CHAPTER 18
Dumating na ang araw na pinakahinihintay namin ni mama.Ito na ang araw ng aking pagtatapos.Sa wakas Tapos ko na ang highschool.
Konti nalang!
Suot-suot ko ang dress na regalo sa akin ni Wesley.Napangiti ako sa aking postura ngayon.May kunting make-up din ako,si Ate Ann ang may gawa.Isa din sa mga katulong dito sa mansiyon.Magaling siya pagdating sa ganoong mga bagay.Nagpresenta siya na siya nalang ang mag-aayos sa akin,pumayag naman ako.
Kasama si mama at Ate Ann maaga kaming tumungo sa paaralan namin.Sumama si Ate Ann para daw sa pagre-retouch mamayang hapon.Mamaya pang ala una ang graduation ceremony pero kailangan maaga kaming makapunta dahil mayroon pa kasing thanks giving mass at may mga iba pang activities na isasagawa kasama na doon ang farewell speech ng bawat graduates.Mamaya kasi pagkatapos ng graduation ceremony baka daw hindi na makapagspeech ang bawat isa kaya ginawa nalang sa umaga.
"Grabe naman ang lawak at ang laki ng school niyo,Cara"namamanghang sabi ni Ate Ann habang nagtitingin-tingin sa paligid.
"Mukhang mga yayamanin pa ang studyante dito"dagdag pa niya.
"Mayaman talaga iyung iba,pero mayroon ding mga katulad ko lang"sabi ko nalang.
"Hindi ba mahal ang mga bayarin dito?"kapagkuwan ay bumaling siya kay mama.
"Malaki-laki,pero kaya naman"sagot ni mama "Sinadya ko talagang dito siya pag-aralin kasi mas madami siyang matutunan dito.Gusto kong bigyan ng magandang kinabukasan ang anak ko"
Uminit ang puso ko sa sinabi ni mama.Ang swerte ko talaga sa kaniya!Kahit alam niyang malaki ang gastusin ko dito pinilit niya pa ding dito ako pag-aralin sa kadahilanang gusto niya akong bigyan ng magandang kinabukasan.Semi-private itong paaralan namin kaya malaki ang bayaran sa tuition at salamat kay mama dahil kinaya niyang pag-aralin ako dito.Thank you ma!
"I love you Ma!"nakangiti akong yumakap sa kaniyang likod.
"Love you din 'nak" sabi niyang nakangiti
"Ohhhh! Ang sweet naman ng mag-ina.Pasali din ako"natatawang lumapit siya sa amin at nakiyakap din.
Nakangiti naming tinahak ang gymnasium ng paaralan may mangilan-ngilan na ring patungo doon yung iba naman nagpipicturan at may naglalakad-lakad din.Hmm...siguro minimemorya nila ang bawat gusali ng paaralan kasi matagal uli bago makabalik dito, kung may balak man silang bumalik dito.
Mamimiss ko dito ang kulitan naming magkaclassmate.Ang asaran at ang bangayan at higit sa lahat ang pagtutulungan at pagkakaisa namin tuwing may mga school activities.Sampong buwan din kaming nagsama-sama na parang isang pamilya.
"Love tara na!"
Napatingin ako sa may bandang kanan.Kita ko doon ang isa kong kaklase kasama ang nobyo niya.Nakangiti siyang lumapit sa nobyo niyang nakalahad ang kamay sa kaniya.Nakangiti sila sa isa't isa at magkahawak kamay na lumakad paalis.
What a scene!
Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan silang lumakad papalayo sa gawi namin.Naninikip ang aking dibdib,nakagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang unti-unting pamumuo ng luha sa gilid ng aking mata.
Ilang beses kong pinagdasal na sana umuwi siya...Palagi kong hinihiling sa mga tala na sana makasama ko siya sa araw na ito....Na kahit alam kong malabo dahil busy siya umaasa pa rin ang puso ko...umaasa ako na darating siya.Baka pwede pa.
Gustong-gusto ko siyang makasama sa araw na ito...Siya at si mama... kahit iyon nalang ang graduation gift ko okay na ako dun.Makasama lang sila ngayon masaya na ako...Malaking bagay na iyon sa akin.
Nangarap na naman ako ng mga bagay na impossible!Di bale na, ito naman ang regalong bigay niya suot-suot ko para ko na ring kasama siya.
Pinilig ko ang aking ulo upang alisin ang isiping iyon.Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili.Hindi dapat ganito.Importanteng araw ito sa akin dapat masaya ako...Kahit wala siya andito naman si mama at si Ate Ann.Pwede na!
Lumingon ako sa aking gilid,kay mama.Ganun nalang ang gulat ko ng wala na sila sa aking tabi.What the!Asan na ang mga iyon.Agad akong luminga-linga sa paligid,hinahanap sila.Kinakabahan.Natigil ako sa pag-aalala ng matanaw ko silang dalawa malapit sa pintuan ng gymnasium.Tumakbo ako palapit sa kanila.
"Ohh?"nagtatakang baling ni mama sa akin.Nginitian ko lang siya at giniya na sila papasok sa gymnasium.
Naghiwalay kaming tatlo,doon sila umupo sa nakahilirang upuan para sa mga parents at guest ako naman sa nakahilirang upuan para sa mga graduates.Nahahati kasi ang upuan sa dalawa,sa kanan upuan ng mga graduates at sa kaliwa ang upuan ng mga parents at guest.
Ilang minuto pa ang lumipas bago nagsidatingan ang iba.Unti-unti naring napupuno ang gymnasium.
Eksaktong alas osto nag-simula ang thanks giving mass at natapos ito ng alas nuebe.Pagtapos nun nagsimula na rin ang iba't ibang activities na pinangunahan ng Head master namin kasama ang school admin.Masaya ang lahat pero may lungkot sa mga mata at may mangilan-ngilang naiiyak na.
Masaya na nagtatapos na kami pero naroon ang lungkot dahil kailangan na naming mamaalam sa isa't isa...Ang pinagsamahan namin ay magiging alaala nalang....Mga alaalang babaonin namin at kailan man ay hindi malilimutan saan man kami magpunta...Mga alaalang kay sarap balik-balikan....Ito ang pinakamasayang parte ng buhay namin.Natapos man ito,pero hindi ibig sabihin nun na hanggang doon nalang...Nagtapos ito para magbukas ng bagong yugto ng mga buhay namin...Ng bagong daang tatahakin namin tungo sa magandang kinabukasan.
Ending is meant for new beginning!
Nabalik ako sa aking ulirat ng kinalabit ako ng aking katabi,nakangiting bumaling ako sa kaniya.
"Mel,tinatawag na pangalan mo"bulong niya sabay turo sa harapan.
Agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin kaya naman tumayo na ako para pumunta sa entblado para magbigay ng aking speech.
"Magandang umaga sa inyong lahat"panimula ko "sampu...sampung buwan tayo nagsama-sama...Sampung buwan na asaran...sampung buwan na hingian ng papel at ballpen na hindi na ibabalik....Sampung buwan nang bangayan...Sampung buwan ng pagkakaisa...Sampung buwan na parang isang pamilya kung ituring...At ngayon nagtatapos na ang sampung buwan pero hindi ang masasayang alaala natin...Alaalang habang buhay natin babaunin...Nagtatapos na tayo pero ito rin ang simula ng bagong yugto ng buhay natin tungo sa ating magandang kinabukasan"
"Ang pagtatapos na ito ang patunay na kahit anong pagsubok nakayanan natin dahil sa anim na taon natin dito sa paaralang itinuring nating pangalawang tahanan marami tayong pagsubok na pinagdaanan...napagod tayo pero hindi sumuko...lumuha tayo pero matatag pa rin...nadapada tayo pero bumangon pa rin at patuloy na lumaban...Sana sa paglabas natin dito huwag niyong kalimutan ang mga naging kakilala at kaibigan niyo dito...Sila ang naging sandalan at kakampi natin sa tuwing tayo'y nalulugmok.Salamat din sa ating mga guro na walang sawang nagtuturo.Salamat sa lahat ng sakripisyo at pag-aaruga niyo sa amin.Salamat sa lahat lahat...Pangako dadalhin ko ang mga masasayang alaala at ang mga payo niyo ay ilalagay ko sa aking puso...Salamat po sa inyong lahat"pagkatapos kung mag-speech ay nagsipalakpakan ang lahat.Naiiyak akong bumaba sa entablado.
Pagkababa ko niyakap ako ng iilang gurong naging malapit sa akin. Nang makalapit naman ako sa aking mga kamag-aral ay mahigpit kaming nagyakapan.
Natapos ang program na may mga luha sa aming mata pero may malaking ngiti sa labi.Tumungo kami sa hall para sa pananghalian.Kasama kasi sa binayaran namin ang pananghalian namin para din daw hindi na kami umuwi.Magkaiba pa rin ang mga studyante at mga parents.
"Hindi ko talaga makakalimutan yung nadapa si Ivan sa canteen"sigunda ng isa kung kaklase.
Nasa iisang lamesa kami,bale pito kaming lahat na nakapalibot doon.Sila ang mga malapit sa akin.Si Ivan,Andrew,Salem,,Sandy,Jasmin,
Carinna.
"Ang epic nun!Daming nakakita dun!"sabay tawa ni Sandy.
"Tanga Kasi!"dagdag pa ni Salem
"Tanga ka diyan! Ikaw nga niloko na binalikan mo pa!"Ganti ni Ivan.
Sinamaan siya ng tingin ni Sandy"Ang sama ng bibig mo"
Bago pa sila mag-inisan ay sinaway ko na.Ganun talaga sila!
Natapos namin ang hapunan na nagbabangayan parin sila.Hanggang sa naghanda at nag-ayos na kami hindi pa rin natatapos ang bangayan.Kahit noong nakaline-up na kami sa back stage hindi talaga sila nagpaawat kahit pa katabi namin ang aming mga magulang.Natigil lang iyon ng nagsimula ng magtawag ng mga pangalan.
Nang ako na ang tinawag ay napabuntong hininga muna ako bago nakangiting pumasok sa entablado kasama si mama.Pumwesto ako sa gitna at nag bow.Sa pag-angat ko ng tingin ay nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan ng pag-awang dahil sa gulat.Natutok ang aking paningin sa kulay itim na mga mata.Nasa gitna siya ng mga guest.Nakangiti siya ng malapad,halatang proud.
Wesley!
Nandito siya!Thanks God!
Napabalik ako sa aking ulirat ng sinuotan ako ng mama ng medalya, simbolo na with highest honor at ang pagbigay sa akin ang aking diploma.Tumabi sa akin si mama para sa picture.Pagtapos nun ay bumaba na kami,humiwalay siya sa akin pagdating namin sa baba.
Panay ang lingon ko sa kaliwang mga upuan bandang dulo.Baka naman namamalik mata lang ako dahil sa sobrang pag-iisip at pangungulila sa kaniya.Pero hindi e.Hindi ako namamlik mata lang dahil may nahagip ang aking mga mata at para itong namagnet nung nagtama ang aming mga mata.Nahihipnotismo ako sa mga mestiryoso niyang mga mata.
Nandito nga siya! nakangiting kumaway siya sa akin.Mabilis na ibinaling ko ang aking tingin dahil sa biglang pag-init ng aking mukha.Bumilis din ang t***k ng aking puso.Tumakas sa aking labi ang matamis na ngiti.
Good God!
Totoo ngang nandito siya!Hindi ako makapaniwala!Parang gusto ko nang matapos ang seremonya.
Nang matapos na ang seremonya ay nagmamadali siyang umalis sa kaniyang upuan para sana puntahan si Wesley kaso naharang siya ng kaniyang mga kaklase binabati siya kino-congratulate pati rin ang iilang guro ay lumapit.Sa gitna ng maraming pagbati isa lang ang nagibabaw doon.
"Congratulations,Caramel"
Hindi ko na kailangang lumingon pa para malaman kung kanino nanggaling ang boses na iyon.
"Wesley..."ang nakangiti nitong mukha ang nabungaran ko."Akala ko hindi ka makakapunta"hindi makapaniwalang sabi ko.
"Well,I'm here.Surprise!"masayang sabi nito at niyakap siya.Nang magtama ang kanilang katawan ay dumoble na naman ang t***k ng puso niya.
"Congratulations,Caramel.I'm so proud of you"bulong nito sa kaniyang tainga.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ang saya ko sobra.Naespeechless ako
"Salamat"
"Masayang-masaya ako para sayo"sabi nito habang humihiwalay sa kaniya.
"Ako din masayang masaya lalo na't nandito ka"
Sinuyod ng nito ng tingin ang kaniyang katawan,kapagkuwan ay ngumiti ito.
"My girl is so lovely"
Napayuko ako sa pagpuri niya.Nag-init ang aking pisnge.
"Salamat nga pala dito"tukoy niya sa dress na suot niya na siguradong galing dito.
"Your always welcome.It fits you"
"Anak halika na umuwi na tayo.Nauna na si Ann"yaya ni mama habang palapit siya sa amin.
"Ma,sa kotse ko na po tayo"sabi ni Wesley kay mama nang makalapit.Kamakailan kasi ay binilhan ito ng sasakyan ng kaniyang nga magulang para daw magamit nito sa kolehoyo.
Tumingin ako kay mama,tumango ito senyales na pumapayag. "Sige halika na."
Nang makarating kami sa bahay ay may mga nakahandang pagkain sa mesa.Naroon din ang ibang kasamahan namin sa trabaho.Nagtulong-tulong daw sila para sa munting salo-salo.Nagpancit sila,may tinapay at juice,may kanin at adobong manok.Simple lang iyon pero nakakataba ng puso.
"Maraming salamat po sa inyo"maluhaluha kong sabi.
"Walang anu man iyon.Tiyaka maliit na bagay lang ito.Proud kami sayo"Sabi ni Aling Beth.
"Ohh siya!sige na,kain na tayo"anyaya ni mama.Akmang uupo na kami ng magsalita si Wesley.
"Teka lang po.Mayroon din po akong dala,kukunin ko po sa kotse"sabi nito at nagmamadaling umalis.
Nagkatinginan kaming lahat sa gulat.Hindi pa man humuhupa ang gulat namin ay bumalik na ito dala dala ang dalawang topperware.Inilapag niya ito sa mesa.Spaghetti at mango float ang dala nitong pagkain.
"señorito salamat"sabay sabay na sabi nila.Ngiti lang ang isinukli ni Wesley.
"Salamat ng madami"tanging sabi ko.
Nagdasala muna kami bago nagsikainan.Masaya ang munting salo salo namin.Naroon lahat ng taong malapit sa puso ko.Wala na akong hihilingin pa.Kahit wala si inay napapalibutan naman ako ng mabubuti at mapagmahal na mga tao.
Nang matapos ang kainan namin ay inaya ako ni Wesley sa garden,mag-uusap daw kami.
"Wesley,maraming salamat talaga.Sobrang salamat"sabi ko ng nakaupo kami sa bermuda grass
"Hey!kanina mo pa 'yan sinasabi.Nakakarindi na"
Ngumuso ako sa itinuran niya."marami kasi akong dapat ipagpasalamat sayo"
Umakbay siya sa akin"you know why I'm doing this"
Yumakap ako sa bewang niya at tumitig sa kaniyang mga mesteryosong mata"i love you"malambing na sabi ko.
Kinurot niya ang magkabilang pisnge ko."mas maganda kong iyan ang sasabihin mo.It's good to hear"
"I love you"ulit ko.
Napapikit ako ng bigyan niya ako ng halik sa noo"And I love you more"
Bigla siyang tumigil na parang may naalala.
"Wait"sabi niya at kinapa ang bulsa niya sa pantalon,tila may hinahanap.
"Bakit?"nagtatakang tanong ko.Bumaling siya sa akin na may ngiti.
"Here,for you.My graduation gift"inilahad niya sa akin ang hindi kalakihang velvet box.Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"A-ano ito?"naguguluhang tanong ko.Kinuha naman niya ang kamay ko at inilagay doon ang velvet box."graduation gift ko for you"
"Wesley hindi ko ito matatanggap.Sobra sobra na ito"sabi niya.
"Love,please"nagsusumamo niyang sabi.
Ayoko sanang tanggapin ito kaso baka magtampo.Ang hirap pa naman suyuin ng lalaking ito.
Tumango ako"okay.Fine.Thank you so much"
Napangiti siya sa akin,nawala ang pangamba sa mesteryosong itim na mata niya.Napalitan iyon ng saya,nagnining pa."Open it love"
Sinunod ko naman ang utos niya.Dahan-dahan kong binuksan ang box."wow!"naiiyak na sabi ko ng makita ang kulay gintong kwentas na may pendant na W♡C sa tabi nito ay kulay ginto ding bracelet na may W♡C ring pendant.
Napayakap ako sa kaniya dahil sa tuwa."Nakakainis ka alam mo ba 'yun.Lalo tuloy akong nahuhulog sayo"Mahina siyang tumawa ng marinig ang sinabi ko.
Kumawala ako sa yakap niya"anong nakakatawa?"umiling siya.
"Akin na,isusuot ko sayo"kinuha niya ang kwentas saka isinuot iyon sa akin,sinunod niya ang bracelet.
Kapagkuwan ay tinignan niya ang kabuuan ko."They're perfect.You look stunning sweetheart"
Bumilis ang t***k ng puso ko at nag-init ang aking pisnge sa sinabi niya.Pinalibot niya ang kaniyang braso sa aking bewang saka dahan dahang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.
At bago pa ako makapagreact naglapat na ang aming labi.Masuyo at puno ng pag-iingat niya akong hinalikan,buong puso ko iyong tinugun.
"I love you so damn much"kapagkuwan ay sabi niya ng maghiwalay ang aming labi.
Ngumiti ako ng matamis."And I love you more"