Gigi
Para akong naparalisa, hindi makapagsalita, ang mga mata’y nanlalaki. Totoo ba ito? O panaginip lamang? Kung pipiliin, mas gugustuhin ko pang panaginip ito. Ayokong umasa, lalo nang ayokong isiping may gusto siya sa akin kaya niya ginagawa ito.
Ramdam na ramdam ko ang lambot ng kaniyang mga labi sa akin. May balak siyang gawin, hindi ko matukoy. Ngunit nang marahan niyang kagatin ang ibabang labi ko, doon ko naunawaan.
Nang maramdaman ko ang kanyang dila sa loob ng aking bibig, kakaibang sensasyon ang bumalot sa akin. Mahal ko siya, ngunit hindi ito tama. Kaya naman, sa abot ng aking lakas, itinulak ko siya palayo. Hingal na hingal ako, habang siya’y tila hindi makapaniwala sa aking ginawa.
Matalim ang tingin ko sa kaniya habang siya’y tila natutuwa at balewala lang ang ginawa. “G@go ka, ninakaw mo ang first kiss ko.”
Gustong-gusto ko siyang murahin at sampalin, subalit hindi nagtutugma ang isip at ang puso ko.
“What?!”
“A-Anong what ka riyan? Ano ibig sabihin no’n?” hingal ko pa ring tanong. Lumapit siyang muli sa akin na para bang hahalikan niya akong muli.
Mabilis akong umiwas kaya tumama ito sa aking tainga. “You mean, the kiss?”
“Don’t tell na first kiss mo ‘yon?” nang-aasar pa niyang tanong nang maitulak ko siya’t tuluyang mapahiwalay. “Ano naman sa ‘yo kung first kiss ko ‘yon?” Gusto ko sanang isumbat sa kaniya ang aking naisip pero lalo lamang siya matutuwa.
Hindi na ako sumagot at papasok na sana sa kwarto ko nang magsalita siyang muli sa aking likuran.
“That's your punishment for lying.”
Hindi na ako nakatiis at mataray ko siyang sinagot. “Lying? Kailan ako nagsinungaling? Aber!”
Sumeryoso naman ang kaniyang mukha na tila ginalit ko na naman.
"Every lie and act of annoyance will have consequences from now on. Consider this your warning,” anito.
“Pinagbabantaan niyo ba ako…” hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil tuluyan akong kinilabutan sa huling sinabi.
"Next time, it will be much worse."
***
Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan upang maghanap lamang ng magandang posisyon. Mag-aapat na oras na simula nung mag-usap kami ni sir Mathew. Pagod na ako kakaisip kong ano ba ang aking ginawang kasalanan? At ano kaya ang ibig niyang sabihin sa huling sinabi?
“Ang hirap mong intindihin!” sigaw ko habang nakatakip ng unan. “Nakakainis ka talaga!”
Hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog kaya ngayon ay aligaga na naman ako sa paghahanda. “Ba’t kasi ‘di ka nag-alarm.”
Gusto kong batukan ang aking sarili. Alam na alam ko naman na maaga ang alis namin ngayon dahil maghapon siyang may shooting. Ba’t ba nawala sa isip ko ‘yon.
“Hey babae! Talaga bang ugali mong galitin ako?” galit niyang sigaw sa labas ng aking pintuan.
“Saglit lang po, patapos na.” Parang walang nangyari kagabi. Nagsusungit na naman siya na akala mo hindi nagnakaw ng halik, kainis.
“Finally!” sabi nito nang makalabas ako. Hawak ko ang back pack na bigay niya sa akin para may mapaglagyan daw ako ng gamit. Bukas pa raw kasi kami uuwi.
“B-Bakit?” utal kong tanong. Hindi kasi ako komportable sa suot ko. Naka short kasi ako at maikling blouse na siyang bigay rin ni Gabie. Sa kamamadali ko’y ito na ang nasuot ko.
“Are you flirting with someone?”
“A-Ano? Flirting?” medyo nag-loading pa sa utak ko ang sinabi niya hanggang sa “hindi ako malandi. Kung gusto mo, magpapalit muna ako.” Tatalikuran ko na sana siya pero pinigilan ako.
“No need, parating na si Miss C.”
Pagkababa namin ng lobby ay naghihintay na nga sa labas ang van na sasakyan namin.
“Magandang umaga, kuya Tomas… ay ikaw po pala Miss C.”
“Yeah, nagbakasyon si Tomas, kaya ako muna ang driver. Next time dapat matuto ka na.”
“I agree!” sang-ayon naman ng kasama ko. Ano ba dapat kong matutunan? Nagkipit balikat na lang ako at pumasok na.
“Matutulog muna ako,” paalam ni sir Mathew sa amin o kay Miss C.
"You already knew it would be an early day, so bakit hindi ka natulog ng maaga?"
"Ugh, I had to deal with a naughty puppy." Ano raw?
“By the way, I heard what happened. Alam na alam mo naman na kailangan mong alagaan ang reputasyon mo pero—”
“Gisingin n’yo na lang ako,” sagot lang ni Mathew bago pumasok sa loob ng kaniyang silid dito sa sasakyan.
“Mathew, ‘di pa tayo tapos,” napapailing na sabi ni Miss C. Tahimik lang ako’t mukhang alam ko na ang pinag-uusapan nila. Pero ‘yong sinabi niyang may pinarusahan siyang tuta ay napapaisip ako. Hindi kaya ako ang tinutukoy niya?
“Miss C, gusto n’yo po ng kape?” maya-maya’y tanong ko. Kanina pa kasi ito hikab nang hikab.
“Yes, please. Thank you, Gi.”
Pumunta akong kusina para ipagtimpla si Miss C. Habang hinihintay ang pinapainitan kong tubig ay napansin kong medyo awang ang kurtina na tumatakip sa hinigaan ni sir Mathew. Kaya sinilip ko siya ngunit wala akong nakitang nakahiga.
“Hala! Nasaan ‘yon?” mahinang tanong ko. Bubuksan pa sana ang kurtina nang magulat sa humapit sa akin sa baywang habang ang isang kamay ay nakatakip sa aking bibig.
“Pssh, ‘wag kang maingay,” bulong ni sir Mathew. Binitawan niya ang aking bibig pero hapit pa rin niya ako sa baywang. Hindi naman ako makasigaw dahil baka marinig ni Miss C at ayaw kong malaman niya ang ginagawa sa akin ng alaga niya.
“S-Sir, ano ba’ng problema…” natigilan ulit ako magsalita nang walang pakundangan niya akong ihiga sa kama at daganan. Kasabay nang paghawak niya sa aking mukha ay ang paglapat muli ng kaniyang labi sa akin.
Dahil sa gulat kaya’t nakanganga na ako. Malaya niya tuloy ginalaw ang labi at dila sa aking bibig.
"Do you remember what I told you last night?" bulong niya sa pagitan ng kaniyang mapagparusang halik. Alin ba do’n? Baka ito na iyong sinasabi niyang parusa.
“B-Bitiwan n’yo ako Sir,” mahinang gigil kong sagot habang pilit na iniiwas aking mukha.
Gusto kong itanong sa kaniya kung ano na naman ba ang ginawa ko? Pero hindi ko magawa sa kawalan ng lakas siyang itulak. Parang lalo akong nanghihina lalo na nang may maramdaman akong matigas na tila gumagalaw sa tapat ng aking gitna. Inosente ako, oo. Pero ‘di naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang bagay na ‘yon?
“Sir, baka makahalata si Miss C–”
“I don’t care,” putol niya sa sasabihin ko habang ang kamay nito ay naramdaman ko na sa loob ng aking suot na blouse.
“H’wag Sir,” pakiusap ko nang pakawalan niya ang labi ko at napunta naman sa aking leeg.
“This is your punishment,” sabi lang nito nang tuluyan niyang pisilin ang aking dibdib. Marahan niya itong ginagawa kaya’t hindi ko na mapigilan pa ang pagbuhos ng aking mga luha.
Humihikbi ako ng mahina sa kawalan ng magawa. Pakiramdam ko’y nababastos na ako. Ganito ba talaga ang isang Mathew Alonzo? Naramdaman niya ito kaya’t tumigil siya at parang napapasong umupo.
