Kabanata 9

2182 Words
“I think she saw me,” inis kong panggaya sa boses ni Andreus habang papasok ako sa condo ko. I feel a little bit annoyed by what he said. I feel offended, I don’t know. “Ang feeling naman. Ano ngayon kong nakita kita ha!” singhal ko habang padabog na inilalagay sa sofa ang tote bag ko. Hindi ko alam kung may dapat ba akong ikagalit sa sinabi niya ngunit ang alam ko lang ay nagagalit ako. Ano naman ngayon kung nakita ko siya? Hindi ko rin naman gustong makita ang pagmumukha niya kaya bakit parang ang OA niya naman sa sinabi niya. I’m frustrated and hungry. Dapat ay sa Chowking lang ako kakainin kanina malapit sa university ngunit dahil sa inis ko ay minabuti ko na lamang na umuwi at baka magkita pa kami sa Divisoria at mapatay ko siya. Tumayo ako at naglakad papunta sa ref upang maghanap ng makakain ngunit kung mahal ka talaga ng kapalaran ay wala kang makikitang pagkain sa loob. “Bweset na Andreus. Kasalanan mo talaga ‘to,” inis kong bulong habang naglalakad pabalik sa sofa upang kunin ang bag ko. Mabilis kong kinuha ang tote bag ko at hinalungkay ito upang tignan kung may pera pa ba ako. Kakain nalang ako sa Jolibee at mag grogrocery dahil wala na pala akong stocks ng pagkain at baka mamatay ako rito dahil sa gutom. Padabog akong lumabas sa unit ko at naghintay ng elevator. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ang pintuan ng elevator at isang lalaki ang sakay noon. He looked at me from head to toe kaya tinaasan ko siya ng kilay. Pumasok na ako sa loob at nakita papunta rin siyang ground floor kaya hindi ko kailangan pang pindutin ang button papunta roon. Aluminum ang loob ng elevator kaya nakikita kong nakatitig ang lalaki sa akin. “May problem ka ba sa akin?” galit kong tanong habang nililingon siya. I don’t know why he is looking at me but he must know that I’m uncomfortable with it. Galit ako ngayon kaya may lakas ako ng loob na kausapin siya. “Nothing. You’re just familiar.” He said and smile. “I think I saw you somewhere.” I faked a smile on him. “Oo, ako ‘yung nasa s*x video na trending ngayon,” seryoso kong sambit. He looked confused by what I said. Napatawa siya habang umiiling. “What are you talking about?” natatawa niyang tanong. Tinaasan ko siya ng kilay. Binaling ko ang tingin ko sa aking harap ngunit nakikita ko pa rin ang repleksiyon niyang nakatingin sa akin. “Good for you at hindi mo pa nakita,” I said as a matter of fact. All I think is that maybe all the people living here already saw my video dahil halos laman ng balita ang ginawang ‘phenomenal photo exhibit’ kuno ni Luke which makes me famous, in a very bad way and I don’t like it. “Seriously, what’s wrong with you?” tanong niya. I can see him smiling from his reflection but that makes me more annoyed. “Nothing. Will you stop talking? I don’t talk to strangers,” pinal kong sabi habang tinitignan kung saang floor na kami. He chuckled at what I said but he stop talking. Thanks, God. Mabuti naman at tumigil siya dahil hindi ko naman siya kilala at mas mabuting hindi niya nakita ang video ko dahil baka kung ano pa ang mangyari rito ngayon. “I already saw you somewhere, hindi ko lang maalala.” Mahina niyang sabi. Hindi ko alam kung may plano ba siyang iparinig sa akin iyon dahil mahina lang ang pagkasabi niya o gusto niya talagang marinig ko iyon. “Alalahanin mo muna at kapag naalala mo na saka mo na ako kausapin,” maarte kong sabi habang hinihintay na bumukas ang pintuan dahil nasa ground floor na kami. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at mabilis na lumabas sa elevator pagkabukas ng pinto. I don’t feel harassed by him, I’m just annoyed because of Andreus kaya ganoon na lamang ako makapagsalita sa kaniya at hindi ko rin siya kilala kaya ayaw kong masyado niya akong titigan dahil naiilang ako lalo na at sensitive ako sa mga mata ng tao. Ang condo ko ay katabi lang ng mall kaya hindi ko na kailangan pang gumastos ng pamasahe patungo ng mall dahil kailangan ko na lang itong lakarin. Tahimik lamang akong naglalakad habang hinihimas ang maingay kong tiyan dahil sa gutom nang biglang may lalaking tumabi sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ang lalaking tumabi sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay habang siya ay malapad na nakangiti sa akin. “Excuse me. Sinusundan mo ba ako?” tanong ko sa lalaking kasabay ko sa elevator kanina. He raised his brow and looked shocked by my question. Kumunot ang noo ko habang tinitignan siyang nagugulat. “Obviously-“ he said but I cut him off. “See. Why are you following me? Stalker ka ba? Jeez,” maarte kong sabi habang niyayakap ang sarili ko. He looked away and laughed. Nakahawak sa kaniyang bewang ang isang kamay niya habang ang kabila ay nasa baba niya. Inismiran ko siya at tinaasan ng kilay. He looked in my direction and giggles before talking. “Obviously, no and you’re not my type.” Mapaglarong sabi niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. I scoffed. Tinignan ko rin siya mula ulo hanggang paa. He’s wearing dark-colored pants, a white shirt, and white Nike shoes. He looked older than me and his face is arrogant. Makapal ang kaniyang kilay at mapupula ang kaniyang labi. Matangos ang kaniyang ilong at maitim at malalim ang kaniyang mga mata. Halatang may ibang lahi ang nalalantay sa kaniyang dugo dahil sa kakisigan niya. He seems familiar to me and he looked like someone I knew ngunit hindi ko lang maalala kung sino. “Hindi rin kita type,” matapang kong sagot matapos kong husgahan ang itsura niya. He gasped and looked at me with his judgmental eyes. “Kaya pala halos malusaw na ako kakatititig mo,” he cooly said then started to walk towards the entrance. Naiwan akong nakatunganga habang pinagmamasdan siyang naglalakad papalayo sa akin. Ang feeling naman, nakatitig nga ako sa kaniya ngunit hindi niya ba alam na hinuhusgahan ko ang histura niya? I mean, oo at gwapo naman siya pero ang feeling niya pa rin. Nang makita kong pumasok na siya sa loob ng Ayala mall ay saka na ako nagsimulang naglakad papuntang entrance at halos magkasalubong ang kilay ko dahil sa inis. He just left without letting me rebut at naiinis ako roon. My annoyance was building up again because of his arrogance. Ang sarap nilang paguntugin ni Andreus. Isa pa iyong feelingero na iyon. “Miss, dine in ba o take out?“ tanong ng cashier sa akin. Napakurap-kurap ako habang tinitignan siya. My mind was occupied at hindi ko na namalayan na nasa Jollibee na pala ako at umo-order. “Ah, dine in po.” Nanagiti kong sabi. The cashier looked at me and she looked unpleased. Siguro kanina niya pa ako tinatanong ngunit dahil wala ako sa katinuan ko ay hindi ko siya nasagot kaya galit siya ngayon. “Your total is P680.00, Ma’am.” She said while looking at me. Lumaki ang mata ko matapos marinig ang sinabi niya. Did I hear her right or guni-guni ko lang iyon? “Magkano ulit, Ate?“ magalang kong tanong. She smiled, pointed to the screen kaya napalingon ako roon. “P680.00?” malakas kong tanong na naging dahilan ng paglingon ng iilang tao sa loob ng store. Mabilis kong tinikom ang bibig ko at kinuha ang wallet sa bag ko. P680.00 might be cheap for other people but not for me, may budget akong sinusunod dahil hindi kami mayaman at halos maubos ko na ang allowance ko ngayong buwan. Kinuha ko ang one thousand bill sa wallet ko at inabot sa kaniya. Ngumiti siya at hinawakan na ang pera na hawak ko rin. She tried to pull the money but my hand won’t let go of the money. Nasasayangan ako. Masyadong malaki ang P680.00 para sa isang kainan. Malungkot akong tumingin sa cashier ngunit pinaglakihan niya ako ng mata. I sighed and let go of the money. “I received one thousand pesos,” she said while checking the money. Napatingin ako sa pera kong hawak niya at napalunok na lang. Ang budget ko lamang sa pagkain sana ngayon ay P150.00 ngunit nauwi iyon sa P680.00, short na talaga ako. “Here’s your change, Ma’am. Thank you.” Nakangiting sabi niya habang inaabot sa akin ang sukli ko. Malungkot akong ngumiti at kinuha iyon. May ibinigay sa akin na number dahil hindi pa raw handa ang ilang order ko kaya ang crew na lamang raw ang maghahatid sa pagkain ko. Matamlay ang bawat lakad ko papunta sa pinakagilid na lamesa malapit sa glass window. Pagkarating ko roon ay umupo na ako at nagmuni-muni habang tinitignan ang mga sasakyang dumadaan sa harapan ng mall. Ilang ulit akong bumubuga ng hininga hanggang sa dumating na ang order ko. Natampal ko ang noo ko matapos makita kung ano ang inorder ko at kung bakit umabot sa ganoong halaga. Isang bucket ng chicken, cheeseburger, large fries, sundae at tuna pie. Ginugutom ko ba talaga ng todo ang sarili ko kaya wala akong kamalay-malay na ganito na pala kadami ang order ko. I sighed and started to picked the chicken. Napairap ako nang mapagtantong wala pala akong rice. Sinawsaw ko na lamang iyon sa gravy at nagsimula ng kumain. Sa kalagitnaan ng pagluluksa ko sa perang nasayang ko ay may umupo sa harapan ko. Ibinaba ko ang manok sa kamay ko bago inangat ang tingin sa lalaking nasa harapan ko. He’s smiling brightly while taking a chicken on my bucket. Napatingin ako roon at pinaghiwalay ang mga labi ko dahil sa gulat. “Nakakagutom ka pa lang sundan,” he happily said while dipping the chicken on the gravy. Tuluyan kong binitawan ang manok na hawak ko at kumuha ng tissue upang punasan ang kamay ko. Mangha ko siyang tinignan habang nilalantakan ang pagkain na inorder ko. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. “You should eat too. H’wag kang mahiya,” he said while pointing the food on the table. Tinaasan ko siya ng kilay habang kinakagat ang ibabang labi ko. Ibang klase. Wala ba siyang hiya sa katawan at nakaya niya pa talaga akong pagsalitaan ng ganiyan, e siya na nga iyong nakikikain. “I thought you’re not following me? Bakit ka nandito?” tanong ko sa kaniya. Nabilaukan siya at kinuha ang coke na inorder ko at ininom iyon bago ako sinagot. “Kumakain,” tanging sagot niya at nagpatuloy sa pagkain. Halos manlumo ako matapos makitang halos maubos na niya ang mga order ko. I closed my eyes and breath. Ang pera ko, ang pagkain ko ay inuubos ng hindi ko kilala. “Seriously,” mahina kong sabi habang minumulat ang aking mata. Tinignan niya ako habang nakataas ang kilay niya. Tapos na siyang kumain at pinupunasan na ang kaniyang bibig gamit ang tissue na narito sa table ko. Tinignan ko ulit siya mula ulo hanggang paa at napailing na lang. He doesn’t looked poor to me kaya nagtataka ako kung bakit nakikikain siya rito. We’re not friends, I don’t know him, nakasakay lang kami kanina sa parehong elevator tapos ngayon feeling close na siya. I can feel my blood boiling right now. Nakaupo lang siya sa harapan ko habang pinagmamasdan ako. He doesn’t look apologetic for what he did kaya mas lalo akong naiinis. It’s okay for me to share but what he did is just so rude. Sasabog na talaga ako ngunit siya ay pangisi-ngisi lamang sa harapan ko. I gritted my teeth and started to talk but his phone rang. Napatingin siya roon kaya napatingin din ako sa cellphone niya na nasa gilid ng lamesa. He whistled and canceled the call. Tumunog ulit ang cellphone niya ngunit text na iyon, ngumisi siya habang binabasa ang text bago tumingin sa akin. He bit his lower lip while shaking his head. “Someone’s mad right now and I should go before he kills me.” nakangising sabi niya sa matigas na ingles habang tumatayo. Kunot-noo ko siyang tinignan dahil sa kalituhan ko. Who’s ‘he’? Bakit mas concern pa siya roon sa nag-text na galit sa kaniya at hindi sa akin na nagpupuyos na sa galit sa harapan niya? May sira ba ang utak niya? I was about to stopped him but he already did and turned around to looked at me. “Bye, Daisy Meave,” he said while waving his hand. Napanganga ako at hindi makagalaw sa kinauupuan ko. Sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya at mawala sa paningin ko. My breath become faster and heavier because of what happened. He knew me and I don’t have a freaking idea who he was and it’s driving me crazy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD