Gigi
“H-Ho?” Paktay, ano ba ang ibig niyang sabihin? Alam kaya niya na sa kwarto ko mismo siya pumasok?
Nasa kanya-kanyang tapat pa rin kami ng pintuan. Kunot noo ang mukha nito habang ako’y nakanganga pa rin at hindi malaman ang isasagot maliban lang sa tanong ko kanina. Mabuti na lang pala ay naghilamos na ako bago lumabas. Kung nagkataon ay lalo akong maging bruhilda gawa ng buhok kong may sariling mundo kung minsan.
“Are you listening?” matigas niyang tanong muli. Mukhang nagalit ko na yata. “Gigi, isip ka ng paraan, ‘wag na ‘wag kang umamin na pinagnasaan mo siya kagabi.”
“Ma!”
“Ma? Pinagluluko–”
“Ang ibig ko pong sabihin ay malay ko sa inyo, este h-hindi ko po alam. Nakatulog ako ng maaga kaya gano’n,” kipitbalikat ko na lang na sagot. “Please! Maniwala ka na.”
Ba’t ba kasi ang aga niya nagising? Hindi ako sanay. Kung kailan mamayang hapon pa ang klase ko’y heto na naman siya’t baka kung anu-ano na naman gagawin sa harap ko.
Nagdiretso ako ng kusina at hinayaan na lamang siya sa kakaisip. Nag-umpisa ako magluto habang siya naman ay kumuha ng maligamgam na tubig bago naupo sa sofa.
“My head is kiliing me,” dinig kong sabi nito habang hinihilot ang ulo’t nakapikit. Grabe siguro ang nainum niya kagabi kaya hindi na nito maalala kung saan siya natulog.
Naalala ko bigla si lolo Jose kapagka may tama ng alak pang natitira sa kaniya kinabukasan. Nilulutuan ko kasi siya ng maberdeng mga gulay para mawala ang sakit ng ulo niya.
Dahil trabaho ko naman na alagaan at pakainin ang kamahalan ko kaya’t naghanap ako ng maaring lutuin para sa kaniya. Tamang-tama may natira pang saluyot at alugbati, may kaunting okra pa kaya sinama ko na. Nagpakulo lang ako ng tubig na may sahog na kamatis, luya at sibuyas. Pagkakulo ay pinagsama-sama kong lahat at pinakuluan, lagyan ng konting asin at seasoning.
Pagkatapos ay nilagay ko sa mangkok kasama ng kutsara at binigay sa kaniya. “Sir, higupin n’yo po muna itong mainit na sabaw,” kuha ko ng atensyon niya.
“What’s this?” tanong niya ng mahalo ito gamit ang kutsara.
“Mabisa po ‘yan pampawala ng tama…(sa utak) tama ng alak. Masustansya ‘yan kaya mainam para sa ‘yo.” Tinalikuran ko na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Napangiti naman ako nang sulyapan ko itong hinihigop na ang sabaw, sarap na sarap pa nga siya kaya’t naubos nito agad.
"Gigi, is there any more of this? Paki-refill naman, please.” Ano raw? Tama ba nadinig ko? Nag-please si kamahalan?
“Opo,” maikling sagot ko. Maya-maya’y…
“Wow! Na-refresh ako. Thanks Gigi,” sabi nito nang maubos lahat. “Tsk, maliit na bagay. Ikaw lang sapat na.”
Hanggang makapasok ako sa eskwelahan ay wala akong natanggap na sermon. Puro papuri ba naman kasi ang natanggap ko. Kaya dala-dala ko ang ngiti sa aking labi na hindi nakaligtas sa kaibigan ko.
“Beshy, pansin ko may something sa ‘yo, spill it.”
“Tsk, wala,” maikli kong sagot. Nasa cafeteria kami ngayon para mag-snack. Biyernes ngayon kaya hanggang alas singko pa ang klase ko.
“I knew it.”
“Alam mo?”
“Duh, of course I’m your bff.” Tsk, arte rin kasi nitong si Gabie kaya siguro naiirita sa kaniya si Dustin.
“Wala ‘to–”
“Hindi ka napagalitan ni Kuya Math! Right?” Hay, kung alam lang niya na hindi lang dahil do’n kung bakit ako masaya?
“Salamat ha? Siguro dahil sa paliwanag mo sa kaniya.” Natigilan kami mag-usap ni Gabie nang may biglang nagsalita.
“Hi girls!” Namula bigla ang mukha ng kaibigan ko. Nang lingunin ko ito’y si Arlo at Dustin pala ang mga ito. Naupo sila sa katapat namin. Si Arlo sa tapat ni Gabie at si Dustin naman ay sa akin.
“Hi rin,” maikli kong sagot.
“Gi, hm, have you read my message?” si Dustin nang magsalita ito. Pasimple kong tiningnan si Gabie na biglang lumungkot kahit kinukulit siya ni Arlo.
“Alin?” maang-maangan ko. Sana ‘wag na niyang sabihin ulit. Ayaw kong mas lalong lumungkot ang kaibigan ko.
“Oh, I see, you didn’t.” Hahayaan ko na sana siya at balak na sana umalis nang…
"I'd love to take you to dinner; I hope you'll say yes this time. I'll let Kuya Mathew know."
Ano bang isasagot ko sa Dustin na ‘to? Manhid ba siya? Siguro naman alam na niya na may gusto sa kaniya ang kaibigan ko.
“K-Kasi ano… a-ah ano nga.” Paano ba ‘to? Kung hindi lang dahil kay Gabie ay baka kanina ko pa siya natarayan.
Alam ko na, “pasensya na pero ‘di papayag–”
“He already agreed. Look!” Sabay pakita sa akin ng mensahe ni sir na okay sign. Ganoon lang ‘yon? Payag agad siya? ‘Di man lang ba nagselos?
“K-Kung ganoon pala e di sige.” Wala naman sigurong masama. Magpapaliwanag lang ako kay Gabie na kanina pa malungkot.
Hinawakan ko ang kamay nito. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti sabay tango. Gumaan kahit paano ang pakiramdam ko.
"Wonderful! I will pick you up promptly at 7 pm." Iyon lamang ang kaniyang sinabi bago sila tuluyang nagpaalam.
“Lets go,” paalam din ni Gabie. Malungkot talaga siya. Nakatingin lang ako sa likuran niya at napapabuntong-hininga.
Nagsimula ang klase namin na nanatiling tahimik si Gabie. Pag nagkakasalubong naman ang aming mga mata’y nginingitian naman niya ako. Ano kaya ang dapat kong gawin para mapagaan ko ang loob niya?
Palabas na kami ng classroom nang pigilan ko siya. “Sandali lang, Gabie.”
“May date ka pa, kaya alis na…” natigil siya sa pagsasalita nang yakapin ko.
“May sikreto akong sasabihin sa ‘yo.”
“Secret, what is it?” maalumanay niyang sagot nang maghiwalay kami. Hinawakan ko ang kamay niya saka ibunulong ang sikreto kong akala ko ay dadalhin hanggang kamatayan.
“May gusto ako kay Sir Mathew. Ay mali! Mahal ko na pala siya.”
“W-What? OMG! Really?! Ba’t ngayon mo lang sinabi?” Lumiwanag bigla ang mukha nito. Salamat naman at napanatag siyang hindi ako magkakagusto sa Dustin niya.
“Secret lang ‘yon ah. ‘Wag mo sasabihin kahit kanino, promise?”
"I promise! Don't worry, I'll work my magic to bring you two together!"
“H’wag, hindi na kailangan. Wala akong balak at saka may Belinda na ‘yon.”
“Tsk, ako bahala.” Hanggang makauwi ako’y panay imagine ni Gabie ng maaring mangyari sa amin ng kuya Math niya. Nakikingiti lang ako kahit na alam ko naman na malabo mangyari ang lahat ng iyon.
***
Eksaktong alas syete ng gabi nang dumating sa lobby sa ibaba ng condo si Dustin. Suot ko ang dress na hanggang tuhod ang haba medyo hapit sa dibdib pero komportable naman at desente tingnan. Sa sapatos ay ang doll shoes na binili sa akin ni Gabie nung minsan samahan ko siya mag-shopping. Wala naman ako shoulder bag kaya wallet at cellphone lang ang dala ko. Bago umalis ay sinigurado ko muna na may pagkain na madaratnan si kamahalan kung sakaling mauna siya sa akin.
Ang ganda ng pagkakangiti ni Dustin pagkakita niya sa akin. May dala siyang kulay pulang rosas na iniabot sa akin.
“Salamat, saan ba tayo pupunta?”
“Sa special place. Kasi extra special ang kasama ko,” pambobola pa nito.
Hindi na ako sumagot at sumunod na lang papunta sa sasakyan niya. Sa totoo lang, guapo naman talaga si Dustin. Matangkad, mapungay ang mga mata, malinis sa katawan at magaling pumorma. Pero wala talaga akong kahit anong maramdaman sa kaniya maliban sa pakikipag kaibigan. Nakatali na kasi ang lecheng puso ko kay sir Mathew.
Sobrang espesyal nga ng lugar na pinagdalhan niya sa akin. Punong-puno kasi ng magagandang bulaklak na mas pinaganda pa dahil sa matitingkad na ilaw na nakapalibot sa bawat sulok nito. Pero kahit na ganoon ay ‘di ko pa rin magawang magsaya ng sobra. Naisip ko mas masaya siguro kung si sir Mathew ang kasama ko.
“Are you alright?”
“Huh? Oo naman.”
“You're spacing out. Mind telling me?”
“Wala ‘yon. Kako gabi na. Baka makagalitan na ako ni Sir Mathew,” dahilan ko. Kanina pa naman kasi kami tapos kumain. Marami kami napagkwentuhan tungkol kay Gabie. Kung paano siya nito kulitin at kung anu-ano pa.
“Speaking of which, Kuya Charles called me last night. Kuya Math was so drunk. Inutusan ako ni Kuya Charles na ihatid siya kasi nagkatampuhan daw sila ng girlfriend niya kaya hindi niya maihatid. Si Miss C naman ang manager niya ay ‘di ko makuntak.”
“Tapos?”
"I drove him to his condo. Knowing how famous he is, we were worried that paparazzi would follow him."
“Tapos?” Gusto ko pa kasi malaman kung paano nakarating ito sa kwarto ko. Pero alangan naman sabihin ko dito kay Dustin ang nangyari.
“And then, inihiga ko lang siya sa sofa tapos umalis na ako.” Kung ganoon, naglakad pala ito sa papunta sa kwarto ko.
“Bakit? Is something wrong?”
“Wala naman, tara na? May trabaho pa ako bukas,” dahilan ko. Dahil sabado bukas kaya’t maghapon kami sa taping ni kamahalan.
Medyo traffic nang pauwi kami pasado alas nuebe na ako nakarating sa tapat ng condominium. Nagpasalamat lang ako at umakyat na rin. Sana lang ay wala pa siya subalit…
"Having such a wonderful time dating, are we?”
“Po?”
“Let me refresh your memory about why you’re here." At walang babala niya akong isinandal sa pintuan at walang pasabi niyang pinaglapat ang aming mga labi.
A/N: Ayee, kinikilag yarn. Naku wag ka muna bumigay Gigi. Salamat sa nagbabasa. Please share the story salamat.