Kabanata 7

1874 Words
Gigi “Welcome Freshmen Business Administration Students Orientation. Ang Taray! May paganyan pa itong eskwelahang ito.” Hindi ko mapigilan ang mamangha sa eskwelahang pinapasukan ko. Ubod kasi ng lawak at laki. Ayon kay Kamahalan ay one of the best daw ang school na ito pagdating sa Business Administration. Gusto ko sanang tanungin kung may sasahurin pa kaya ako, malamang mahal ang matrikula dito. Subalit naunahan ako nito nang sabihin niyang kalahating matrikula lang daw ang babayaran ko rito dahil sa scholarship na nakuha ko. Mantakin mo ‘yon? Sa bagay may talino rin naman akong tinatago. Marami ng mga estudyante ang naririto sa malaking gymnasium na ito. Kaya’t nahirapan ako naghanap kanina ng bakante. Mabuti na lang at may nakita ako sa may bandang kaliwa sa dulong bahagi malayo sa stage. Pero ayos lang ang mahalaga ay nandirto ako. “Hi, can I sit here?” nakangiting tanong sa akin ng isang mala anghel na babae sa ganda. Palagay ko ay mas bata siya sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko kasi mapigilan na mapatitig sa mukha nito. “Ayos lang ba?--” “S-Sorry Miss, ayos lang. Wala naman gustong umupo.” Gusto ko pa sanang idagdag na baka nababauhan sila sa akin. Kanina ko pa kasi napapansin na iba makatingin ang mga tao dito. Pangit ba ako? Palagay ko naman ay hindi naman gaano. May kaitiman lang ang aking balat gawa ng mga gawain kong bilad sa araw. Ang buhok ko ay kulot tapos medyo buhaghag. Maliban doon ay wala ng kapintas-pintas sa akin. Malinis naman ako sa katawan at maganda ako, ayon kay lolo. Palagi niyang sinasabi iyon sa akin. “Hay salamat. Kanina pa sumasakit ang paa ko. Si Yaya kasi pinilit itong heels sa akin.” Panay ang reklamo niya sa sapatos na suot. Kaya’t napatingin ako sa mga paa nito at napanganga. Ubod kasi ng puti at mamula-mula ang talampakan. Hindi gaya ng mga paa ko na puros kalyo. “Sorry ha, maybe I am so madaldal na naman and maarte. That is why I have no kaibigan eh…” napansin yata nito na nakatitig lang ako sa kaniya. Ganito pala magsalita ang sosyal, kaya bigla siyang napahinto at sumimangot. “I think I should go. I understand,” nakasimangot niyang ani at tatayo na ito. “Hindi Miss! Sandali lang, ayos lang sa akin,” pigil ko sa kaniya. Lumiwanag naman ang mukha nito at masayang umupong muli. “Thank God, akala ko you don’t like me here. So friends na tayo ha. My name is Gabrielle Sophia Lopez, Gabie for short and you are?” sabay abot nito ng kamay. “Gisselle Giling, Gigi na lang, hindi ako sanay sa buong pangalan ko, mukha kasing pang maganda lang.” “You are maganda. I like your skin. Saan ka nagpa-tan? Gusto ko rin ng ganiyang skin.” “Ang daldal naman nito. Subukan niya kayang magbilad sa araw.” “Naku, nakuha ko lang yan sa maghapong pagtatanim kaya hindi mo magugustuhan at hindi ka bagay do’n.” Mabuti na lang at nagkipit-balikat lang ito at hindi na nagsalita pa. Nag-uumpisa na rin ang orientation ng course namin kaya’t nagsalita ang may katandaan na ginoo sa harapan. Halatang matanda na dahil sa nakikita na ang kintab sa buhok nito. "Welcome, freshmen! As you begin your academic journey in Business Administration, I want to share with you the exciting opportunities and challenges. “Taray! Malamang english ‘to lahat,” bulong ko at nakipalakpak na rin. Business Administration is a dynamic field encompassing various aspects of managing and running a business. You'll learn about management, finance, marketing, human resources, and operations, gaining a comprehensive understanding of how businesses