DANNICA LAZARDE POV:)
Pagkatapos ng klase ni Sir, snack time na namin. Nandito pa rin si Sir sa room. Panay explain lang si Sir about sa magiging output namin bukas. Yan sa lahat ayaw ko kay Sir Don. Panay bigay ng output. Kung di output, project namin. Nakaka-stress din kaya gumawa nun palagi tapos ang deadline niya bukas agad.
Hay! Di ko alam kung abnormal din itong si Prof, gusto meron agad at andyan. Siguro spoiled si Sir? Gusto kasi nga di ba nya, andyan na at nakukuha agad niya. Aba! Wag nya akong i-spoiled brat! Kahit crush ko sya, kaya kong mag-suplada sa kanya pag ganyanin nya ako.
So, yun na nga. Di pa siya umaalis ng room dahil mukhang may may tinitingnan itong mga papel sa folder. Nagsilabas na yung mga kaklase ko at ako naman ay kakatayo ko lang. Nilagay ko na sa aking bag ang mga gamit ko.
Dadaan ako sa teacher seat kung saan kinaroroonan ni Professor Don. Nagpatay malisya ako, kunyari di ko nakita yung nakita ko kahapon. Sana naman makalabas akong buhay dito---isteh di niya ako tanungin about doon.
Bago paman ako makadaan, lumipad ang mga paper dahil sa electric pan sa taas. Dali-daling kinuha ko sa ibaba ang nagkalat na gamit ni Sir. Yan kasi tayo e, matuto tayong maging good girl lalo na sa teacher natin. Di naman ako bad na pabayaan siya.
Ako lang kumuha halos hinintay lang niya akong makuha lahat iyon. Naiinis din ako pag may pinupulot ako sa ibaba. Pag tutuwad ka palang kasi, kita na yung puwetan mo tapos pag yuyuko ka, makikita yung ilog-ilugan ng dede mo. Maiksi kasi palda namin tsaka fitted yung damit. Dahil doon, kita yung makinis kong legs at kalakihan din ng dede ako. Ako lang sa mga kaklase namin ang pinagpala. Ako pa! Good girl kasi!
Nasabi ko na ba sainyo? Muse ako samin at kasali ako sa Top 5 ng Campus Queen dito sa school. In short, famous din ako. Ako pa! Maganda din kasi ako.
Maiinggit kayo pag makita nyo ko sa personal. Malilibugan ka talaga sa kagandahang tinataglay ko. I mean, mapapanganga ka pag makita nyo ang ganda ko.
Tumayo na ako at inayos ko muna ang mga papel. Pagka-ayos, binigay ko na kaagad iyon kay Sir.
"Ito na po, Sir." Sabi ko at sabay turol. Naka-ipit sa kili-kili ko yung folder na ipapabigay niya sa akin sa Dean.
Napatigil ako sa paggalaw nang makitang nakatingin lang ng seryoso si Sir. Panay tingin kasi sa boobs kong malaki. Nakaramdam nalang ako ng takot halos nagsitaasan ang balahibo ko. Doon ko naalala na adik si Sir Don sa porn. s**t! Ibang Sir Don kaharap ko ngayon.
Dahil sa takot, nilagay ko nalang sa mesa niya yung mga papel. Kasi naman tagal niyang kunin iyon. Mukhang gusto niya pang tignan yung kabuuan ko. Ngayon ko lang na-realized na manyakis din pala si Sir.
Dali-dali akong lumabas ng room halos tumakbo na ko. Nang wala na ko sa room, nakahinga nalang ako ng maluwag. Sunod-sunod ang paghinga ko dahil sa pagod sa kakatakbo. Hinawakan ko ang dibdib ko, hingal na hingal pa rin ako sa takot.
"Nakakahalata na kaya si Sir? Mukhang takot ako sa kanya. Patay! Magagalit si Sir sakin. Sabihin nyan dahil sa nakita ko siyang nanonood ng porn. Posibleng ibagsak niya ako?!" Sa loob-loob kong sabi. Naipokpok ko nalang ang ulo ko."Hayst! Bwisit ka talaga, Dannica. Dapat magpatay malisya ka nalang. Kunyari wala kang nakita. Hayst!" Problemadong sabi ko sa sarili ko.
Doon ko na-realize na...
"Waaah!" Bulalas ko. Dali-dali ko naman binotones ang uniform ko. Kaya pala nakatitig si Sir sa dibdib ko dahil dito. Ang tanga mo talaga, Dannica.
Nung naka-recover na ako, naglakad na ulit ako para dalhin itong pinabibigay nga ni Sir Don sakin sa Dean.
Kumatok muna ako. Pagkakatok ng tatlong beses, binuksan ko na iyon. Nakita ko ang Dean ng school namin na nakaupo sa Principal Seat nito. Nakatuon ang atensyon nito sa laptop.
Kapatid pala ito ni Professor Don. Wag na kayong magtaka. Mayaman talaga sila Sir Don. Halata naman sa itsura nila e. Binatang-binata pa rin itong kapatid ni Sir Don. 30 years old palang at wala pang asawa pero may fianceé. Di ko pa alam kung kailan ito magpapakasal. Baka sa 2025? Baka nga.
Tinungo ko na agad ang kinaroroonan nito. Magalang na binigay ko ang pinabibigay sa kanya ni Sir Don.
"Sir Dean, pinamimigay po ito ni Sir Don." Nkayukong sabi ko.
Bumaling ang tingin nito sakin. Tinignan muna niya ang kabuuan ko bago kunin iyon sa kamay ko. May sumilay na ngiting nakakaloko sa kanyang labi.
"Salamat...Miss Lazarde." Pasalamat nito nang binasa ang pangalan sa I.D ko.
Ngumiti lang ako ng tama at dali-daling umalis. Natatakot din kasi ako sa kanya e. Bali-balita kasi na demons din ugali ng Dean namin. Magkaiba raw ugali nilang magkapatid.
"Your so hot..."
Napahinto ako sa sinabi iyon ni Dean. Pero nagpatuloy lang ako sa paglakad para umalis sa impyernong office na ito. Natatakot talaga ako sa kanya. Baka may gawin pa ito sakin.
Pagkalabas ng office, muntikan na ko bumagsak sa sahig. Nakalabas din ako ng buhay. Nawala na ulit yung takot na nararamdaman ko.
Huminga muna ako ng malalim, pagkahinga..
"Salamat, buhay pa ko." Mahinang sabi ko."Hay..."
Mag-isang kumakain ako sa table. Wala akong katabi at mas lalong gustong tumabi sakin. Takot kasi lahat ng mga estudyante sakin. Kilala kasi nila akong suplada at mainitin ang ulo. Kaya kahit ni isa wala sakin gustong makipagkaibigan pero mabait naman ako.
Naalala ko noon, 1st Year College ako, may nakipag-away sakin. Nilalandi ko daw yung boyfriend niya e di ko nga pinapansin. Yun nga ang panay lapit sakin. Nagalit nga ako nung sapakin nalang ako nun. Galit na galit sinuntok ko yung tiyan niya. Panay suka lang ito.
Ako palang ang kauna-unahang nakalaban at nakatalo sa b***h na babaeng iyon. Kaya mula noon, takot na ang lahat dito sakin. Pero kahit ganun, kilalang-kilala pa rin ako at famous.
Patuloy lang ako kumakain nang marinig kong pumasok ng canteen ang lalaking kinaiinisan ko. Kilala ko na ang boses niya. Kasing boses niya ang kademonyuhan ng ugali niya. Tss!
"Babe, maya ah? Alam mo na?" Malanding sabi nito sa girlfriend nya.
"Yes, Babe." Malanding sagot din ng babae.
Wow! Wow na wow talaga! Girlfriend na pala ng ex kong demon yung b***h na nakaaway ko noon. Wow talaga. As in, wow! Mukhang masayang-masaya pa silang tumungo sa table halos sobra sila makayakap sa isa't-isa. Ang malala pa, umupo sila sa tabi ng table na kinaroroonan ko.
Nagulat pa nga sila nang makitang malapit ako sa kanila.
Ako, kumakain lang ako. Wala akong paki sa kanila. Sino ba sila? Tsk! Bagay sila. Isang demonyo at isang demonyita.
"Nandito pala yung ex kong inosente..." Boses yun ng magaling kong ex pero di ko naman siya sineryoso."Kamusta kana? Nasasaktan ka pa rin ba sa pag-iwan ko sayo?" Tanong nito at sa tono palang ng pagsasalita nito ay mukhang nang-iinsulto.
Di lang ako umimik. Panay kain lang ako ng spaghetti. Ayaw ko makipag-away, wala ako sa mood.
"Babe, mukhang ayaw ka niyang kausap." Sabi ni Joy. Siya yung b***h at gf ngayon ni Ex.
Mukhang nagalit naman yung ex ko kasi di ko siya pinapansin. Nag-salita ulit siya.
"Bitter ka lang kasi. Pa-inosente kapa, pa-ayaw-ayaw mo pa e baka gusto mo lang naman---"
Dahil sa pikon na, naitapon ko nalang sa plato yung tinidor. Galit na galit na tumayo ako halos malakas yung paggalaw ko nung upuan. Nakataas-kilay na tumingin ako sa kanila. Nagulat pa nga silang dalawa sa ginawa kong iyon halos napa-atras sila kahit nakaupo sila.
Tumahimik sa loob ng canteen dahil sa ginawa ko kaya lahat ng atensyon nila ay nasa amin.
"Sino ka? Kilala ba kita?" Sarcastic na panimula ko. Napangiti nalang ako halos napatingin ako sa ibang direksyon sabay cross arms pa."Masyado ka namang assuming," Turan ko at mataray tiningnan siya."...Mr. Charlie Gomez??!" Sabi ko sa pangalan ng ex ko sabay ngumiti ng nakaka-insulto."Kahit kailan di ako umiyak nung mawala ka. Masayang-masaya pa nga ako dahil wala na yung peste sa buhay ko." Patuloy ko paring sabi."At saka," ilang sekundo ako nahinto sa pananalita at marahas na kinuha ko sa table nila yung kutsara. At binali ko iyon habang nakapatong iyong sa mesa halos nanlaki pa silang dalawa ng mata sa ginawa ko."...sa wakas wala na rin yung lalaking may balat sa..." Tiningnan ko yung hari niya. Dahil sa ginawa ko, na-gets iyon ng lahat.
Nagtawanan ang mga estudyante dito sa canteen dahil na-gets nila yung tinutukoy ko. Nataranta naman si Charlie halos nagde-deny pa siya.
"A-anong pinagsasabi mo dyan?! Di ah! Bumubuo ka na naman dyan ng k-kwento." Nauutal na maang-maangan nito.
Nahalata naman siya ng lahat kasi mukhang natataranta ito. Kahit nga sa pananalita, di sya nakaligtas Nakangiting demonyo na tumalikod na ako para umalis kaso mukhang ayaw pa ng ex kong talikuran ko siya.
"Hoy! Bawiin mo yung sinabi mo---" sabi nito sabay hawak sa braso ko kaso di na niya napatuloy ang sasabihin niya nang...
Sinapak ko siyang napakalakas halos rinig na rinig iyon sa loob ng canteen. Gulat na gulat na napatingin lang sakin si Charlie habang sapo-sapo ang namumula niyang pisngi.
Sumugod naman sakin agad si Joy dahil sa ginawa ko sa boyfriend niya.
"Hayop ka! Bakit mo yun ginawa---" sasabunutan na sana niya ako nang naunahan ko siya. Sinuntok ko siya sa tiyan.
Napaluhod ito sa sobrang sakit sa ginawa ko.
Napa-"wow" nalang yung mga estudyante sa ginawa ko halos yung mga lalaki nabilib sa akin.
"Wow! Astig."
"s**t! Astig pa siya kaysaa satin."
"Nakakainlove ang pagiging bad girl niya."
Naka-chin up na naglakad na ako paalis ng canteen. Nagsipalakpakan ang lahat dahil sa magandang show na ginawa ko. Para tuloy akong artista na naglalakad habang pinapalakpakan.
Nahuli na naman ako. Nag-check kasi ako ng Quiz ng isang Teacher ko. Kaya tulad kahapon, ako na naman ang natirang estudyante dito sa school.
Kinuha ko yung cp ko sa bulsa at nakita kong may 20 missed called at 50 message si ate. Mukhang inabutan na naman sya ng pagka-abnormality syndrome niya.
Nagtext agad ako kay Ate Jannica bakit late na naman ako umuwi. Baka kasi mag-alala ito.
Pagka-text, nilagay ko na sa bag ang cp ko. Binilisan ko ang paglalakad para di lalong magalit si Ate. Napahinto ako nang makitang dadaanan ko ulit yung office ni Sir. Mukhang wala akong naririnig na ungol. Mukhang wala si Sir Don at di siya nanonood ng Porn.
Dahan-dahan akong humakbang kaso nang nasa tapat na ako ng pintuan ng office niya, bumukas nalang iyon at tumambad sakin ang nakaka-akit na mukha ni Sir.
"s**t! Si Sir!" Bulalas ko sa isip. Napatigil tuloy ako sa paglalakad nang lumabas siya."Sir! G-good afternoon p-po!" Nauutal na bati ko sabay yumuko. Nakaramdam ako ng kaba halos manginig na yung mga tuhod ko.
God! Si Sir? Hala! Ano gagawin ko? Ano itong pinag-iisip ko? Baliw na ata ako. Hayst!
Tiningnan ko si Sir. Di siya umimik at seryoso lang siya nakatingin sa akin. Umatras ako ng kaunti kasi papalapit sakin si Sir. Nakaramdam naman ako ng takot. Ano ginagawa ni Sir? Mukhang gusto niya akong lapitan.
"S-si-sir?" Sambit ko at halata sa boses ko ang panginginig."Uuwi na po a-ako. Baka p-po hinahanap na ako ni...ni ate." Kinakabahang sabi ko. Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang braso ko at tangkang sinandig ako sa pader halos napasigaw ako."Ay!"
Ang lapit ni Sir sakin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango at ramdam ko sa mukha ko ang hininga niya. Matangkad-tangkad siya sakin kaya kailangan kong tumingala para tingnan siya.
Ngumiti siya ng half at mukhang bad boy na bad boy yung ngiti niyang iyon na nagpadagdag ng pogi points niya. s**t! Ang guwapo talaga ni Professor Don.
Tumibok nalang bigla ang puso ko sa di inaasahan.
Slow motion na tumingin siya sa mga mata ko, pag ngiti niya sakin at pagpikit ng mga mata niya. s**t! Ang hot ni Sir!
Nagulat nalang ako ng bumaba ang ulo niya sakin. Di ko alam kung ano ginagawa niya. Hahalikan ba niya ako? Ako naman itong tanga na pumikit. Tange! Bakit ako pumikit?! Sabihin niya na gusto ko ngang halikan niya ako?
Dali-daling idinilat ko ang mga mata ko. Marahas na itinulak ko si Sir kaya napalayo siya sakin.
Dali-daling tumakbo ako para umalis.
"Jusko! Anong ginawa ni Sir sakin kanina. Hahalikan ata niya talaga ako..." Mahinang sabi ko habang tumatakbo.
Lumabas na ako ng gate. Pagkalabas, pumara agad ako ng taxi pauwi ng bahay.