Kabanata 10

1680 Words
Gigi “Kuya Math is your boss?” gulat na tanong ni Rhys. Hindi ako makasagot at nanatili pa rin sa likod ni Dustin. Nakahawak ako sa damit niya at hinayaan naman nito, hm, mabait din naman pala siya. “Hey! Babae I’m talking to you…” natigil ang pagsasalita ni sir Mathew sa boses ng malandi este hipon na si Belinda. Napalingon kaming lahat sa abot hanggang langit niyang ngiti. Maigi na rin at nakaligtas ako sa sermon na aabotin ko, sa ngayon. “I’m sorry, na stuck ako sa traffic,” unang bungad nito at walang pakundangan hinalikan si sir Mathew sa labi. Hala, grabe naman maka-PDA nito. Sa bagay girlfriend pala siya ng impaktong ‘to. “Tsk, so landi,” bulong ni Gabie nang lumapit sa akin. Taka ko siyang tiningnan, nakasimangot nga ito habang nakatingin sa kanila lalo na kay Dustin na nakikitawanan sa mga kaibigan kasama ng Belinda na ‘yon. “Selos ka?” bulong ko. “Ako rin.” Gusto ko sanang isatinig iyon pero syempre hinding-hindi ako aamin. “Nga pala paano mo naging kuya si Sir Mathew?” Ano ba namang klaseng tanong ‘yan, pinsan nga ‘di ba? “He’s the bestfriend of Kuya Charles since elementary,” bagot pa rin niyang sagot. Ang sama pa rin ng tingin. “A-Ah! gano’n pala–” “Akitin mo nga si Kuya Math, para–” “Ano!?” napalakas na naman yata ang pagkakasabi ko kaya’t nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Nag-peace sign ako at hindi na lamang pinansin ang mga mata ni kamahalan na kung nakamamatay lang ito’y baka bumulagta na ako. “No, what I mean is I prefer you to be with him. Mas masaya kung ikaw ang makakatuluyan ni Kuya Math,” balewalang sabi nito. “How I wish,” pero malabo mangyari ‘yon. E, kung aminin ko kaya na gusto ko ang kuya Math niya. “Hay naku! ‘Wag muna isipin ang love life ko. Pasasaan pa at magkakaroon din ako niyan… pag nakapagtapos na tayo, hindi pa ngayon,” naiiling kong paliwanag. Dahil busy naman ang lahat kay Belinda kaya’t hinila na ako nito palabas at naglakad papunta sa kung saan. “I've had a crush on Dustin since I was a little girl. He's Kuya Rhys' childhood friend, so we've always seen each other,” panimula niya. ‘Di maikakaila ang lungkot sa kaniyang mukha. “Tapos, mula noon hinahabol mo na siya ganoon?” Ay, mali yata ako ng tanong. Bakit ba ang daldal ko minsan at walang preno ang bibig. “Yeah, so he’ll like me too,” proud pa niyang sagot. Napapailing na lang ako. Hindi ko naman alam ang ipapayo sa kaniya, hindi pa naman kasi ako naghabol sa lalaki. Maya-maya’y nag-ring ang cellphone niya. “Hello, yeah, ako na maghahatid sa kaniya Kuya,” end of call. “Sino kausap mo kanina sa telepono?” Nasa kainan na kami ngayon at patapos na rin. Hindi na sumunod pa ang apat na pinagpasalamat ko. Baka isipin ni kamahalan lumalandi ako at tanggalan pa ako ng scholarship. “Si Kuya Math.Tara, hatid na kita.” “Mabuti pa nga,” sagot ko. “Don’t worry, I will explain to him na pinilit ka lang namin sumama,” paniniguro nito. “Hayaan mo na, kaya ko naman ipagtanggol ang sarili.” Marami pa sana ako gustong itanong tungkol sa kuya Mathew niya pero hindi ko alam saan ko uumpisahan. Hanggang sa makarating kami sa condo ay naging tahimik na itong si Gabie. “Salamat besh,” kaway ko nang makababa ng sasakyan. “Don’t mention it. Isinali pala kita sa GC, tingnan mo na lang, Bye!” Itinaas ko lang ang kanang kamay ko bilang sang-ayon sa sinabi niya. Salubong ang mga kilay ko sa kaiisip ng GC na sinasabi niya. Hindi ko pa naman naranasan ‘yon. Wala akong sinayang na oras pagkadating ko sa loob ng condo. Naglinis at nagluto ako ng hapunan namin kung sakaling uuwi siya ng maaga ay may pagkain na. Pero sana ay bukas na lang, hindi pa ako handa sa ipapaliwanag sa kaniya. Pagkapasok ko sa kwarto ay inabala ko muna ang sarili sa pagbabasa para sa lesson namin bukas o sa makalawa. Naka isang oras din ako nang mapagod at bumigat ang aking mga mata. Kinusot ko ito at sumalampak na sa higaan ko. Pipikit na sana ako nang maalala ang GC na sinabi ni Gabie. Kaya dali-dali kong hinanap ang cellphone at binuksan ang internet. Nag-search ako kung anu ang meaning nito. “Ah! Group chat pala sa f*******:,” ani ko. Naalala ko nung nakaraan ay tinuruan ako ni Gabie gumawa ng account. Hindi ko pa naman gamay kaya hindi ko kinalikot. Binuksan ko ang messenger at bumungad sa akin ang dalawang klase ng gc na sinasabi ni Gabie. Iyong isa sa buong klase sa isang subject kasama siya, at ang isa ay group chat na kinabibilang nila Dustin, Arlo, Rhys, Jasper at Gabie. Lahat sila ay binati ako ng welcome. Kung anu-ano pa ang sumbatan nila nung bigla kaming nawala kanina. Pansin ko, wala silang tinanong sa akin tungkol sa klase ng trabaho ko, maging ni Rhys na hindi ko pa nasagot. Pero isang mensahe galing kay Dustin ang natanggap ko bago ko pinatay ang cellphone. “You still owe me a date.” Hindi na lang ako sumagot. Ano sasabihin ko? Ayaw ko masaktan ang kaibigan ko gayong napatunayan ko kung gaano niya kagusto si Dustin. Nakatingin lang ako sa kisame. Walang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi si sir Mathew lang. Ang idadahilan ko at kung anu-ano pa hanggang sa bumibigat na ang talukap ng aking mga mata at tuluyan akong nakatulog. *** Naalimpungatan ako sa mabigat na bagay sa aking paanan. Madilim ngunit may kaunting liwanag naman na nagmumula sa labas kaya hindi hadlang ito sa akin para alisin ang bagay na ito sa akin. Nang mapansin ko ito’y hindi pala bagay kundi katawan ng isang tao. Bakit? Mainit kasi nang hawakan ko ito. Gusto kong sumigaw, subalit alam ko naman kung sino ang taong ito. Amoy pa lang niya’y si kamahalan na nga ito. “Teka, ba’t ka nandito?” bulong ko rito. Nakatihaya ako habang siya’y nakatagilid kong saan parang inaamoy niya ang aking leeg. “Ano ba Gigi? Itulak mo na,” utos sa akin ng utak ko pero hindi ng katawan ko. “Gigi, saglit lang naman, gusto mo lang siyang titigan.” Marami akong gustong itanong sa kaniya, pero syempre hindi puwede. Kaya dahan-dahan din akong humarap dito upang mapagmasdan siya ng malapitan. Isang dipa lang halos ang layo ng aming mukha kaya ‘di nakaligtas sa akin ang naghalong amoy niya at ng alak sa katawan. “Kaya naman pala, masyado ka bang lasing kaya akala mo ito ang kwarto mo? O, sinadya mo?” mahina at kagat labi kong tanong sa kaniya. May sarili yatang utak ang aking kamay kaya’t natagpuan ko na lang ang sarili na nakahawak na sa mukha nito pababa sa malalaki niyang braso. Nang mapagtanto kong wala pala siyang damit ay para akong napaso at bigla na lang siyang itinulak. Umungot lang ito at hindi rin nagising. Tila may nagkakarerang kabayo sa puso ko at hindi ko ito mapakalma lalo pa nang lumapit siyang muli upang yakapin ako. Ang matigas niyang braso ay nakadagan sa aking dibdib at ang mukha naman niya’y nasa leeg ko. Tumatayo tuloy ang balahibo ko sa katawan kapag tumatama ang labi niya sa aking balat. “Hindi ito tama,Gigi,” paalala ko sa aking sarili. Kaya’t dahan-dahan kong inalis ang kamay niya upang sana tumayo at umalis nang walang babala niya akong hinila. “Where do you think you're going?” mahinang boses niyang tanong. Nanlalaking mga mata ko siyang tinignan at maka-ilang beses pa akong pumikit upang masigurado ngang dilat or hindi ang kaniyang mga mata. “G-Gising ka?” “Oo,” pabulong niyang sagot. Nang biglang mapagtanto ko ang aming posisyon. Nakahiga ako at nasa ibabaw ko siya. Naiipit ang aking mga kamay kaya hindi ako makakilos, at ang aming mukha ay gahibla na lang ang layo. “S-Sir, ano ho g-ginagawa n’yo rito sa kwarto ko?” Subalit hindi siya sumagot bagkus nakatitig lang siya sa aking mukha partikular sa aking labi. “Diyos ko po’ng mahabagin. Hahalikan ba niya ako?” Palapit pa nang palapit hanggang sa tuluyan kong ipinikit ang aking mga mata upang namnamin ang pagdikit ng aming mga labi nang. “Sir Mathew? Sir, gising! Aray! Ang bigat n’yo.” Amputek, tinulugan ako. Imbes na sa labi ay sumubsob ang mukha niya sa aking dibdib at humilik. Haist, akala ko siya na ang maging first kiss ko. Kahit man lang ‘yon ay ipinagkait pa sa akin. Pilit ko man siyang gisingin ay hindi pa rin magising nang tuluyan akong makatayo. Panay ang lakad ko habang kagat ang aking daliri at nag-iisip. Panigurado naman akong hindi niya maalala ang ginawa niya kanina kaya kailangan gagawa ako ng paraan para hindi siya rito magising sa kwarto ko. At nang makaisip na ako’y wala akong sinayang na oras. Tinanggal ko ang pagkakabuhol ng kobre kama at hinila ito pababa pagkalagay ko ng unan para hindi naman siya mauntog. Napagtagumpayan ko ito nang hindi pa rin siya nagigising. Hinila ko palabas ang bedsheet hanggang marating ko ang kwarto niya na katabi lang din ng kwarto ko. Hinayaan ko lang siya sa sahig pagkalagay ko ng unan sa ulohan niya at umalis. Ang tanging hihilingin ko lang sana ngayon ay ang wala sana siyang maalala. Pag nagkataon ay hindi ko siguro siya kayang harapin sa matinding kahihiyan. “Kung bakit ba naman kasi ako pumikit.” Sana paggising ko’y panaginip lang ang lahat ng ito ngunit… "Oh, good morning, Gigi. I was just wondering how I got to my room?" A/N: SABI KO NGA PAG DI AKO BUSY MAG UPDATE AKO. PERO SA ISANG KWENTO KO YONG UNA KANG NAGING AKIN AY 1 A WEEK AKO MAG UPDATE. SALAMAT SA PAGBABASA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD