Kabanata 6:

2078 Words
DANNICA LAZARDE POV:) Nandito na kami sa bahay kasama si Sorim. Panay tawanan lang kami habang nanonood kami ng Korean Dramang Legend of the Blue Sea nila Ate habang kumakain kami ng cookies na gawa ni Ate. Nalaman ko kasi di pa nakakanood ng mga Korean Drama si Sorim kaya nag request ako kay Ate na manood kami. Pumayag naman agad ito. Ganun na siya kalakas kay Ate. Pagkatapos ng Episode 1, nagpaalam na si Sorim. "Ate Jannica at Dannica, uwi na po ako. May work pa ko mga 8 tsaka baka di pa nakakapagsaing yung kapatid ko." pamamaalam nito. Tumayo na ito at sinuot na yung bag nitong luma na. Tumayo na rin ako kasi gusto ko pa sana sabihan syang mamaya na kaso kailangan na kasi. Mag aalas 5 na at 8 pa pasok niya sa work. Ang sarap niya kasama. "Hmm, sige. Pero bago ka umalis, Sorim dalhan mo ng mga cookies yung kapatid mo. Sandali, kukunin ko yung cookies sa kusina." sabi ni Ate at dali-dali naman tumayo sa pagkakaupo sa sofa at tumungo sa kusina. Nang wala si Ate, humarap ito sakin. Nagulat ako nang hawakan niya yung kamay ko. "Dannica, salamat. Maraming salamat." seryosong sabi niya at naluluha na naman siya. Ngumiti ako sa kanya."Wala yun. Sunod mo nalang sabihin yung gusto mong sasabihin sakin kung kailan mamamatay na ko. Joke! Hahaha!" biro ko. Tumawa naman siya pero pansamantala lang yun. Naging seryoso ulit siya. "Basta Dannica, salamat. Laking utang na loob ko ito sayo pati na kay Ate Jannica. Salamat at dumating kayo sa buhay ko. Maraming salamat talaga..." Naiiyak na sabi niya. Niyakap ko nalang siya. Ngayon ko lang nakitang umiiyak si Sorim. Mukhang lumambot yung puso ko. Panahon na atang magtiwala ako sa iba. Humiwalay na kami sa pagkakayakap ni Sorim nang dumating na si Ate. Pinunasan na ni Sorim yung luhang lumabas sa mata niya. At ngumiting tumingin siya kay Ate Jannica. "Sus! Ang OA nyo naman. O sya! Ito na Sorim. Pasalubungan mo yan sa mga kapatid mo." nakangiting sabi ni Ate dito. Kinuha na ni Sorim yung Tupperware kung saan ang laman niyon ay mga cookies. "Salamat po, Ate Jannica." pasalamat niya kay Ate halos nagbow-bow. At bumaling naman siya sakin."Salamat, Dannica." ganun din niya ginawa niya, nag-bow bow din siya."Sige po, alis na ko." pamamaalam na nito. Sinamaan ko na siya palabas ng gate. Pumara ako ng tricycle para masakyan niya pauwi. Ako na nagbayad ng pamasahe niya. Libre ko yun sa kanya kasi kaibigan ko na siya. It's Friday! Yehey! Bukas wala na pasok. Makakapahinga na din at makakatulog ng mahabang-mahaba. Pagpasok ko palang sa room, nakita naman ako agad ni Sorim. "Dannica!" tawag niya at kumaway halos kita ko yung malapad niyang ngiti. Ngumiti ako sa kanya at tumungo ako agad sa upuan ko kung saan rin kinaroroonan ni Sorim. Pagkaupo ako, mabilis nilapit sakin ni Sorim yung upuan niya. "Dannica, may sasabihin ako sayo..." Sabi niya. Mukhang may sasabihin nga siya. "Ano yun?" "Ex mo ba si Charlie?" Natigilan naman ako. Hayst! Kay umaga-umaga, narinig ko lang pangalan ng manloloko kong ex, nagagalit na ko. "Hahaha, yun? Oo. Bakit? Nakakatawa di ba? Naging ex ko yung demonyong yun." Sabi ko at tumawa. Kahit kailan di ko minahal si Charlie. Sinagot ko siya kasi laging nandyan siya sakin pero di naman ako tanga. Alam ko naman na playboy siya. Akala niya easy to get ako? Makukuha niya agad sakin yung iniingatan ko? No way! Di kami talo! Tss! "Nahuli kasi ni Sir Don si Charlie na naninigarilyo sa may Janitor Room kaya sinuspend ito ng 1 week. Nagtataka nga ako bakit parang galit siya kay Charlie dapat pagsabihan niya lang pero iba e. Mukhang sinermunan talaga ni Sir Don si Charlie." kuwento nito. "Ah..." Sabi ko lang. Wala akong masabi. "Tapos nagtaka nalang kami nung pinapagalitan talaga yang si Charlie ni Sir bigla nalang nadamay pangalan mo doon. Ang malala pa si Sir nagsabi ng katagang pangalan mo. Nagtaka kami paano napunta ka sa sitwasyong ganun ni Charlie. Ee nahuli lang naman si Charlie niya nagsisigarilyo pero biglang parang nadamay kana doon." Dahil sa kinuwento ni Sorim, nabigla ako. Ano? Si Sir Don? Bakit siya magagalit kay Charlie? Tapos bakit babanggitin niya pangalan ko habang pinapagalitan niya si Charlie? Ang weird ng nararamdaman ko. Iba ata kutob ko. "Dannica, nakikinig ka ba?" Napatingin nalang ulit ako kay Dannica. Natulala pala ako habang iniisip yung sinabi sakin niya. Di naman ako nag-aalala kay Troy. Iniisip ko si Sir Don. Sabi ni Sorim parang galit daw ito kay Charlie. Bakit naman? "Sorry. May naalala lang ako." Hinging paumanhin ko. Bigla nalang dumating teacher namin pero di na pumasok. Nasa pintuan lang siya at mukhang pupunta kami sa Basketball Court. "Class, pumunta kayo sa Basketball Court. P.E nyo di ba? Bilisan nyo." sabi nito at umalis naman agad. Nagsitayo na yung iba para pumunta ng Locker Room para kunin yung damit na P.E namin at makapalit na din. Tumayo na rin si Sorim at niyaya na ako. "Tara na, Dannica. Tayo nalang nandito." sabi nito. "Sige. Una kana. Sunod nalang ako." sabi ko sa kanya habang inaahos ko yung mga libro ko sa babay ng table ko. Tumango nalang si Sorim at umalis na nga para makapagpalit ng damit. Pagkaayos ko ng gamit, tumayo na ako sa kinauupuan. Ihahakbang ko na sana yung paa ko nang makita si... Nakatayo siya sa may pintuan habang nakasandig ang braso niya at nasa mga bulsa ang mga kamay. Nakatingin ito ng seryoso sakin. Nang makitang nagulat akong nakita siya, napangisi nalang siya. "Kamusta kana aking ex?" Nakangisi sabi nito. "C-charlie..." Gulat na gulat sambit ko sa pangalan niya. Ngumiti lang siya nakakaloko sakin. Nakaramdam nalang ako ng takot. Mukhang may gagawin siya na di ko alam. Pumasok siya sa room ko at nilingon-lingon yung buong classroom namin habang nasa mga bulsa pa rin nito ang kamay niya. Di ko alam pero kinakabahan ako. Kakaiba kasi yung ngiti niya ngayon yung mukhang may binabalak. Ang malala pa, mukhang wala siya sa matino ngayon. Naamoy kong amoy alak siya kahit sa malayo siya sakin. Pumunta siya sa tapat ng teachers table at pinatong niya yung dalawang kamay doon. "Maganda pala yung room nyo," sabi nito habang nakatingin sa dingding."Kamusta naman yung pagiging Top 2 mo? Maganda ba?" habang sinasabi niya ito tumingin ito sakin. Di ako nagpahalatang natatakot ako. Kung saktan man niya ako dahil lasing siya, kaya ko naman siya kalabanin. Kung basagulero siya, ee ako pala away. Akala niya mahina ako ah? Tss. "Ano ginagawa mo dito?!!" pasigaw na tanong ko. Nanginig nalang yung paa ko nang makita ulit yung ngiti niyang nakita ko kanina. Nakakatakot siya. Naglakad siya sa kinaroroona ko habang hawak niya yung necktie niya na parang niluluwagan niya iyon. "Dannica, bakit laging galit ka sakin? Masama bang makita ka? Pasalamat ka nag-eeffort na kong puntahan ka kaso parang galit kapa. Aayaw-ayaw ka pa." mukhang gustong insultuhin niya ako sa sinabi niya. Nang nasa harapan ko na siya, saka naman siya huminto. Tiningnan lang niya ako ng deretsyo sa mga mata ko. Napaiwas ako maya-maya dahil mukhang sa tingin palang niya gusto niya akong hubaran. Nakikita ko sa mata niya ang pagnanasa at galit. Ibang Charlie ang nasa harapan ko ngayon. "Wag mo kong idamay sa galit mo, Charlie! Porket napagalitan ka ni Sir Don kasi nahuli ka niyang naninigarilyo, sakin ka pupunta para sakin mo ibuntong yang galit mo!" Sumbat ko sa kanya. Tumawa lang siya halos napataas kilay ako sa pagtawa niya. Mukhang gusto niya akong insultuhin. "Iba kasi yung sinabi sakin ni Sir Don. Mukhang may kakaiba sa kanya at ganun nalang niya akong pagalitan. Malala pa, nag-iba yung topic niya at napunta sayo." Doon na nagbago ang tono ng pananalita ni Charlie. Nagulat nalang ako nang hawakan niya ng mahigpit ang mga braso ko."Ikaw! Paanong nalaman ni Sir na niloko kita?! Sinabi mo ba para makaganti ka sakin?" Galit na galit na sumbat niya. "Aray! Nasasaktan ako, Charlie!" Sabi ko nang mahigpit pagkakahawak niya sa braso ko. Kitang-kita ko sa mata niya yung galit. Para na kong papatayin dahil sa mata niyang nakakatakot. "Ikaw! Paanong nalaman ni Sir na Playboy ako?!" patuloy pa rin nitong sabi. "Aray!!!" Lalo ako napasigaw sa sakit dahil humigpit lalo yung kamay niya halos naramdaman kong bumaon na yung kuko niya sa balat ko."W-wala akong alam sa pinagsasabi mo, Charlie!" "At paanong nalaman ni Sir na naging ex kita? Sumbungera ka! Di ko alam may ugali ka pala nyan!" Galit na galit pa rin niyang sumbat. "W-wala nga ako alam dyan sa pinagsasabi mo! Wala a-akong sinabi kay Sir Don!" nasasaktan na ako pero kahit ganun nasabi ko pa rin iyon. Feeling ko may dumugo na sa braso ko dahil sa pagbaon ng kuko niya sa balat ko. Alam ko namumula na itong braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya doon. "Dahil sayo, napahiya ako sa maraming tao! Ang turing na ng lahat sakin ay isang di pagkakatiwalaang tao! Dahil sayo rin, nagbreak na kami ni Joy! Sinira mo ko! Ginulo mo ang buhay ko!!!" pagsisisi niya sakin. Dumating na si Sorim na naka-damit na ng pang P.E at gulat na gulat na makita ako na sinasaktan ni Charlie. "Dannica!!!" sambit nitong makita akong sinasaktan ni Charlie. Tumakbo agad siya sa kinaroroonan namin. Sinapak ako ni Charlie ng napakalakas habang ang isang kamay niya ay hawak pa rin ang braso ko. Naiiyak na ako. Wala akong alam sa binibintang niya sakin. "Charlie, wag mong sasaktan si Dannica! Bitawan mo siya!" sigaw ni Sorim at hinawalan ang kamay nito na tatangkang sasapakin ulit ako. "Wag kang makialam!!!" galit na sigaw ni Charlie at tinulak ng napakalas si Sorim halos sumampa ito sa pader. "Aray..." sambit ni Sorim halos mapaupo ito sa sahig at sinasapo-sapo at likod nitong nasakitan. "Hayop ka, Charlie! Wag mong sasaktan ang kaibigan ko!!!" galit na sabi ko nang makita ang ginawa kay Sorim. Tinulak ko siya sabay sinapak. Dahil sa pagsapak ko sa kanya parang nagkamali ako sa kanya. Dahan-dahan siya nilingon ako at nakita ko sa mata niya ang galit dahil sa pagsapak ko sa kanya. Nagulat nalang ako na na sakalin niya ako. Dahil sa ginawa niya napa-atras ako. Di ako makahinga. Ang hirap alisin ang kamay niyang nasa leeg ko. Nanghihina na ako. "C-charlie, d-di ako maka-hing...a..." nahihirapang sabi ko. Pinilit makatayo si Sorim kahit nahihirapan siya. Sumugod ulit siya para pigilan si Charlie. "Charlie, bitawan mo siya!" Sigaw niya at hinawakan yung braso nito paalis sa leeg kong nakasakal sakin."Nasasaktan mo siya! Mapapatay mo si Dannica!" Hinampas nalang ni Charlie ang kamay niya kay Sorim. Dahil sa ginawa niya, napasubsob ito sa mga mesa sabay bagsak sa baba. Nawalan nalang ng malay si Sorim dahil sa ginawa niya. Binalik ulit ni Charlie yung kamay niya. Sinakal niya ako hanggang nahihirapan na ko makahinga. Nagiging blur na paningin ko at naluluha na ako. May kahinaan rin pala ako. Kahinaan ko rin pala pag yung taong iyon ay galit na galit. Di ko masubukang ipagtanggol ang sarili ko kahit si Sorim. Pagtingin ko sa sarili ko, ang yabang ko. Wala rin pala ibubuga. Nagulat nalang ako nang may humawak sa kabilang kamay ni Charlie at marahas na sinuntok ito. Dahil sa ginawa nito napasubsob sa mga upuan si Charlie. Napaupo nalang ako sa sahig habang umuubo. Lumapit agad yung tumulong sakin. "Sorry kung na-late ako ng dating..." boses na pamilyar yun sakin ah? Dahan-dahan ko iniangat ang ulo ko. Kahit nagba-blur yunh paningin ko, luminaw iyon nang makita ko si... "Don..." Sampit ko sa pangalan niya at nagsitulo yung luha ko. Hinawawakan niya ang dalawa kong pisngi sanay niyakap. Di nagtagal, humiwalay naman siya sakin. "Ligtas kana. Nandito na ko..." sabi niya at nakaramdam ako ng kakaiba sa sinabi niyang iyon. "Sandali. Tuturuan ko muna ng leksyon si Charlie." sabi nito. Tumayo ito at galit na galit na tinungo si Charlie na bumabangon palang. Marahas nito kinuwelyuhan at sinuntok sa tiyan. Di ko alam ano pinagsasabi ni Sir Don kay Charlie mukhang nagmamakaawa na nga ito dito dahil sa ginawa nito samin. Pumasok ang mga staff ng school at nilapitan ako. Mukhang may nag-report sa kanila na sinasaktan ako ni Charlie. "Dannica, okay ka lang?" tanong nung babaeng president sa organization sa school namin. Kasama nito ang ibang member nito. Di ko na sila nakikitang malinaw, naging blur nalang. Di ko na alam ang sumunod na nagyari and everything went black...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD