Chapter 21 10 years later Sampong taon na pala ang nakalilipas mula ng mangyari iyon.At hindi ko inakalang magkakatagpo muli ang aming landas ngayon,at ang malala ay siya ang magiging boss ko. Heto na naman ang pakiramdam na nanliliit ako sa aking sarili.Kahit pa nga nakapagtapos ako ng pag-aaral at isa na sa mga sikat at kilala bilang modelo at designer sa Asia ay hindi ko pa rin maiwasang manliit sa aking sarili. Akala ko napaghandaan ko na sa susunod na pagtatagpo ng aming landas ay kaya ko nang umapak sa mundo niya.Mali pala ako,dahil hindi pa rin pala sapat ang kasikatan at yaman na mayroon ako para mapantayan ang lupang kinatatayuan niya.Nananatili pa rin pala ako sa baba. Ito na ba sign na hindi talaga kami para sa isa't isa? Napabuntong hininga nalang ako sa namuong katanu

