Ayoko mang pumunta doon pero kailangan,ayokong may madamay pang iba.Sa pagitan namin itong dalawa at hindi na kailangan pang madamay ng iba.Eksatong oras ako dumating dahil gusto kong ako ang mauna keysa sa kaniya. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa restaurant na napagkasunduan namin.Kinakabahan ako,ang lakas ng pintig ng aking puso parang gusto nitong tumalon palabas ng rib cage.Namamawis ang aking noo at mga palad,nanginginig din ang aking tuhod.Hindi ko alam kung bakit,Wala pa naman siya e! Napa 'O' ako at bumaha ang gulat sa akin ng mamataan ko siya sa may pinakadulong upuan.Tinaas pa niya ang kaniyang kamay para ipahiwatig na doon ang mesa namin.Mas lalong lumakas ang t***k ng aking dibdib ng magtama ang aming mata.Agad naman akong umiwas ng tingin. Oh my god! What? he's here?