“I’m sorry,” mahinang sabi niya habang ako’y patuloy pa rin sa mahinang pag-iyak.
“Naghihintay na po si Miss C sa labas,” sagot ko na lang at lumabas. Dumiretso ako ng banyo at doon pinakawalan ang iba ko pang hikbi.
Gusto ko pang mag-aral pero kung ang kapalit naman ng pagpapa-aral sa akin ay ang bastusin ako’y hindi ko yata matatanggap ito. Kaya pagbalik namin ng Manila ay magpapalam na ako sa kaniya at makiki-usap sa magulang niyang doon na lang sa bahay nila ako magtatrabaho.
Ilang minuto lang din ako sa banyo upang ayusin ang sarili.” Ito na po ang kape ninyo Miss C.”
Sinulyapan niya lang ako rear mirror malapit sa kaniya “may nangyari ba?”
Mukhang nakahalata ito pero nang magsalitang muli’y…“ba’t natagalan ka?” pagpapatuloy niyang tanong. Nakahinga ako ng maluwag.
“Nagbanyo lang po ako, Miss C.” Hindi na lamang ulit siya nagtanong na ikinapanatag ko.
Ilang oras ang naging byahe namin kaya’t tumigil muna kami saglit para kumain. May nakahanda na rin pagkain sa refrigerator kaya ininit ko lang. Kumain kaming dalawa ni Miss C ng tahimik. Habang si sir Mathew ay nasa loob pa rin ng kaniyang silid at natutulog.
Alas dos na nang makarating kami sa lugar. Gaya nung nakaraan, namangha muli ako sa ganda ng tanawin. Sariwang hangin na masarap sa pakiramdam.
Nagsimula na ang shooting ni sir Mathew kasama ng girlfriend niyang si miss Belinda nang hindi pa rin kami nagkikibuan na dalawa. Ginagawa ko na lang ang lahat ng inutos sa akin ni miss C at siya na lang din tinatanong ko kung ano pa ba ang kailangan kong gawin.
Sa buong durasyon ng shooting nito’y tahimik lamang akong nagmamasid sa di kalayuan. Hindi na rin naman niya ako tinawag kaya’t nakakapanibago. Sumapit ang gabi…
“Gigi, sa iisang tent tayo matutulog. Wala ng available rooms kaya we have no choice.” Si Miss C nang kausapin ako.
“Ayos lang po, salamat.” Tinapik niya lang ang balikat ko bago pumasok sa loob ng tent na sinasabi niya.
Medyo giniginaw na rin ako kaya’t nakapagpasya akong pumunta sa banyo malapit sa tent upang magpalit at maglinis na rin ng katawan. Suot ang pajama at t-shirt ay tahimik akong lumabas nang may biglang humila muli sa akin. Amoy pa lang niya’y alam na alam ko na kung sino.
“Sir, ano na naman ba?”
Dinala niya ako sa tagong bahagi kung saan walang makapansin sa amin. Tulog na rin ang ibang staff dahil madaling araw na. Itutuloy na lang daw ang shooting pagputok ng araw.
Nagulat pa ako nang pagdikitin niya ang aming noo. Napapikit ako’t hinayaan na lamang siya. Hindi ba galit ako sa kaniya? Pero bakit wala akong makapang galit?
“Please, ‘wag mo akong iwan.” Sabay na umangat ang mga talukap ng aming mga mata. Walang nais na bumitaw ‘wag lamang maputol ang mga sandaling ito.
Pabilis na rin nang pabilis ang t***k ng puso ko na para bang naglaho bigla ang galit ko.
“Sir, ano ba itong ginagawa mo? Nililito mo ako–”
“Fvck! I don’t know either. Basta ang alam ko lang ay nagagalit ako,” naguguluhan niyang sagot.
“Bakit ka na naman nagagalit sa akin–”
“Because I’m fvcking jealous.”
AN:
SA MONDAY NA ULIT ANG UPDATE KO. SA SUNDAY NAMAN ANG UNA KANG NAGING AKIN. SALAMAT SA PATULOY NA PAGSUBAYBAY SA MGA KWENTO KO. SANA NAGUSTUHAN NINYO. LOVE YAH.