Kabanata 13

1649 Words
Gigi “Because I’m fvcking jealous.” “Because I’m fvcking jealous.” “Because I’m fvcking jealous.” “Aaaaah! Pakiusap lubayan mo na ako!” sigaw ng utak ko. Paulit-ulit na parang sirang plaka na gumagasgas sa buong sistema ko ang sinabing iyon ni sir Mathew sa akin. Matapos niya kasing sabihin ang katagang “he’s fvcking jealous” ay parang walang nangyari niya akong iniwan. Hindi ko malaman kung gaano katagal akong tulala bago ako kalabitin ng isang staff kaya’t natauhan. Ang nakakainis pa ay nag-sungit na naman ito sa akin kinabukasan. Ano ganoon na lang ‘yon? Wala man lang ba siyang eksplenasyon kung bakit siya nagseselos? At saka kanino naman? Wala naman kami relasyon ni Dustin, ang obob lang. Lunes ngayon, may pasok na. Pero imbes na mag-concentrate ako sa itinuturo ng Professor namin ay nahahati tuloy ang iniisip ko. Nalilito na ako sa kaniya. “Beshy, may problem ba?” tanong ni Gabie nang makuha nito ang atensyon ko. Sasabihin ko ba sa kaniya? “Ano k-kasi… si S-Sir Mathew kasi.” “Kuya Math? What about him?” Gusto kong sabihin ang lahat pero tila ayaw bumuka ng bibig ko. “Wala lang ‘yun, hayaan mo na.” “Sige na, tell me. I know may nangyari sa ‘yo, so spill it,” pangungulit niya sa akin. “Mamaya na lang, makinig muna tayo.” Hindi na rin ako nito kinulit kaya’t nagpatuloy ang klase namin hanggang mag-break time. “So, spill it. Ano nangyari sa inyo ni Kuya Math?” excited niyang tanong muli. Napalingon tuloy ang ibang estudyante rito sa canteen sa sobrang excited niya. Mabuti na lang at hindi buong pangalan ang binanggit niya. Kaya inumpisahan kong ikwento sa kaniya ang nangyari simula nang makauwi ako galing sa dinner namin ni Dustin hanggang sa pumunta kami ng taping at ang mga sinabi nito. Pero syempre hindi ko binanggit ang tungkol sa pagnakaw niya sa akin ng halik. Sa tuwing naalala ko iyon ay pakiramdam ko umiinit ang aking mukha na para bang lalagnatin ako. Ganoon mismo ang nararamdaman ko, gaya ngayon nag-uumpisa na naman. Kaya’t mabilis akong umiwas at uminom na lang ng softdrinks. “Alis na tayo, Gabie. Ang init kasi,” dahilan ko. Hindi na kasi mawala ang ngiti sa labi niya na para bang tinutukso ako. “I knew it!” “Alin na naman?” Sinasabi ko na nga, kung anu-ano na naman naiisip nito. Baka nakarating na ng outer space. Pakiramdam ko, matagal na namin kilala ang isa’t isa. “Nagba-blush ka kasi, I’m sure nag-kiss–” “Psst, manahimik ka,” pigil ko sabay takip ng bibig nito. Nag-sign naman ito na i-zipper na niya ang bibig saka ko siya binitawan. “So it’s a yes?’ mahinang bulong niya. Para matigil lang ay tumango na lang ako. “Kinikilig ako.” “Tama na, huwag mong babanggitin sa kaniya na alam mo na ah. Baka isipin niya chismosa ako. At isa pa, wala naman malinaw sa amin. ‘Di naman niya sinabi ang estado naming dalawa.” mahabang turan ko. Bakit bigla akong nalungkot? “Of course, your secret is safe with me–” “Secret?” biglang sulpot na tanong ni Arlo sa kaibigan ko. “Aside from your ugly face and rudeness, I wasn't surprised na you are also a chismoso,” pagtataray na sabi ni Gabie kay Arlo na ngayon ay nakangisi lang. Mukhang may something din sa dalawang ‘to. “Dude, your cousin is so cute…” sabi na lang nito kay Rhys na nakaupo na rin. Habang si Dustin ay panay ang titig sa akin matapos maupo sa tabi ko. “It runs in our blood, Dude,” si Rhys na panay pa-cute sa mga babaeng halatang patay na patay sa kaniya. “Hi Gisselle, have you eaten. I’ll get you a snack. What do you–” “Naku Dustin, hindi na. Heto oh,” tukoy ko sa balat ng pinagkainan ko. “Katatapos lang namin ni Gabie.” “Me, Dustin. Gusto ko pa ng snack,” sabat naman ni Gabie na halatang kinikilig. “Ako na kukuha ng food mo, babe–” “Shut the fvck up, Arlo. Ew… ‘busog na pala ako.” Panay ang bangayan ng dalawa habang si Jasper ay tahimik lang. Parang ang lalim ng iniisip. Pero minsan palabiro din ‘to e. Si Rhys na napapagitnaan ng dalawang mga babae sa katabing mesa at itong si Dustin na kung makatitig sa akin ay parang gandang-ganda ito. Tsk, sa bagay ‘di ko siya masisisi. Si kamahalan nga e… Umiling-iling ako sa naisip. Hay, sumagi na naman siya sa isip ko, nakakainis. “Something wrong, Gi?” si Dustin. “Huh?! Wala lang. “Wag muna ako pansinin. Kain ka na lang,” hilaw na ngiti kong sagot. “How?” “Anong how? E, di isubo–” “What I mean… paano ako makakain ng maayos kung I’m always thinking about you.” Literal akong napatulala sa simpleng hirit niya. Naku! Mabuti na lang at wala dito si kamahalan, kung nagkataon ay baka hindi lang halik ang gawin nito sa akin. “Me gano’n Gigi.” Haist, sumagi na naman ang kamahalan sa isip ko. “Pwede ba Dustin, tigilan mo ako–” “I’m serious, Gissele.” Nabigla ako at tuluyang natigilan nang hawakan niya bigla ang aking kamay. Pero bakit ganoon? Ibang-iba pag si sir Mathew ang katabi ko. Siguro kung siya ang gumawa nito sa akin ay baka hihimatayin na ako sa sobrang kilig. Hinila ko ang aking kamay at lumingon sa kabila. Mabuti na lang at hindi gaano narinig ng kaibigan ko ang sinabi ni Dustin sa sobrang abala nila ni Arlo sa bangayan. Nahalata ni Dustin na sa dalawa ako nakatingin habang panay ang iling kaya’t… “Arlo likes Gabie so much.” “Halata naman… parang siya… ang ibig kong sabihin–” “Alam ko, bata pa lang ako alam ko na may gusto siya sa akin.” Naintriga tuloy ako kaya magtatanong pa ako. “Maganda naman si Gabie, mukhang prinsesa, pero bakit ayaw mo sa kaniya?” usyuso kong tanong. “It’s not that hindi ko siya gusto– she’s like a sister to me.” Magtatanong pa sana ako nang mag-vibrate ang cellphone ko. “Remember what I told you? Nakalimutan mo na yata.” Nanlaki bigla ang aking mga mata sa text message na natanggap galing kay sir Mathew. May panginginig kong itinagong muli ang cellphone sa bag at hinanap ng aking mata ang taong nagpadala nito sa akin. Pakiramdam ko’y nagtataksil ako kahit wala naman dapat akong ipag-alala. “May problema ba, Gigi?” si Gabie nang mapansin ang aligaga kong katawan. “Are you okay?--” “Ayos lang ako, sige mauna na ako.” Dahil hindi ko naman kaklase si Gabie sa next subject ko kaya nauna na akong umalis. Habang nasa klase ay ramdam ko pa ang sunod-sunod na panginginig ng cellphone sa loob ng bag ko. Gustong-gusto ko tuloy ito buksan pero baka mawala pa ako sa sarili pag binasa ito. Kaya’t minabuti kong hayaan na lang hanggang matapos ang klase ko. Dahil nabanggit naman niya sa akin na wala naman daw siyang trabaho ngayon kaya’t minabuti kong pumunta muna ng library para gumawa ng homework at magbasa na rin. Subalit hindi ko na namalayan ang oras kaya’t mag alas sais na nang masulyapan ito sa orasang nakadikit sa library. Binilisan ko ang kilos at nagmamadaling lumabas. Wala siyang taping ngayon, pero ang pagkaing niluto ko kanina ay hanggang tanghalian lang. Nang makalabas, agad akong naghintay ng taxi. Kapagka kasi nilakad ko mula rito ay dagdag trenta minutos pa at lalo akong malalagot. “Ano ba naman ‘to, ako kaya nauna,” sabi ko na lang sa papalayong taxi. Inagawan kasi ako ng kung sino. Sa aking paghihintay, may tumigil na sasakyan. Pamilyar ito sa akin at ‘di nga ako nagkamali. “Hop in, hatid na kita,” si Dustin na ang lawak ng ngiti. “H’wag na, mag-aabang–” “I insist, please! Beside, doon din naman ang punta ko.” Kunot noo lang ako’y hindi na rin ako nagtanong. Mas mahalaga na makauwi ako agad. Pagkasakay ko “I thought, umuwi ka na kanina.” “Nag-research pa ako sa library at nagbasa,” sagot ko. “I see.” Nakahinga ako ng maluwag sa wala ng follow up question itong si Dustin hanggang makarating kami at makapag-park ito’t bumaba para pagbuksan ako ng pinto. “Salamat,” maikli kong sagot. Nauna na akong maglakad papasok at nagmamadaling pumunta ng elevator nang halos mapatalon ako sa gulat. “A-Anong ginagawa mo rito Dustin? ‘Huwag mo na ako ihatid sa loob.” Ngumisi lang siya at hinila na lang ako papasok. “Dustin naman–” “I live here.” “Ano?!” “Kumuha ako ng unit sa 16th floor, kaya dito na ako nakatira.” Nakanganga lang ako sa kawalan ng masasabi. Napahiya ako ro’n ah. “”Di mo naman kasi sinabi agad, akala ko kasi–” “Akala mo sinundan kita?” “Sorry, kapal ng mukha ko–” “Well, part of it was true. Para mas mapalapit sa ‘yo. Pero dati ko pa naman gustong bumuklod sa parents ko. Kaya heto,” balewalang sagot niya. Sabay na lang kami nagtawanan nang tumunog ang elevator at bumukas ito. Subalit tuluyang nawala ang ngiti ko sa walang emosyong mukha ni sir Mathew sa labas. Paktay na naman ako nito. "I'm starving! So stop flirting with Dustin and do your job.” May nagawa na naman kaya ako? Kung oo, ano na naman kaya parusa ang matatanggap ko sa kaniya? Kung anuman iyon ay kailangan kong labanan, tukso man ‘yan o, hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD