DANNICA LAZARDE POV:) Nakarinig nalang ako ng busina ng kotse. Excited na bumababa na ako. Ang nadarama ko ngayon ay excitement at kaba pero di maaalis sakin ang malaking ngiti. Andyan na yung mahal ko. Sinusundo na ko. Hihihi. Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko na agad yung napakaguwapo kong boyfriend na nasa kotse nitong magara at maganda. Binaba nito yung salamin. "Tara na, Babe! May dadaanan muna tayo." nakangiting sabi nito habang nakaupo sa drivers seat. "Sige." masayang-masaya na turan ko. Ni-lock ko na yung gate. Pagka-lock, tumalikod na ako at tumungo sa kotse ni Sir Don. Pumasok na ako at naupo ako sa katabi niya. "Let's go na?" nakangiting tanong nito. Nakangiti na tumango ako sa kanya. Tsyansa ko apat na tango yung ginawa ko. Ee grabe kasi yung saya ko. Makakasama ko