work. Throughout your studies, you'll develop valuable skills such as leadership, communication, problem-solving, and strategic thinking. These skills will enable you to succeed in various industries and roles, from management and entrepreneurship to finance and marketing.” Habang nagsasalita ang professor sa harap ay bigla naman nagtanong si Gabie. “Gigi, anong business ng family mo? Me kasi, I don’t like this course, but because of a family business that’s why I don’t have a choice.” Mukha naman siyang seryoso sa tanong. Sa bagay. Lahat halos ng taong nandirito ay dahil may family business sila. Eh, ako ano? “Wala kaming business, pero may pamanang lupain sa akin ang lolo Jose ko. Kaya magtatayo pa lang ako ng bisnes, pagdating ng araw.” “Wow! That’s good,” masayang sang-ayon nito. Hay, kung alam lang niya ang totoo. Siguro sasabihin ko rin pag naging matalik kaming magkaibigan. Mukha naman siyang mabait, kahit may pagkamaarte at halatang hirap magtagalog ay sinusubukan pa rin niya. Nagpatuloy ang pagsasalita ng professor sa harap.Medyo mahaba-haba pang englisan ang sinabi nito bago tuluyang natapos. “So, I encourage you to be curious, ask questions, and seek opportunities. Engage with your professors, participate in extracurricular activities, and take advantage of resources available to you. As you embark on this journey, I wish you success, growth, and fulfillment. Welcome to the world of Business Administration!" Palakpakan ang lahat. Kahit kakaunti lang ang naitindihan ko’y malinaw naman ang hatid ng mensahing binanggit nito. This is it pansit. Kailangan kong galingan at hindi sasayangin ang oportunidad na binigay nila sa akin. At para magawa ko iyon ay kailangan ko na rin burahin ang anumang nararamdaman ko kay sir Mathew para magtagumpay ako at makapagtapos. May iba pang nagsalita pero saglit lang. Itinuro kasi nila sa amin ang building at kung saang silid kami papasok. “Wow! Classmates tayo, thank God,” tuwang-tuwang sabi ni Gabie. Ewan ko ba nagkataon naman na pareho kami ng inisyal na pangalan. Iyon nga lang sosyal siya at ako’y hindi. Mayaman siya ako naman katulong. Naisip ko nga, kakaibiganin pa kaya niya ako kapag nalaman niya ang totoo sa akin? Dahil unang araw pa lang ng klase kaya’t maaga kami pinauwi. Niyaya ako ni Gabie na mamasyal muna sa mall. Malapit lang naman sa university kaya ayos lang sa akin. Nagpaalam at nagtext na rin ako kay Ma’am Lorna at tinawagan ko na rin si Nanay Cindy. Si Sir Mathew? Hindi na kailangan. Wala naman pakialam sa akin iyon. Bait-baitan lang ang peg kanina. Habang namimili si Gabie ay pansin kong may sumusunod sa kaniyang dalawang lalaki. Hindi ako mapakali kaya’t sinabi ko ito sa kaniya. “Don’t worry, mga bodyguard ko lang sila. Don’t mind them.” Napanganga na lamang ako. Nangyayari pala talaga ang ganito sa totoong buhay. Siguro ubod ng yaman ang pamilya niya. Sa paglilibot namin ay nakatanggap ng tawag si Gabie, kaya nauna na siyang umuwi. Balak pa nga ako ihatid subalit may kailangan pala akong bibilhing libro kaya naging abala ako at hindi ko na malayan ang oras. Alas siyete na nang makita ko ang oras sa cellphone ko. At may 10 misscall at messages na rin ako galing kay Kamahalan. Nagmadali akong lumabas ng mall at papara na ng taxi nang matigilan ako sa muling pagtunog ng cellphone ko. Me: Hello, sorry Sir, naging busy po ako– Kamahalan: Alam ko kanina ka pa na-dismiss. May halong irita sa boses niya. Me: Sir, nagpaalam po ako kay Ma’am Lorna at Nanay Cindy. Kamahalan: Tsk, whatever. Ayaw ko nang mauulit ‘yan. Tingin ka sa kabilang sasakyan. Kunot noo naman akong napatingin sa kasunod na sasakyan. Mantakin mo ‘yong van nga niya ang nakita ko. Nagsenyas na lamang ako sa taxi driver at humingi ng pasensya. Bumukas ang pinto ng van at salubong na mukha ni Sir Mathew ang nabungaran ko. “Sorry po, kuya Tomas,” hingi kong paumanhin sa nagpipigil ng tawang kuya Tomas. “You are not forgiven, Gigi,” biglang sabat naman nito. Hindi naman ako humingi ng sorry sa kaniya at isa pa wala akong ginagawang masama, nagpaalam naman ako. Naging tahimik ang biyahe namin, ngunit ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit hindi pa umabot ng bente minutos ang biyahe namin ay dumating na kami. “Sir, saan po tayo pupunta? May shooting po ba kayo rito?” nagtatakang tanong ko habang naghahabol mapantayan lamang ang ilang metro niyang lakad na sa akin ay takbo na. May hila-hila akong maleta at hawak naman ni kuya Tomas ang bag na naglalaman ng ilang gamit ko sa bahay. Pumasok kami sa kung tawagin ay elevator at pinindot niya ang number 15. “Mamaya ko na ipapaliwanag,” iretableng boses niyang sagot. Kung anu-ano tuloy ang pumasok sa isip ko. Na baka pinalayas na niya ako at ibinenta sa kung sino. “SIr, huwag n’yo po ako ibebenta Sir, pangako magpapakabait na–” “We're here,” natigilan ako nang mapagtantong nasa harapan na pala kami ng pintuan. Nakanganga akong nakatingin sa kaniya habang pinipindot ang numero at maya-maya’y tumunog ito at bumukas ang pinto. “Sir, mauuna na po ako,” paalam ni kuya Tomas pagkalapag niya ng gamit ko. Nasa pintuan pa lang ako at wala pa ring imik. Palabas na si Kuya Tomas nang maisipan ko na rin magpaalam. “Sige po Sir Mathew. Mauuna na kami—” “Sige po kuya Tomas, mag-iingat ho kayo sa biyahe. Happy vacation po.” Ano raw? Bakasyon si Kuya Tomas tapos ako maiiwan dito kasama siya? “Sir! I-Ib-bahay niyo na po ako? H-Hindi pa ako handa? Mag-aaral pa ako at–” “What are you talking about?” “Huh? Kung ganoon, hindi mo ako ibabahay?” “What? Saan galing ‘yan? Nananaginip ka ba?” Sige tawa pa, pag ikaw nakalmot ko sira ang kapogian mo. “Eh, bakit mo ako dinala rito? May balak ka sa akin noh?” “Ano? Wala akong binabalak sa ‘yo. Nandito tayo sa condo ko,” naiiling na sabi nito at natatawang naupo. “Ito? Condo ninyo at dito rin ako titira? Magsasama na tayo rito!?” Pasigaw at ‘di makapaniwala kong tanong habang ang dalawang kamay ay nasa dibdib ko. “Huwag kang mag-isip ng iba.Una, dinala kita rito kasi malapit lang ang school mo. Pangalawa. Hindi ba assistant kita kaya wala kang karapatan mag reklamo. Pangatlo, hindi kita type kaya kahit maghubad kapa sa harapan ko ay hindi pa rin kita papatulan. Tagalog ‘yon. Are we clear now?” “Opps, aray ang sakit naman nun. Oo nga Gigi, hindi ba malinaw na sa iyo na hindi ka niya gusto. Katulong ka lang, isaksak mo ‘yan sa puso mo.” “Naintindihan mo? O gusto mong–” “Oh yes! Gets na gets ko na. Ingles ‘yan, para maintindihan mo. Kung wala na po kayo ipag-uutos ay maari na ba akong magpahinga? Now, where is my room? Sir! Hindi na rin siya nagsalita pa at itinuro na lang ang isa pang silid. “Napapala ng asumerang palaka. Gigi, gumising ka na. Tama na ang day dream.” “Salamat,” maikling paalam ko at tinalikuran na siya. Kung anuman ang mangyayari pa ay bahala na si batman. Siya na rin naman ang nagsabi, na kahit maghubad ako sa harapan niya’y hindi niya ako papatulan. Kala naman nito bibigay agad ako. “Hindi nga ba? Gigi, hindi ka plastik ha, pinapaalala ko sa iyo. Kahoy ka, kaya marupok.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD