Kabanata 4

1909 Words
Gigi “Tanga! Tanga!... ba’t mo sinabi ‘yon?” Alas-dyes na nang gabi, subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi kasi ako mapakali sa kaiisip sa huling pinag-usapan namin ni kamahalan. Saan ba ako kumuha ng lakas kaya’t nahamon ko siya ng gano’n? “Sandali, hindi ka naman nanghamon Gigi, nagsasabi ka lang ng totoo,” pangungumbinsi ko pa sa aking sarili. Lumipas pa ang trenta minutos ay hindi pa rin ako makatulog. Inaalala ko kasi na hindi siya basta lang mananahimik, gaganti at gaganti sa ‘kin ang Mathew na ‘yon. Hindi naman ako natatakot na paalisin niya ako. Unang-una, ang mga magulang niya ang kumuha sa akin. Malaki ang utang na loob nila kaya’t ‘di niya ako magagalaw. “Haist, para na rin ako nanghihingi ng kapalit. Ano ba Gigi, huwag ka nang mag-isip pa.” Gaano man ako napuyat kagabi ay maaga pa rin ako nagising kinabukasan. Subalit dahil sa nangyari kaya’t heto at nangingitim ang ilalim ng aking mga mata. “Ano ba yan! Ang itim mo na nga Gigi, nadagdagan pa,” kausap ko sa aking sarili habang sinisipat ang mukha sa salamin. Katatapos ko lang maligo. Nakapagbihis na rin ako, subalit tila wala akong lakas ng loob na lumabas. Hindi dahil sa lalaking ‘yon, kundi dahil nahihiya ako kay Ma’am Lorna at Direk Joel. Kaya’t nakapag pasya akong kausapin sila upang makiusap na dito na lamang ako sa bahay magtatrabaho. Lahat naman kaya kong gawin, pwera na lang ang pakisamahan ang anak nila. Hindi bagay ang pagmumukha niyang mukhang anghel sa ugali niya. Ang sabi sa akin ni Nanay Cindy ay tanghali na raw gigising ang mga amo namin. Inumaga kasi sila ng uwi. Kaya inabala ko muna ang sarili sa paglilinis pati pag-aayos ng mga gamit ni Sir Mathew mula sa sasakyan. Tinuruan na rin naman ako ni Miss C kung paano ayusin ang mga ito. Inilagay ko sa iisang lalagyan ang magkakasing kulay na damit niya pang itaas. Pati na rin ang mahahaba ang manggas, makakapal ang tela at ang iba pa niyang ginagamit pang-ibaba gaya ng pantalon at shorts. Nang matapos ako’y sinunod naman ang mga sapatos niya. Hanggang magawi ang aking paningin sa isang bilog na kahon. Binuksan ko ito ayon na rin sa utos sa akin ni Miss C. Gusto ko kasing maging perpekto ang huling araw ko sa kaniya bilang yaya. “Ano ba ‘tong mga ‘to?” Binukalkal ko ang nilalaman ng kahon upang tiyakin kung alin ba ang naiiba sa maliliit na parisukat na tanging mga kulay lang ang pagkakaiba. “Ano ‘to?” Kumuha ako ng isa at binasa ang nakalagay. “C-Condom… tsk, teka saan ko nga ba narinig ang salitang ito?” Naniningkit na ang aking mga mata sa kaiisip kung para saan nga ba ang itong salitang ito. “Condom…” ngunit laking gulat ko nang may biglang umagaw nito sa akin. “Oi–” “Kahit si Miss C ay hindi pinakikialam ang mga ‘yan. How come na…” tumigil siya sa pagsasalita at naniningkit na mga mata niya akong tiningnan. Hawak niya ang mga ito habang may ngisi sa labi. “Yan ba ang paraan mo para magpapansin sa ‘kin?” Ano na naman kaya ang paandar niyang ito? Ako magpapansin sa kanya? E, gusto ko ngang lumayo, feelingero! “Ano ba ang sinasabi ninyo Kama– este Sir Mathew?” walang gana kong tanong. Ayaw kong makipagtalo pa. “Are you kidding me?” “Kididing-kidding ka pang nalalaman.” Pero syempre hindi ko isinatinig, sa halip kinalma ko na lang ang sarili. “Sir, nagliligpit lang po ako rito. Masyado pa pong maaga para inisin mo ako. Kaya kung maari po…” putol ko sa sasabihin. Habang nakatingin sa mukha niyang nakakainis ay unti-unti ko na rin naalala kung saan ko nga ba nakita ang salitang iyon. Kaya naman hindi nakaligtas sa kaniya ang reaksyon ng aking mga mata nang mapagtanto ito. Kaagad akong umiwas at pasimpling binalik sa kahon ang ibang nagkalat. “M-May gagawin pa pala ako. S-Saka ko na lang tatapusin,” ‘di nakatingin kong dahilan. “Haist! Gigi, para sa ano niya ‘yun. Bakit mo nakalimutan?” Walang lingon akong naglakad. Subalit nakaka ilang hakbang pa lang ako’y mukhang nahulaan na niya kung bakit ako umalis. “Playing innocent, huh!” pang-aasar niyang sigaw. “Bwesit kang kamahalan ka.” Hindi na mabubuo ang araw niya nang hindi ako iniinis? Gusto ko man siyang isumpa at sigawan ay hindi ko maaring gawin ‘yon. Siya pa rin ang amo ko at ginagalang ko ang mga magulang niya. Wala na akong kilalang ibang pamilya at walang-wala na rin ako. At lalong hindi ko maaring ibenta ang lupa na iniwan sa akin ni lolo. Kaya kailangan kong pagtiisan si Mathew hanggang makapagtapos ng pag-aaral. Pagkapasok ko’y nakasalubong kong pababa si Ma’am Lorna. “Magandang tanghali po,” pagbati ko. “Magandang tanghali rin, Gigi. Halika may pag-uusapan tayo.” Sumunod ako kay ma’am sa office nila ni Direk. “Maupo ka.” “Salamat po.” Mabuti na lang at siya na mismo ang makikipag usap sa akin. Hindi na ako mahihirapan sa nais kong sabihin. “Ma’am, may nais din po akong sabihin sa inyo. Pero mauna na po kayo.” “Nakakatuwa ka hija. Kaya pala sumigla ang anak ko simula nang dumating ka sa buhay namin.” Ano raw? Sumigla, pero bakit ako? Nakangiti lamang ako’t walang anumang lumabas sa aking bibig. Hindi ko kasi alam ang isasagot. “Ma’am, h-hindi ko po maintindihan.” Bumuntonghininga siya pagkatapos ay hinawakan ang aking kamay. “Didiretsuhin na kita, Gigi. Alam ko naiinis ka na kay Mathew kaya gusto mong mag-resign bilang yaya niya, tama?” Manghuhula kaya ang angkan nila? Bakit alam niya? “K-Kasi po… ma’am hindi naman po sa… opo, tama kayo.” Hay ang dami ko pang dahilan, tama o mali lang naman ang sagot. “Maari bang makiusap na k-kunting tiis pa, please!” Paano ba ako makakatanggi? Nahihirapan akong tumanggi. “Kasi po—” Sinubukan kong magpaliwanag. “Pakiusap Gigi. Simula pagkabata niya’y palagi siyang mag-isa dahil na rin sa uri ng trabaho namin. Kaya sa kagustuhan niyang makasabay sa amin ng daddy niya’y nagulat na lamang kaming artista na siya. Narating niya ang tagumpay niya ngayon nang dahil sa sarili niyang pagsisikap. Wala kaming kinalaman ni Joel,” mahaba at malungkot niyang turan. Namagitan ang ilang minutong katahimikan sa amin ni ma’am. Bakit ako pa? Wala ba siyang kaibigan o kasintahan? “Pero Ma’am, bakit ako po? Mainit po ang dugo sa akin nang anak ninyo,” dahilan ko pa. Iyon naman kasi ang totoo. Subalit ang lungkot sa mukha nito’y napalitan ng saya at hagikgik. “Maniwala ka sa akin, Gigi. Hayaan mo lang siya. Wala ring problema sa akin kung sagot-sagutin mo siya. ‘Wag ka rin mag-alala dahil hindi ka niya maaring paalisin.” Ibubuka ko pa lamang ang aking bibig nang bumukas ang pinto, at niluwa nito ang nakangising Mathew. “You’re not talking about me, are you?” tanong niya pero sa akin nakatingin. “Mathew…” pananaway ni ma’am Lorna. Kibitbalikat na lang ito bago inalis ang tingin sa akin upang bigyan ng halik sa pisngi ang mommy niya. “Good day, Mom.” “Mabuti at nandito ka Mathew. Pinapaalala ko lang sa ‘yo na tanging kami lang ang may karapatan na paalisin si Gigi. Kaya sana be nice and stop bullying her.” “Who said I bullied her? Well, in fact, I’m giving her a chance to…” nag-isip saglit habang may ngising nakatingin sa akin. “Tsk, Mom, wala akong ginagawang masama… well I did but not intentionally,” paliwanag niya sa ina. Ayaw pa aminin, sinadya man o hindi dapat humingi pa rin siya ng sorry sa ‘kin. “Sige po, para sa ‘yo Mom. Gigi, Sorry! Okay. I have to go Mom and Kawatan, I mean Gigi be ready.” Iglap lang ay nawala siyang parang bula at tulyuyan kaming iniwan ni ma’am Lorna. Ganoon ba siya humingi ng sorry? Labas sa ilong at wala man lang halong pagmamahal. “Mahal talaga, Gigi? May relasyon kayo?” “Pagpasensyahan mo na lang siya, Gigi,” naiiling na hinging paumanhin ni ma’am Lorna. “Ayos lang ho, siguro sumasaya lang siya pag iniinis niya po ako,” pagbibiro ko na lang. Kung hindi lang mabait ang mga magulang niya’y naglayas na ako at bumalik na lang sa Bayabas. Ang sabi sa akin ni Ma’am ay dalawang linggo pa mula ngayon bago mag-umpisa ang klase sa eskwelahang pinag-enrolan nila sa ‘kin. Kaya habang wala ay sasamahan ko muna at pakikisamahan ang anak nila. Ano pa nga ba ang magagawa ko? “Pwede bang bilisan mo?” mabagal ngunit iretableng boses niyang utos sa akin. Dahil nga masaya siyang pinapahirapan ako kaya’t heto at nag-uumpisa na naman itong inisin ako. Ang dami niyang inutos pero pinagmamadali naman ako. “Nariyan na po, Kamahalan,” mababang boses kong sagot pagkapasok sa sasakyan. “You’re making fun of me, aren’t you?” “Po? Ako? Fun of…’ panay lang ang iling ko. Subalit hindi ko naman maitanggi ang ngisi sa aking labi. Lalo na at hindi maipinta ang mukha nito. Ang nakakainis nga lang ay kahit anong anggulo o simangot niya’y ang guwapo pa rin niya. “Tukso, layuan mo ako.” Mabuti na lang at hindi na rin siya nagsalita pa kaya’t naging matiwasay ang byahe namin. Magtatakip silim na nang marating namin ang lugar kung saan naghihintay sa amin si Miss C. Hindi naman ito masyadong malayo hindi gaya nung una namin pinuntahan. Isa lang itong malaking gusali na punong-puno ng mga larawan ng mga sikat na artista gaya ni Mathew. Nakilala ko ang ilan sa kanila sa pinabasa niya sa akin nung nakaraang linggo. “Sir, Mathew? Ano po ang lugar na ‘to?” pabulong kong tanong habang naghahabol mapantayan lang ang ilang kilometro niyang hakbang. “TV station,” maikli niyang sagot. Napa-O shape ang aking bibig sa sobrang pagkamangha. “Ahh, sa madaling salita dito ka pala nagtatraba…” natigilan ako magsalita nang lingunin ako nito. Kaya kamuntik na akong matumba nang mabangga ko ang kaniyang likuran. Mabuti na lang at nahawakan niya ako sa likod. Ang lapit tuloy ng aming mukha. Nakaliyad ako habang hawak niya ako sa likuran. Kaya’t lalo kong napagmasdan ng mas malipatan ang maikinis niyang mukha. Mapulang labi at mabangong bibig. Naiilang tuloy ako lalo pa at kumain ako ng tuyo kaninang almusal. “Gigi, ‘bat nakalimutan mo mag-toothbrush?” “One more word, and I’m taking action.” Action? Ano kaya ang ibig niyang sabihin? “Diyos ko pong mahabagin, hindi pa po ako handa.” “S-Sorry p-po,” nanginginig na boses kong sagot. Nakahinga ako ng maluwag nang patayuin niya ako ng tawid bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Pakiramdam ko’y tumigil ang aking puso sa pagtibok. Uminit din ang aking mukha na para bang lalagnatin ako. Bakit ba ganito ang epekto ni sir Mathew sa akin? Dapat naiinis ako sa kaniya dahil sa pang-aasar niya sa akin. Kaya naguguluhan ako sa aking nararamdaman. Hindi naman ako mahilig sa guapo pero bakit pagdating sa kaniya’y humahanga ako? Nag-iwan tuloy ng malaking katanungan ito sa isip ko. “May gusto na kaya ako sa kaniya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD