Kabanata 6

1870 Words
Mathew "Am I being too harsh on her? No! I'm just telling the truth," I muttered, the words tasting like ash in my mouth. The guilt was a persistent ache, a nagging doubt that clawed at my composure. But why? I hadn't done anything wrong… wala nga ba? Mula nang dumating siya, the quiet hum of my life had become a symphony of self-doubt. Do I like her? The thought was a dangerous game, a forbidden thrill. I'm Mathew Alonzo; women usually fall at my feet. But this… this was different. Sleep evaded me, pushing me downstairs, seeking solace in a drink. But the moment my hand touched the glass, a sound shattered the stillness – a gasp, a whisper, and then… something far more unsettling. Gigi’s POV “Hu hu, akala mo kung sino siya? Kaya uubusin ko lahat ng pagkain nila, at nang sa gano’n ay makaganti naman.” Nasa kalagitnaan ako ng paglamon nang… “Ay! brief mong butas!” “Holy s**t!” Sabay naming bigkas ng lalaking kinasusuklaman ko pero hanggang ngayon ay gusto ko pa rin siya. Nababaliw na siguro ako pero iyon naman talaga ang nararamdaman ko. “Fvck, a-ano ba ginagawa mo riyan?!” tanong ng talipandas na lalaking ito na walang ibang alam kundi ang saktan ako.”OA mo, Gigi?” Hindi kaagad ako sumagot. Hindi ko kasi maiwasan na titigan ang guapo niyang mukha. Kailan pa naging malinaw ang mga mata ko sa dilim? “M-Muntik na akong atakihin sa puso! W-Wala ka talagang ibang alam kundi ang saktan…” tumayo ako’t hindi ko na lamang itutuloy ang anumang nais kong sabihin sa kaniya at baka kung saan na naman mapunta. Hindi ko dapat siya kinakausap ng ganito. Galit pa ako sa kaniya. Hindi ko pa siya pinapatawad. “Talaga ba Gigi? As if naman na may pakialam siya sa ‘yo.”. “Hey, kinakausap pa kita,” kausap pa nito sa akin pero parang wala akong nadinig at lalagpasan na sana siya ngunit nagulat na lamang ako sa matipuno niyang braso nang hapitin ako nito sa aking baywang. “I said, kinakausap pa kita. Kaya don’t you dare turn your back on–” “Bakit?!” “Huh?” taka niyang tanong. Pinutol ko kasi bigla ang ano pang sasabihin nito. Kaya natigilan siya at kunot noo niya akong tiningnan. Tila ako hinabol ng sampung aso sa lakas ng t***k ng aking puso, lalo pa at gahibla na lang ang layo ng aming mukha. “Diyos ko pong mahabagin, bakit wala man lang akong makitang kapintasan ng lalaking ito? Lahat perpekto, magmula ilong, mga mata at lalo ng kan’yang labi. At ang amoy? Tila nakalunok ng pabango.” Erase, erase, nagiging makasalanan na talaga ako. “Ang sabi ko po bitawan ninyo ako, Sir!” Matigas at seryoso kong ani. Pero ang walang hiya ay mas lalo pang pinagdikit ang aming katawan kaya’t may matigas na bagay tuloy na tumama sa aking harapan. “Ay teka! Hindi kaya ang ano niya ‘yon?” Kaya naman sa sobrang gulat ko’y bigla ko na lamang ini-angat ang aking kaliwang tuhod na naging dahilan ng pamimilipit niya ng sakit. “W-What did you do?” “Leche ka! Nagtatanong ka pa eh… ha basta alam mo na ‘yon.” Hindi ko na hinayaan siyang sumagot, dahil tuluyan ko na siyang iniwan habang nakahandusay pa rin sa sahig. Nagtatatakbo ako papunta sa aking silid at siniguradong naka-lock ang pinto. “Lagot ka Gigi, baka napuruhan mo at nadurog.” Hindi ko lubos maisip na magagawa ko iyon. Sa tanang buhay ko’y ngayon lang ako nakaramdam ng gano’n. Nahiga na lamang ako at pinilit na kalimutan ang nangyari ngayong araw na ito. Ang araw ng aking unang kabiguan. Ilang araw ang lumipas ay hindi na nagkrus ang landas namin ni Kamahalan na labis kong kinatuwa. Naging normal kasi ang buhay ko gaya dati. Ang kaibahan nga lang ay nasa mansyon nila ako at wala sa Baryo Bayabas. “Musta na kaya ang mga halaman ko r’on? Sana malusog din sila gaya n’yo,” kausap ko sa rosas na hawak ko ngayon. Nasa hardin ako ngayon at abala sa pag-aalaga ng mga bulaklak na siyang inatas sa akin ni ma’am Lorna. Mahilig kasi siya sa mga bulaklak, kaya nga lang ay dahil sa klase ng trabaho niya kaya’t hindi niya ito maasikaso. Mabuti na lang at sa akin niya inatas. Malapit sa aking puso ang mga halaman. “Lolo Jose, nasaan man po kayo ngayon ay sana nasa maayos kayo. ‘Wag n’yo po ako alalahanin, sisiw lang ‘to.” Hindi ko na namamalayan na pumapatak na pala ang aking mga luha. “Gigi, hija, umiiyak ka ba?” “Kayo po pala Ma’am Lorna.” “Kanina pa ako rito pero hindi mo ako napapansin, may problema ba?” Nakikita sa mga mata ni ma’am ang sinserong mukha. Mukha ng pag-aalala ng isang ina sa anak. “Ma’am…” isang mahigpit na yakap ang ginawad niya sa akin. Kaya naman tuluyan akong napahagulgol. “P-Pasensiya na po kayo–” “Sshh, ayos lang ‘yon. Sige lang, kahit sa pamamagitan nito’y maiibsan nito ang lungkot na nararamdaman mo.” Gumaan nga ang pakiramdam ko sa tulong ni ma’am Lorna lalo pa sa magandang balitang sinabi niya sa akin. “Nakahanda na ang eskwelahan na papasukan mo. Kaya ngumiti kana.” Sobrang saya ko sa sinabi nila sa akin. Mabait din si direk kahit mukhang istrikto, siguro dahil sa klase ng trabaho niya. Araw ng linggo, bukod sa sahod ko ay may ibinigay din sila para pambili ng mga gagamitin ko sa eskwelahan. Kaya nga lang ay masyadong malaki, hindi ko alam kung paano ko uubusin ang bentemil sa mga gamit ko lang sa eskwela. Kabilin-bilinan pa naman ni ma’am na kailangan ay ubusin ko raw ito. Kaya naman napagpasyahan kong bumili ng iba pang personal kong gamit, gaya ng mga pangloob at bagong masusuot na rin. Ayon sa saleslady ay ito raw ang trending ngayon ng mga kaedaran ko. May natira pang kaunti kaya pumunta naman ako sa bilihan ng cellphone at nagpasyang bumili ng touchcreen. Kailangan ko kasi ng camera para mas madali ang lahat. “Hay! Nakakapagod pala mamili,” ani ko nang sa wakas natapos na rin. Nakaupo ako ngayon sa gitna ng mall kung saan may ilang mga upuan na sadyang ginawa para pahingaan ng mga costumer nila. Napatingin ako sa orasan at napagtanto kong alas tres na pala ng hapon. Hindi pa ako nakakain ng tanghalian. Sakto naman na nasa tapat ako ng sikat na kainan kaya’t pumasok ako at om-order ng makakain.Ilang minuto ang lumipas ay nabusog na rin ako. Dahil pauwi na ako kaya’t kailangan ko raw sumakay ng grab na tinatawag. Ito kasi ang itinuro sa akin ni ma’am Lorna. Kaya’t naisipan kong gamitin na ang bago kong cellphone. Nailagay na rin dito ang dati kong simcard na kailangan pang bawasan dahil masyadong maliit na pala ang mga sim ngayon. Nag-load na rin ako ng internet at itinuro na rin sa akin nung saleslady kung paano ito gagamitin. Lumipas pa ang minuto’t tapos na rin ako mag-download ng grab app. Magbo-book na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Unknown ito kaya alanganin akong sagutin. Pero naisip kong baka ang mga amo ko ito kaya’t sinagot ko. Me: hello po, sino po sila. Unknown: The hell. Me: Po? Sino ‘to? Kung wala kang– Unknown: Idiot, ako ‘to ang kamahalan mo, remember? “Hala! Tanda niya pala ang lahat?” Me: B-Bkit po kayo napatawag? Sir Mathew?” Gusto ko sana itanong kung saan niya nakuha ang number ko pero ‘di ko na lang ibinuka ang aking bibig. Unknown: Nothing, I just want to… I mean gusto ko lang itanong kung anong size ng paa mo? “Ano naman kung malaman mo? Bakit bibilhan mo ako ng sapatos?” Me: Size 7 po. May itatanong pa po kayo Sir Mathew? Unknown: Wala na, balita ko, mag-uumpisa na raw ang klase mo bukas. Me: Opo, sige sir, uuwi na po ako. Unkown: Bakit? Nasaan ka ba ngayon? Me: Namili lang po ng gamit, sige po ibababa ko na. “Ganyan nga, Gigi. ‘wag magpahalata.” Unknown: Sige, ingat ka sa pag-uwi. See you soon. End of call. Buong biyahe ay inakupa na naman niya ang isipan ko hanggang makarating ako sa mansyon. Pakiramdam ko’y lumulutang ako sa ere. Bakit may pa gano’n pa siya? Wala lang naman ‘yon pero ginugulo niya ang sistema ko sa buong magdamag hanggang pagkagising kinaumagahan. “Hija, handa ka na ba sa unang araw mo sa eskwela?” tanong ni direk sa akin. Nasa hapag kainan kami ngayon. Ayaw ko man ay isinabay na nila ako sa almusal. Maaga raw kasi ang alis nila ngayon kaya’t ihahatid na nila ako sa university. “Opo, kaya lang po medyo kinakabahan ako. Medyo alangan na po kasi ako sa mga edad nila,” nahihiya kong sagot. Iyon naman kasi ang totoo. Pero hindi hadlang iyon sa akin, patutunayan ko na kakayanin ko at makakapagtapos din ako pagdating ng panahon. “Walang edad pagdating sa pag-aaral, kami nga noon ni Joel ay dumanas din ng hirap. Mahirap lang kami noon, working student din gaya mo. Pero dahil pursigido kami kaya’t heto kami ngayon, masasabi namin na tagumpay kami sa larangang pinasok,” mahabang turan ni ma’am Lorna. Talagang nagbigay sa akin ng inspirasyon ang sinabi nila sa akin. Kaya pala ganoon na lang nila ako kung tulungan. Maswerte ako at sila ang naging amo ko. Kahit ba ang kaakibat nito’y ang aking unang kabiguan ng dahil sa anak nila. Handa na ang lahat ng dadalhin ko. Dahil first day pa lang kaya naman hindi pa ako naka-unipormi. Business Administration pala ang kinuha kong korso. Ewan ko ba, hindi ba dapat may entrance exam pang tinatawag? Pero bakit hindi ako dumaan sa ganoong proseso? Habang abala ang utak ko sa pag-iisip ng kung anu-ano’y isang malakas na busina ang nagpabalik sa akin sa ulirat. “Hop in.” Si Kamahalan pala ito. “Ho? Asan sila—” “I’ll drop you off at school. End of discussion.” Salubong na kilay at pinal niyang tugon sa akin. Sumakay na lamang ako sa harapan ayon na rin sa utos niya. Aba! Amo ko kaya siya, kaya kailangan kong sundin.” Talaga lang huh, malantod ka rin e, no.” Pagkapasok ko’y isang matinding katanungan na naman ang gugulo sa matinong pag-iisip ko. “So, did you miss me?” “Ano raw? kapal ah! Pero sige na, miss na miss.” Pero syempre sa utak ko lang ‘yon. “Asa,” maikli kong sagot at humalukipkip. “Lier!” Sabay ngisi niya. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pahapyaw niya sa akin. Ngunit isa lang ang nasisiguro ko. Iyon ay ang kakaunting pag-asa na umuusbong sa puso ko. Ano man ang kalalabasan nito’y hindi ko pa alam. Basta sa ngayon, masaya ang puso ko at dahil iyon sa kaniya. AN: Hi po, pasensya na natagalan. Tinapos ko lang ang ramadhan. Salamat sa sumusubaybay. Please leave a comment. Thanks in Advance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD