DANNICA LAZARDE POV:)
"Ano, Ma'am?! Pakiulit nga po ng sinabi nyo po Ma'am?!" Bulalas ko halos pinaulit ko pa yung sinabi ni Madam.
"Sabi ko, ikaw na ang tumulong kay Sir Don. Mukhang nahihirapan na siya sa pagko-compute at pag-asikaso sa darating na Camp nyo ngayong December." Ulit naman ni Ma'am Mizo."Ikaw lang kasi yung pagkakatiwalaan ko dito kaya ikaw nalang."
"Ma'am pe-pero---"
"Ayaw mo bang sundin ang inuutos ko, Miss Lazarde?"
"S-sige po, Ma'am." Walang magawa, pumayag nalang ako.
Minamalas nga naman. Naiilang pa naman aki kay Sir. Pag sa tuwing naaalala ko yung isang araw na balak niya akong halikan, napa-praning na ako. Halos pinupokpok ko na ulo ko sa sobrang kahihiyan at pagkabaliw.
Umalis na nga si Madam at naiwan akong problemado.
"Paano na 'to?" Naiiyak na sabi ko.
Nasa tapat na ako ng office ni Sir Don. Nagdadalawang isip pa rin ako kung papasok ako o hindi.
"Buksan ko na kaya? Paano kung gawin ulit yun ni Sir? Papahalik din ba ako sa kanya? O sasapakin o tutulakin nalang siya? " Tanong ko sa sarili."Hayst!" Sambit ko sa inis at naisabunot ko ang ulo ko. Sinapak-sapak ko na rin ang mukha ko para maka-isip ng plano."Isip ka ng plano, Dannica ah? Inhale...exhale...inhale...exhale..." Para na kong tanga dito habang nag-iinhale at nag-eexhale naman ako.
Di ko namalayan, nakita ako ni Sir Don. Natatawa siya sa nakikitang katangaang ginawa ko ngayon. Habang ako ay patuloy lang sa mga iba pang katangaang ginawa ko.
"Warm up ka muna Dannica. Pampabawas ng stress kahit kaunti lang." Sabi ko sa sarili ko at sumayaw ng baby shark."Baby shark walang dodo. Baby shade walang dodo. Baby shark walang dodo. Baby Shark..." Kanta ko sa baby shark habang sumasayaw na din ako.
Mas lalong natawa si Sir Don sa ginagawa ko ngayon. Halos napahawak na ito ng bibig para maitigil ang pagtawa ng malakas.
Patuloy lang ako sa pagkanta at pagsayaw ng Baby Shark ng napatingin ako sa gilid ko. Nakita kong nakatayo si Sir Don pero di ko pinansin nanatiling sumayaw ako. Alam kong nasa loob ng office si----
Napahinto nalang ako sa pagsayaw. Nanlalaking mata na nilingon ko ang lalaking nakatayo. Napag-alaman ko na si Sir Don nga ito. Nakita kong pinipilit nitong di matawa. Mukhang nakita niya ang lahat na katangahan na ginawa ko. Namula na ako sa sobrang kahihiyan halos napayukong hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko.
"Kakahiya..." Mahinang sabi ko sabay pumikit."Sorry, Sir." Sabi ko habang nakayuko.
Di umimik si Sir bagkus narinig ko ang hakbang niya papunta sakun. Napadilat mata naman ako. Hala! Gagawin ba niya ulit iyon?
Nakita ko sa baba ang black shoes ni Sir. Nasa harapan ko na siya. Malapit siya sakin. Akala ko may gagawin siya pero mabilis binuksan ang pinto ng office nya at pumasok doon. Bago paman makapasok, may sinabi pa si Sir.
"Ikaw ba pinadala ni Ma'am Mizo dito?" Tanong nito.
Dali-daling napatingin ako dito. Nakita kong nakatingin ito sakin pero mabilis umiwas. Ang guwapo talaga ni Professor don.
"O-opo, Sir." Nautal na sagot ko dito.
"Pumasok kana." Sabi nito at pinagbuksan ako ng pinto.
Wow? Ang sweet.
Tinignan ko yung kamay niyang nakahawak sa doorknob para papasukin ako at tumingin naman ako sa mukha ni Sir. Palit-palit ako ng tingin doon. Nakakapagtaka, mukhang naging gentleman si Sir. Minsan kasi gusto niya siya yung pinagbubuksan pinto. Lalong-lalo na lahat ng gusto niya nasusunod. Ngayon? Wow! Si Don Cervante, pinagbubuksan ng pinto ang kanyang estudyante?! Wow! Ano nakain nya? Mukhang bumait siya ah?
"Papasok ka ba o hindi?"
"O-opo!" Natarantang sagot ko. Dali-daling pumasok na nga ng loob.
Nasa harapan ako ni Sir nagko-compute ng grades. E no choice. Sabi ni Sir dito na ko magsulat. Yung parang hati kami sa teachers table niya. Ito yung binigay niya saking gawain. Madami rin palang section ang tinuturuan niya. Pero may iba naman na vacant siya at isa lang na days may tuturuan siya ng isang section.
Palihim na pinagmasdan ko si Sir. Abala siya sa sinusulat niya sa isang papel. Di ko alam ano iyon pero alam kong importante iyon.
Ang guwapo pa rin ni Sir kahit nagsusulat siya. Ang kamay niyang may muscles, ang katawan niyang halatang-halata ang pagiging macho at ang mukha niyang kaamo-among nakatingin sa ibaba habang nagsusulat. s**t! Pwede ko ba itong iuwi sa bahay? Gusto ko na kasi asawain.
Napatuktok nalang ako sa ginagawa ko nang tumingin sakin si Sir halos tarantang nagsulat-sulat ng kunyari. My god! Nahuli ako ni Sir. Hala? Baka iba na iniisip nito.
"Miss Lazarde, may problema ba?" Tanong ni Sir. Ito na nga ang sinasabi.
Nahihiyang tumingin ako kay Sir pero di ako makatingin ng deretsyo sa kanyang mga mata. Mukhang kinakabahan na naman ako. Naramdaman kong nanginginig na ang paa ko.
"W-wala po, Don---" naitakip ko nalang bibig ko. Sinampit ko yung pangalan lang ni Sir. Wala kang galang, Dannica! Patay ka!"---isteh Sir Don po." Pagko-correct ko agad.
Nagulat nalang ako na nasa taas ng ulo ko ang kamay niya. Hinawakan niya yung ulo ko. Titig na titig naman ako sa ginawa niyang iyon. Bakit niya yun ginawa? Paraa saan ba yun? May dumi ba sa ulo ko?
Nakatitig lang kami sa isa't-isa ni Sir. Biglang tumigil nalang ang ikot ng mundo ko. Siya lang nakikita ko at parang may mga star na nakapalibot sa kanya halos lumiwanag pa siya sa kaguwapuhan niyang tinataglay.
Di inaasahan, nakaramdamn ako ng mali. s**t! Di ko na matiis.
"Acchoooo!!!"
Dahil sa pag-ano ko, may tumalsik na mga laway o sipon ata sa mukha ni Sir.
"Paktay.." sa loob-loob ko.
Napapikit si Sir nung umachoo ako sa harap niya. Alam kong nagalit si Sir sa ginawa ko kaso nagpipigil lang siya sa galit. Ikaw pa naman acho-in sa harapan mo, tapos talsikan pa ng laway sa mukha mo, syempre magagalit ka din.
"S-sorry po, Sir." Mahinang tawad ko dito.
Hinihintay kong magsalita siya kaso nanatiling nakapikit ito. Mukhang galit na nga siya. Pinipilit niyang wag siyang magalit.
"Juskoo! Anong ginawa kong katangahan ngayon. Huhuhu!" Sa loob-loob ko.
Kinabahan na ako nang dumilat na ang mga mata si Sir Don. Seryoso ang mukha niya at di ko mabasa ang nasa isip niya. Walang ka-emosyon-emosyon ang mukha niya.
Di inaasahan, tumawa nalang si Sir. Napataas-kilay ako dahil tumawa nga si Sir. Ano nakakatawa?
"S-sir? Bakit ka tumatawa? Di ka galit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Baliw ba si Sir? Dapat pagalitan mo ko kasi naging bastos ako sa harapan mo. Bakit tuwang-tuwa ka pa sa ginawa ko?
"Nakakatawa ka kasi." Sabi nya at tumawa ulit.
Napa-pout nalang ako sa sinabi niya. Ano ako clown? Tss.
Kahit nainis sa sinabi ni Sir, kinuha ko sa aking bulsa ang panyo at binigay ko iyon sa kanya.
"Sir oh? Panyo po." Magalang kong sabi.
Tumigil na siya sa pagtawa. Tiningnan niya ng matagal yung panyong nasa palad ko. Maamong mukha na tumingin siya sakin. Nagtataka naman ako sa ekspresyon ng mukha niya. Di ko mabasa at di ko alam kung tatanggapin niya o hindi. Kung ayaw niya ng panyo ko e di wag! Kala naman kasi nya madumi ang panyo ko. Ano akala nya sakin, taong grasa? Tsk!
"Ayaw ko." Sabi nya maya-maya at umayos ng upo.
Napataas-kilay na tumingin ako sa kanya. Tiningnan niya ako sa mata sa mata. Mukhang nakikipag-kompetensyahan pa sakin. Kung ayaw nya, di wag talaga! Tsk!
"Okay!" Malditang sabi ko at ibabalik ko na sana sa bulsa ang panyo nang magsalita siya.
"Ayaw kong ako ang magpunas ng mukha ko. Gusto ko, ikaw gumawa nun."
Nanlalaking mata na napatingin ako kay sir. Halos napabuka pa ko ng bibig dahil sa gulat na sinabi niya. At mukhang inuutusan nya ako magpunas sa guwapo niyang mukha. Wow naman!
"Aba't..." Sa loob-loob ko. Kumunot-noo nalang ako. Wala akong magagawa kasi kasalanan ko naman na mag-achoo sa harapan niya.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Humarap naman siya sa gilid at mukhang gusto talaga niyang punasan ko siya.
Nang nasa harapan na ko niya, nagdadalawang isip pa ako kung pupunasan ko ba siya o hindi?
"Relax lang, Dannica. Pupunasan mo lang yung laway mong tumalsik sa mukha niya. Di mo naman didilaan yun. Kadiri ka! Tsaka wag kang mag-assume na hahalikan ka talaga ni Sir Don. Di kayo pwede at baka may girlfriend na ata sya." Sabi ko sa sarili ko habang sinasabi ko iyon sa isip.
Yun tama nga! Tama! Wag kang mag-assume.
Bumuntong-hininga muna ako. Pagkatapos, dahan-dahan ko inangat ang mga kamay ko papunta sa mukha niya.
Nagulat nalang ako na si Sir Don lang nakikita ko. Slow motion na dahan-dahan padampi ang panyo sa mukha niya. Kumikislap ang kaguwapuhan niya habang nakatingin sakin. Di ko maiwasang tignan ang mata, ilong at mamulang lips nito. Napakagat labi ako nalang ako.
Sinimulan ko na ang pagpunas kay Sir. Tumibok nalang ang puso ko ng napakalakas. Ewan! Nababaliw na ata ako.
Ano na nangyayari sakin? Di ko maiwasang mapatingin sa nakakaakit na mata ni Sir. Ngayon ko lang na-realize na kulay brownies pala ang mata niya kaya nakakapag-catchy iyon sakin.
Nahinto nalang ang pagkatulala ko kay Sir nang magtanong sakin siya.
"Ano nga full name mo?" Tanong nito. Winasak nito ang weird na moment at pagnanasa ko sa kanya.
"Dannica Lazarde po, Sir." Sagot ko.
"Ilan taon kana?" Patuloy pa rin nitong tanong.
"Hmm, 21 na po at soon to 22 na rin po, Sir." Sagot ko at pinunasan naman yung kabilang pisngi ni Sir.
"Kailan ang Birthday mo?"
Aba't! Reporter ka ba, Sir? Grabe kana makatanong ah? Ini-interview mo ba ako?
Ngumiti ako ng natural sa kanya."Sa Dec. 19 po, Sir." Sagot ko pa rin.
"Ahh." Yun nalang naituran nito."Ee boyfriend? Meron?"
Napatigil nalang ako sa pagtangkang pagpunas sa noo niya. Napatitig ako sa kanya at nakita kong seryoso siya sa tanong niyang iyon.
"Meron dati pero wala na po. Kaya single po ulit." Sagot ko at pinagpatuloy na ang pagpupunas. Di na umimik si Sir Don kaya buti nalang. Tinatamad ako magsagot about sa buhay ko kahit about lovelife ko. Walang letche yung first love ko. Kainis!
"Tapos na po, Sir. Ipagpapatuloy ko na po yung ginagawa ko po. Tatapusin ko na po ito ngayon." Sabi ko nang tapos na ko magpunas sa kanya.
Tumango lang sakin si Sir. Pinagpatuloy ko naang ginagawa kong naudlot kanina. Maya-maya lang nakaramdam ako ng pagka-ihi. Tumayo agad ako at nagpaalam kay Sir.
"Sir, CR muna lang po ako ah?" Laalam ko dito.
"Okay." Tipid naman niyang sagot habang nakatutok lang ito sa ginagawa.
Tumalikod agad ako para lumabas ng office. Binilisan ko ang paglalakad ko kasi nakaka-ihi na talaga ako.
Pagbalik ko sa office, wala na si Sir doon. Lumingon-lingon ako sa paligid ng office nya, kaso wala talaga siya doon.
"Asan kaya si Sir?" Sabi ko. Naglakad akong papunta sa office seat niya.
Nanlaki nalang mata ko nang makakita ako sa table ni Sir ng Sandwich at Dutch mill. Nakapatong ito sa ginagawa ko. Para kanino kaya ito? Kay Sir ata. Dinalhan ata siya nila Madam Mizo pero bakit naman? Wala naman okasyon ngayon para dalhan siya ng snack-an.
May nakita ako sa Dutch mill ng isang note na nakadikit doon. Kinuha ko naman yung note na iyon at binasa.
To Dannica,
Para sai'yo yang pagkain na nasa table ko. Kaini! mo yan ah? Pagtapos mo na yung gawain mo, iwan mo nalang yan dyan sa table ko. May meeting kasi kami ngayon. Salamat sa pagtulong sakin.
From Professor Don.
Di ko alam, napangiti nalang ako. Di ko namalayan namula na ang pisngi ko. s**t! Bakit ako kinikilig porket binigyan niya ako nyan?
Assuming ka girl! Snack mo yan, walang meaning dyan!
"Pero bakit naman si Sir mag-iiwan ng ganito at alam pa niya na favorite mo ang dutchmill. Hayst! Ano 'tong pinag-iisip mo! Walang meaning 'to, Danica, ok?!" Sabi ko sa loob-loob.
Napangiti ulit ako habang tinitingnan ko yung Dutchmill. Nakita ko nalang yung sarili ko na tumatalon-talon na sa sobrang kilig. Kumimbot-kimbot pa ko sa kasayahan.
"Yes! Woah!" Sabi ko habang nagsasayaw ako. Para na kong baliw sa loob ng office ni Sir. Bakit ang saya ko!
Masyang-masaya na naupo na ako at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Mukhang mapapabilis ang pag-compute ko dahil sa sobrang sigla ko.