CHAPTER 19

1953 Words
CHAPTER 19 "Alam mo nakakainis ka!"sabi ko. Naalala ko kasi iyung sulat.Hindi siya nagbigay. "What did I do to you?Wala na man akong ginawang masama"Kunot noo niyang tanong,naguguluhan. Tinaasan ko siya ng kilay"Talaga?wala kang naalala?" Umiling siya.Nakakunot pa din ang noo. "Yung sulat...Wala kang binigay"nakasimangot kong saad. "s**t!"malakas na sabi niya,tumingala habang nakapikit. Nagbaba siya ng tingin sa akin,puno ng pagsusumamo ang mga mata niya" I'm sorry love..." Hindi ako nagsalita hinihintay ang iba pa niyang sasabihin " I'm sorry...Hindi na ako nakapagpadala ng sulat kasi dapat sasabay ako sa pag-uwi ni Mark ang kaso may naging problema.Hindi dumating yung necklace at bracelet na in-order ko para sa graduation gift ko sayo kaya dali dali kong pinuntahan yung jewelry store.Hindi ko na rin na sabi kay Mark.Natagalan din bago dumating yung order ko kaya hinintay ko pa ,kasi para naman 'yun sayo" Hindi ako nakapagsalita matapos siyang magpaliwanag.Gulat ako sa ginawa niya,iyon pala ang rason niya.Parang may humaplos sa puso ko at tinunaw nun ang inis na nakatago sa loob.Grabe yung effort niya.Siya na talaga! Lumapit ako sa kaniya at yumakap sa bewang niya"Thank you so much for everything" "Hindi ka na galit?"malambing na tanong niya sabay haplos sa aking buhok.Umiling ako bilang sagot. Kapalit ng inis at galit ko ay lambing at pagmamahal niya.Reklamo ko'y kapalit ang pang-unawa niya at pag-aruga.Nasa kaniya na lahat,wala na akong hahanapin pa.Wala na!Mahirap nang nakahanap ng isang tulad niya,na mas pipiliin ang kagaya ko.Na tatanggapin ako kahit sino pa ako sa paningin ng iba.At higit sa lahat mamahalin ako kahit na isa lang naman akong anak ng katulong nila. "Mahal kita"bulong ko,pero alam kung narinig niya. Humigpit ang yakap niya sa akin,hinagkan ang aking buhok."Mahal din kita" Kapagkuwan ay kumawala sa kami sa yakap ng isa't isa."Love,huwag kanang magalit" Umiling ako"Hindi naman ako galit.Naiinis lang pero hindi na ngayon.Marinig ko lang ang paliwanag mo,sapat na sa akin iyon...Sapat na iyon para matanggal ang inis ko" nahihiya kong aniya. "Hindi ko naman kayang mainis ng matagal sayo.Mahal kita e!"dagdag na sabi ko habang hindi makatingin ng deritso sa kanya.Nag-init ang mukha ko. Nakakahiya! Mula noon hanggang ngayon nahihiya pa din ako sa kaniya.Hindi kasi ako sanay na ako yung nauunang magsabi sa kaniya,palagi kasing siya yung nagsasabi nun. Malapad ang ngiti niya sa akin"Mahal din naman kita lalo na kung nagblublush ka"natawa pa siya ng mahina. Umirap ako sa kaniya"tumigil ka nga!" Tinawanan niya lang ako sabay gulo sa aking buhok. Ang lalaking 'to talaga! Kinabukasan ay nag-aya siyang mamasyal at sino ba naman ako para tanggihan ang unico ijo ng pamilya Araneta.Inaya ko siyang kumain ng street food,ayoko dun sa restaurant o di kaya sa mga fastfood chain.Mas masayang kumain sa simpleng mga tindahan,mura na masarap pa,pati kasama ko masarap din...Masarap kausap at ka kwentuhan...masarap makita ang nakangiti niyang mukha at ang napa kaganda niyang mga mesteryosong mata na kumikislap sa saya. "Love?" Napalingon ako sa biglaang pagtawag niya sa pangalan ko.Nagtatanong ang aking mga mata,hindi ako makapagsalita puno kasi ng pagkain ang bibig ko. "May tanong ako sayo"ngiting aniya. Bakit may pakiramdam akong kalokohan sa itatanong niya.Yung ngiti niya kasi! Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko"sige,ano yun?" "Hmm..Saan nagtratrabaho ang mga isda"natatawang sabi niya. Sabi na eh!kalokohan ito! Nakakunot ang noo ko pero sumagot pa rin.Sinasakyan ang kalokohan niya. "Saan?" "Edi!sa o-fish"natatawang sabi niya muntik pang mahulog yung kinakain niyang fishball. Ang corny! Saan siya natoto nun,sa Manila? Natawa ako hindi dahil sa corny niyang joke kundi dahil sa muntik ng mahulog yung kinakain niyang fishball.Epic!Ang ending tuloy inasar ko siya dahil dun. "Mas nakakatawa pa yung pagkain mong muntik ng mahulog kesa sa corny mong joke"natatawa kong sabi. Nainis na bumaling siya sa akin"shut it" Humagalpak ako ng tawa dahil sa masungit niyang mukha.Nakakatawa talaga siyang asarin.Pikon kasi!Halos mag-isang linya nalang ang kilay niya,nakakunot pa ang kaniyang noo,dagdagan pa ng nakasimangot niyang labi. Damn that lips! "News flash! mas nakakatawa pa ang muntik ng mahulog na pagkain kesa sa corning joke ni Wesley"sinamaan niya ako ng tingin,nginitian ko lang siya ng matamis. Mas lalo akong natawa ng malakas nang umirap siya sa akin.Ang gwapo niya pa din,parteda nakairap na iyon. "Stop teasing me or else..."pambibitin niya Natatawang tinaasan ko siya ng kilay"or else ano?huh?" "Babanat ka naman ng corny mong jokes!"tudyo ko pa. Umiling siya"I'll going to kiss you" Nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi niya.Ngayon naman siya ang may malaking ngiti sa akin.Nagtataas baba pa ang kilay niya,halatang nanunudyo. Imbes na magpatalo nginisihan ko siya.Lumingon lingon sa paligid,madami namang tao hindi niya iyon gagawin.Tinatakot lang ako nito. Nanghahamon ko siyang tinignan at nginisihan ng pagkalaki-laki "wews!try!" Nawala ang ngiti ko ng inilapit niya sa akin ang kaniyang mukha "try pala huh!" Hindi pa man ako nakakahuma sa gulat ay lumapat na ang kaniyang labi sa akin.Nanlaki ang mga mata ko habang siya nakapikit ,ninanamnam ang senyasyong dulot ng halik. Dahan-dahan niyang ginalaw ang mga labi niya,samantalang ako ay hindi makagalaw dahil sa gulat.Akala ko nagbibiro lang siya,hindi ko akalaing totohanin niya pala. Nagbalik lang aking diwa ng maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking batok,pinapalalim pa ang halik.Akmang itutulak ko na sana siya kaso nauna na siyang humiwalay sa akin.Malaki ang ngisi sa labi niya,nang-aasar.Inirapan ko lang siya at hindi na kinibo hanggang sa makauwi kami. Ayoko siyang kausapin dahil sa ginawa niya.Maraming tao doon sa lugar kanina.Dapat nga matuwa ako dahil nakatanggap ako ng halik galing sa pinakamamahal ko pero hindi e!...hindi ako natutuwa. Naiinis ako! Hindi niya dapat ginawa iyon! May usapan kami! Paano kung may nakapansin sa amin? Ano nalang sasabihin ng mga iyon? Na ang anak ng katulong nakikipagrelasyon sa anak ng amo nilang mayaman para perahan ito?Na kaya lang ako sumasama sa binata para sa pera? Hindi ko yata matatanggap iyon!Baka may ihambalos ako sa pader dahil sa inis ko! Nauna akong bumaba sa sasakyan niya at hindi na siya hinintay pa.Bahala siya naiinis ako,ayoko siyang kausapin baka kung ano pa ang masabi ko.Ang kaso pinanganak yata siya para maging makulit dahil humabol pa siya sa akin.At kahit hindi ko siya pinapansin panay ang tawag nito sa pangalan ko..Sunod pa ng sunod "Love,wait!"hinawakan niya ang kamay ko para patigilin ako. "Wesley!tumahimik ka nga baka may makarinig sayo"mahina ngunit madiin kong saad. Hindi siya nagsalita sa halip ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila sa kung saang parte ng mansiyon.Binitawan niya ang palapulsuhan ko saka tumungin sa akin ng seryoso pinagkrus niya ang kaniyang braso sa dibdib. "Ano na naman ba kasing problema?Kanina okay naman tayo ah?May nagawa na naman ba akong mali?Hindi mo ba nagustuhan yung ginawa ko kanina?Ano?Tell me." mahinahon ngunit madiing sabi ko. "Hindi mo kasi dapat ginawa 'yun.Paano kung may makapansin.Ano nalang ang sasabihin nila?"nag-iwas ako ng tingin hindi ko kayang salubungin ang mga mata niyang naiinis. Bumuntong hininga siya.Lumapit siy sa akin at hinawakan niya ang aking magkabilang palad."Love,do you care for me?" Napakunot noo ako sa tanong niya,pero tumango pa din ako bilang sagot.Dahan dahan niyang binitawan ang isang kamay ko,nalipat ang kaniyang palad sa aking mukha.Hinaplos niya iyon pababa sa aking baba at iginiya niya iyon paharap sa kaniya.Napaawang ang labi ko dahil kunting distansiya nalang ang pagitan namin at sa pagtama rin ng aming mga mata.Naghaharumintado naman ang aking puso sa t***k nito. "Well if you do then don't mind others...It doesn't matter to me what they will say...its only you that matters to me... I will only listen to you...only you...So please Love don't listen to them because they are not part of us....I love you and you love me,its only the both of us...I don't care about them"senserong sabi niya. Tila may kung anong humaplos sa puso ko.Tumagos lahat ng sinabi niya sa puso ko.Pati ata sa atay ko tumagos kasi parang may kumikiliti doon.Pero hindi pa rin nawawal ang pangamba sa puso ko,baka malaman ng mommy niya! "Yung mommy mo..."bulong ko. "Even if she finds out about us...I don't care...She can't tear us apart because, I'll fight for you...for us...As long as you love me,none of them matters to me...Its you...Only you my one and only" "Huwag ka nang mag-alala dun.Okay?"ngiting tanong niya.Tumango ako,nakangiti rin. "Good.That's my girl!"ginulo niya ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.Tumawa lang siya. Parang musika sa aking tenga tuwing naririnig ko ang tawa niya.Para akong dinuduyan sa ere, ang sarap pakinggan,kahit siguro maghapon kong pakinggan ang tawa niya hindi ako magsasawa. Nang mga sumunod na araw ay hindi kami mapaghiwalay ni Wesley.Walang araw na hindi kami namamasyal,sinulit namin ang apat na araw na pananatili nito doon.Apat na araw lang kasi kailangan niyang bumalik agad sa Manila para tulungan ang daddy niya sa pag-aasikaso ng business.Pansamantala kasi itong magiging sekretarya ng ama niya dahil on leave daw ang secretarya nito.At nagsisilbi na rin iyong training niya dahil pagkatapos nitong mag-aral baka ito na ang magmanage ng kompanya nila. Nang araw na umalis ito ay hindi ako nagpakita.Iyun ang pinakaayaw ko sa lahat,ang makitang umalis siya.Para kasing pinipigtas ang puso ko sa hapdi.Mas mabuting hindi ko siya makita kasi parang nababawasan niyon ang sakit.Although nabawasan niyon ang sakit still nadoon pa rin.Wala nang mas sasakit pa na makitang umaalis ang taong mahal mo,pero kailangan naman niya iyon,para din naman sa kaniya iyun. Sabi nga nila"there's always a rainbow after the rain" Naniniwala ako dun dahil alam kung pagkatapos nito...pagkatapos ng sakripisyong ito,Babalikan niya ako,sa huli uuwi pa rin siya...uuwi siya sa akin!Akin siya sa huli! Akin nga ba siya? Sa akin nga ba siya uuwi? Babalik nga ba siya? Hindi kasi iyon ang naramdaman ko ng umalis siya.Hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman ng umalis siya.Binalot ako ng sobrang lungkot.Hindi ko naman iyon naramdan noon tuwing umaalis siya.May something e! May mali!Oo nalulungkot ako noon...pero hindi tulad nito na labis labis na lungkot. Kinain ng pangamba ang buo kong pagkatao...Pangamba na baka hindi na siya bumalik...Baka hindi na siya umuwi sa akin...Baka sa huli hindi siya sa akin! Hindi ako mayaman,walang magagarang damit,hindi din naman ako maganda.Wala din ako kayang ibigay sa kaniya kundi ang buong pusong pagmamahal ko lang.Possible bang iwan niya ako? Nakatulogan ko nalang ang mga isiping masakit sa damdamin.Kinabukasan nagising akong naroon pa rin ang mabigat na pakiramdam,pero pilit ko itong pinagsawalang bahala.Inabala ko ang aking sarili sa mga gawain. Abala ako sa pagdidilig ng mga halaman sa garden ng bigla nalang lumapit sa akin ang aking kasamahan. Tumakbo siguro ito dahil hinihingal "Caramel!pinapatawag ni Senyora ang lahat ng mga katulong.Ngayon na sa receiving area!" Pinatay ko ang hose saka bumaling sa kaniya at tumango.Nauna na itong lumakad sa akin,walang imik akong sumunod sa kaniya. Nang hindi ako nakatiis ay tinanong ko siya"Bakit nga pala tayo pinapatawag?" Nakapagtataka kasi na pinatawag ang lahat ng mga katulong.Kapag kasi tinipon ni Senyora ang lahat ng mga katulong isa lang ang ibig sabihin niyon may isa sa amin ang nakagawa ng kasalanan o 'di kaya may nalalapit na okasyon. "Hindi ko alam.Basta galit na galit si senyora kaya pinatawag tayo"nababahalang sabi niya. Hindi na ako umimik pa.Mukhang tama ang hinala ko,may kasamahan kaming nakagawa ng mali.Kung sino man siya,nalulungkot ako para sa kaniya dahil tiyak na ipapahiya siya ni senyora sa harap ng lahat. Nang marating namin ang receiving area halos naroon na ang lahat,mukhang kami na nalang ang nahuli.Naroon si Senyora at senyor.Nakaupo sa pang-isahang upuan si senyora at sa mahabang upuan naman nakaupo si Senyor.Nanlilisik ang mga mata na senyora,ang bawat tingin nito sa amin ay matatalim.Kung nakakamatay lang ang titig nito baka wala nang buhay ang lahat. Kapagkuwan ay tumayo ito at naglakad papunta sa gitna naming mga katulong. "My ATM card was missing,it was worth one million pesos!"malakas na anunsyo nito" And someone from here had stolen it!"nanggagalaiti ito sa galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD