"Ohh!bakit gulat ka?"si mama nagtatakang nakatingin sa akin.Sasagutin ko na sana siya ng bigla ulit siyang nagsalita.
Tumaas ang isang kitay niya"ohh,ano iyang nasalikod mo?"bahagya pa siyang sumusilip silip sa likod ko.
Dahan-dahan kong inilabas ang dress.Nanginginig ang mga kamay.Kinakabahan dahil baka magalit si mama,sigurado akong magtataka ito kung kanino itong dress.Sana lang gumana ang palusot na aking naiisip.
"Wow!'nak ang ganda naman niyan!"namamanghang sabi nito.Nakaawang ang mga labi at nanlaki ang mga mata.Nakangiti akong tumango-tango.
"Kanino ba iyan?Saan galing?"ang namamanghang tingin nito ay napalitan ng pagtataka.
Napalunok ako sa kaba."Auhmm...sa kaklase ko po ito.Pinahiram sa akin dahil mayroon na daw siyang nabili na mas maganda pa kesa dito"kinagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa kasinungalingang sinabi ko.White lies lang iyon!
Hindi naman kasi pwedeng sabihin na galing iyon kay Wesley.Baka kagalitan pa ako.Hindi naman siguro ganun kasama ang sinabi ko.Patawarin nawa ako!
"Ang bait naman pala ng kaklase mo.Sukat mo nga 'nak"excited nitong sabi.
Napasimangot ako sa sinabi niya"Ma,hindi pa ako naliligo kagigising ko lang e"reklamo ko.
Tumaas ang isang kilay niya"Ano naman?Hala sige na isukat mo at ng makita ko.Dali na!"pamimilit niya.Ng hindi ako kumilos ay bahagya ako nitong itinulak papasok ulit sa kwarto.
Wala akong nagawa kundi isukat nalang.Ang kulit kasi ni mama,hindi ako titigilan nun hanggat hindi ako pumapayag.Matapos kong isuot ang damit ay humarap ako sa whole body na salamin na nakapikit mata.Bumilang ako ng tatlo bago dahan-dahang binuksan ang aking mga mata.
Umawang ang labi ko sa pagkamangha.Sakto lang ang damit sa akin,hanggang tuhod ang haba nito.At hapit na hapit sa akin kaya kita ang hubog ng aking katawan.Isa lang ang masasabi ko ang ganda ko!Thank you so much Wesley!
Sa sobrang tuwa ay napatili pa ako.Bigla nalang kinalampag ni mama ang pinto." Caramel okay ka lang ba?Anong nangyari?"may bahid ng pag-aalala sa boses nito.
Nakayuko kong binuksan ng dahan dahan ang pinto.Sa lang ako nag-angat ng tingin nung humarap na ako kay mama.
" 'Nak...Ang ganda!"malakas na sabi niya habang sinusuyod niya ng tingin ang damit.Halos tumili na ito.Ngiti lang ang isinagot ko.
Ilang minuto pa ang dumaan bago ko hinubad ang damit.Tuwang-tuwa si mama dahil sa kaklase ko daw kuno na napakabuti.Salamat daw at may nagpahiram sa akin.
"Nak,nagpasalamat kana ba diyan sa kaklase mo?"tanong nito.
Umiling ako "hindi pa nga po ma.Saka nalang pagnagkita kami"sagot ko habang binabalik ang damit sa paper bag.
Pagkatapos ng pagsusukat ko ay naligo na ako at kumain.Tumungo ako sa mansiyon para masimulan na ang trabaho ko.
Buong araw ay ganado kong ginawa ang trabaho ko.Masyado akong masaya sa araw na ito kaya hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko.
Hanggang sa mga sumunod na araw ay hindi natanggal ang masaya kong ngiti sa labi.Nagpapasalamat din akong umalis sa ibang bansa sina senyora at ang asawa nito para sa business meeting.Dahil doon hindi nagtagpo ang landas namin ni senyora at malayang nakakagalaw ang mga katulong.Nakakatawa nga e.Dahil nung araw na umalis ang mga amo namin ay nagparty ang mga ito.Nagsiligo sa pool at naghanda ng mga pagkain.
"Hayy!salamat nakakarelax"
"Sa wakas nakagpahinga na rin!"
"Relaxing!"
Samut saring aniya ng mga ito habang nakababad sa swimming pool.Nasanag na ako sa kanila.Tuwing umaalis kasi ang mga amo namin ay ganito ang ginagawa nila.Ayaw man sana naming pumayag ni mama na sumama sa mga ito,wala kaming magawa.Ang kukulit kasi at mapilit.Aniya kasi ng mga ito'pambawi ito sa pagsusungit at pagpapagalit sa kanila ni senyora'.
Buong gabi nagsaya sa mansiyon.Kaya kinabukasan magtatanghali na nang gumising ang lahat.Pasalamat wala si senyora at araw ng linggo ngayon,karamihan sa mga katulong ay araw ng pamamahinga ngayon.
Nagamadali akong kumilos ng may maalala sa araw na ito.Siguradong naghihintay na siya sa akin,Kanina pa.Bakit ba kasi nagpaabot ako ng madaling araw,iyan tuloy tinanghali ako ng gising.
Ng matapos akong mag-ayos sa sarili.Ay umalis na ako,hindi na nagpaalam kay mama nag-iwan nalang ako ng note na nagsasabing umalis ako sandali at babalik din kaagad.Nilakad ko lang ang pupuntahan ko hindi naman kasi kalayuan mula sa mansiyon.
Malayo layo pa ako ay natanaw ko na siya.Nakatayo at mukhang may hinihintay Nakakunot ang noo nito.Naiinis na.Natawa ako magsusungit na naman ito dahil matagal akong dumating.Ayaw pa naman nitong pinaghihintay siya.Minsan na din akong nalate ng dating at grabeng pagsusungit ang natanggap ko.
Mas binilisan ko pa ang lakad ko para makarating agad sa kaniya.Agad akong tumikhim ng makalpit na sa kaniya para maagaw ang atensiyon niya.Ng makita niya ako ay umirap siya.
"Diba sabi ko huwag mo akong paghintayin"masungit na aniya.
Ngumiti ako sa kaniya"Markie pasensiya na.Late na akong nagising"
Nagtaas siya ng kilay"Kasalanan ko?"
"Hindi"umirap lang siya sa naging sagot ko.
"Wala siyang pinabibigay"kapagkuwan ay sabi nito,masungit pa rin.
"Bakit wala?"Nakapamewang na sabi ko.
"Malay ko"maikling sagot.
"Bakit Malay mo?"
Sinamaan niya ako ng tingin.Mahina akong natawa dahil sa inasta niya.Ayaw kasi nito ng maingay at matanong.Mabuti nga at natitiis at nagtitiyaga ito sa akin.
"Caramel,hindi ko alam kung bakit wala siyang binigay.Nagkita naman kami nung isang araw at alam naman na niyang uuwi ako at wala siyang binigay sa akin"pahayag nito.
Biglang nawala ang sigla ko.Unti-unting napalitan ng pinaghalong lungkot at inis.Bakit naman ganun?Kahit kailan naman hindi na delay ang pagbibig nito ng sulat sa akin.Ngayon palang.May namumuong idea sa aking isipan pero pilit kong winawaksi iyon dahil hindi iyon maganda....Hindi ako dapat pumunta sa isiping iyon...Mali!...Busy lang siya!
"Huwag ka ngang malungkot lalo kang pumapanget"komento nito.
Pinukol ko siya ng masamang tingin.Akala ko naman papagaanin niya ang loob ko,mali pala,dadagdagan niya lang pala ng inis.
Bigla itong sumeryoso "seryoso huwag kang malungkot busy lang ang isang iyon ngayon"
Walang gana kung binigay ang sulat ko"ohh pakibigay sa kaniya.Salamat"
Kinuha niya iyon mula sa kamay ko at walang ano ano'y hinila ako paalis.
"Ano ba! Bitawan mo ako!"pilit kong binawi ang kamay ko.
"Jesus!Shut up!"madiin niyang sabi.
"Anong shut up?Huwag mo akong ma shut up shut up!Bitawan mo ako!"naiinis na ako.
Hindi na niya ako sinagot sa halip ay mas naging mabilis ang naging hakbang niya hanggang sa tumugil kami sa harap ng isang sorbetero.
"Isang"lumingon siya sa akin "anong flavor?"masungit na tanong niya sa akin.
"Chocolate"walang gana kung sagot.
"Isang chocolate ho"sabi niya dun sa nagtitinda.
Walang imik niyang binigay ang ice cream sa akin.Saka hinila ako papunta sa upuan.Walang imik kaming umupo.
Kapagkuwan ay binasag nito ang katahimikan"okay na?"
"Huh?"nagtatakang tumingin ako sa kaniya.
"Huwag ka nang malungkot baka mapatay ako"naiinis nitong aniya.
Mapatay?Sino naman?
Nakakamatay ba ang kalungkutan ko?
Tatanongin ko na sana siya kaso naunahan niya akong magsalita"Don't ask"bahagya pa siyang umirap.
Umawang ang labi ko sa gulat dahil sa inakto niya.May sayad ata itong lalaki.Ewan ko sa kaniya,minsan talaga hindi ko siya magets pareho kay Wesley.Magkaibigan nga sila!
Ng maubos ko na ang ice cream ay walang paalam itong umalis.Palagi itong ganun sa akin basta basta nalang aalis ng hindi nagpapaalam.Nasanay nalang ako.
Wala ako sa mood ng umuwi,dumeritso kaagad ako sa bahay at nagkulong sa kwarto.Para akong tinakasan ng lakas ng loob sa isiping wala siyang liham na ibinigay.Nakakapanibago lang kasi kahit busy ito hindi niya ako nalilimutang sulatan ng liham dahil alam niyang ito lang ang tanging komunikasyon namin,wala naman kasi akong cellphone.Liham lang ang nag-uugnay sa amin habanng magkalayo kami.Tapos ano! Wala siyang sulat! Kainis!
Kung magiging busy man siya dapat sinabi niya sa naunang sulat para hindi na ako umasa...Naexcite pa akong kuhanin 'yun kay Markie tapo wala pala...umasa lang ako sa wala!
Parang na drain lahat ng sayang nadarama ko.Malayo na nga kami sa isa't isa ,wala pa siyang sulat na bigay.Parang napupunit ang puso ko sa sakit.Kahit pa pinipilit kong isipin na buys lang siya dapat intindihin ko iyon wala pa rin e.Nasasaktan pa rin ako!
Pinahid ko ang mga luhang hindi ko namamalayang tumulo pala.Nakakainis 'yung ganito ako...Liham lang naman yun e...sulat lang bakit iniiyakan ko.Parang ang sensitive ko bigla hindi naman ako ganito.Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok dahil sa inis.
Iniyak ko lahat ng inis at frustration ko...Hinayaan kong dumaloy ng walang humapay ang aking mga luha dahil alam ko na ang kapalit ng nito'y kaginhawaan...luluha pero magiging okay...Iiyak kapalit nito'y bawas sa inis at sakit na nararamdaman.
Hindi naman masama ang pag-iyak dahil sumisimbulo ito sa pagmamahal.Umiiyak ka dahil masakit...Nasasaktan ka dahil nagmamahal ka...At kapag nagmahal ka kaakibat nun ay hapdi at sakit pero kapag nalampasan mo iyon kapalit naman nun ang walang katapusang kasiyahan.
Ilang minuto akong umiyak dahil sa nakakainis na liham.Bumuntong hininga ako bago nagtungo sa banyo para maghilamos baka biglang umuwi si mama malalaman pa nitong umiyak ako.Wala akong balak pumasok sa trabaho tutal linggo naman ngayon bahala na sila.Wala din naman ang mga amo namin.Wala ako sa mood para gumawa ng kahit na anong gawain.
Matapos kung ayusin ang aking sarili ay lumabas ako ng bahay.Kailangan kong makalanghap ng preskong hangin baka sakaling mabawasan niyon ang bigat na nararamdaman ko.Maglalakad lakad lang muna ako.
Hindi ko namalayang nasa may sapa na pala ako.Masyado akong nawawala sa sarili.Ano ba ito?
Malungkot kong tinanaw ang sapa hanggang sa dumapo ang tingin ko sa mga nagtataasang damo.Maliit na ngiti ang kunawala sa aking labi.Ang taas na nila at mas dumarami pa sila.Baliw ba naman ang nagtanim ng d**o!
Lumakad ako palapit doon,yumukod ako ng bahagya at hinawi ang iilang dahon na tumatabing.Napangiti ako ng makita ang ninanais ko.Ang bato kung saan nakaukit ang aming mga pangalan.Dinampot ko ang bato na may pangalan niya.
"Ikaw nakakainis ka alam mo ba!Bakit wala kang sulat na ipinadala?"pagkausap ko sa bato na para namang sasagot iyon sa akin.
"Ang sarap mong kurutin ng pino!Sana sinabi mo!sana nag-abiso ko na wala kang sulat na ipapadala dahil na busy ka!"dinuro duro ko pa ang bato.
Kung mag makakita lang sa akin baka akalaing baliw ako,bato ba naman ang kausapin ko.Talagang mababaliw na ako sa inis!
Nang gigil ako sa inis ang sarap iuntog ng bato na ito.Pero wala naman itong magagawa kahit pa iuntog ko ito ng ilang beses wala itong magagawa dahil pangalan lang naman ng binata ang naroon.
Pagkatapos kung mag-emote doon sa sapa.Bumalik ako sa mansiyon,mali yata ang naiisip kong huwag magtrabaho.Wala akong gagawin kundi ang magmukmuk at ayaw ko nun.Nakakabaliw lang iyon!Mas lalo lang madadagdagan ang inis ko kapag tumunganga ako.Kaya naman ang suot ang masiglang ngiti sa labi ko ay nagtrabaho ako.Nakangiti kong ginawa ang trabaho ko kahit pa sasabog na ako sa pinaghalong inis at sakit.Magaling naman akong umarte,ayokong malaman nila na umiyak ako dahil tiyak na hindi ako makakapagsinungaling lalo na kung si mama ang magtanong.Kaya mabuti nalang na magpanggap akong masaya at masigla.
Inabala ko ang aking sarili sa pagtratrabaho para maiwasan kong isipin siya.Paminsan minsan natutulala ako pero pilit kong binabalik ang aking sarili sa reylidad.
Humanda talaga ang lalaking ito kapag umuwi siya!
Wala palang sulat huh!
Humanda ka talaga sa akin!
Bayaran mo ang luhang ibinuhos ko!
Wala ng libre uyy!