-mach." pag-grunt nya. May discomfort na nakasulat sa mukha nya at halatang halata nga dun ang sakit. "It hurts so much. Here." nilagay nya ang kamay ko sa may parte ng tyan nya. Hindi na nya ata alam kung ano ang sasabihin kaya ganun na lang ang ginawa nya. Gusto ko pa sanang syang tanungin ng marami, like kung saan ba? Upper or lower abdominal, at iba pa na kailangan ng mga doctor para ako na lang ang tanungin at hindi na sya maabala pa. Ganun naman talaga ang eksena sa hospital, diba? "Magiging okay ka din. Malapit na tayo." unconsciously ko namang nahimas ang tyan nya sa pagbabaka-sakaling medyo humupa ang sakit dun. Ganun kasi ang ginagawa ng tatay ko nun dati sa akin. Maselan din kasi ako sa pagkain dati. Gusto ko sanang mailang sa pwesto namin ngayon, lalo na't ang lapit nya sa akin. Like super lapit sa pwesto na ayaw kong malapit sya, pero wala akong magagawa, nakahiga na sya ngayon sa mga hita ko. Hindi rin ito ang tamang oras na magreklamo pa ako. "Ah!" impit na daing nya at lalong sinubsob ang mukha sa pagkakaunan nya sa akin. Bumaon ang mukha nya sa hita ko na sobrang nagparamdam sa akin ng hiya. Di talaga tumutulong sa akin ang mga nararamdaman ko ngayon, super aware na aware kasi talaga ang mga senses ko ngayon. Tinignan nya ako at wala akong magawa kundi tignan lang din ang nakakunot nyang kilay at ang madiin na pagkakapress ng mga namumut---ha?! Hinatak ko ang kamay ko mula sa pagkakapit nya at tsaka kinapitan sya sa baba para mapalingon sa akin. Tama nga ako, namumutla na ang mga labi nya. "Gusto mo magpa-ambu---" "No." mahinang sagot nya bago kinuha ulit ang kamay ko at nilagay sa may tyan nya. Napailing na lang ako bago tinanaw ang bitana. Ayaw nya? Eh, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kanina pa ako nag-aalala dito at hindi ko alam ang gagawin. Sa totoo lang naiiyak na ako pero ayaw ko lang ipahalata dahil katulad ng natutunan ko bilang isang chef, mas kailangan kong huminahon sa mga nakakatarantang oras. Dahil yun ang mas kailangan, at hindi yung mga nagpapanic. At oo mas kailangan ko yun ngayon. "Bwahkkk!" mabilis na dumapo ang kamay ko sa mukha nya. Sumusuka sya ngayon sa may sa parte ng paahan. Jusme, baka ako pa ang unang mahimatay dito. "Manon---" pagtapik ko dito at bumaling kay Hilaw. "Hilaw, Hilaw, oi." pagtapik ko sa mukha nya pero tinabig nya yun at muling kinapitan ang hita ko para tabigin papalayo dun sa sinusukahan nya. "Bwakk--ah!-ah!" Oh my goodness!!!! Hindi ko kakayanin ang sitwasyong to! "Hilaw." tawag ko ulit dito na hindi ko alam kung para saan. Alam kong gising pa sya pero mukhang wala nang maintindihan sa mga nangyayari at umu-ubong bumalik sa pagkakapikit nya sa may hita ko bago dinamdam ulit ang sakit ng tyan. "Malapit na, malapit na." pa-ulit ulit kong saad. Pinunasan ko ang labi nya at kamay nya pero inis nyang hinuhuli ang kamay ko para ibalik ulit yun sa tyan nya. Dahil dun ay muling naramdaman ng kamay ko ang katigasan ng katawan nya. Kanina ay hindi ko yun pansin, ngunit ngayon ay may dumaloy na panginginig sa kamay ko dahil mismong pagkakadikit na ngayon ang kamay ko sa balat nya at sa---sa matigas nyang tyan na. May abs sya, namula ako sa napagtanto. Seriously, Jade? Hindi ito ang time para dyan! Wala na nga ata sya sa katinuan dahil sa pag-akto nya na parang walang nangyari sa kanya. "Oo, eto na. Wait lang ng kaunti." mahinang tono ang ginamit ko habang pilit na pinupunasan ulit sya. Ang lamig nya. "Oh, tapos na. Okay na, kapit ka ulit." pagpapaubaya ko sa kamay ko. Mas parang kailangan nya kasi ata ngayon nun, dahil mas kinakapitan nya ako sa tuwing nalalayo ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang pagpapawis ng palad namin. Hindi ko alam kung galing ba sa akin yun o sa kanya dahil ang tindi ng kapit nya. Malamig-lamig din kasi sya. Samantalang ako, init na init na dahil sa pressure. "Manon---" "Miss, naandito na po tayo." mabilis na pagbaba ni Kuya Driver para pagbuksan kami ng pinto at tulungan si Hilaw. "Teka lang." pagkapit ko sa kamay ni Hilaw na humabol sa akin at tsaka binitiwan yun. Mabilis kong tinahak ang papaloob ng hospital. "Emergency, Mis-s." hinihingal kong saad sa may front desk dun. "Kailangan ng wheelchair please." Mabilis nilang tinugon ang hiling ko para maipasok si Hilaw. Nilagay nila sya sa isang room na hindi ko alam kung para saan, at nagkameron ng komosyon sa paligid nya. Tama to, tama to. Naging emergency na talaga ang tingin ko, kaya salamat naman at may tutulong na kay Hilaw. Ang laking ginhawa nun sa parte ko. Pwede na rin akong magpanic. Late na, pero okay lang. I need to let it out before getting my head straight at gawin kung ano ang nararapat. Marami silang inabot na papel at tinanong na nasagutan ko naman, pero yung sa may personal na info ay wala akong nailagay. "Ah, Ma'am, salamat po pero hanggang dito na lang po kayo. Intayin na lang po natin ang relatives nila. At kung gusto nyo naman po, pwede nyong iwanan ang pangalan at number nyo dito para sa ganun personal po kayong mapasalamatan ng pasyente." pag-abot nung nurse sa akin ng ballpen at papel. Napatulala ako dun. Mukhang makakarami ako ng mga ito ngayong araw na to ah. Yung una sa guard dun sa school, ngayon naman dito. Ngunit katulad kanina ay wala ako dun maisulat na pangalan. Di ko kasi alam ang pangalan ni Hilaw. Yung pangalan ko naman hindi ko alam kung saan ilalagay. "Miss, hindi talaga pwedeng magstay ang hindi relatives?" pagbabakasakali ko. Inilingan nya yun. "Hindi p--" "Paano kung girlfriend, pwede ba?" mabilis na tanong ko. Alam kong ang pagiging girlfriend ay kabilang sa relatives, at nagmumukha lang akong tanga ngayon sa tanong ko pero bahala na sya sa iisipin nya. Minsan mas maganda yung mukha kang bobo dahil nagiging dahilan yun ng excuse. "Opo, Ma'am." pagtango nya. "Pwede po." "Sige, balik ako mamaya." mabilis ko syang iniwan. Baka pagfill up-in pa ako nung papel eh. Kapit-kapit ko din ngayon ang cellphone ni Hilaw, pero may password yun kaya hindi ko alam kung pano bubuksan. Kailangan ng finger print. Iintayin ko na lang yung chance na magising sya bago tawagan ang pamilya nya. Hindi ko rin nakalimutan si Manong na bayaran. Pero syempre, nagpahatid muna ako sa bahay. Wala akong pera, si Papa lang ang meron kaya sa kanya ko na pinaintindi yung atraso namin sa loob ng taxi. "Jade, anong nangyayari?" pagsununod ni Papa sa akin sa loob ng kwarto. "Oh, anak! Bakit ka maglalayas?!" pagkapit nya sa may kalakihang bag na kapit ko. "Kung dahil yan sa mga pangaasar ng mga Kuya mo, ay ang pikunin mo naman ata. Pag-usapan na lang natin sila." Hay! Tatay ko talaga. WHOW! Chika lang talaga ang kapalit nung mga pangaasar nila?!!! Ano, pag-uusapan lang namin sila ng masama, at sa tingin nya gagaan ang loob ko dun?!!! Ano naman ang mapapala ko sa chismis?!!! Tsk! Pasalamat talaga sila at may iba akong iniisip ngayon. "Pa! Yung seryoso naman." saad ko bago kinuha sa may cabinet ang mga gamit na kailangan ko. "Hahaha, sige." pagcrossed arms nya sa harap ko bago nagsquat para magpantay ang tingin namin. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha at mata nya. "Lalaki yan no." Paano nya na lama--- "Pa naman!" pagpadyak ko bago tinigil ang ginagawa para matignan sya ng masama. "Yung seryoso! Tamo, aalis talaga ako nang walang paalam!!!" "Ay sus, bakit, meron pa bang ibang dahilan?" pagchin up nya. Sabagay tama sya. "Paano mo na laman?" mahinang tanong ko. "Syempre." paggaya nya sa tono ko. "Wala ka namang ibang pagdadalhan ng mga gamit ko dahil puro panglalaki yan." turo nya sa mga tinutupi kong damit bago ako taasan ng kilay. "Ano ha?" Naisip ko kasing ipaheram muna kay Hilaw 'tong mga damit ni Papa, para kung sakasakaling tumagal kami sa hospital, bago dumating ang relatives nya, ay nakaayos na sya at komportable ng napaltan ng damit. "Minsan talaga iniisip kong may katalinuhan kang tinatago." pagpuri ko, baka hindi ako makalabas dito kung hindi kami good vibes eh. Pasalamat na lang talaga ako at parang magkabarkada lang kami ni Papa kung mag-usap. Kung sa ibang magulang siguro to ay abnormal na sa kanila ang galawan ko. Tinuro nya ako. "Kitams, sabi sayo eh, sa akin ka nagmana." pero muli nya akong pinantayan ng tingin. "So san ka nga pupunta, ha? Imposible namang pinaggagayak mo na ako ng mga damit para magbakasyon ngayon sa katanghaling tapat, eh no?" "Hindi ah. Never kong gagawin yun." pag-iling ko. "May kakilala kasi akong nasa hospital. Wala syang guardian na magbabantay sa kanya ngayong araw, kaya baka magstay ako hanggang gabi, o di kaya hanggang bukas." mahinang saad ko sa dulo bago tumungo para ipagpatuloy ang ginagawa. "Bakit, sino ba yan?" Naku, hindi ko masasagot yan. Yari!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD