bc

Madugong Disyembre

book_age0+
451
FOLLOW
1K
READ
murder
revenge
dark
like
intro-logo
Blurb

"Bukas, dadalin kita sa isang romantikong lugar."

"Saan naman? Bigla namang akong nasabik."

[May pagkakataon talaga na akala mo totoo ang tao sa pinapakita nitong kabutihan sayo.]

"Ano na, Oliver. Kelan ba kita masosolo. Sabik na sabik na akong makasama ka sa mga public na lugar. Mahal mo ba talaga ako?"

"Oo naman, Mary. Ikaw ang mahal ko at hindi siya."

"Anong gagawin mo?"

"Patatahimikin ko na siya."

[Sa isang kasinungalingan, makakagawa ka ng isang bagay na makakasama sa isang tao.]

"Uto-uto nga eh. Paniwalang paniwala siya na si Elaine ang pumatay sa mga magulang niya."

"Dont tell me, na ikaw ang totoong nag papatay sa kanila?"

"Hahaha! Ako paba?"

[Sa isang pagkakamali mag iiba ang takbo ng mundo.]

"Totoo ba? Totoo ba na ikaw talaga ang pumatay sa mga magulang ko?"

"Oo. Ako nga. Tama lang sa kanila yun."

"Pagsisisihan mo ang lahat ng ito, Mary! Humanda ka, Babalik ako!"

Handa na ba kayo sa isang horror na magpapangatog sainyo?

Horror na kapag nabasa mo ay hindi mo na makakayanan pang mag isa sa dilim.

At higit sa lahat..

Handa ka na bang matakot sa isang gabing punong puno ng misteryo na kung saan ay bago mag pasko ay isang kaluluwa ng lalaki ang magsasama sayo papunta sa isang Libingan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
December 23, 2014 Masayang naglakad ang dalawang magkasintahan sa park kung saan maraming Christmas Decoration ang naka display. "Dalawang araw nalang, pasko na. Anong gift mo saakin, Oliver?" Kinikilig na tanong ni Elaine sa kasintahan niya habang magkaabay silang naglalakad. "Secret! Basta, malalaman mo rin. Masyado kang Excited eh," Sagot ni Oliver sa kanya. "Masaya ako dahil dumating ka sa Buhay ko." Sambit Elaine. "Ako din naman. Sana lang Elaine, wag mo akong iwan kahit ano mang problema ang dumating saatin." Malambing na sagot ni Oliver. "Oo naman. Mahal na mahal kaya kita." Sagot ni Elaine. "Bukas, dadalin kita sa isang romantikong lugar." Biglang sambit ni Oliver. "Saan naman? Bigla namang akong nasabik." Masayang sabi ni Elaine at napayakap pa ito ng mahigpit kay Oliver. "Basta. Bukas malalaman mo rin." ****** "Ano na, Oliver. Kelan ba kita masosolo? Sabik na sabik na akong makasama ka sa mga public na lugar. Mahal mo ba talaga ako?" "Oo naman, Mary. Ikaw ang mahal ko at hindi siya. Hayaan mo, bukas na bukas ay mawawala na siya sa landas natin. May plano na ako sa kanya. Alam mo namang gumaganti ako sa ginawa niya sa mga magulang ko kaya ko siya pinakikisamahan." "Anong gagawin mo?" Nagtatakang tanong ni Mary. "Patatahimikin ko na siya." Nanlisik ang mata ni Oliver kay Mary. "Anong ibig mong sabihin? Papatayin mo ba siya?" Gulat na gulat si Mary. "Secret. Basta wag kang mag alala. Masosolo mo na ako sa pasko." Masayang sabi ni Oliver at saka hinalikan si Mary. "Sabik na sabik na ako sayo, Oliver. Pakasalanan mo na ako pagkatapos mong gawin yan." "Oo, mary. Magpapakasal talaga tayo." Hindi maialis sa isip ni Oliver ang ginawang karumal dumal ni Elaine sa mga magulang nito. Dahil lang sa gusto niyang makasama at maging nobyo ito ay pinapatay niya ang mga magulang ni Oliver. Tutol kasi ang mga ito sa pag iibigan nila dahil ayaw nila kay Elaine. Hindi daw sila bagay. Mas boto sila kay Mary kaya bumayad ng tao si Elaine para ipapatay ang mga ito. Nalaman ito ni Oliver ng mahuli ang mga taong pumatay sa mga magulang niya. Yun ang sabi sa kanya ni Mary na agad niyang pinaniwalaan. Ngayon ang gusto ni Oliver ay wag lang makulong si Elaine. Kung buhay daw ang nawala ay buhay din ang kapalit nun. Kumagat nalang si Oliver sa pagkahumaling sa kanya ni Elaine. Pinaniwala nito na mahal na mahal niya si Elaine. Kahit na ang totoo ay gustong gusto na niya itong patayin. ***** December 24, 2014 - 4:30 pm Nagpaganda si Elaine para sa araw na special para sa kanya. Ngayon kasi ang araw na magdadate sila ni Oliver. "Nasan ka na, Oliver? Nakagayak na ako." Sambit ni Elaine sa phone habang kausap niya si Oliver. "Ito na nga. Papunta na ako diyan. Malapit na ako, wait lang." Sambit ni Oliver sa kabilang linya. Ilang minuto lang ay dumating narin si Oliver. Pagpasok niya palang sa Condo unit ni Elaine ay nagkunwari nalang siyang nagandahan kay Elaine. "Wow! Ang ganda ganda naman ng girlfriend ko." Masayang sambit ni Oliver, saka niya niyakap si Elaine. "Ikaw din, ang gwapo gwapo mo ngayon." Turan ni Elaine. "Halika na. Umalis na tayo at baka ma traffic pa tayo sa biyahe." Aya ni Oliver. **** 7:30 pm Gabing na nang makarating sila sa isang magandang hotel. "Wow! Anong gagawin natin dito? Wag mong sabihing, gusto mo na nang baby?" Nasasabik na sambit ni Elaine. "Wag kang masabik, Elaine. Pumasok na tayo ng makarami-rami na tayo." Malambing na sabi ni Oliver na para bang inaakit niya si Elaine. "Wag kang ganyan, Oliver, nang gigigil na ako sayo." Natatawang sambit ni Elaine. "Ako din. Nang gigigil narin ako sayo." Sagot ni Oliver. "Gigil na gigil na akong sakalin ka. Humanda ka at huling gabi mo na ito sa mundo." Sambit ni Oliver sa isip niya. Binusog muna ni Oliver si Elaine bago pumasok sa Isang Room. "Nabusog ako sa kinain natin. Ang saya ko, Oliver. Napakaganda at napaka romantic nitong hotel." Masayang sambit ni Elaine. "Halika kana. Simulan na natin." Malambing na sambit ni Oliver. "S-sandali, hindi pa ako sanay. First time ko ito." Nahihiyang sambit ni elaine. ***** "Uto-uto nga eh. Paniwalang paniwala siya na si Elaine ang pumatay sa mga magulang niya." Natatawang sambit ni Mary sa kausap niya sa Phone. "Dont tell me, na ikaw ang totoong nag papatay sa kanila?" Sagot ng kausap niya sa phone. "Ako talaga. Masyado kasi silang pakilamero sa kompanya ng daddy ko. Inaagaw nila yun, dahil daw madami na kaming utang sa kanila. Kompanya na daw namin ang kabayaran. Tignan mo kung gaano sila ka walangya. Kaya yun, dapat lang sa kanila ang lamunin na ng lupa." "Grabe ka! Ang brutal mo Girl!" "Hahaha! Ako paba?" ***** Nagsimula na maghubad ng damit si Oliver at Ganun na din si Elaine. Unti unti silang naghalikan. Malalim na paghahalikan. Mayamaya ay huminto si Elaine. "Oliver, ito na ba ang gift mo saakin?" Tanong ni Elaine. Biglang nag iba ang timpla ng mukha ni Oliver. "Hindi. Ito ang regalo ko sayo!" Sambit ni Oliver at bigla na itong naglabas ng Kampit na napaka talim. "Ito. Ito ang regalo ko." Nagulat si Elaine ng saksakin siya niya Oliver sa dibdib. Lumabas ang maraming dugo sa dibdib at bibig ni Elaine. "B-bakit? Oliver?" Naghihingalong tanong ni Elaine. "Dapat lang sayo yan. Pinatay mo ang mga magulang ko." Galit na sabi ni Oliver. "Pinatay? Hindi ko sila pinatay. Wala akong pinatay." Hihinga hingang sabi ni Elaine. Ayaw tumigil ng paglabas ng dugo niya sa bibig. "Wag ka ng mag maang maangan pa." "Si Mary. Si Mary ang nagpatay sa kanila. Siya ang tunay na nagpapatay sa kanil---" Hindi na natuloy ang sinabi ni Elaine at nalagutan na siya ng hininga. Nagulat lang si Oliver. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Elaine bago ito malagutan ng hininga. Naramdaman ni Oliver na parang may mali sa nangyayari. **** 11:30 pm Isang malakas na pagkatok ang gumising kay Mary. "Buksan mo ito, Mary!" Galit na galit na sabi ni oliver. "Baby! Gabi na, ano pang ginagawa mo dito." Bungad na sambit ni Mary ng pag buksan niya ng pinto si Oliver. "Totoo ba? Totoo ba na ikaw talaga ang pumatay sa mga magulang ko?" Galit na galit si Oliver at mangiyak ngiyak na. Ngumisi si Mary at naglabas na ng Baril. "Oo, ako nga. Tama lang sa kanila yun." Sagot niya at tinutukan na niya ng baril si Oliver. "Gago ka! Pumatay ako ng taong wala naman palang kasalanan. Pinatay ko si Elaine." Sinabi ni Mary lahat-lahat kung bakit niya ginawa yun. "Dahil lang dun? Pinatay mo sila. Walangya ka! Baliw kang babae ka!" Kumuwa ng isang flower vase si Oliver at saka niya iyun ibinato kay Mary. Sabayan ang pangyayari. Nakalabit ni mary ang kalabitan ng baril at tinamaan si Oliver sa puso. Si Mary tinamaan din ng flower vase sa ulo. Kapwa silang nawalang ng malay. Kapwa ding duguan. At Bago malagutan ng hininga si Oliver ay napakag salita pa ito. "Pagsisisihan mo ang lahat ng ito, Mary! Humanda ka, Babalik ako!" Matapos magsalita habang nag hihingalo ay nalagutan narin ito ng hininga ng tuluyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Rumours (Paddock Passion Series Book 4)

read
13.8K
bc

Revenge on my Ex-Husband

read
202.7K
bc

The One That Got Away

read
375.0K
bc

Beyond Love and Lies

read
386.5K
bc

His Mate or His Girlfriend

read
515.6K
bc

The Playboy (Paddock Passion Series Book 3)

read
86.7K
bc

When A Witch Loves A Werewolf

read
230.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook