DANNICA LAZARDE POV:) "Na-miss ko yung cookies mo, Bal." maya-maya turan nalang nito. Natigilan naman ako sa tinuran niya. Ramdam na ramdam ko yung feeling na ang sakit na marinig iyon sa bunganga ng taong mahal mo. Malala pa, hindi para saiyo yung sinabi niya. Naiiyak na ako ngayon. Iniisip ko nagjo-joke lang sya. "Hmmm..." sambit ko nalang. Tumingin siya sakin at mabilis naman ako umiwas. Jusko! Ramdam kong iiyak ako ako. Nag-iinit na kasi yung gilid ng mga mata ko. "Yan yung sinasabi ko noon pag ginagawan ako ng cookies ng ex ko..." sabi niya maya-maya. Napatingin ako sa sinabi ni Sir Don. Bahagyang nanlaki ako ng mata sa gulat sa sinaad niya. "Yan yung sinasabi ko noon pag ginagawan ako ng cookies ng ex ko..." Ano ibig sabihin niya sa tinuran niya? Kadugtong ba iyon sa si

