BLURB

254 Words
Blurb Bata pa lamang ay namulat na sa madilim na pamumuhay ang batang si Saph. Siya kasi ay anak ng lider ngYakuza kung saan sari-saring krimen ang kanilang ginagawa. Sa edad na anim ay may tattoo na siya sa likod ng kaniyang katawan, simbulo iyon na siya ang susunod na mamumuno sa Clan na hinahawakan ng kaniyang mga magulang. Sa kanyang ika-pitong kaarawan, isang magarbong salu-salo ang inihanda ng kaniyang magulang para sa kaniya... pero lahat ng iyon ay nauwi sa isang trahedya na kikitil sa maraming tao, kasama na roon ang magulang ni Saph. In-ambush sila ng mga pulisya at patuloy pa ring hinahanap ang iba pang miyembro. Nang gabing manyari ang insidente, tinulungan ng mga miyembrong nakaligtas si Saph na maka-alis ng bansa. Itinago nila siya sa isang kahon na naglalaman ng mga gamit at ilegal na ipinasok sa eroplano pero sa kasamaang palad, sumabog ang kabilang pakpak nito at nawalan ng control ang piloto ng eroplano. Nag-crash iyon sa dagat malapit sa Pilipinas at iisa lamang ang nakaligtas– si Saph Hirie na naanod sa isla ng Basco, Batanes na walang ala-ala sa nakaraan pati na rin kung sino at anong pangalan niya. Paano na lamang kung sa bawat paglipas ng panahon ay unti-unti na niyang naaalala ang nakaraan, lalo na noong tumuntong siya sa Manila para mag-aral at magtrabaho... na makapagbabago sa payapa niyang buhay. Tatanggapin niya ba ang tadhanang nakatadhana sa kaniya o mananatili na lamang sa buhay na kanyang kinalakihan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD