Kabanata 5

2334 Words
AN: Unedited, nanlalabo na ang mata ko kaya isang beses ko lang binasa. Salamat sa mga nagbabasa at abang. Masyado lang akong busy. Update ako ulit kong magka oras ako. Keep on commenting. Love yah. Gigi Sa isang silid kung saan may nakalagay na ‘Mathew Alonzo dressing room’ ang aming pinasukan. Nadatnan namin si Miss C at isang babaeng puno ng kolorete sa mukha, ngunit nang magsalita ito’y halos mapatalon ako sa gulat dahil sa boses nitong tila isang maton. “Saan pa ba kayo pumunta kanina, Gigi?” Mabuti na lang at naisalba ako nang mga tanong sa akin ni Miss C. “Ho? Wala po,” maikli kong sagot. Hindi ko nga napansin na wala na pala siya sa tabi namin kanina. Mabuti na lang, kung nagkataon pala ay makikita niya kami ni Mathew na halos maglapat na ang aming mga labi. Ayaw kong malaman nitong may gusto na ako sa amo ko. Maya-maya’y inumpisahan nang ayusan si Kamahalan. Ngunit ang talipandas, ang gusto nito’y paypayan ko pa raw siya. Malamig naman sa loob ng silid na ito. Kaya naniniwala na akong ipinanganak siya upang pahirapan ako sa mundo. Ngunit sa kabilang banda’y ikinatuwa ko rin ito. Masyado kasi akong malapit sa kaniya kaya amoy na amoy ko ang bango niya at pasimple rin siyang sinusulyapan. Matapos ang trenta minutos ay nararamdaman ko na ang pangangalay ng balikat ko. Kaya napapahinto ako saglit ngunit panay naman ang tila nakamamatay niyang sulyap. Haist, kailan kaya niya ako titingnan nang may pagmamahal? “Ano Gigi?! Gumising ka.” Panay usap ng dalawa ngunit maski isa ay wala akong maintindihan. “Girl, sumasayad na ‘yang nguso mo sa sahig, kalerke ka,” tapik sa akin ng magandang maton. “You’ll get used to it, Casey. Ganiyan talaga siya. Kung hindi sisimangot ay nagsusungit naman,” komento sa kaniya ni Mathew. Kaya nagsalubong na naman ang kilay ko at hindi iyon nakaligtas sa kaniya. “See?” si Mathew “Kalerke ka girl. Isang Mathew Alonzo ginaganyan mo. Siguro may relasyon kayo–” “Wala noh!” Ako. “In her dreams.” Sabay naming tanggi ni Mathew. Oo na, in my dreams naman talaga. Tama na ‘yong tinitingala ko siya sa itaas. At isa pa crush lang naman ‘yon. Natural lang na humanga ako dahil sa itsura niya. Artista siya kaya paghanga lang ito bilang isang tagahanga. Naging komportable ako matapos kong isiksik sa aking isipan na tanging paghanga lang bilang tagahanga itong nararamdaman ko kay Sir Mathew. Kaya naging maluwag sa akin ang susunod na eksena habang kasama siya. Matapos siyang ayusan ay lalong gumandang lalaki siya sa suot nitong kulay asol na polo at puting pantalon. Masaya at magiliw ang host habang halos magtatalon na sa kilig ang mga tagahanga niya na ang tawag ay fans club. Hay ‘di ko sila masisisi, sobrang gandang lalake ba naman ni kamahalan. Ano kaya kung malaman nilang halos maglapat na ang labi namin ng minamahal nilang Mathew Alonzo? Iisipin ko pa lang ang kahihinatnan ko’y kinikilabutan na ako. Dahil live ang guesting nito kaya makalipas ang isang oras ay sa wakas tapos na rin. Pagod na ako at inaantok. Maaga ako nagising kanina at tatlong oras lang ang tulog ko. “S-sir, uwi na po ba tayo?” inaantok kong tanong nang mapag-isa kami sa sasakyan. “Not yet, may shooting pa ako.” Hindi ko na gaano naintindihan ang sinabi nito kaya tumango tango lang ako habang nakapikit ang mga mata at makatulog. Hanggang sa maalimpungatan ako sa mainit na bagay sa tabi ko. Mainit at basa pero nakakakiliti at masarap sa pakiramdam. Nang idilat ko ang mga mata’y katawan ni sir Mathew ang bumungad sa akin. Nasa sasakyan pa rin kami ngunit medyo madilim. Ang alam ko kanina nakaupo lang ako, subalit ngayon ay narito na ako sa kama niya at heto siya sa ibabaw ko’t nakadagan sa akin. “You like it?” mapang-akit niyang tanong. Hindi ko alam ang isasagot ko. Medyo dyahe naman kung aamin agad ako. Kaya hahayaan ko na lamang siya sa gagawin. “Your silence will be considered as consent,” sagot niya sa sariling tanong. Siguro nga, tatanggi pa ba ako? Isang Mathew Alonzo, narito ngayon sa ibabaw ko upang sambahin ang katawan ko. Ang kiliting naramdaman ko’y tila naghahanap ng iba pa. Nakaramdam na rin ako ng init sa katawan lalo na nang banayad niyang pisilin ang aking dibdib. Habang ang labi nito’y ayaw nang pakawalan ang aking leeg hanggang bumaba sa kaninang hawak nito. “S-Sir…” “Stay still, I will make sure that your first cvm will be unforgettable.” Hindi man malinaw sa akin ngunit sa mga haplos pa lang niya’y nahuhulaan ko na ang ibig niyang sabihin. “Diyos ko, heto na ba ito? Ito na ba ang tinatawag nilang langit? Isusuko ko na ba ang bataan?” “Sir, h’wag po…” sigaw ng isip ko ngunit ‘di ko man lang maibuka ang aking bibig. Hindi na ako makapalag nang gumapang ang kamay niya mula dibdib pababa sa aking binti. At paakyat naman sa aking gitna upang damhin ang pinakainiingatan kong puri. “G-Gigi…” “Sir?...” “G-Gigi…” “Opo, sir? Ituloy mo lang…” “G-Gigi… Gigi… Gigi… gising na.” Gising? Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at mukha ni Kuya Tomas ang nakita ko. Nanlaki ang aking mga mata at napabalikwas ng bangon. “Po? Si… s-si S-Sir Mathew?” paos na boses kong tanong. Dinala ko ang aking dalawang palad sa aking mukha. Pakiramdam ko ay pulang pulang na ito sa sobrang kahihiyaan. Hindi ko matingnan ng maayos si kuya Tomas. Narinig niya kaya ang pagtawag ko kay kamahalan? “Lupa, kainin mo na ako.” Walang hiyang panaginip ‘yon. Akala ko totoo. “At bibigay ka talaga, Gigi?” “Bilisan mo na raw sabi ni Sir Math, may ka-meeting pa siya kaya ang sabi gisingin daw kita pagtapos na.” “Gaano katagal akong tulog?” tanong ko nang sa wakas humupa na ang init sa aking mukha. Inayos ko ang sarili saka tuluyang humarap sa aking kausap. “Mga isang oras na yata. Pagod na pagod ka raw kaya hinayaan ka niyang matulog muna.” Napakagat labi ako at nagpipigil na makita niya ang aking ngiti. Kahit pala madalas akong inisin ni kamahalan ay may natatagong mabuting puso rin pala siya. Hindi ako nagsisisi na magkagusto sa kaniya. “Nasaan na ho siya, kuya? Teka nasaan po ba tayo?” magkasunod kong tanong nang makababa ng sasakyan. “Nasa Tagaytay tayo. Nasa loob na sila, kailangan mo nang sumunod at dalhin ang mga gagamitin ni Sir Math.” “Opo, susunod ako, salamat.” Sinundan ko lang ng tingin si kuya Tomas hanggang makapasok ito sa isang malaking gusali. Pagtapos ay iginala ko muna ang mga mata sa magandang tanawin na nakapaligid sa akin. Nasa mataas na bahagi kami gawa ng mga nagkikislapang ilaw sa ibaba. Malamig ang simoy ng hangin ngunit hindi ko ito alintana. Sa pamamagitan nito’y tuluyang humupa ang init na hatid ni kamahalan sa aking panaginip. Panaginip na malabong magkatotoo. Tumingala ako sa kalangitan kung saan naroon ang mga nagkikislapang bituin na malabong maabot, gaya ni Mathew. “Gising na, Gigi. Isa lang siyang maganda at bangungot na panaginip.” Nakasalubong ko ang isang staff at sinabing hinihintay na raw ako ni sir Mathew sa itaas. Hindi ko man alam kung saang eksakto ay hindi na rin ako nagtanong. Abala kasi ang bawat isa sa kanya-kanyang gawain. Tahimik sa lugar na ito. Kakaunti lang din ang mga kasama namin hindi gaya nung una kong napuntahan. “Gigi, pasok ka na,” utos sa akin ni Miss C nang makita niya ako sa labas ng pintuan. “Kailangan pa po ako sa loob?” Alam ko naman ang sagot ngunit nagbabakasali na sabihin nitong hindi na. “‘Yun ang bilin sa akin ni Mathew, kaya pumasok ka na,” maalumanay niyang sabi na labis kong pinagtakhan. Ano bang meron sa silid na ito? Bakit ang tahimik nila? Ayaw ko man pumasok ay kailangan kong sumunod. Dala ko kasi ang binilin sa akin ni Miss C kanina. Isang maliit na bag na hindi ko alam ang nilalaman. Si Mathew kasi mismo ang naghanda nito. Malawak ang silid, medyo may kadiliman ngunit may mga mapusyaw na ilaw ang ilang nakapaligid. Iginala ko ang aking mga mata upang hanapin siya. Ngunit ‘di ko siya makita. Pumunta na lang ako sa likod ng camera malapit sa abalang direktor habang nakatutok sa maliit na tv. Ngunit nang mapagmasdan ko ang pinapanood nito’y natulala ako at tila natuklaw ng ahas. Nanlalaking mga mata at pakiramdam ko’y ako ang babaeng kasama ni Mathew. Ganoon na ganoon kasi ang eksena na napanood ko sa aking panaginip. Ang kaibahan nga lang ay hindi ako ang babae. “Selos ka?” Hanggang sa maagaw ang atensyon ko ng lalakeng nagpapagulo sa isipan ko ngayon. “What took you so long?” bulong niya sa akin sabay hila nito kaya nagkabangaan na naman ang aming mga katawan. Para akong napaso kaya humiwalay agad ako sabay abot sa kianya ng bag na hawak ko. “S-Sir, ito na po ang b-bag,” ‘di nakatingin kong abot sa kaniya. Dinig ko lang ang buntong hininga nito at walang salita rin niya itong inabot. Lalabas na sana ako ngunit natigilan sa sinabi niya. “Huwag kang lalabas, b-baka may kailangan pa ako sa ‘yo.” Masungit na boses niyang utos sa akin at tuluyan akong tinalikuran. May napansin akong upuan sa sulok at minabuting doon na lang uupo. Maririnig ko naman siya kung sakaling tawagin ako nito. Nakatutok ang camera at ilaw sa isang malapad na kama. Di salamin ang dingding kaya nakikita ang magandang tanawin sa labas. Nakaupo na si direk at handa na rin ang lahat ngunit wala pa ang kukuhanan nila. “Ready Mathew and Belinda?” boses ni direk. “Sino kaya si Belinda sa mga babae niya?” Bakit tila nakaramdam ako kirot sa puso? “Wala kang karapatan, Gigi. hindi ka dapat nasasaktan. Crush mo lang siya at hindi mahal,” paalala ko sa aking sarili. Pinilit kong ikalma ang sarili at kalimutan ang eksenang napanood ko kanina. Ngunit nang marinig ko ang hudyat na “Lights, camera, action. Take one.” Nakatutok ang camera sa isang pinto. Isang pintuan na niluwa ang dalawang taong masakit sa mata. Parehong naka bathrob ang dalawa habang buhat buhat ni Mathew ang isang magandang babae na sa palagay ko ay si Belinda. Naalala ko na, ang babaeng ito ang kasalukuyang karelasyon ni Mathew. Katabraho at kasintahan. Pareho pa silang sikat. Ano pa ang panama ko sa kaniya? Nag-cut ang direktor kaya natigilan sa kaswetan ang dalawa. Wala na akong naintindihan pa sa ibang sinabi ni direk. Ngunit alam na alam ko na kung ano ang susunod na eksena. At hindi nga ako nagkamali. Bumungad sa aking mga mata at tuluyang sumaksak sa aking puso. Si Mathew at Belinda na nasa iisang kama. Magkahinang ang mga labi. Nakahubad sa itaas at tanging manipis na kumot lang ang nakaharang. Habang uhaw na naghahalikan at tila sarap na sarap. Hindi ko na kayang panoorin pa ang susunod na eksena kaya may pagmamadali akong lumabas at nagtatakbo sa ibaba. Wala akong pakialam sa mga taong nakakita sa akin. Ang tanging alam ko lang ay makalayo at sumigaw. Hanggang sa makarating ako sa tagong bahagi kung saan tanaw ko ang ibaba. Doon tuluyang bumuhos ang aking mga luha. Tila naninikip ang dibdib ko. Hindi ko sila kayang panoorin. “Gigi, tama na. Kaya mo ‘yan. Hindi ‘yan pagmamahal,” pagpapakalma ko sa aking sarili. Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ako umaalis. Pilit kong ikinalma ang aking sarili. Nang medyo maayos na ako’y siya namang pagdating ng taong nagpapahirap sa akin ngayon. Nagkasalubong ang aming mga mata ngunit siya ang unang umiwas. Inayos ko ang sarili at hinintay kung ano ang sasabihin nito. Tumabi siya sa akin at tinanaw din ang ibaba. Hanggang sa… “Itigil mo na ‘yan.” Mahinahon at seryosong boses niyang sabi sa akin. Tila nawala ang imahe nitong mapang-asar kung kausap ako. Tumingin ako sa kaniya at gayon din siya sa akin. Hangga’t maari ay nais kong tumanggi. “Itigil po ang alin?” gusto ko sana idaan sa biro kaya’t “Gusto mo na akong umalis sa trabaho…” ngunit natigilan ako sa tila isang bombang sumabog sa aking mukha ang sunod niyang sinabi. “I’m not interested in you romantically, and I’d appreciate kung itigil mo na ang kung anumang nararamdaman mo. Hindi ako nagkakagusto sa kahit na kanino, Gigi, lalong lalo na sa gaya mo.” Matapang akong humarap sa kanya at mapaklang tumawa. Oo, masakit. Pero hindi ang gaya niya ang magpapatumba sa akin. “Totoo pala talaga ang kanta ni Michael V. Alamo ba ang kantang iyon sir Mathew?” taka niya akong tiningnan. “Sinaktan mo ang puso ko ang title ng kantang ‘yon. May ilang linya roon na alay ko sa ‘yo.“ “What song? Wala akong maalalang kantang gan’on.” “Tsek, wala ka pala e. Heto pakinggan mo mabuti at isaksak sa utak mo.” Nasasaktan man ako’y pinilit ko pa rin pagaanin ang paligid sa amin. Kinanta ko ang masayang kanta habang may luhang pumapatak sa aking pisngi. SINAKTAN MO ANG PUSO KO ♫ ♪ ♬🎵 🎶 Pakinggan mo'ng aking awitin Inaalay lamang sa 'yo Sinaktan mo'ng aking damdamin Ngunit 'di mo na sana sinaktan ang puso ko Sinaktan mo ang puso ko, nilagyan mo ng turnilyo Sinunog mo ng posporo, hinampas mo ng tubo Sinaktan mo ang puso ko, ngayon ako'y naghihingalo Mauubusan na 'ko ng dugo, sinaktan mo ang puso ko. Pinunasan ko ang aking mga luha at matapang na inilapit mukha sa kaniya. “Kaya pag namatay ako? Ikaw lang ang may kasalanan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD