Mathew
"Saan na naman kaya ang babaeng iyon?" nakakailang eksena na ako simula kanina pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makita. Huling pag-uusap namin ay ang pigilan ko siyang pumasok sa banyo. Okay lang naman sana kung gagamit siya. Gusto ko lang siyang asarin kanina, pero hindi ko akalain na aalis siya bigla. Hindi ko naman siya hahabulin para sabihing, "P’wede ka nang gumamit," hindi ko kailanman gagawin iyon.
Ilang minuto ang lumipas, hindi pa rin namin siya makita. "Ano ba kasi ang ginawa mo sa kaniya, Mathew?" kunot noo na tanong ni Miss C. "Pansin ko, hindi ka naman gan’yan sa iba, pero pagdating sa kaniya, bakit ka irritable?"
"Wala akong ginawa," dahilan ko, umiiwas ng tingin. Kumukulog na. Paniguradong anumang oras ay bubuhus na ang ulan. Kung hahayaan ko naman siya’y mapapagalitan ako nina Mommy at Daddy. Ikinuwento nila sa akin ang nangyari kay Daddy—kung hindi dahil kay kawatan, baka napahamak siya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako naiinis sa kaniya... o baka natutuwa lang ako kapag naiinis siya sa akin. Siguro nga.
Tumayo ako. "Hahanapin ko siya." Hindi ko na hinayaang sumagot si Miss C. Hindi sana nila ako papayagang pumasok sa gubat dahil nag-aalala sila sa akin, subalit hindi ako nagpapigil kaya’t sinundan nila ako. Pinipigilan nila ako lumabas, baka raw magkasakit ako at maudlot pa ang taping. Hay, puro taping na lang ang importante sa kanila.
Pagdating sa dulo, may nakalilitong daan at walang direksyon kung hindi mo mapapansin. Mukhang alam ko na kung bakit naligaw at hindi na nakabalik si kawatan. Kumanan ako; inutusan kong pumunta sa kaliwa ang iba at ang iba ay sa kasalungat na direksyon. Sumabay sa akin si CeeJay. Ayaw ko man siyang sungitan, pero naiinis ako. .
Nilingon ko siya na ikinatigil nito. "Ano ba ang pinag-usapan ninyo kanina? Bigla na lang siyang umalis?" duda kong tanong.
He chuckled. "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, Mathew? Alam mo napapaisip ako," sabi niya, tumigil siya saglit at ‘di makapaniwalang tiningnan ako.
"What? Do you have anything else to say?" I asked.
"Alamo bang sinabi ko sa kan’ya na mabait ka?"
Inis ko siyang tiningnan. "So, ano ngayon ang gusto mong palabasin?"
"Wala lang. Mathew, lahat halos ng tao, tinitingala ka. Marami ang iniidolo ka. Maski ako. Hanggang ngayon. Pero bakit pagdating kay Gigi, nagsusungit ka? Tapatin mo nga ako. May gusto ka ba sa kaniya?"
I couldn’t help but laugh sarcastically. "What? Me? Gusto siya? Ceejay, you don't know anything. Whatever my relationship with Gigi is, it's none of your fvcking business. Ayan, umulan na nang malakas. Hanapin na lang natin siya at huwag na tayong magtalo."
Iniwan ko siya at nagpatuloy sa paghahanap. Ilang minuto ang lumipas nang may mapansin akong tila nakaupo sa malaking puno. Tumakbo ako at lumapit sa kan’ya. Nakumpirma ko: siya nga ito.
"Hoy, Miss Kawatan! Huwag mo akong aartehan ng gan’yan! Gumising ka!" Ilang segundo ang lumipas ay hindi man lang siya nag-react, kaya kinapa ko ang leeg niya at nakumpirma na ang init-init ng katawan niya. Wala na akong sinayang na oras at binuhat siya sa abot ng aking makakaya. Kailangan kong magmadali. Gusto kong murahin ang sarili ko—kung may kasalanan nga ba talaga ako, paniguradong madi-disappoint sa akin ang parents ko, and i don’t want that to happen.
