SORIM REYES POV:) Pagkaraan ng sampung minuto, wala pa rin si Dave. Nilalamok at inaantok na ako. Wala na kong balak na maghintay pa. Gusto ko na umuwi at matulog na. "Uwi nalang tayo, Kyle. Tama nga. Pinagtitripan tayo ng mokong na yun." sabi ko nang tumayo na ako. "Sandali..." sambit ni Kyle. Aalis na sana ako nang napahinto ako sa paglalakad nang maramdamang hinawakan ni Kyle ang kamay ko. Dahan-dahan na napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko at dahan-dahan umangat ng ulo, masulyapan siya. Nakatingin lang kami sa isa't-sa. Ewan. Ang awkward nung oras iyon. Nakakaramdam na ako ng kakaiba pero di ko alam kung bakit. Ang weird ng nararamdaman ko. Yung feeling na may something sa ginawa ni Kyle pero di ko nilalagyan ng malisya. Nagulat si Kyle nang ma-realize na hi

