Masaya ang maikling bakasyon ko kasama sina Señorito,Kiel,Nova,Natasha at Enze.Ang saya nilang kasama,palagi silang go with the flow at magaan sa loob kahit sa maiksing panahon ko lang sila nakilala, komportable na agad ako. Idagdag pa ang magandang tanawin at ang sariwang hangin na nagbibigay sarap sa pakiramdam.Andaming fun activities ang ginawa namin nagsnorkeling,nagjet ski,nagdiving, nagboating din kami at kung ano ano pa.Umakyat din kami sa bundok malapit sa dagat at doon kitang kita ang paglubog ng araw,isa lang ang masasabi ko it was magical!
Ang kulay kahel na langit sabayan pa ng maaalon na dagat at ang malamig na hangin na nanunuot sa aking balat.Talagang nag enjoy ako kasama sila.The birthday celebration was enchanted and magical! Sana nagenjoy din sila kasama ako.
Dalawang araw na mula ng makauwi kami galing bakasyon at dalawang araw na rin kaming hindi nagkikita ni señorito dahil busy ito sa pag-asikaso sa kaniyang mga dokumento para sa paglipat ng paaralan,madami rin itong inaasikaso sa kaniyang paaralan dahil sa nalalapit na graduation.Dalawang taon ang tanda niya sa akin bale grade 10 palang ako at siya ay grade 12 at magkukulehiyo na.Naging abala din ako sa aking pag-aaral dahil may recognition kami tanda na tapos na kami sa junior highschool,kaya ito ako gumagawa ng mga projects at mga takdang aralin dahil malapit nang mag exam kailangan maipasa na ito.Malayo layo pa naman ang pasahan maaga ko lang ginawa para hindi na ako matambakan ng mga gawain dahil alam kong panay bigay ng mga projects at gawain ngayon ang mga guro dahil sa nalalapit na pagtatapos ng klase.Kakauwi ko lang din galing sa skwelahan at agad akong gumawa ng mga takdang aralin ayaw kong masayang ang oras ng walang ginagawa.
"Mamaya ko nalang ipagpapatuloy ito,tutulong muna ako kay mama"pagkausap ko aking sarili,magdidilim na at kailangan ng kuhanin ang mga bedsheets,pillowcase at comforter hindi kasi ito nasama sa paglalaba ni mama noong sabado dahil may bisita daw sa mansion.
Iniwan ko ang mga gawain ko at pumunta sa likod-bahay upang tumulong sa pagkuha ng mga nilabhan na sinampay,dadalhin pa iyon sa bahay para tupiin muna bago ibalik sa mansion.
"Ma!tulungan ko na po kayo"tawag pansin ko dito at kinuha ang isang basket,abala na ito sa pagkuha ng mga sinampay kasama nito si Manang Flor isa rin sa mga katulong sa mansion.
"Ako na ito anak.Hindi ba't may ginagawa ka pang assignment?"malumanay na sabi nito.
"Mayroon nga po pero tutulong muna ako sa inyo bago ko tapusin iyon"paliwanag ko at nagsimula ng kuhanin ang mga sinampay.
"Naku!Caramel tapusin mo na ang assignment mo ako na ang tutulong dito sa mama mo"biglang singit ni Aling Flor sabay kuha nung basket sa akin.Aangal pa sana ako ng bigla ulit nagsalita si Aling Flor.
"Caramel sige na mag-assignment ka nalang.Pagbutihin mo ang pag-aaral mo huh, dahil kapag nagkataon ikaw palang ang kauna-unahang katulong na makakapagtapos"mahabang dagdag nito.
"Sige na, anak kami na bahala dito"pagkumbinse pa ni mama.
Tumango ako at lumakad na pabalik sa bahay.Wala naman akong magagawa doon.Tatapusin ko nalang ang mga takdang aralin ko.
Ngunit laking gulat ko sa bumungad sa akin pagkapasok ko sa bahay namin.Si señorito na naggugupit ng mga colored paper at nakangiti pa ito...natutuwa sa ginagawa niya.
"Señorito! Bakit mo pinapakialaman iyan!"pag-agaw ko sa atensiyon niya.
Hindi naman ako nabigo dahil gulat itong tumingin sa akin at dali daling binitawan ang gunting at ang colored paper.
"Oh! your there.I'm sorry ginalaw ko gamit mo"mahinahong saad niya.
Lumakad ako palapit sa kaniya para tignan kung ano ang ginawa niya sa colored paper ko.Nang makalapit na ako namamangha akong tumingin sa mga bulaklak na gawa sa colored paper nasa ibabaw ng lamesa.
Ito ang ginawa niya?
Amp!Ang ganda ng pakakagawa niya kumpara sa gawa ko.Nakakainggit!
Saan siya natutu nito?
"Ikaw ang gumawa nito?"nagtatakang tanong ko habang tinitignan isa isa ang mga paper flower na gawa niya.
Ang linis ng pagkakagupit niya sa papel samantalang ako may baliko ang gupit.Andaya!
"Yes.Why?"kunot noo niyang tanong pabalik sa akin.
"Wala"maikling sagot ko.
Talaga bang siya ang may gawa nito? Parang impossible!
"Don't you like it?"nag-aalangan na tanong niya.
"Hindi ahh! Ang ganda kaya nito"nakangiting sabi ko sabay pakita sa mga gawa niya.
"Saan ka natutong gumawa nito?"nagtatakang tanong ko.
Ngumit siya sa akin sabay pakita ng cellphone niya sa akin, lumitaw roon ang video ng tutorial.
"YouTube?Sa YouTube ka natuto nito?"tanong ko.
Iyon kasi ang nakita ko sa screen ng cellphone naroon pa ang video na panigurado akong pinanood niya para magaya.
Wow fast learner!
"Uhuh!"anas nito sabay tango.
"The moment I saw that paper in your table I'd remember that your making it a flower.So in order to help you I search it on how to make a paper flower on YouTube then I watch it . I'm willing to learn just to help you because I know you have a lot of things to do"pag-explain nito sa malamyos na boses.
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya,iniwas ko rin ang tingin ko.Ang mga sinabi niya ay tumagos sa loob at mainit na hinaplos ang puso ko.Natouch ako sa sinabi niya at sa effort na ginawa niya.Ramdam ko rin ang kung ano sa aking tiyan...Hayun na naman ang tila mga paru-parung nagliliparan.Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang ngiting nais kumawala sa aking labi.
Nakakakilig!
Kilig?
Kilig?
Kilig?
No!Hindi pwede!
Biglang tumibok ng malakas ang puso ko sa isiping iyon.Tila gusto nitong tumalon palabas sa ribcage.
Hindi pwede!
Pinilig ko ang aking ulo upang paalisin ang isiping iyon.Hindi ako kinilig!...wala iyon!...wala!
Sumeryoso ako at umupo sa katapat na upuan ni señorito.Pilit na pinapakalma ko ang aking puso.
"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?Hindi ba't marami kang gingawa?Natapos mo na ba?Hindi ka na ba busy?"sunod sunod kong tanong sa kaniya para lang ipakita na hindi ako naapektuhan sa sinabi niya.
Kinuha ako ang gunting ang nagsimulang gumawa ng nga paper flower na gagawin kong pang design para sa project ko.Tumawa muna siya bago ako sinagot.
"First of all kaya ako narito dahil wala na akong gagawin at tama ka tapos na ako,hindi na rin ako busy at higit sa lahat..."pabitin na sabi niya.
Tumaas ang isang kilay ko dahil sa pambibitin niya.
"Ano?"ta as kilay kong tanong.
"Higit sa lahat na miss kita bestie"malambing na sabi niya.
Napakunot ang noo ko sa itinawag niya sa akin.Anong nakain nito at ganun ang itinawag niya sa akin?
Bestie?! Bago 'yun ah!
"Bakla ka ba?"wala sa sariling tanong ko.
Nanlaki ang mga mata nitong tumingin sa akin marahil nagulat sa aking katanungan.Nangunot ang noo nito,nakangiwi tila nandidiri.
"What the hell!No!"malakas na sabi niya.
"Where did you get those disgusting idea?"naiinis na tanong nito sa akin sinabayan niya pa iyon ng seryosong tingin.
Lumunok ako bago sinagot ang katanungan niya.
"A-ano k-kasi...Ahmm tinawag mo akong bestie "medyo nauutal na sabi ko.
"Dahil lang dun tinawag mo na akong bakla!Really?!"hindi makapaniwalang saad niya.
"Yes,it sounds like gay"
"If I just know I shouldn't have called you bestie"nagsising saad niya sabay iiling iling.
Pagkatapos ng sinabi niya wala ng nagsalita sa amin,nagfucos nalang ako sa aking ginagawa.Katahimikan ang bumalot sa amin tanging paghinga namin at ang tunog ng gunting ang maririnig.Binalingan ko siya ng tingin tulala ito at tila malalim ang iniisip.Pakiramdam ko nadisappoint ko siya.Maaaring galit ito sa akin.Kasalanan ko naman talaga tinawag ko ba naman siyang bakla samantalang kilala ko naman na ito.
"Señorito?"tawag pansin ko sa kaniya,iniwas niya lang ang tingin sa akin.
Galit nga!
"Señorito?"tawag ko uli sabay kalabit dito,pero hindi ako nito tinignan.
Ilang beses ko pa itong tinawag pero waepic talaga,hindi niya ako pinapansin.Sinubukan kong iwagayway ang kamay ko sa harap niya para pansinin niya ako kaso tumalikod lang ito sa akin.Niyugyug ko pa ang balikat nito at paulit ulit na tinawag ang pangalan pero wala man lang itong reaksiyon.Pinilit ko ding iharap ang mukha niya at masamang tingin lang ang ipinukol niya sa akin,binitawan ko nalang din ito baka kasi sapakin ako.
Napabuga nalang ako sa hangin.Ano ang gagawin ko?
Galit talaga siya sa akin!
Bumalik nalang ako sa aking upuan at imbes na magpatuloy sa paggawa ng project ay sinimulan ko nalang iligpit ang aking mga kagamitan,hindi ko na kasi ito magagawa ng maayos kasi nawalan na ako ng gana hindi ko alam kung bakit.
"What are you doing?"nagtatakang tanong nito habang nakatingin sa pagliligpit ko.
Sa wakas pinansin niya ako!
"Nagliligpit?"patanong na sagot ko.
"Why? Are you finish already?"tanong niya uli.
"Hindi pa"simpleng saad ko.
"Then why are your keeping your things?"tanong na naman nito.
"Kasi tinatamad na ako"mahinang sabi ko.Kumunot naman ang noo nito dahil sa itinuran ko.
Nabigla ako ng agawin nito sa akin ang plastic envelope na pinaglalagyan ko sa mga gamit,bigla nalang nito inilabas ang mga colored paper at bond paper mula sa envelope.
"Anong ginagawa mo?Kaliligpit ko lang niyan"reklamo ko.
"We're going to make your project"walang gana nitong saad at nagsimulang maggupit ng colored paper.
Huh?
Natulala ako sa sinabi niya.Gagawin namin ang project?Hindi naba siya galit sa akin?
"Hindi kana galit?"tanong ko sabay kuha ng bond paper at ballpen,nagsimula akong sumulat doon.
"I didn't get mad"
"Weh?e.Bakit di mo ako pinansin kanina"
"Hindi ko lang nagustuhan ang sinabi mo"seryosong saad nito.
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.Nagtatampo siya!
"Sorry na señorito"hingi ko ng tawad.
"Apology not accepted"sagot nito agad.Napatingin agad ako sa kaniya.
"At bakit? Sincere naman ako ah."hindi makapaniwalang sambit ko.
"Hindi pa sapat iyon"sagot niya.
Ano!Bakit hindi sapat! Nagsorry na nga ako!
"E. ano ba dapat gawin ko?"kalmado kong tanong kahit na medyo naiinis na ako.Sakto naman ang pagkakasabi ko nun.
Ano pa bang gusto niya?
"Give me a hug"simpleng sabi nito.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.seroyoso? Hug?Tsk.ang daming arte yakap lang naman pala ang gusto niya kung maaga sana niyang sinabi sa akin edi hindi ako nagmukhang tanga kanina sa kakagawa ng kung ano ano mapansin niya lang ako.
Lumapit ako sa kaniya,huminga muna ako ng malalim bago ko siya binigyan ng yakap na agad din naman niyang sinuklian ng yakap.Bumalot sa akin ang mainit niyang bisig at pakiramdam ko nahihirpan akong huminga dahil doon bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko.
Damn! sana hindi niya nararamdaman iyon!
"Apology accepted"bulong nito sa aking tenga.
Mariin akong napakagat sa aking labi upang pigilan ang kiliting naramdaman ko dahil sa mainit na hiningang lumapat sa aking tenga umabot din ito sa aking batok sanhi upang magsitaasan ang aking mga balahibo.
Sandali lang ang itinagal ng yakap dahil kumalas ako kaagad,upang pakalmahin ang aking puso.Ngising ngisi naman s i señorito sa akin,inirapan ko naman siya.
Saya siya? Samantalang ako parang aatakihin na sa puso sa bilis ng t***k nito.Damn!
"Okay na ahh.Apology accepted na"seryosong sabi ko.
Malapad ang ngiting tumango ito.
"Come on let's make your projects.I'll be the one making flowers"nakangiting saad nito at excited na kinuha ang colored paper at gunting.
Seryoso talaga siyang tutulungan ako!
Umupo nalang din ako at nagsimulang magtrabaho.Ako ang tagasulat at taga dikit ng mga larawan sa bond paper samantalang siya naman ang taga gawa ng paper flower,idinidikit niya ang mga iyon sa bawat gilid ng bond paper may ginawa din siyang paper leaf na idinidikit niya sa gilad ng bawat paper flower.
"Nga pala señorito kailan ang graduation day niyo?"biglang tanong ko.
"Next week.Friday"maikling sagot nito nang hindi man lang ako binalingan ng tingin,abala sa paggupit ng colored paper.
"Anlapit na pala"mahinang sambit ko.
"Saan ka pala magkokolehiyo?"tanong ko ng maalala kong puro public school ang college dito,syempre hindi papayag ang ina nito na doon mag-aral.
Bumuntong hininga ito at tumitig sa akin.Wari'y may gustong ipahiwatig ang kaniyang titig...kumikisalap ang kaniyang mga mata...kumikislap ito sa lungkot.
Bakit?
Kumurap siya at nag-iwas ng tingin,seryoso na ito at wala na ang malungkot na emosyon sa mata niya.Akmang magtatanong ako kung may problema ng naunahan niya akong magsalita.
"Manila.Sa Manila ako magkokolehiyo"malungkot na aniya.
Napatigil ako sa sinabi niya,bigla ay nalungkot ako,ibig sabihin magkakalayo kami.
"Ibig sabihin aalis ka...magkakalayo tayo?"nalulungkot na saad ko.
"Huwag kang malungkot malayo pa naman akong umalis,marami pa tayong oras"malambing na sabi niya.Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon.Oo nga naman next week pa ang graduation day nila marami pang time.
"Tama ka sulitin nalang natin ang mga araw na narito ka pa"pinilit kong maging masigla ang boses ko ng sabihin iyon.
"Yes,susulitin natin ang mga araw na nandito pa ako at kasama pa kita at simulan natin ngayon"masaya nitong saad.
"At oo nga pala may party sa bahay sa Saturday punta ka "dagdag niya.
"Ano?ako pupunta,baka magalit mommy mo"tanggi ko.
Madalas niya akong ayain sa mansion tuwing may okasyon doon pero palagi ko itong tinatanggihan baka kagalitan kasi ako mommy niya kapag nagpunta ako doon.
"No,hindi siya magagalit.Basta pumunta ka aantayin kita"pangungulit nito.
"Hindi ko sure.Tapusin na natin ito gabi na baka hinahanap kana ng mommy mo"saad ko.
Tumango ito,natahimik ulit kami habang tinatapos ang project ko.
Nalulungkot ako sa nalaman ko dapat masaya ako para sa kaniya kasi mag-aaral siya at tutuparin nito ang pangarap niya.Pero bakit malungkot ako?Bakit ganito?Magkikita pa naman siguro kami...uuwi pa naman siya nandito ang magulang niya...nandito pa ako.
Dapat maging masaya ako!....masaya ako para sa kaniya!