Kabanata 9

2021 Words
Gigi "Gigi... please. J-Just... talk to him. A-And if you can... m-maybe... get his number? It would mean the world to me." Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa kaibigan kong si Gabie. Paano ba naman kasi kanina may nakabunggo akong lalaki. Well, guapo siya pero hindi ko ipagpapalit ang kamahalan kong si Mathew. FLASHBACK “Hi beshy, sino ‘yon?” Kunot noo naman akong napatingin sa nagsalita. “Oh, hi Gabie, tara pasok na tayo,” sagot ko na lang. Wala na kasi akong oras na intindihin at sagutin pa ang tanong niya. Nabwesit kasi ako kay Sir Mathew kanina, ang aga-aga kung anu-ano na naman iniutos gaya ng “just stay there until I say so,” “get my stuff ready for the mall show this afternoon.” At kung anu-ano pa. Sinabi ko na nga na male-late na ako pero ang sagot “Ihahatid kita sa school.” Kaya malamang ang tinatanong ni Gabie ay kung sino ang naghatid sa akin? Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako. Pwede naman kasi mamaya na namin pag-usapan ‘yon. Kaso nga lang mapilit siya at kinukulit pa rin ako. Tsk, parang bata, kaya nang lingunin ko siya ay sakto naman na makabangga ko ang grupo ng mga lalaki sa bandang kaliwa ko partikular sa isa sa kanila. Parehas kasi kaming nasubsob sa sahig at sabay pa. “Aray!” “Tsk!” sabi niya. “Bro are you okay?” tanong ng mga kaibigan niya. Bale apat sila. Pero ang kaibigan ko, imbes na tulungan ako’y aba! Mas inuna pa ang pagkahaliparot niya sa lalaking nakabunggo na tinawag niyang…. "Oh my goodness, Dustin, are you hurt? We need to get you to the clinic immediately!" Oh, diba kilala niya. Nakalimutan na niya ako. Nakaupo pa rin ako at inaayos ang gamit kong nagkalat nang may biglang kamay sa aking harapan. "I'm so sorry, Miss. I didn't mean to do that. Are you hurt?" Nang tingnan ko ang napagmulan ng boses ay walang iba kundi ang Dustin. “Oh my G, Beshy. I’m sorry hindi ko napansin,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Gabie nang mapansin niya ako. Talaga ba? Eh, halata naman na mas inuna niya itong Dustin na ito kaysa sa akin. Kaya sa inis ko’y tinabig ko ang kamay niya. “Hindi ako lumpo!” matigas kong sagot sa kaniya at tumayo ng mabilis. Ano akala nila sa akin mahina? Kahit naman nasaktan ako kanina ay hindi ko iyon pinahalata. “You don’t look good,” alalang sabi ni Gabie. Pero halatang panay ang sulyap niya sa Dustin na ito. "Let me take you to the clinic. You seem unwell." “Sinabi na ngang okay lang ako, kulit!” Alam ko naman na nagmamalasakit lang siya. Pero sisiw lang ito sa akin. Mas malala pa nga ‘yong sugat na natatamo ko sa Bayabas at lalong mas masakit ang puso kong sinusugatan ni kamahalan. “Me gano’n? Tsk, Gigi move on na.” “Tara na, late na tayo.” Hindi ko na sila pinansin at nauna nang maglakad. Hindi ko alam kung sumunod ba agad si Gabie dahil naging abala na ako sa klase. End of Flashback Kaya ngayon, pinipilit na naman ako nitong kaibigan ko na kausapin ko na ang Dustin na ‘yun. Para saan pa? E di para sa kaniya, malala na siya. “Gabie, ba’t ba ako ang kakausap? Wala naman ako sasabihin diyan?” turo ko sa Dustin na naghihintay sa labas kasama ng mga alepores niya na napapaligiran ng mga babae. Grabe naman ‘tong mga kaklase ko. Guapong-guapo sa mga payatot na ‘yan. E, di hamak na mas guapo ang kamahalan kong si Mathew. “Na naman! ‘Di ba naiinis ka sa kaniya?” Ano ba ‘yan, palagi na lang siya sumisingit sa isipan ko. Kainis, ganito ba pag mahal mo ang isang tao? “Ikaw na lang–” “Duh! Ginawa ko na kanina pero he hates me that much.” Lumungkot na naman ang mukha ni Gabie habang nakatingin sa labas. Mukhang gustong-gusto niya ang Dustin na ‘yon. “Pag kinausap ko ba at makuha ang number niya magiging masaya ka na?” Biglang lumiwanag ang mukha nito kaya’t natawa na lang ako at kinurot siya sa pisngi. “Kung hindi lang kita kaibigan nungka na susundin kita.” “Talaga! Wow! Thank you beshy. O my gosh.” Pagkasabi niya nun ay niyakap niya ako ng mahigpit. Haist pag-ibig nga naman. Kabado bente panigurado itong kaibigan ko paglabas namin ng classroom. Wala na ang ibang kasama nito. “Hm, Hi Dustin siya si Gisselle kaibigan ko,” pakilala sa akin ng pa-cute na si Gabie. “Your friend?! How come na may ganito kaganda kang kaibigan? Brat,” sagot niya kay Gabie. Mukhang magkakilala sila. Kinurot pa nito ang pisngi ng namumulang si Gabie bago humarap sa akin upang ipakilala ang sarili. "Hi Gisselle, I'm Dustin Caspian Anderson Thorne. I'm currently in my fourth year, majoring in Business Administration." Nilahad nito ang kamay. Ngunit nagdadalawang isip ako kung aabotin ko ba, mukha kasing gustong-gusto ni Gabie na siya ang umabot sa kamay nitong si Dustin. “Gigi na lang,” sabi ko sabay tapik lang sa kamay niya. Hindi naman sa bastos ako no. Ayaw ko lang magselos ang kaibigan ko. Kaya naisip ko tuloy na kakaibiganin ko itong si Dustin para ilakad ang kaibigan kong tinawag niyang brat. “So, can I invite you for snacks or–” “Hindi pwede!” Napataas ata ang boses ko kaya ang sama tuloy ng tingin sa akin ng mga babaeng nagkakandarapa sa Dustin na ‘to. Nang tingnan ko ang kaibigan ko ay pinanlalakihan ako ng mata na nagpapahiwatig na “please say yes.” “S-Sige pero sama natin si Gabie.” “I’d love to but… gusto ko sana just the two of us–” “Ano! A-Ang ibig kong sabihin kailangan kasama ko siya… tama may project kaming gagawin. Pero kung ayaw mo sa ibang—” “Sige na. You brat,” turo nito kay Gabie na kumikislap na ang mata. “I’m warning you… behave, okay?” “I am… sometimes,” mahinang bulong naman ni Gabie. Haist, parang nakikita ko na kung paano siyang kulitin nitong kaibigan ko. Nasa parking lot na kami nang dumating pa ang iba pang kaibigan ni Dustin. “Yow, Arlo is the name..” “Jasper, the most handsome.” “Rhys, the most behave and–” “Manyak! Ew,” during-diring sabat naman ni Gabie. “Cuz, sila ang nangmamanyak sa ‘kin. Masisi ko ba sila? Look,” sagot naman nitong si Rhys. “Sandali, magpinsan kayo?” turo ko sa dalawa. “Lucky her, yes,” si Rhys. “Unfortunately,” si Gabie. Wala pa man ay mukhang sasakit ang ulo ko sa kanila. Kay kamahalan nga lang ay quota na ako dadagdagan pa ng mga ‘to. Sa kabilang banda, ngayon lang din naman ako magkakaroon ng kaibigan kaya masaya na rin ako. *** Nakasakay ako ngayon sa sasakyan nitong si Dustin at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Mabuti na lang at pumayag itong si kamahalan na hindi na ako sasama. Nagdahilan kasi ako na may project kaming gagawin ni Gabie. Pumayag naman siya. Balak ko sanang magpahinga at matulog lang maghapon. “Dustin, ‘di ba may mall naman malapit sa university,” tanong ko sa abalang si Dustin. Sumagot naman ito habang ang mga mata ay nasa kalsada pa rin. “Yeah, but mas maganda ang pupuntahan natin.” Hindi na ako nagtanong pa at tumango na lang. Mag alas sais na nang tumingin ako ng oras sa cellphone ko. Ni-check ko na rin kasi kung may text or tawag ba si kamahalan, pero nadismaya lang ako kasi wala ni isa. Kanya-kanyang sasakyan ang mga kasama ko, pati na rin ni Gabie kasama ang bodyguards niya. Pagkababa namin pansin ko ang pagbibilin ni Gabie sa mga ito hanggang lumapit itong si Rhys saka pa lamang nagpa-iwan ang mga ito. Hindi ko alam kung pang ilang palapag kami ngayon. Kanina kasi ay halos mahilo na ako sa kakaikot ng sinasakyan namin nung papasok kami dito sa mall na sinasabi ni Dustin. Pagkapasok pa lamang namin ay bumungad na agad sa akin ang mas eleganteng desenyo na nakapaligid sa amin. Pansin ko rin na panay bati sa amin ng mga nakakasalubong naming empeyado, partikular kanila Rhys at Gabie na tinatawag pa nilang young master at lady Gabrielle. Gayon din sa iba pa naming kasama. Pati ako ay tinawag nilang Miss. Lumapit ako kay Gabie. “Besh, bakit gano’n ang tawag nila sa inyo?” “Yeah, utos ng parents namin,” kipit balikat nito habang ang mga mata ay panay ang sulyap kay Dustin na nasa likuran na nagtatawan kasama ang tatlo. Napapaisip tuloy ako at naiintirga sa kanila. Kaya tatanungin ko na sana si Gabie nang tumakbo ito sa may bandang bakal kung saan kita mo ang ibaba. “Oh my G. Tara baba tayo, ipapakilala kita sa mga kuya namin,” biglang hila sa akin nito. “Kuya? Akala ko ba only child lang ‘tong si Gabie.” Sumunod na lamang ako papunta sa ibaba gayon din ang apat na mukhang excited din. Pagbaba namin ay pansin ko agad ang maraming nagsisiksikan. Panay tili ng halos lahat ay kababaihan, hindi lang bata kundi pati na rin ng matatanda. “Anong meron diyan,” turo ko sa may nagkikislapang ilaw na nasa aming harapan. Hindi namin ito nakikita kasi nasa bandang likuran kami. “Nandiyan nga mga kuya namin, na-miss na namin sila kaya sasaglit muna tayo,” sagot ni Gabie na halatang excited. Gaya kanina, binati agad ng mga nagbabantay ang mga kasama ko saka pinagbuksan ng nakaharang na bakal. Hindi ko talaga maintindihan anong meron dito dahil nakikisabay lang din naman ako. “Where is kuya?” tanong ni Rhys. “Nasa loob na po sila Young Master Rhys.” Nagpasalamat naman ang mga ito saka kami pumasok sa loob ng isang silid. “Kuya Math! I miss you!” sigaw at napapatalon na sabi nitong si Gabie sa kuya Math na binanggit niya. Nasa bandang likuran kami ni Dustin kaya hindi ko gaano naaninag ang mga ito. “I miss you Princess Gabrielle,” sagot ng lalaki. Teka, parang may kaboses siya. “Just Gabie, hindi na ako bata. Kaya hindi ako magustuhan nitong si Dustin ko e.” Dinig ko lang ang buntong hininga nitong si Dustin sa tabi “brat.” May isa pang lalaki na naka formal attire, na tinawag din nilang kuya Charles na napag alaman kong kuya ni Rhys na siyang namamahala ng buong mall na ito. Kaya pala ganoon sila kung galangin, kasi ang mga ito pala ang anak ng may-ari. Nakakaluwa at hindi ko akalain na mapapabilang ang isang gaya ko sa kanila. Naiilang tuloy ako’t napayuko hanggang sa marinig ko ang boses ni Gabie at ng isang taong hindi ko sukat akalain na makikita rito. “Beshy, si Kuya Mathew, sikat siyang celebrity—” “I didn’t expect to see you here.” Sabay nilang sabi. “Kilala mo si Gigi?” nanlalaking mata na tanong ni Gabie rito. “Kung ganoon, si Kuya Mathew ang—” “H-Hi po, Sir Mathew. Wala akong ginagawang masama, isinama lang nila ako rito,” kagat labi kong paliwanag habang nagtatago sa likuran nitong si Dustin. Dapat ba akong matakot? Pero wala naman ako ginagawang masama. Hay, ang liit talaga ng mundo. Kung ang iba ay swerte ang tawag dito? Pwes sa akin ay hindi. Wala na yata akong takas pa sa kaniya. Paano pa ako makakalimut niyan? Kung bawat kebot ko’y pagmumukha nito ang siyang nasisilayan ko. AN: Salamat po sa sumusubaybay. Nagpapakipot pa muna itong si Gigi. dalagang filipina daw kasi siya. Wait magmo-move on daw pala siya hahah. Abangan don't forget to comment. Vote nyo naman ang story nila sa w*****d paki follow na rin ako. Mag uupdate ako ulit pag hindi busy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD