CHAPTER 1

1745 Words
CHAPTER 1 "ARE YOU saying that you still don't know the whereabouts of my fiancee, even though I gave you a lot of time to search?" nakakunot noong tanong ni Yuroichi sa kaharap na si Kenzo. Nakapatong ang kaniyang mga siko sa ibabaw ng mesa habang ang mga kamay ay magkahawak at mariing nakakuyom. "Y-yes, sir. We've already searched all places in Japan but t-there's none," nauutal na sagot niya sa amo. Hindi niya maitago ang takot na nararamdaman habang kaharap ito dahil sa tinging ibinabato nito sa kaniya. "What about the witnesses and the members, do they know?" sunod na tanong nito saka kinuha ang isang brown na enbelop na naglalaman ng mga impormasyon ng mga taong may koneksyon sa Hirie Clan, ang mga nakakita at ang mga miyembrong nakaligtas mula sa insidenteng nangyari. "No, sir. We keep on asking them, but they don't know where their leader is," anito habang nanatiling nakatayo sa puwesto na kaharap ang among seryosong tinitignan ang hawak na mga papeles. "Sir. I didn't mean to be rude but I will say this because I am concern about your health since you're our boss.13 years have passed since the incident, since the police raided the Hirie Clan... and the disappearance of your fiancee. You didn't stop searching for her but there's still no news about her. What if she's already —" "Dead? Is that what you are about to say, Kenzo? I won't listen to any of your 'what if's' unless I saw where her body is buried. As long as I don't see her grave, I will remain to believe that my fiancee is still alive. Begin searching the near countries in Japan which has the big possibility that my fiancee is there." "I'm sorry, Sir. We will do as you command." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nag-bow na siya at saka lumabas ng opisina para gawin ang ipinaguutos nito. Pabagsak na isinandal ni Yuroichi ang kaniyang katawan sa upuan matapos ang paguusap nilang dalawa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka hinilot ang sentido. Habang pilit niyang ikinakalma ang sarili dahil sa sakit ng ulong nararamdaman, bumalik sa kaniya ang alaala nang una niyang makita ang kaniyang fiancee bago mangyari ang insidente. "WHERE are we going grandpa?" tanong ng pitong taong gulang na si Yuroichi sa kaniyang lolo habang sila ay naglalakad papunta sa nakaparadang kotse. Huminto ito sa paglalakad at saka yumuko para tingnan ang apo na nakahawak sa kaniyang kanang kamay. "We're going to meet your fiancee," malawak na ngiting tugon nito. Kumunot ang noo ni Yuroichi nang marinig niya ang salitang bago lamang sa pandinig. "What's a 'fiancee' grandpa?" He chuckled. "She's someone you will marry and be with you for the rest of your life, even in your darkest days... soon," sagot niya at saka marahang tinapik-tapik ang ulo ng kaniyang apo. "We better going, grandson. Don't worry because once you saw her, I know for sure that you'll like her." Paniguradong wika niya at nagsimula na ulit na maglakad. KATULAD na lamang ng sinabi ng kaniyang lolo. Nang makita niya ang sinasabi nitong fiancee niya na ang ngalan ay Saph, may kung anong kislap siyang naramdaman nang magtama ang kanilang mga tingin. Hindi maipagkakailang maganda si Saph dahil maputi ang kutis ng kaniyang balat, matangos ang ilong at mayroon siyang kulay asul na balintataw. Kasing lamig ng kaniyang mga mata ang kaniyang reaksiyon habang kaharap si Yuroichi. Sa murang edad niyang iyon ay ipinangako niya sa sarili na bibigyan niya ng kulay ang mundo ng kaniyang fiancee at papasayahin niya ito na siyang ipinangako niya rin sa kaniyang lolo... pero naudlot ang pangako iyon dahil sa insidenteng magpapalayo sa kanilang dalawa na tatagal ng labing-tatlong taon. Azulle's POV "HINDI pa rin talaga nakakasawang tignan 'tong tatu sa likod ko, kahit ilang beses ko pang tingnan," malawak ang ngiti ko nang sabihin ko iyon sa aking sarili habang nasa harapan ng salamin at nakatingin sa repleksiyon ko. Imahe ng isang ibon na kulay pula ang naka ukit sa buong likod ko, nakaunat ang mga pakpak nito habang nakatingala. Sakop nito ang buong likod ko. Hindi ko na maidetalye pa ang iba dahil masyadong marami ang nakalagay. Kung problema sa tatu ang paguusapan, hindi ako namomroblema kung paano itatago iyon dahil sakto 'yon hanggang sa manggas ng damit ko kaya naman, kayang-kaya iyon itago. 'Bakit nga ba ako mayroon nito sa likod ko?' Isa na lamang iyon sa mga katanungan ko kapag nasisilayan ko ang tatu sa salamin na walang kasagutan. Bata pa lamang kasi ako ay mayroon na ako nito na s'yang nakapagtataka. "AZULLEEEEE! Ano na ghurl! Wala ka pa rin bang balak lumabas d'yan sa lungga mo? Hala, bilisan mo na at baka ma-late na tayo sa biyahe papuntang Manila!" malakas na sigaw ng kaibigan kong si Miranda ang dumagundong sa buong bahay. Nagpatigil ako sa pagtitig sa salamin nang marinig ko iyon. Dali-dali na akong nagbihis, nagayos at saka lumabas sa kuwarto ko. "Nandiyan na! Nako, masyado ka namang atat Miranda. Baka nakakalimutan mo alas-kwatro pa lang ng madaling araw," sigaw ko pabalik sa kanya habang inaayos ang pagkakalagay ng bag ko sa aking balikat. Binitbit ko na ang bagaheng nasa lapag at naglakad na palabas ng bahay. Maigi kong sinarado ang pinto at nang maisiguro ko ng maayos ng nakasarado iyon ay naglakad na ako patungo sa tricycle na nakaabang sa labas. Huminto ako ng saglit sa paglalakad at saka bumaling sa bahay. Simula kasi sa araw na ito ay maninirahan na ako sa Manila para magaral sa iskuwelahan kung saan nakapasa ako bilang iskolar, sa Lee Academy. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa tricycle. "Che! Ilang beses ko ng sinasabi sa 'yo Asul na tigilan mo ako sa pag tawag na akin ng Miranda, call me Mira para sosyal HAHAHAH!" Napailing na lang ako dahil sa kanyang kaingayan, kay aga-aga masyadong masigla na ang bunganga. "Ewan ko sa 'yo, Mi.ran.da HAHAHAH! Tinatawag mo rin naman akong Asul kaya patas na tayo!" pangaasar ko sa kaniya habang inilalagay sa taas ng trycycle ang bitbit kong bagahe. Pumasok na ako sa loob at umupo sa tabi niya. Bumaling ako sa nagmamaneho ng trycycle na si Fredo at saka nagsalita, "Okay na, Fredo. Puwede na tayong umalis." Pagkatapos ko 'yong sabihin sa driver ay umandar na sasakyan at tinahak na ang lubak-lubak na daan patungo sa paradahan ng bus. Bigla akong napabaling sa katabi ko nang makatanggap ako ng malakas na hampas galing sa mabigat na kamay niya matapos kong kausapin si Fredo. "Aray! Grabe naman makahampas kailangan pa talaga na malutong ang tunog?!" sinamaan ko siya ng tingin habang hinimas-himas ang parte ng aking balikat na hinampas niyang namumula. 'Kahit kailan talaga ang hilig manghampas nito.' "'Yan, asarin mo pa ako, makakatikim ka talaga sa akin ng isa pang hampas. Siya nga pala, akala ko wala ka ng balak na lumabas dahil sa tagal mo sa loob e Halos limang minuto na akong naghihintay sa iyo rito sa labas. Siguro tinitigan mo na naman 'yang tattoo mo sa likod, ano?" natatawang sambit ni Miranda sa akin habang tinutusok-tusok ang pisngi ko. Salubong ang kilay na tiningnan ko siya. "E, ano naman? Napakaganda kasi ng tatu ko sa likod kaya hindi nakakasawang titigan," malawak ang ngiting wika ko sa kaniya habang inaalala ulit ang tatu. "Nako, sinasabi ko sa 'yo 'to ngayon Azulle dahil kaibigan kita, okay. Huwag na huwag mo 'yan ipakita sa mga tao lalong-lalo na sa mga taga-Manila, ghurl! Mapapahamak ka!" nagaalalang paalala niya sa akin saka tinuro ang likod ko. Natatawang umiling ako nang sabihin niya iyon. Ewan ko ba sa kaniya, masiyado siyang napaparanoyd sa mga puwedeng mangyari at makakita sa tatu. Palagi niya akong binabalaan na huwag ipakita ang tatu pero tatu lang naman iyon, wala ng iba. "Oo na. Hindi ko naman ibabalandra sa mga tao roon ang tungkol sa tatu, kaya 'wag ka ng magalala riyan. Hindi na ako bata para pagsabihan pa, kaya ko na ang sarili ko, okay?" malumanay na wika ko. "Siguraduhin mo lang Azulle, dahil once na malaman kong may nakakita na riyan sa tattoo mo, uuwi ka ng wala sa oras sa Batanes!" pananakot niya sa akin. "Oo na. Noted 'yan. Kahit naman pauwiin mo ako ng wala sa oras, magkukusa na lang akong uuwi." NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang pagpreno ng trycycle na sinasakyan namin kaya naman idinilat ko na ang aking mga mata. "Mukhang nandito na tayo sa terminal ng bus, Miranda," bumaling ako sa tabi ko na natutulog pa. "Gising na Miranda! Nandito na tayo," wika ko habang tinatapik-tapik ang kaniyang pisngi. Lumabas na ako ng trycycle at saka inunat ang likod. 'Sa wakas! Nandito na rin kami sa paradahan ng bus. Makakapunta na rin ako sa Manila!' Malakas na humikab si Miranda habang inuunat-unat ang mga kamay nang makalabas rin siya ng trycycle. "Sa wakas ay nandito na tayo!" malakas niyang sigaw habang ang dalawa niyang kamay ay nakaunat sa ere. Napailing na lang ako nang makitang pinagmamasdan siya ng mga tao. Bumaling na ako kay Fredo na binababa ang mga gamit namin. "Nako, pasensiya ka na Fredo at ikaw pa ang nagbaba nitong gamit namin. Maraming salamat sa iyo," wika ko at saka isinukbit na sa balikat ko ang aking bag. "Nako, wala iyon ate Azulle," napakamot sa batok na usal niya. "O, ito pala ang pamasahe namin. Sa iyon na ang sukli a, masiyado ka na naming naabala," sambit ko at saka iniabot sa kaniya ang bayad. Hindi pa sana niya iyon tatanggapin pero wala na siyang nagawa nang ilagay ko iyon sa bulsa niya. "Magiingat ka sa biyahe, Fredo. Maraming salamat!" "Kayo rin po, magiingat din kayo sa biyahe, Ate Azulle." Pagkatapos niya 'yong sabihin ay pinaandar na niya ang sasakyan paalis sa lugar. "Tara na ghurl!" aya sa akin ni Miranda saka hinawakan ang kamay ko at hinila na papunta sa bus. Dahil malayo sa amin ang bayan, kinailangan pa naming sumakay muna sa bus bago makarating sa paradahan ng mga eroplano na papunta sa Manila. Matagal kasi kung sasakay kami ng barko, baka abutin pa kami ng tanghali kaya naman minabuti na naming sa eroplano na lang sumakay kahit na medyo may kamahalan. Nagpadala na lang ako sa paghila ni Miranda sa akin hanggang sa makasakay na kami sa bus.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD