DANNICA LAZARDE POV:)
Nasa kuwarto ako, nagkukulong. Kakadating ko lang ng bahay galing school, diretsyo agad ako ng kuwarto ko. Di ko na hinintay na matapos yung sinasabi ni Ate dahil kusa na ako humakyat ng hagdan. Umiiwas ako kay Ate at baka makita niya yung sugat ko sa braso.
Alam nyo naman ata nangyari. Bumaon yung kuko ni Charlie sa braso ko. Ang hapdi nga ee. Nakasuot ako ng long-sleeve na damit. Para di makita ito ni Ate.
Nagsabi ako sa mga teacher at sa member ng school organization na wag ito ipapaalam kay Ate. Pumayag naman sila. Ayaw ko kasi magalit si Ate at baka lalong i-kick out nito sa school si Charlie.
May paki naman ako sa ex ko. Kahit ganun, naging parte naman siya ng buhay ko. Tinanong ako ng mga teacher kung gusto ko i-kick out si Charlie dahil sa ginawa nito samin ni Sorim pero ako na yung nagsabi na huwag na. Di naman ako masama at di ko ginawang big deal ang lahat. Pag ginawa ko yun, nangangahulugan lang iyon na totoo yung binibintang ni Charlie sakin.
Mukhang nagalit si Sir Don sa hindi ko pagpayag na i-kick out si Charlie. Nagulat nga ako na tumingin siya sakin ng masama at halatang di siya payag sa desisyon ko. Umalis ito na nakakuyom ang kamay.
Ang naging punishment ni Charlie ay naging 1 month ang suspend niya at pagbalik niya next month, 1 month din siya maglilinis ng school. Okay na yun na parusa niya basta okay kami ni Sorim. Buhay pa naman kami.
Nung nasa clinic ako para ipagamot ito, nagulat na lamang ako na napapalibutan ako sa inuupuaan kong kama. Niyakap nila akong lahat halos umiyak pa sila. Alam mo ano ginawa ko? Di ako makahinga. Grabe! Pumatong pa talaga sakin yung matabang kaklase ko. Wiw!
Akala mo naman kasi sa kanila namatay ako tapos muling nabuhay. Nagtataka ako, kailan sila naging care sakin? Nako-konsensya nga ako kasi parang concern sakin lahat ng kaklase ko. Pati si Sorim umiiyak din at kasama siya sa grupo ng mga kaklase. Akala mo sa school clinic may drama. Mala-MMK! Grabe makaiyak yung kaklase ko talagang mataba. Wala naman ako ginawa sa kanilang mabuti. Lagi ko nga sila di pinapansin pero yung pinakita nila sakin, mukhang muling bumubukas yung puso ko na magtiwala ulit sa iba.
Bumangon na nga ako sa kinahihigaan, tanghali na ko nagising. Sakto namang pagbangon ko tumunog yung cp ko. Kinuha ko sa night table iyon at tiningnan kung sino nagtext. Nanlaki mata ako kasi number lang. Di ko naman ito kilala e.
In-open ko nga yung message na iyon.
FROM: 0915*******
Good evening, Dannica.
Wow! Sino 'to?! Wala naman nakakaalam sa number ko bukod kay Ate at Sorim. Wala na ko pinabigay na number.
"Baka si Sorim lang ito? Pinagti-tripan ata niya ako." Mahinang sabi ko.
Tumunog ulit yung cp ko. Tatlong beses iyon tumunog. May 3 messages akong natanggap sa misteryosong number na ito.
FROM: 0915*******
Pahinga kana dyan.
Pasensya na kung nagalit ako.
I'm very sorry sa naging attitude ko. Di ko lang kasi tanggap na iyon pinili mo. Sorry.
Tama ba yung kutob ko? Tama ba yung hinala ko? Tama ba yung... Si...si ano ba ito?
* * * dug.dug.dug * * *
Bakit tumibok ng ganito ang puso ko. Siya ba itong nagtetext sakin?
Wag mong sabihin siya talaga si...
Tumunog ulit yung cp ko kaya mabilis na binuksan ko yung text.
FROM: 0915*******
Anyway, this is Don. Professor Don.
Di makapaniwalaang tama nga yung hinala ko. Si Sir Don nga ito.
Nanlalaking mata na nabitawan ko yung cp ko. Napahawak ako sa pisngi ko. Nararamdaman kong umiinit kasi iyon, alam kong nagba-blush ako. s**t! Bakit kinikilig ako?!
"Si sir? Nagtext sakin? Malala pa, mukhang ang concern siya sakin?!" Sabi ko sa loob-loob.
Pabagsak na nahiga ulit ako sa kama. Kinuha ko yung unan at tinakpan ko sa mukha ko.
"Kyyaaahhhh!!!" Kinikilig kong sabi at pinapadyak-padyak ko pa yung paa ko. Para akong teenager sa ginagawa ko.
Shit! Kenekeleg eke! Eme ged!
Bahala na kung marinig ni Ate yung pagtitili ko. Basta ako, kinikilig ako.
"Kyaaahhhh!!!"
Kumatok si Ate sa pintuan. Yan na nga, narinig nga ni Ate.
"Hoy, Dannica! Anong nangyayari na sayo sa loob? Sinasaniban kaba dyan? Makatili ka kala mo kinakatay ka dyan!" Sigaw ni Ate habang nasa labas siya.
Bumangon ako sa kinahihigaan. Napa-pout nalang ako.
"Kahit kailan talaga, pampanira ng moment 'tong si Ate. Palibhasa kasi Senior Citizen na. Hmp!" Mhinang sabi ko."Ate, ano ulam natin ngayon?" Lang-iiba ko ng topic.
"Nagluto ako ng Tinolang Manok. Bumaba kana dyan at kakain na tayo." Sabi nito.
"Okay ate!"
Kinuha ko yung cp ko at naisipan kong reply-an si Sir.
Di ko talaga maiwasang kiligin. Hihihi.
TO: 0915*******
Wala po yun, Sir. Anyway po, salamat po sa pagligtas sakin. Good evening din po sayo.
Dinagdagan ko pang puso yung sa hulihan. Para naman matuwa si Sir sa kakulitan ko. Hihihi. Nilagay ko na ang cp ko sa night table at tumayo na ako para bumaba na.
Lumabas na ako ng kuwarto na may ngiti sa mga labi.
Nasa tapat ako ngayon ng mall para mag-grocery. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Ako yung nautusan ni Ate mag-grocery kasi may lakad sila ni Kuya Jake. Mabuti pa sila, naglalakwatsya. Ako? Team-bahay.
Kaway-kaway sa team-bahay dyan!
Papasok na sana ako ng entrance ng mall na may nakabunggo ako dahil sa ginawa niya, nahulog sa ibaba yung mini bag ko.
"Sorry, Miss." Sabi nung nakabunggo sakin.
Shit! Minamalas ka naman.
Imbes luluhod ako at ako na kukuha kaso yung lalaki na yung lumuhod at sya na kumuha iyon.
"Ito pala..." Sabi nito nang makatayo at binigay sakin.
"Salamat----"
Di ko nalang napatuloy sasabihin ko nang makita ang taong nakabunggo ko. Nanlalaki mata ako nang makita siya at kaharap ko ngayon.
Kilala ko siya! Kilala ko sya e. Saan ko ba siya nakita? Pamilyar yung mukha niya sakin.
"Dannica?" Nakangiting banggit ng lalaki sa pangalan ko. Nakilala niya ako.
Sino nga ba siya ulit?
Isip!
Isip!
Isip!
Isip!
Ah! Alam ko na! Kilala ko na siya. Siya yung elementary classmate ko. Yung katabi ko lagi at siya yung matalino sa Math at lagi niya ako pinapagaya noon.
Wow ah? Ang laki ng pinagbago niya. Ang guwapo na niya.
"Dave!" Bulalas ko nang maalala siya pati name nya. Salamat naman wala pa ko deperensya sa ulo. Naalala ko pa siya kahit matagal na.
"Ako nga!" Nakangiting sabi niya.
"Dave, namiss kita..."
Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako habang tumatawa.
"Namiss rin kita..." Sabi din nito habang ang lapad ng ngiti.
Kumawala na kami sa pagyayayakapan. Nagyaya siya na pumasok muna kami sa mall. Pag-uusapan namin yung about sa buhay namin o ano na kami ngayon.
Nasa Jollibee kami, siya na yung um-order. Maya na ko maggo-grocery. Maaga pa naman.
Nang nandyan na si Dave, nilagay na niya sa mesa yung in-order niyang pagkain namin.
"So, kamusta kana pala Dannica?" Panimula nito nang maupo na ito sa upuan.
"Hay naku! Kailangan pa ba itanong? Ito, tanga pa rin sa Math. Kainis! Bakit ko ba kinuha ang Accountancy." Sabi ko at naiinis na nahilamos ko yung mukha ko.
"Hanggang ngayon, nakakatawa ka pa rin. Di ka pa rin nagbabago." Natatawang sabi ni Dave.
"Grabe ka! May nagbago din kaya sakin." Naka-pout na sabi ko sabay sumipsip ng coke gamit ng straw.
"Ano naman yun?"
"Cute ko pa rin." Nakangiting sabi ko at nagpa-cute sa kanya halos nag-pout-pout pa ko with wink-wink pa ng eyes.
"Yuck! Lalo kang pumanget! Wag ka ngang magpa-cute dyan! Nagmumukhang aso ka dyan!"
Aba?!! Ansama niya. Di naman ako pangit. Di lang niya feel yung ganda ko.
"Ee ikaw? Kamusta kana? Saan kana nag-high school nung pagka-graduate natin ng Elementary?" Pag-iiba ko ng tanong. Siya naman tinanong ko. Ako na naman gaganti.
"Sa Bicol na ako nag-High School, sa probinsya ni Mama. Tumira ako sa bahay ni Lola. Maganda rin yung buhay ko dun pero iba pa rin yung Elementary days ko. Nakakamiss ka kasi..." Kwento niya at ngumiti ng matamis sakin. Namula naman ako sa sinabi niya. Para di mahalata na namula ako, kumain na kumain lang ako."College? Hmm, dito na sa Manila. 4th year College na, Accountancy."
Napatingin ako sa kanya na nanlalaking mata.
"Accountancy ka din?!"
"Hahaha, di ba halata?" Sabi lang nito at tumawa na naman." Ang cute mo talaga."
Nagulat nalang ako nang kusutin nito yung buhok ko. Dahil sa ginawa niya, nasira yung napakagandang buhok ko. Joke! Naano lang niya, ginulo niya. Hehehe.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Siya si Dave Lorejo. Kaklase ko siya nong Elementary pa kami. Siya yung close friend ko noon at siya yung nagpapagaya sakin sa math. Laki na ng pinagbago niya. Guwapo pa rin siya at mas lalong gumuwapo.
Kumain na kami at di pa rin nawawala yung tawanan sa table namin.
Pasukan na naman. Maaga akong ginising ni Ate. Kakainis nga e. Alas 4 palang ng umaga, ginising na ako. May pupuntahan kasi si Ate. Sasama ata siya kay Kuya Jake kasi pupunta ata ito ng Boracay. Business trip saka date na din siguro nila.
1 week na wala sila dito kaya ako mag-isa sa bahay.
Kakainis nga. Lagi nalang nila ako iniiwan. Huhuhu.
Nakaupo ako sa lamesa at kumakain mag-isa.
"Ikaw na bahala dito, Dannica. Nasa ref na ang lahat, kompleto na. Umuwi sa tamang oras. Pag nabalitaan kong saan ka nagpupunta-punta, bawas ang allowance mo sakin."
Aba-aba! Unfair naman. Siya nga, magala. Ako na lagi nalang sa bahay. Dapat naman palakwatsyahin niya naman ako kahit isang araw lang.
"O-K!" Sagot ko at naikot ko nalang yung eyeballs ko.
"Kung nabo-boring ka, papuntahan mo dito sila Sorim at kapatid niya. Pwede rin dito mo sila patulugin habang wala ako. Mabuti na yun para may mata ako sayo." Patuloy pa rin niyang sabi.
"Oo na! Oo na! Umalis kana!" Naiinis na ko ee. Akala naman niya pasaway ako. Kahit kailan di pa ako nagpasaway sa kanya.
May tumunog na kotse sa labas kaya napatingin si Ate sa may pinto.
"Ow sya! Andyan na si Kuya Jake po. Last bilin, wag kang magluluko-luko. Walang crush-crush ah? Baka ibang crush yan at may mangyari sainyo tapos----"
Di ko na pinatuloy sasabihin ni Ate. Binagsak ko sa plato yung kutsara. Inis na inis na naikusot ko yung mukha ko gamit ng kamay ko.
"Oo na! Si Ate, wala ka bang tiwala sakin ah? Nakakainis kana."
Naiinis na talaga ako. Sobra!
"Hindi mo alam ang mundo, Dannica. Maraming nabubulag sa pag-ibig. Lahat nang bagay akala pwede pero hindi." Sabi ni Ate at nagtaka ako kasi biglang sumeryoso ito. Ngayon ko lang nakita si Ate magseryoso ng ganito. Nakakatakot tuloy."Sige. Alis na ko. Ingat ka." Sabi nito at lumabas na ng kusina.
Naiwan akong natulala at iniisip yung sinabi ni Ate.
Nasa room na ako. Walang klase dahil nagme-meeting yung mga teachers. Magkakaroon kasi ng pageant kaya pinagme-meeting-an na iyon. Maiingay yung mga kaklase ko samantala ako nasa gilid, nakamukmok at nakatingin sa labas ng bintana.
Hayyy! Mukhang boring ng buhay ko ngayon. Sa kakaisip kasi ng sinabi ni ate. Ano kaya ibig sabihin niya iyon?
Absent si Sorim kaya wala akong masyadong kausap. May sakit siya ngayon at nami-miss ko na siya. Mula nung mangyari yung kaguluhang iyon, tinuring ko nang kaibigan si Sorim. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan ulit. Dati kasi hindi. Basta may dahilan ako.
Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko ang mga kaklase ko nakatayo sa gilid ko at halatang may hihingiing pabor sakin. As in, nakatayo silang lahat sakin halos napapalibutan pa nila ako.
"Oh? Ano kailangan nyo?" Pa-bossy na tono na tanong ko sa kanila.
"Pwede ikaw nalang ilaban namin sa Miss Campus? Please, Dannica please?!" Pagmamakaawa ni Tabachingching.
"What?!" Gulat na gulat na sabi ko halos mapatayo ako sa kinauupuan.