Nasa kalagitnaan pa lang ako nang maramdaman kong gumalaw siya at dumilat. Salamat naman. Nagkamalay siya.
"Stay still. Malapit na tayo," sabi ko. Hindi ko alam kung narinig niya dahil pumikit ulit siya. Mukhang lalong nanghina.
Malayo pa lang, sinalubong na ako ni Miss C. Alalang-alala rin siya. Dahil sa nangyari, na-postpone ang taping. Itinakbo namin siya sa pinakamalapit na ospital. Alam kong makakaagaw ako ng atensyon, kaya minungkahi ni Miss C na maghintay na lang ako sa sasakyan. Sabi niya, siya na ang bahala. Naligo at nagpalit ako. Pagkatapos, tinawagan ko si Mommy.
"Sorry, Mom." I know my apology won’t do anything if something happened to her.
“Don’t apologize to me, my son. You should know what to do,” mommy said. Lumipas ang oras ay hindi pa rin bumabalik si Miss C. Kaya hindi na ako mapakali. I need to do something. I disguised myself wearing only a facemask and a cap. But damn, hindi ko pala alam ang buong pangalan ng babaeng ‘yon. So, kailangan kong tawagan ulit si Miss C, mabuti naman at sinagot na niya ito kaya napag-alaman kong nasa private room na raw siya.
“Mathew, she’s fine. Bukod sa naulanan siya ay humina raw ang immune system niya kaya siya nilagnat, Maybe stress o may pinagdadaanan lang,” mahabang turan ni Miss C. Nasa loob na ako ng private room. How could I be so heartless? Nabanggit nga pala sa akin ni mommy na ulilang lubos na siya. Namatay ang lolo niya sa araw mismo ng pagsagip niya sa parents ko. I feel guilty. I guess that’s what I’m feeling right now.
Nagpaalam si Miss C na lalabas daw muna para makabili ng makakain at ma-settle ang bill. Kaya naiwan akong mag-isa at naupo isang metro mula sa hospital bed kung saan siya nakahiga. Hindi ko maiwasan na mapagmasdan ko ang kaniyang mukha.
She has a light dark complexion. Her curly hair frames her face, and her thick eyebrows add depth to her features. Her lips are somewhat… napapailing ako sa biglang naisip. Bakit kailangan ko siyang titigan. “Watch yourself Mathew. She’s out of your league.” I reminded myself.
Tumayo ako at naisipang lumabas na lang. Hindi ako maaring tumagal dito, baka may makakilala pa sa akin at kumalat pa sa social media.
“O, aalis ka na?” salubong na tanong ni Miss C.
“Oo, hintayin ko na lang kayo sa sasakyan. Anytime naman baka magising na siya.”
Gigi’s POV
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Malabo pa ang aking paningin pero malinaw na napapaligiran ako ng puti. Teka, nasa langit na ba ako? “Patay na ba ako? Lolo!”
“Gigi! Mabuti naman at gising ka na.” Pamilyar sa akin ang boses kaya’t hinanap ko ito at nakumpirma na si Miss C pala ito.
“Miss C, a-akala ko ho… patay na ako.” mababang boses kong turan. Natawa siya bago nilapag ang mga hawak nito.
“Sira, hindi ko hahayaan ‘yon. Baka makaladkad pa ang pangalan ng alaga ko na ikasira pa niya.” Sa bagay, sino nga ba ako? Mas mahalaga sa lahat ang Kamahalan na ‘yon. Hm, hindi man lang niya ako kinumusta. Teka, meron lang akong gustong kumpirmahin.
“Miss C, sino po iyong bumuhat sa akin?” mahinang tanong ko bago ibinaling ang tingin sa may pintuan. Nagbabakasali na makita siya.
“Ah, si… si Ceejay. Siya ang bumuhat sa ‘yo.” Hay, ano pa ba ang aasahan ko sa Kamahalan na ‘yon na walang puso. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ako maliligaw. Huwag ka nang umasa pa Gigi.
Hindi na ako nagtanong pa at hinayaan na lang si Miss C sa walang katapusang katawagan niya sa telepono, hanggang sa sabihin ng doktor na maari na raw ako umuwi.
Mula sa sasakyan hanggang makarating kami sa bahay ay tulog lang si Kamahalan. Ginising lang siya at wala man lang reaksyon. Ni hi - ni ho ay walang lumabas sa bibig niya.
Dahil siguro sa gamot na ipinaimum sa akin ay halos buong araw akong tulog. Naaalimpungatan lang sa pagkain na siyang dinadala sa akin ni Nanay Cindy. Pagkatapos ay matutulog na naman. Mukha tuloy akong patabaing hayop.
Lumipas pa ang araw ay tuluyan na rin akong gumaling. Hindi ko na rin nakita pa si Kamahalan na laking pasasalamat ko. Nasa may swimming pool ako ngayon para linisin ang anumang dumi na nahulog sa tubig. Ang sabi sa akin ni nanay Cindy ay may darating daw na bisita. Hindi ko na rin inabala pa ang sarili na tanungin kong sino ang mga ito. Baka isipin pa nila usisera ako.
Suot ang luma kong daster ay pakanta-kanta na lang ako habang hawak ang mahabang kahoy na may net. May ilang dahon kasing nalaglag sa tubig na siyang kailangan kong linisin.
“Kahit isang daan na swimming pool pa ang linisin ko’y ayos lang sa akin. Kaysa naman makasama muli ang walang pusong lalaking ‘yon,” mahina kong bulong.
“Are you really that annoyed with me?” Hindi na ako nagulat kung sino ang nagtanong nito sa akin. Maliwanag pa sa sikat ng araw na si Kamahalan nga ito. Nilingon ko siya, ngunit biglang nanlaki ang aking mga mata at ibinaling muli ang paningin sa aking ginagawa. Bold… este nakaburles kasi siya.
“Bingi ka ba–?”
Malamang hindi. “Hindi po, Sir,” maikli kong sagot.
“Hindi ka bingi,” pag-uulit niya. “Let me help you,” dugtong pa nito hanggang sa marinig ko na lang ang lagaspas ng tubig at mukha nitong nakangisi.
“Alam ko na, galit ka?” pangungulit pa nito. “Oo, nagagalit ako, kasi wala kang puso.” Gusto ko sanang isatinig ito ngunit tinikom ko na lang ang aking bibig. Ayaw ko na kasi humaba pa ang usapan namin sa kadahilanang hindi ko matatagalan ang hubad niyang katawan na tanging madulas at kapirangot lang na tela ang siyang nakatakip sa bukol niya sa gitna.
Pumikit ako, gusto ko man sabihin na galit nga ako pero wala naman ako karapatan. Yaya at katulong lang nila ako. “Sir, mamaya ko na lang po itutuloy ang paglilinis,” paalam ko at tatalikuran na sana siya nang matigilan at magulat.
“Sorry na, sumobra yata ako.” May kung anong paru-parong naglalaro sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng kagalakan at saya. Ang isang Mathew Alonzo pala ay marunong humingi ng sorry. Kagat labi ako at ‘di mapigilan ang aking kilig.
“Pinapatawad na kita…” ngunit hindi ko pa man natapos ang aking sasabihin nang matigilan sa walang humpay niyang tawa. Kunot noo ko siyang nilingon.
“Sabi ko na eh! Akala mo siguro sasabihin ko ‘yon?” Ang sayang naramdaman ko ay biglang naglaho at napalitan ng inis at mas lalong pagkamunghi. Kaya naman hindi ko na mapigilan pa ang biglang buhos ng aking mga luha na ikinatigil niya at seryoso ng mukha.
“Hey… I was just–”
“Naiintindihan ko naman po Sir Mathew ang posisyon ko rito. Katulong lang ako, alam na alam ko po. Pero sa palagay ko ay wala kayong karapatan na pag-laruan ako at gawing kakatwa. Kung ayaw ninyo sa akin ay mas lalong ayaw ko sa inyo.”