Kabanata 2

2445 Words
Gigi Maaga pa lang ay aligaga na ako sa paghahanda ng dadalhin sa taping na sinasabi ni Sir Mathew. Litong-lito ako sa mga klase ng damit na dadalhin niya na siyang nasa listahan. Tops: Crewnecks, long-sleeved and tees. Bottoms: Jeans- slim fit, boot-cut. Trousers- Cargo pants. Suits- tuxedo. “Paano ko ba malalaman kung saan ‘tong mga ‘to? Wala naman kasi nakalagay,” nanghihina kong kausap sa sarili. Magdadalawang oras na ako dito sa walking closet na tinuro niya sa akin. Iilan pa lang ang nahanap ko na nakalagay sa listahan na ibinigay niya. Meron pa kasing outerwear, formal wear, casual wear at activer wear na nakalista. “Sana palakang ginto na lang ang ipinahanap mo sa ‘kin,” kausap ko sa larawan niya nang pagdiskitahan ko ito. Tumayo ako’t lumapit sa mukha nito na kung makangiti ay tila nang-aakit. “Naku! naku! ‘wag kang ngingiti-ngiti riyan at baka ‘di kita matansya. Naku!” Ang aking hintuturo ay nakaduro sa labi niya at hahamba na sana itong hampasin nang mapatalon sa gulat. “Why? What are you going to do then?” “Ay! Palaka!” Napatili ako’t napaatras ng isang hakbang. Ang kamay ko’y nakahawak sa aking dibdib habang naghahabol pa rin ng hininga. Pakiwari ko’y putlang-putla na aking labi. Lumapit siya, ako naman ay umatras nang umatras. Tila nauubusan na naman ako ng hangin sa katawan sa pagpipigil ng hininga, lalo pa at pinagpantay niya ang aming mga mukha. “Ano? Miss Kawatan? May gusto ka bang sabihin?” Siguradong narinig niya ang sinabi ko. Dapat na ba akong sumuko? Unang araw pa lang ito ng trabaho ko sa kaniya pero pakiramdam ko ay hindi na ako tatagal sa mundo kung aabot pa ito ng mas matagal. “M-May na…ri…nig k-ka–” “Loud and clear,” ngisi niyang sagot bago nito nilayo ang sarili sa akin, “hay salamat.” “Regular akong nagpapa-check-up kaya alam kong wala akong sakit sa pandinig,” dagdag niya. Ano ba ‘yan? Lahat na lang ba ng sasabihin ko ay bibigyan niya ng kahulugan? “Pa…” natutop ko ang aking bibig sa nais sanang sabihin. Baka sabihin na naman niya na wala na akong ibang alam kundi ang humingi ng pasensya. Kaya’t biglang gumana ng isang daang porsyento ang utak ko’t nakaisip ng idadahilan. “A-Ang sabi ko po plantsa. Ha! ha! Ha!” hilaw kong tawa. “Tama plantsa. Napansin ko po kasi na lukot ang ibang damit ninyo Sir– po.” Kagat labi ko siyang tinalikuran at ipinagpatuloy ang ginagawang paghahanap. Hindi na rin siya nagkomento pa. Mukhang naniwala, mabuti naman. “Ilang oras ka na rito?” maya-maya’y tanong niya. Dahan-dahan akong lumingon. Sumalubong sa akin ang kilay niyang nakataas, mukhang inip na inip at parang haring nakaupo sa trono. “Tusukin ko kaya mata mo. Alam kong maganda ako…” “Hindi ka maganda kung ‘yan ang iniisip mo.” Hala! Manghuhula na rin ba siya? Umiwas ako ng tingin. Hindi ko matatagalan ang makipagtitigan sa kaniya. Oo na! Bakit kasi ang guwapo niya? Kahit halatang bagong gising. ‘It’s unfair’ ika nga sa wikang ingles. Tumikhim muna ako. “N-Na-hirapan po kasi ako hanapin itong nasa listahan,” paliwanag ko sabay abot sa kaniya ng papel na hawak ko. Iyon naman kasi ang totoo. “Alin, ito ba? No need to do that. My road manager has already arranged it. Kaya ihanda mo na lang ang ibang kakailangan ko and be ready after one hour,” balewalang sabi niya. Tumayo ito at naglakad palabas. Tanging malapad niyang likuran ang natatanaw ko. Pero pakiramdam ko’y aabot hanggang baryo namin ang kaniyang ngiti. “H@yop siya.” Malungkot kaya ang buhay niya? Kaya ganoon na lang ang pang-iinis niya sa akin? Sumasaya ba siya pag pinipikon niya ako? Dahil nga sa sinabi nitong ‘be ready after one hour’ kaya heto ako ngayon. Tarantang taranta at ‘di na magkandaugaga sa pagmamadali. Kinailangan ko pa kasi ihanda ang ‘organic food na sinasabi ng mommy niya na napag-alaman kong sikat na manunulat pala sa pelikula at telebisyon. Gayon din ang daddy niya na isa ring sikat at respetadong direktor. Sa madaling salita, sikat ang angkan nila. Kaya pala ganoon na lang siya kung umasta at magyabang. Kung hindi lamang sa pangako ng mga magulang niya na pag-aaralin ako sa kolehiyo ay hindi ako magtitiis sa anak nilang walang awa. Paglabas ko, isang malaking sasakyan ang tumambad sa akin. Mukha itong bus pero maliit na bersyon. Bumukas ito, at isang eleganteng babae ang sumalubong sa akin. Sa palagay ko ay nasa kuwarenta na ang edad niya pataas. Pero maganda at sopistikada. “Ano? May balak ka bang pumasok sa loob o, iiwanan na ka na lang namin,” seryoso niyang sabi. “Sino siya?” “Sorry po, Ma’am at Sir Mathew,” mababang boses kong tugon nang makapasok sa loob ng tila magandang silid na sasakyang ito. “As always,” dinig kong bulong ni Sir Mathew na nasa likuran ko. Katabi ko ang sopistikadang babae na sa palagay ko ay ang road manager na sinasabi niya. “Ako nga pala ang road manager ni Mathew. You can call me Miss C. Hindi pa tayo close para malaman mo ang buong pangalan ko.” Ano ba ‘yan? Kaya pala masungit ang alaga niya dahil may pinagmanahan ito. “Okay po… Miss C.” Nagsimulang umandar ang sasakyan. Nag-uusap ang dalawa pero wala akong maintindihan. Kaya inabala ko na lang ang aking mga mata para libutin ang loob ng minibus na ito. Nakamamangha lang ang ganda. May malaki itong telebisyon. Ang mga upuan ay dinisenyo na tila isang hari ang uupo. Kagaya ni Mathew, sadyang pinagawa ito para sa kaniya. Meron ding refrigerator ito, kusina at banyo. Sa likod ay naroon lahat ng mga kagamitan at susuotin niya. Meron ding higaan na natatakpan ng kurtina. Kitang-kita sa loob nito kung gaano karangya ang buhay nang nagmamay-ari nito. Balang araw, gusto ko rin magkaroon ng ganito na ililibot ko sa Pilipinas. “Gigi, right?” “Huh?... po? Ay opo, Gigi ang pangalan ko.” “I told you Miss C.” Napatingin ako kay sir Mathew sa sinabi niya. Teka pinag-uusapan ba nila ako kanina? Pero bakit wala akong narinig? “Ang sabi ko, alam mo na siguro ang gagawin mo pagdating sa set,” muling sabi ni Miss C. Hindi man ako sigurado kung alin man doon pero kailangan kong sumagot. Ayaw ko ng madagdagan pa ang katangahang sinasapit ko simula nang mag-krus ang landas namin ni Mathew. “Opo.” Dahil sa layo ng biyahe kaya’t inantok ako. Nakaiinip kasi ang biyahe. Abala ang dalawa sa kanya-kanyang hawak samantalang ako’y nakanganga lang na tila walang silbi. Sana inutusan na lang nila ako magsibak ng kahoy na ikatutuwa ko pa. Isang tapik sa balikat ang gumising si akin. Pagdilat ko’y mukha ni Kuya Tomas ang aking nakita. Siya ang driver ni kamahalan - si Mathew. “Gising na, hinihintay ka na nila.” Napabalikwas ako ng tayo. “Dahan-dahan lang. Kabababa lang naman nila. Ang sabi ni Miss C, ihanda mo na raw ang susuotin ni Sir Mathew.” Nagpasalamat ako’t inihanda ang sarili. Kailangan hindi ako magkakamali. Kaya’t lahat ng klase ng damit na nakasampay sa de-bakal na sampayan ng damit ang siyang hinila ko palabas. Ngunit natigilan ako at tuluyang naabala sa ganda ng lugar na ito. Para akong bumalik sa bayan namin sa Bayabas. Malawak na patag, masarap na simoy ng hangin. Ang kaibahan lang ay nasa itaas kami. Natatanaw kasi mga kabahayan sa ibaba. “Ganda,” mangha kong bulalas. Ngunit isang nakaiiritang boses ang tuluyang nanira nito. “Where is she?!” Parang boses ni sir Mathew. Ay teka, nanlalaking mata kong hinanap ang pinanggalingan ng boses at ‘di nga ako nagkakamali. Nakahalukipkip siyang nakatingin sa akin. Na kung nakamamatay lang ang titig ay baka bumulagta na ako at pinaglalamayan na mamaya. Ngayon ko lang napansin na hindi lang pala kami ang tao rito. Ang lahat ay abala sa kani-kanilang gawain. May malalaking camera, tent na mas malaki pa sa bahay kubo namin ni lolo. Lagot na naman ako nito. Lumapit sa akin si Miss C. Ang buong akala ko’y sisigawan din niya ako ngunit taliwas ito. “I told you, iwasan mong magkamali. Si Mathew gusto niya perpekto lahat. Ayaw niyang nagiging cause of delay. Kaya mag-iingat ka sa susunod,” maalumanay niyang paliwanag sa akin. “Opo, pasensya na Miss C.” “Ayos lang, halika na. Hindi pa ‘yon galit.” Hindi pa ba galit sa lagay na ‘yun? Paano pa kaya kung… umiiling akong sinundan na laman si Miss C. Iisipin ko pa lang kung totoong galit siya’y nakahihindik na ito. Sa tulong ni Miss C ay nagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. Isa-isa niya kasing itinuro sa akin ang klase ng mga kasuotan na kakailanganin ni kamahalan. Nilagyan ko ito ng palatandaan upang sa gayo’y hindi na ako magkakamali. Sumapit ang tanghalian o mas madaling sabihin na meryenda. Mag-aalas quatro na kasi ng hapon. Ayon kay Miss C ay tapos na ang unang eksena ng alaga niya. Kailangan ko na rin ihanda ang kakainin niya. Kaya naman ininit ko sa microwave na siyang turo sa akin ni Miss C ang pagkain na ekslusibo lamang sa mahal na hari. Matapos kong maihanda ang lahat sa loob ng sasakyan ay lumabas na lamang ako. Sabi kasi ni kuya Tomas ay may pagkain daw na nakahanda sa amin. Hindi na rin naman niya ako kinausap na laking pasasalamat ko. “Salamat po, Ate,” sabi ko kay ate na siyang naghahanda ng pagkain. Nakalagay ito sa styro na lalagyan. Sabik akong makita kung anuman ang nilalaman nito. Kaya’t naghanap ako ng pwesto ngunit wala akong makitang bakanteng upuan. Ang lahat kasi ay okupado na. Wala naman pumapansin sa akin kaya’t naghanap na lamang ako ng pwesto. Saktong may nakita akong malilim sa ilalim ng puno. Doon ako naupo at masayang ninamnam ang pritong manok at pansit na siyang laman ng styro. “Lolo, maayos lang po ako.” Ayaw ko mang maging malungkot, ngunit pagdating kay lolo at hindi ko ito maiiwasan. Mahirap man ang buhay namin noon ay masaya naman kami. “Hindi ba masarap ang pagkain kaya naiiyak ka ng ganyan?” boses ng lalaki ang siyang umagaw ng atensyon ko. Dali kong pinunasan ang aking mukha upang lingunin ang nagmamay-ari nito. “Kanina pa kita tinitingnan,” muli ay sabi nito. Kumunot ang noo ko. “Naku! Baka isipin mo stalker ako ah.” Natawa naman ako sa reaksyon niya. “Ayan, ngumiti ka na rin. Ayos lang bang maupo?” tumango na lang ako. Hindi ko naman ito pag-aari, hindi gaya ng upuan ni kamahalan. “Oo naman.” “Ako nga pala si Ceejay.” pakilala niya sabay abot nito ng kamay. Hindi naman ako bastos at hindi rin masama kung tanggapin ko ito. “Gigi,” maikling sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain. Namayani ang katahimikan sa amin. Wala naman ako dapat sabihin. “Nakita kita kanina, pagbaba mo pa lang ng sinasakyan ni Mathew. Kakaiba ang ganda mo kaya napansin kita,” pambobola niyang sabi nang ‘di nakatiis. “Sayang, wala akong piso. Utang muna ha.” Sabay kaming natawa bunsod ng sinabi ko. “Paano ba ‘yan, magkaka-utang ka sa akin ng malaki. Ang ganda mo kasi,” dagdag pa niya. “Hay naku, magtigil ka na. Baka maniwala ako,” naiiling ko pang sagot sa kaniya. “Matagal ko na rin nakakatrabaho si Mathew. Kaya kilalang-kilala ko na siya,” maya-maya’y dugtong niya. “Ako, ilang araw pa lang. Ito ang unang araw ko bilang yaya niya.” “Yaya? Ah, gets ko na. Mabait naman siya–” “Hah? Mabait ba kamo?” Napapaiiling na lang ako at ‘di na dinugtungan pa ang sinabi. Baka marinig na naman niya ako at isiping chismosa ako. Naging magaan ang pakikitungo ko kay Ceejay. Isa pala siyang assistant cameraman. Makwento siya at nakatutuwang kausap. Ang dami niya kasing jokes na patok na patok sa akin kaya’t hindi na namin namalayan ang oras. “Salamat, akala ko maiinip ako rito,” paalam ko kay Ceejay nang maihatid niya ako sa sasakyan. “Wala ‘yon, basta kung nalulungkot ka, nandito lang ako, pasasayahin kita. Sige na, tawag na ako ni direk.” Nagpaalam si Ceejay, ako naman ay naisipan munang magbanyo. Wala naman akong makitang kubeta kaya naisipan kong sa loob na lamang ng sasakyan ni kamahalan. “Nandito ka ba para maghanap ng lalake?” tanong niya pagkabukas ko pa lang ng sasakyan. Nilibot ko ang aking paningin kaya’t pansin kong kaming dalawa lamang ang dito sa loob. “Lalake? Si Ceejay po ba ang–” “Wow ah, close na agad kayo? Pansin ko nga, ang lapad kasi ng ngiti mo kanina.” Teka, kanina pa ba niya kami pinagmamasdan? Ayaw kong makipagtalo kaya tumahimik na lamang ako’t bubuksan na sana ang banyo. Ngunit… “That restroom is for my private use only.” Ang tangka kong pagbukas ng pinto ay naudlot bunsod ng sinabi niya.Hindi na ako nakipagtalo kaya’t lumabas na lamang ako upang maghanap ng banyo. Hindi ko makita si Miss C, gayon din si Ceejay. Kaya’t naglakad-lakad ako sa tagong lugar kung saan wala masyadong nakakakita. Napagtagumpayan ko naman ito, subalit nang pabalik na ako’y hindi ko na maalala kung kakanan nga ba ako o kakaliwa. Sanay na naman ako sa gubat, ngunit kanina pa ako naglalakad ay hindi ko pa rin makita ang pinanggalingan ko kanina. Maggagabi na kaya’t nababahala na rin ako. Hinahanap na kaya ako ni kamahalan? “Nasa’n na ba ako?” Napaupo ako’t nagpahinga muna saglit. Mahigit isang oras na akong naglalakad kaya hiningal na rin ako. Kumukulog na rin at maya-maya’y nagsimula nang pumatak ang tubig mula sa kalangitan. “Lolo, gabayan n’yo po ako.” Pumikit na lamang ako’t sumandal sa malaking puno. Hindi ko na alintana pa ang malakas na buhos ng ulan. Sana lang ay mapansin nila na wala ang presensya ko. Ngunit hindi na ako umaasa pa. Sa ugali ni kamahalan ay malabong mag-alala siya sa ‘kin. Dahil na rin siguro sa pagod kaya nakatulugan ko na ang basang katawan. At nagising na tila nakalutang sa ere. Nanlalabong mga mata at nilalamig na katawan. Ngunit gumagaan pansalamantala ang pakiramdam ko bunsod ng mainit at matipunong katawan ni sir Mathew na siyang bumubuhat sa ‘kin. “Stay still, malapit na tayo.” Huling dinig kong sabi niya bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD