CHAPTER 7

2290 Words
Nung nakaraang araw lang ginanap ang recognition day namin tanda na aabante na kami sa susunod na taon ng pasukan.Simpleng handaan lang ang hinanda ni mama at ang kapwa katulong namin ang naroon, pati din si señorito hindi nagpahuli.Ayaw ko sanang maghanda nun kaso si mama mapilit dapat daw maghanda dahil ako daw ang top one sa klase namin. Ngayon naman ay mliwanag ang buong mansion dahil sa party,maririnig din ang tugtugan,tawanan at ingay ng mga taong imbitado sa paparty.Ginaganap ang party para ipagdiwang ang pagtatapos ni señorito sa highschool.Naroon si mama sa mansion,sila kasi ang nakatoka sa kusina pero may caterer din naman. Hindi ako pumunta doon kahit pa sinabi ni señorito na pumunta ako,mahigpit kasi na ipinagbabawal ni Señora ang pumunta at magpakalat-kalat sa mansion ang mga katulong.Tiyak na kakagalitan ako pagnagkataon kaya nanatili nalang ako sa bahay at nakikinig sa ingay,para na din naman akong naroon yun nga lang mag-isa ako at hindi engrande ang lugar na kinaroroonan ko. "There you are!" Napatuwid ako ng upo ng marinig ang baritonong boses. "Wesley?"gulat kong saad Nakangiti ito sa akin hawak hawak nito sa isang kamay ang plato na may laman ng iba't ibang putahe ng pagkain at sa isa naman ay malaking baso na may lamang inumin. "Ano ang ginagawa mo dito?"tanong ko. "Pinuntahan ka"simpleng aniya. "At bakit?"ulit kong tanong. "Pwede mamaya kana magtanong,nangangawit na ako e"reklamo nito. Agad ko naman itong tinulungan,kinuha ko sa kaniya ang plato at inilapag ko iyon sa lamesa sumunod naman ito na inilapag din ang basong hawak nito at naupo sa upuan. "Bakit ka nga nandito?Diba may party ka sa inyo baka hanapin ka ng mga bisita mo"nag-aalalang aniya ko. "First thing to do is kumain muna tayo gutom na ako "nakangusong sabi niya,napakunot ang aking noo sa sinabi niya. "Bakit?Hindi ka pa ba kumakain?"nagtatakang tanong ko. Umiling lamang siya saka tumayo at nagtungo sa kusina sinundan ko lang siya ng tingin.Pagbalik nito may dala itong dalawang kutsara at tinidor,ibinigay niya sa akin ang isang pares ng kutsara at tinidor. "Come on let's eat gutom na ako.Share nalang tayo"malambing na saad nito at sumubo ng pagkain. Nag-aalangang sumubo din ako ng pagkain.Hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako na magkasalo kami ng pagkain sa iisang plato.Madalas naman kaming magkasalo noon nung mga bata pa kami pero syempre iba na ngayon dalaga at binata na kami. Hindi ba ito nandidiri na kasalo niya ako sa iisang plato? Pinilig ko ang aking ulo sa isiping iyon,mukha namang hindi nandidiri si señorito nakasalo niya ako ganado kasi itong kumakain.Umiling iling nalang ako keysa na mag-isip ng kung ano kakain nalang ako. "Bakit hindi ka pa kumain doon?"kapagkuwan ay tanong ko. "Wala akong kasabay"walang ganang sagot nito Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.Anong walang kasabay? Marami naman siyang bisita at mga kaibigan na naroon a.papaanong walang kasabay? "Anong wala! Marami kaya ang bisita mo! Naroon din naman sina Kiel at Enze diba?"medyo may kalakasang boses na sabi ko. Umangat ang tingin nito sa akin at mariin akong tinitigan. "Yes,they are there but believe me mas masarap ka pang kasama keysa sa kanila,lalo na't kasalo pa kita sa pagkain"seryosong saad nito. "H-hindi ka ba nandidiri?"nauutal kong tanong. Kumunot naman ang noo nito sa aking itinanong. "Saan?"balik tanong niya. "Na...Nakasalo ako"nag-aalangang aniya ko. Kunot noo itong umiling,seryoso pa ang tingin nito na parang galit. "No.And what makes you think na mandidiri ako?Simula noong mga bata tayo magkasalo naman na tayo ngayon pa kaya"seryosong sabi niya. "Bakit ikaw ba nandidiri kang kasalo ako?"madiin niyang tanong. Napalunok ako sa tanong niya.Galit ba siya?,tinatanong ko lang naman. "Hindi...kasi kagaya ng sinabi mo simula pa noon magkasalo na tayo"senserong saad ko. Nawala ang pagmakunot ng noo nito ngumisi malapad. "Good"ngising sabi niya Nagpatuloy kami sa pagkain.Halos kunti lang ang kinakain ko kasi naiilang ako kay señorito panay sulyap ito sa akin.Hindi ba niya alam na ang akward? Nabulunan ako dahil minsan ng nagtama ang aming mga mata.Agad niyang inabot ang malaking baso na naglalaman ng inumin inabot ko 'yun agad at uminom. "Be careful.Dahan dahan lang kasi sa pagkain"malambing na saad nito. Dahan dahan lang naman yun.Ikaw kaya ang may kasalanan panay sulyap ka kasi! "Hindi ka pa ba hinahanap sa mansion?"tanong ko para maibsan ang awkwardness na nararamdaman ko. Tumingin naman ito sa relong pambisig bago ako sinagot. "Let's finish this first, then babalik akong mansion"sagot nito at uminom sa malaking baso. Nanlaki ang mata ko nung doon sa bahaging ininuman ko siya uminom. "Bakit?"takang tanong nito ng makita ang reaksiyon ko. Umiling ako at nagpanggap na wala akong nakita. Ramdam ko ang init sa aking pisnge,alam ko kahit di ko nakita namumula iyon. Mabuti nalang ay hindi niya pansin iyon dahil nakatuon ang atensiyon sa pagkain. "By the way tomorrow pasyal tayo"nakangiting pag-aya nito. "Bukas?hmm...sige....Saan? "nag-aalangang sabi ko. Hindi pa ako sigurado kong papayagan ako ni mama. "Sa dati pa din"pagtukoy nito sa pasyalan namin. "Sige,agahan natin para makita ko ang pagtaas ng araw"excited na sabi ko. "Sige.Ahmm... mauna na ako baka hinahanap na ako ni mommy"palaam nito. "Sige,thank you sa pagkain"nakangiting saad ko. "Your always welcome"nakangiting tugon nito. Kiinuha niya ang platong wala ng laman na dala niya kanina pati na malaking baso. "Ako na bahala dito"ngiting aniya,tinanguan ko nalang siya,natawa ako sa sinabi niya. Lumakad na ito palabas natawa pa ako dahil kumaway pa ito bago tuluyang lumabas ng pinto. Kinuha ako ang tinidor at kutsara na naiwan,hinugasan ko iyon bago ibinalik sa lagayan. Ang swerte ko sa kaibigan ko dahil kahit anong okasyon nila sa mansion pupunta at puputahan talaga siya nito na may dalang pagkain na pagsasaluhan nila kahit noong mga bata pa sila ganun na si Wesley sa kaniya,ang akala ko magbabago ito pero nagkamali ako dahil kahit nagbinata at nagdalaga na sila walang nagbago sa binata ganun din naman sa kaniya. Kagaya ng napag-usapan nila kinabukasan ay pumunta sila sa pasyalan nila.Isa iyong sapa malapit sa may puno,iyon ang nagsilbing pasyalan nila.Madalas sila dito noong mga bata pa sila.Ito na ang naging paboritong pasyalan nila dahil sa maganda nitong tanawin tuwing umaga kitang kita kasi dito ang pagtaas ng araw.Hindi lang din ito kalayuan sa mansion kaya malapit lang at pwedeng lakarin. Masayang nagtatampisaw ang binata sa sapa samantalang siya ay nakaupo sa pincnic mat sa may damuhan,may dala din itong basket na naglalaman ng mga pagkain.Gumawa nalang ako ng sandwich para dito. Ng makitang paahon na ang binata ay kaagad na kinuha niya ang tuwalya at ibinagay dito.Habang nagpupunas ang binata ay hindi niya maiwasang mapatitig dito.Dati payatot lang ang tawag niya dito dahil sa payat ito ngayon ay unti unti ng nagkakalaman ang katawan nito.Hindi na siya magtataka kung maraming babae ang nagkakandarapa dito.Hiling niya lang ay sana walang magbago sa kanila. "Caramel may dumi ba sa aking mukha?" Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ang tanong niya.Ganun ba katagal akong nakatitig dito? "Huh?W-wala"utla na sabi niya. Sana lang hindi nito napansin ang pagtitig ko! "Ito para sayo"binigay ko ang sandwich na ginawa ko para sa kaniya. "Thank you"tinanggap nito ang sandwich. Bago ito kumagat ay tumingin naman ito sa kaniya. "Ikaw?"tanong nito. "Hindi na.Ginawa ko talaga iyan para sayo"ngiting sabi ko. "Wow naman!Thank you ah.The best ka talaga"masayang sabi niya sabay kurot sa pisnge ko. "Aray!"daing ko sabay tampal sa kamay niya tumawa lang naman ito at kinain na ang sandwich. Sa buong araw na iyon ay magkasama lang silang dalawa.Masaya silang nagtampisaw sa malinis at malamig na tubig ng sapa,nagsalo sa mga pagkaing dala nila,at nagbiruan.Naghabulan at nagtaguan din sila,natitiyak niyang kung may makakita sa kanila iisipin niyon na isip bata sila.Naglaro din sila ng nanay tatay at do re me tapos pitik sa noo ang parusa ng talo. Halos araw araw namamasyal sila ng binata at nagpupunta sa sapa.Talagang sinusulit nila ang bawat araw na dumadaan,walang araw na hindi sila magkasama,walang makapaghihiwalay sa kanila.Tinatapos muna niya ang trabahuhin at tumutulong sa ina bago pumunta sa binata para makasama ito,minsan naman ang binata ang pumupunta sa kaniya.Ilang araw nalang at aalis na ito tungong Manila kaya naman hindi sila mapaghiwalay at sinusulit ang bawat sandali na kasama nila ang isa't isa.Siguradong mamimiss niya ang kaibigan kapag nasa Manila na ito. Kahapon nagpunta sila sa kaisa isang mall sa bayan nila nanood sila at namasyal,namili din sila ng iilang gamit ni Wesley.May nabili din silang ballpen na pinalalagyan ng pangalan tig one-fifty ang isa ayaw ko sanang bumili nun ang mahal kasi ballpen lang naman yun mauubos lang din ang tenta kaso ang tigas ng ulo ni señorito at namilit na bumili nun kaya wala akong nagawa.Tig-isa kami nun,yung ballpen na nasa akin ang pangalan ni señorito ang nakasulat tapos yung kaniya ang pangalan ko naman ang nakasulat.Pagkatapos namin sa mall pumunta pa kaming park nakipaglaro sa mga bata,nanlibre din ito ng ice cream sa mga bata.Pagkatapos sa park nag-aya pa itong pumunta sa palengke gusto daw nitong makita iyon dahil hindi pa daw siya nakakapunta doon gusto din nitong maglibot doon kaya pumayag nalang ako. Nag pun ta nga kami sa palengke unang pinuntahan namin ang isdaan,namamangha naman itong tumingin doon,sunod ay ang gulayan ang pinuntahan namin,panay tanong naman ito sa kung anong uri at at ano ang pangalan ng gulay ang iba nasagot ko ang iba ay hindi dahil hindi ko naman kilala iyon.Tapos nagpunta kami sa prutasan agad nitong tinungo ang manggahan.Pareho naming paborito ang mangga kaya bumili siya nun,pati orange,apple,pinya,kung ano ano pa.Hinayaan ko nalang siya,sunod ay nag-aya itong pumunta sa malapit na baker gusto saw kadi biting Ku main ng tinapay na pianono.Bumili ito,nagulat ng ako kasi andami nun tapos dalawa lang kami.Tumambay muna kami doon sa bakery para kumain.Pagkatapos ay umuwi na din kami kasi hapon na.Natatawa nga ako dito kasi andami niyang bitbit na cellophane mga anim lahat yung tatalo puro prutas ang laman yung dalawa gulay ang laman at yung isa yung pianonong tinapay.Para etong naglalako. At ngayon ko lang nalaman kung para saan ang mga binili namin kahapon dahil kaya pala bumili siya ng madaming prutas at pianono dahil baon namin ngayon.Andito ulit kami sa may sapa. Nakakalungkot mang aminin pero ngayon na ang huling araw na makakasama ko siya dahil bukas aalis na siya papuntang Manila para maghanda na sa pasukan.Dapat maging masaya ako pero kabaligtaran ang nararamdaman ko...iniisip ko palang na aalis siya nalulungkot na ako paano pa kaya kung umalis na siya bukas. "Hey!"pukaw nito sa akin. "Bakit?"tanong ko. Bumuntong hininga ito bago ginagap ang kamay ko saka tumitig sa aking mata.Tila nahihipnotismo ako sa mga mata niyang kay ganda idagdag pa ang repleksiyon ng sinag ng araw na mas lalong nagbibigay kinang sa kaniyang mata. "Huwag kanang malungkot andito pa naman ako"biro nito,napasimangot ako sa biro niya,tinawanan niya lang naman ang reaksiyon ko. "Huwag ka nang malungkot magkikita pa naman tayo.Tuwing semestral break uuwi naman ako dito,magkakasama uli tayo"malambing na aniya. "Ang mabuti pa sulitin nalang natin ang araw na ito.Maging masaya tayo na kasama natin ang isa't isa.Pwede na iyon?"malambing saad niya at bahagya pang pinsil ang aking palad. Tumango tango ako bilang sagot.Tama siya dapat hindi ako malungkot dapat maging masaya ako para hindi siya mag-alala pag-alis niya. Bumalik kami sa pagtatampisaw sa sapa.Nagsabuyan kami ng tubig sa isa't isa,at kagaya ng dati naghabulan kami ng mapagod ay umupo kami sa ilalim ng puno upang magpahinga sandali at kumain. Abala na ako sa pagkain ng mapansing nawala si señorito sa aking tabi.Luminga linga ako sa paligid upang hanapin siya ngunit hindi ko talaga siya makita.Tatayo na sana ako para hanapin siya ng bigla nalang itong lumitaw sa aking harapan. "Ako ba hanap mo?"nakangising sabi nito na may hawak pang d**o. Aanhin naman niya iyon? "Saan ka ba nanggaling?Aanhin mo ang d**o na iyan?"sunod sunod kong tanong. "Kumuha ako ng d**o na ito"simpleng aniya saka winagayway pa ang d**o. "Aanhin mo nga iyan?ano ba ang paggagamitan mo diyan?"sunod sunod na tanong ko.Nagtataka kasi ako kung para saan ang d**o. "Halika.Watch and learn"nakangising saad nito sabay kindat. Lumakad ito papalayo naguguluhan man ay sumunod ako sa kaniya.Tumigil siya di kalayuan sa sapa kaya napatigil din ako.Umupo siya at nasimulang maghukay saka ko lang narealize kung ano ang gagawin niya sa d**o. "Seryoso ka itatanim mo yung d**o e. kusa nalang naman silang tumutubo a."hindi makapaniwalang saad niya. Hindi ako nito sinagot bagkus ay ipinagapatuloy lang nito ang ginagawa niya,nang matapos sa pagtatanim ay tumayo ito at may dinukot na kung ano sa bulsa. Mas lalo akong nagulat ng makita ang mga bagay na dinukot niya sa bulsa ng shorts niya. "Aanhin mo iyang pako at mga bato?"naguguluhang tanong ko. Ngumisi ng ito sa akin at ibinigay ang isang bato at pako sa akin.Magtatanong nasana muli ako ngunit naunahan niya akong magsalita. "Carve your name in that stone"utos niya. Naguguluhan man ay sinunod ko siya gamit ang pako bilang pangsulat ay inukit ko ang aking pangalan sa bato,ganun din ang ginawa niya pagkatapos ay ibinigay ko iyon sa kaniya.Inilagay niya iyon sa gilid ng d**o na itinanim niya pinalibutan niya rin iyon ng maraming bato na hindi ko alam kung saa niya nakuha. "Whenever you miss me,pumunta ka dito and just look at our names which have been carve on the stone it will felt like I'm with you"seryoso nitong saad. Tumango ako sa sinabi niya. "Aalagaan ko ito.pangako"sabi ko sabay taas ng kamay ko. Inilapat niya naman ang palad niya sa akin.Parang nag aper lang kami. "Pangako yan a."naniniguradong aniya,tumango ako bilang tugon. "Pangako.Ikaw din pangako mo uuwi every semestral break"sabi ko Ngumiti siya ng pagkatamis tamis at pinagsiklop ang nga palad namin. "Pangako uuwi ako"nakangiting saad nito at mas hinigpitan pa ang kapit sa kaniyang kamay. Tila walang makakasira pangako nilang iyon.Kahit ano man ang mangyari panghahawakan niya ang pangakong iyon... Ang pangakong babalik siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD