CHAPTER 8

2261 Words
"Bukas na pala ang alis ko "malungkot niyang aniya. "Okay lang yan babalik ka naman e"nagiting aniya ko para maibsan ang lungkot niya. Nakangiti nga ako pero nalulungkot naman ang aking puso! Nakaupo kami sa ilalim ng puno pinagmamasdan ang sapa. "I will surely miss you"bulong niya. "Ako din naman mamimiss kita señorito....huwag mong kakalimutang magpadala ng sulat"sabi ko. Wala naman kasi akong telepono kaya sulat nalang mayroon pa naman at pwede pa. "Oo naman hindi ko makakalimutan" "Nga pala señorito may hihingin sana akong pabor sayo"kagat labi kong saad. Nangunot naman ang kaniyang noo sa sinabi ko. "Hmm...sige ano yun?"nagtatakang aniya. "Pwede bang huwag mo na akong hanapin bukas sa pag-alis mo.Ayokong makita kang aalis"malungkot na aniya ko. "Pero- Pinutol ko ang sasabihin niya. "Please senorito,ayokong makitang aalis ka maiiyak lang ako"malungkot na tinig ang lumabas sa aking bibig ang sabihin ko iyon,hindi ko na napigilan. Napabuntong hininga ito.Tumitig siya sa akin at ginagap ang aking kamay. "Kung ganoon ngayon na pala tayo dapat magpapaalam sa isa't isa"mahinang boses na saad niya. Mahina akong tumango tango sa kaniya bilang pagsang-ayon.Humugot siya ng malalim na hininga at mas hinigpitan pa ang hawak sa aking kamay. "Mag-iingat ka palagi...huwag pababayaan ang sarili...huwag masyadong magpagod...at higit sa lahat mamimiss kita"malambing na sabi niya, ngunit sa likod niyon nagtatago ang lungkot na pilit niyang nilalabanan Naiiyak ako pero pinipigil ko. "Pang ilan mo na iyang mamimiss kita"natatawang saad ko pero nagbabadya na ang luha sa aking mata. Marahan niyang hinawakan ang aking mukha at iginiya paharap sa kaniya upang mas matitigan niya ako ng maiigi.Hinuli niya rin ang aking mga mata at doon mariing tumitig. Biglang kumalabog ng malakas ang aking dibdib,tila gusto nitong kumawala sa ribcage.Libo libong kuryente din ang dumaloy sa akin. "Kahit ilang beses ko iyong sabihin hindi ako magsasawa kasi iyon ang totoo.Mamimiss kita"seryoso niyang saad habang nagkakatitigan kami. Mas lalong kumalabog ng malakas ang aking dibdib.Sa wari ko ay triple na iyon sa normal na beat at ang libo libong kuryenteng naramdaman ko kanina ay tila nadagdagan para ako nitong kinikiliti sa tiyan. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko umaasang maiibsan ang kaba ko.Humawak rin ako sa mukha niya pinagkatitigan siya ng maiigi.Sinaulo ko ang bawat anggulo ng mukha niya dahil matagal pa bago ko siya makita ulit. "I-ikaw din mag-iingat ka doon...kumain sa tamang oras...huwag umalis ng bahay kapag gabi na tiyaka yung sulat huwag kalimutan ang sulat"mahabang habilin ko sa kaniya sabay bitaw sa mukha niya. Hindi ko na kaya naiiyak ako ! Niyuko ko ang aking ulo upang hindi niya makita ang aking luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.Kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pigilan ang pag-iyak pero huli na dahil nagsiunahan na sa pagdaosdos ang traydor kong luha.Hindi ko rin napigilan ang pagyugyug ng aking mga balikat. Naramdaman ko nalang na niyakap na niya ako.Binalot niya sa akin ang mainit niyang bisig kaya mas lalo akong naiiyak.Ayoko mang umiyak pero hindi ko talaga mapigilan.Panay naman ang bulong niya sa akin para patahanin ako. Kinabukasan ay maaga akong tumungo sa sapa,sinadya kong pumunta ng maaga sa roon upang hindi ko makita ang paglisan ni señorito.Baka maiyak ako at baka kung ano pa ang sabihin ng mommy nito. Hihintayin ko lang na makaalis na si señorito at babalik lang ako sa mansion kung sigurado na talaga akong wala na siya roon at nakalayo na. Halos tatlong oras na akong naroon at pinagmamasadan ang damong tinanim niya,nabuhay ito at sa tabi nito sa naroon ang bato kung saan nakaukit ang pangalan naming dalawa na magkatabi. Mabuti pa ang mga pangalan namin sa bato magkadikit at hindi magwawalay! Walang humpay sa pagtulo ang aking luha.Kaya nga ayaw ko siyang makitang umalis para hindi ako umiyak pero ito ako umiiyak. Pinigilan ko naman talagang huwag umiyak kaso traydor ang aking mga luha nagsiunahan sa pagbagsak. Iniisip ko palang na aalis na siya naiiyak na ako.Ngayon pa na aalis na talaga siya. Nalulungkot lang talaga ako sa pag-alis niya dahil sanay ako na palagi ko siyang kasama...at palagi siyang nasa tabi ko. Umiyak lang ako ng umiyak doon hanggang sa ang mga mata ko na ang napagod at tumugil.Pinatuyo ko muna ang aking luha bago napagpasyahang umuwi na dahil tiyak naman na nakaalis na si señorito. "Ohh anak saan ka ba nanggaling?"bungad sa akin ni mama. "Doon lang po sa may sapa"walang ganang sagot ko. "Yun na man pala.Hindi mo tuloy nakitang umalis si Wesley"nanghihinayang na sambit nito. Napabuntong hininga ako bago umupo sa tabi ni mama. "Sinadya ko po talagang hindi makita ang pag-alis niya"malungkot na saad ko. "Huh?bakit naman?edi hindi kayo nakapagpaalam sa isa't isa"may pagtataka na sabi ni mama. "Tapos na po,kahapon pa kami nagpaalam"tinig nalulungkot kong saad. Napatingin ako kay mama ng malakas itong bumuntong hininga. "Anak,alam kong nalulungkot ka sa paglisan ni Wesley.Pero alam mo 'nak para sa akin mas mabuti na iyong nagkawalay kayo kasi kahit papaano nagkaroon kayo ng distansiya kasi hindi na kayo mga bata at alam mo naman 'nak kung paano mag-isip ang ibang tao kaya mas mabuti na iyong nagkawalay kayo kahit saglit lang,kaya huwag ka nang malungkot magkikita pa naman kayo "mahabang saad niya sa akin. Tumango tango ako sa sabi niya. "Nga pala 'nak bili tayo ng bago mong gamit medyo matagal tagal na rin mula nung binilhan kita"dagdag pa nito. Nagulat ako sa sinabi niya.Matagal na rin akong hindi nagkakaroon ng bagong gamit.Bigla tuloy akong nabuhayan kahit papaano. "Talaga ma?"excited na sabi ko. Tumango tango naman si mama.Napayakap ako sa kaniya dahil sa saya. "Naku!ikaw talaga para kang si inay mo,namiss ko tuloy siya"naiiyak na sabi ni mama. "Kanina ikaw ang nagdradrama ngayon naman ako,mana ka talaga sa akin"dagdag pa ni mama. Sa sinabi niya ay nagkatawanan kami. "Halika na nga kumain na tayo baka gutom lang ito"biro ni mama. "Baka nga,gutom na rin mga bulate natin"biro ko din. Nagkatawanan uli kami.Sabay kaming pumunta ni mama sa kusina.Nag-umagahan kami at naghanda para umalis. Nagpapasalamat talaga ako kay mama kasi nariyan siya upang pagaanin ang loob ko. Dahil sa pamimili namin ni mama ay kahit papaano ay nawaglit ang lungkot ko.Ipinasyal din ako ni mama sa paboritong park namin dahil day off niya raw at para naman magkaroon kami ng .Natawa ako kasi niyaya kong magseasaw si mama pumayag naman ito pero nakangusong sumakay.Sunod ay sa swing kami sumakay.Buti nalang go with the flow lang si mama. Madami pa kaming ginawa ni mama at ng mapagod ay umupo kami sa isa sa mga bench doon.Panay reklamo niya kasi nakakahiya daw antanda tanda na niya para sumakay sa mga iyon.Napabili ako ng ice cream para hindi na ako awayin ni mama. Pagkatapos naming magpahinga ay inaya ko pa si mama na maglibot sa park.Napangiti nalang ako dahil kahit pagod na siya ay sinamahan niya pa din ako. Hapon na ng makauwi kami ni mama.Nakakapagod pero mas nangingibabaw ang saya at enjoy dahil nagkaroon kami ng bonding.Minsan lang mag day off si mama kaya minsan lang din kami nakakapagbonding.Sulit naman kanina dahil talagang nag enjoy kami. Kinabukasan ay maaga kung tinungo ang sapa...Namimiss ko na siya...Nakadama ulit ako ng lungkot at pangungulila sa kaniya... Isang semester... Isang semester lang naman ang hihintayin ko at magkikita na uli kami.Madali lang naman lumipas ang isang araw at hindi ko nalang iyon mamalayan narito na siya uli. Imbes na magmukmuk sa gilid at malungkot,ginawa ko nalang siyang inspirasyon sa araw araw.Mas pinagbutihan ko pa ang aking pag-aaral iyon lang naman kasi ang maipagmamalaki ko sa kaniya at alam kong matutuwa siya kapag nalaman niya.Ginawa ko ring abala ang aking sarili sa trabaho sa mansion para hindi ko siya laging maiisip. "I miss him"bulong ko sa hangin sana lang ay liparin iyon ng hangin patungo sa kaniya. "Ohhh darling,how are you?"boses ni Señora. Agad akong nagtago sa likod ng dingding ng marinig ang boses niya. "Okay darling,that's good to hear" malambing na aniya sa kausap sa kabilang linya. Sigurado akong si Wesley ang kausap niya.Si señorito lang naman kasi ang tinatawag niyang ganun.Ilang minuto din ang itinagal ng pagkukubli ko. "I've missed you darling.okay...bye bye I love you"malambing na sabi nito. Agad naman akong umayos ng tayo ng matapos ang tawag.Akmang maglalakad na ako paalis ng tawagin ako ni Señora. Lagot! "Caramel!"mataray na tawag niya sa akin. Agad akong kinain ng kaba.Minsan lang ako nito tinatawag kaya ganun nalang ang kaba ko. Nahuli niya ba ako? Lumunok muna ako bago unti unting humarap sa kaniya.Ang mataray niyang mukha ang bumungad sa akin pagkaharap.Tila naman isa itong reyna kung tignan ako,nakataas ang kilay nito at mula ulo hanggang paa ay sinuri niya ng nandidiring tingin.Muling naglakbay ang mga tingin niya tumugil ito sa aking mukha. "Sabihan mo si Isabel na dalahan ako ng juice"maawtoridad na sabi nito. Hindi kaagad ako nakasagot, pati paggalaw ay hindi ko rin nagawa.Nakahinga ako dahil mag-uutos lang naman pala siya. "Ano pang tinitingin tingin ko diyan.Bilisan mo !"malakas na sabi nito ng hindi ako matinag. Agad naman akong nakabalim sa aking ulirat at bago pa siya makapagsalita uliy ay umalis na ako sa harapan niya upang sundin ang inuutos niya.Ibang iba talaga it kung nariyan ang asawa at anak niya,mahinahon ito sa harap namin kung andiyan ang asawa o di kaya ang anak nito pero kung wala mataray at maawtoridad ito. Ng tuluyan na akong makaalis sa harap niya saka palang ako nakahinga ng maluwag.Akala ko pagagalitan niya ako.Buti nalang hindi! "Ma!"tawag ko kay mama pagkarating ko sa kusina. Abala ito sa kung anong niluluto ng madatnan ko. "Bakit 'nak?"tanong niya ng hindi man lang ako sinusulyapan. "Pake dalhan daw po ng juice si Señora"mahinahon kong aniya. "Sige-sige,ikaw na muna ito magtitimpla lang ako"paghahabilin niya sa niluluto. Tumango lang ako.Nagmamadali namang umalis si mama upang ipagtimpla ng juice si señora. Masaya ako sa panakaw kong pakikinig kanina kay Señora kanina.Kahit papaano ay nagkaroon ako ng kunting impormasyon tungkol kay señorito. Pagkatapos kung magluto ay umalis na ako doon sa kusina sila na ang bahalang mag-hain doon.Tumungo ako sa garden ako kasi ang taga dilig ng halaman,may hardenero naman pero hanggang pagtrim at pagkuha ng mga d**o lang ang trabaho nito ako na talaga ang nagdidilig. Bakit ba antagal ng araw? Noon naman parang ang dali dali lang lumpisa ng isang araw.Ngayon tila may pumupigil rito,mabagal ang paggalaw ng oras para bang nakikisimpatya din sa akin.Sa sobrang bagal ng oras mas lalo tuloy akong nangungulila sa kaniya. Walang segundo na hindi ko siya naiisip. Hindi ko namalayan na tapos na pala ako sa pagdidilig kong hindi pa ako tinatawag ni Pacita isa rin sa mga katulong ay hindi ko nalalaman. "Hoy!ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong nito sabay patay sa hose na hawak ko. "Oo ayos lang"sagot ko habang binabalik ang hoses sa lalagyan. "Sigurado ka teh?Tulala ka nga!"hindi kumbinsidong aniya. "Okay nga lang ako" tinalikuran ko na siya at lumakad paalis. "Shez alam ko na!Miss mo lang si señorito"malakas na boses niyang saad. Hindi ko alam na sumunod ito pala ito sa akin.Kaagad na tinakpan ko ang bibig niya. "Ano ba?!,baka may makarinig sayo.Lagot ako kay señora"madiin kong sabi habang tinatanggal ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya. "Wala naman ah!" luminga linga siya sa paligid. "Saka totoo namang namimiss mo na siya"ngusong saad nito. "Ewan ko sayo!hindi totoo yan!"naiinis na aniya ko at tuluyan na siyang iniwan.Nadinig ko pa ang sigaw nito. "Miss mo na iyon,alam ko!"sigaw nito. Hindi ko na siya nilingon pa.Kung hindi pa kasi ako aalis sa harap niya aasarin lang ako nun. Isa si Pacita sa mga close na kasamahan ko.Halos kasabayan lang din namin siyang lumaki ni señorito at kaedad ko lang din at kaklase.Malapit siya sa akin pero mailap siya kay señorito.Kaya ganun nalang ito kung makapang asar.Palagi siyang ganun sa akin kapag nagkikita kami,umaayos lang siya kapag kasama ko si señorito. Parang may sariling pag-iisip ang aking paa at tinahak ang daan papunta sa sapa.Tila ba alam ng aking mga paa ang sinasabi ng puso at isipan ko.Awtomatiko na itong lumalakad papuntang sapa kapag wala na akong gagawin. Naging routine ko na ang pumunta sa sapa araw araw sa tuwing wala na o di kaya tapos ko na ang aking mga gawain sa mansion. Na pangiti ako ng makita ang d**o namumulaklak na ito.Kaagad akong lumapit roon at inamoy amoy kahit na wala naman itong amoy,,mas lalo akong napangiti ng makita ang mga mga bato kung saan nakaukit ang aming pangalan. Hinaplos ko ang mga pangalan namin dahil doon pakiramdam ko nawala ang kung anong mabigat sa aking dibdib. Heaven knows that I really miss him! Tumayo na ako at umupo doon sa malapit na puno.Tinatanaw ko lang ang malinis na tubig sa sapa at pinakikinggan ang awit ng mga ibon,kasabay ang preskong hangin na tumatama sa aking mukha.Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim kasabay nun ang pag-alala ko kay señorito nung mga panahon na kasama ko pa siya. Ganito palagi pagnagpupunta ako sa sapa.Titignan ang d**o saka uupo sa ilalim ng puno at aalalahanin ang mga araw na kasama ko siya. Sa ngayon sa alaala nalang muna kami magkakasama! Dito ko pinipiling manatili dahil mahangin at tahimik nakakagaan ng loob kumpara sa mansion at bukod pa dun ay paborito tamabayan namin ito. At least dito kahit mag-isa ako ay hindi ko iyon ramdam,sa bahay kasi ay mag-isa lang ako dahil nakina Aling Flor si mama.Pagkatapos kasi ng mga trabaho nila ay nagsasama sama sila,kesa makiisa sa kanila ay mas pinipili kong mapag-isa para paulit ulit na basahin ang mga sulat niya. Ilang linggo nalang ang aantayin ko uuwi na siya. Magkikita na ulit kami! Malapit na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD