CHAPTER 10

2224 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw at natapos rin ang limang buwan...Nagwakas na rin ang aking paghihintay at pangungulila sa kaniya.Muli na naman kaming nagkita at kagaya ng nakagawian namin ay hindi na naman kami mapaghiwalay. Walang kapaguran kaming namasyal.Nagfood tasting din kami sa restaurant nila dahil may mga bagong menu kasi doon...kaso ang nangyari imbes na yung mga bagong menu lang ang titikman halos lahat ba naman ng pagkain doon ay tinikman namin. "So how was it? Masarap ba?"tanong niya sa akin na ang tinutukoy ay ang pagkain na tinikman ko na siya mismo ang nagluto.Hindi ko alam na marunong pala siyang magluto.Nagyon lang. "Masharap"ngumunguyang sagot ko. Napatawa siya ng mahina at bahagya pang pinisil ang aking pisnge. "Really?" Tumango ako bilang sagot . "Paano ka natuto nito?"puno ng kyuryusidad na tanong ko. Napalunok siya sa tanong ko at bahagyang iniwas ang tingin sa akin. "Sa Manila.Kapag weekends at wala akong ginagawa I tried hard to learn how to cook"seryosong sagot niya. "Bakit?" "Because I want to...."pabitin niyang aniya. Napataas ang aking kilay dahil sa pabitin niyang aniya. "You want to?"pukaw ko sa kaniya. Tumikhim siya at deritsahang tumingin sa akin.Nagulat ako doon,nag-iwas ako ng tingin pero hinuli niya ang aking mga mata.Napalunok ako.Tumigtig siya sa aking mga mata,kumukislap sa saya ang kaniyang mga mata.Nasabik tuloy ako sa sagot niya. "I want to...I want to cook for the girl I love"seryosong seryoso niyang aniya sa mahinang boses sapat lang para marinig ko. Ouch! Ang sakit! Ano bang iniisip ko?para sa akin yun.Impossible naman yun kaibigan na katulong lang naman kasi ako! Malamang sa malamang hindi para sa akin yun! Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang sariling magpakita ng emosyon. "Hmm...kaya naman pala e. inspired na pala"nakangiting sabi ko. Alam kong hindi abot sa tenga ang ngiting iyon pero sana lang hindi niya mapansin. "Yes,you may say that.But its more than an inspiration ... I learn not just how to cook I also learn to wash clothes and dishes and even how to sweep...I learn all the household chores because I wanted to be her ideal guy...An ideal guy that would fit in her world...I know that we're different but it doesn't matter to me...I love her and that's it...no one can change it...I am more than willing to do those things for her"madamdaming pagkwekwento niya. Natulala ako sa sinabi niya.Bigla ay nanikip ang aking dibdib sa narinig.Pakiramdam ko nawasak iyon ngunit kahit ganoon ay bayolente pa rin itong tumitibok... sa sakit. Tunay ngang umiibig na siya...Kahit kailan kasi ay hindi ko narinig na may nagugustuhan na siya,hindi rin naman siya nagkwekwento, ngayon lang.Nagyon ko lang din siya nakitang ganoon. Parang gusto ko nalang na mabitak ang lupa at kainin ako. Any swerte naman ng babaeng mahal niya...Gagawin ni señorito ang lahat para sa kaniya. Pero teka lang ang sabi ni Señorito magkaiba sila...Saang banda sila magkaiba? Sigurado kasi akong mayaman din ang babaeng mahal niya...At isa pa bakit kailangan niyang matuto ng mga gawaing bahay kung pwede naman silang magkaroon ng katulong? Gusto ko pa sanang magtanong pero pinigilan ko ang sarili ko,pinanatili kong tikom ang aking bibig,ayaw ko nang madadagan pa ang sakit. "So,what do you think am I an ideal man?"na eexcite na tanong niya. "Huh?"wala sa sariling sambit ko. "Ganun ba kasarap ang luto ko at natulala ka"biro niya. Umirap ako sa kaniyang sinabi.Minsan talaga may pagkamahangin siya. "So,ano nga?"pangungulit niya. "Ang alin ba?"nagkunwari akong hindi narinig. "Ang sagot sa tanong ko?" "Anong tanong?"kunyari hindi ko alam. Napabuga ito ng hangin.Mukhang naiinis na,kaya sinagot ko ang tanong niya. "Yes.Ideal man ka naman talaga e!Biruin mo 'yon natuto kang gumawa ng mga gawaing bahay para lang sa kaniya...Patunay na kaya mong gawin ang lahat para sa kaniya!"pinasigla ko ang aking boses ng sabihin ko iyon. Mabuti at nakaya kong sabihin iyon sa kaniya ng hindi nauutal man lang. "Ang sarap namang marinig ang mga iyon mula sa'yo"aniya. Nginitian ko nalamang siya at nagpatuloy na sa pagkain.At nung natapos na ako ay naiwan akong mag-isa sa mesa namin kakausapin daw niya ang manager ng restaurant para sa ilang updates. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagbalik ito.Umalis na kami doon sa restaurant at lumulan sa kotse niya. Napakahabang daan ang tinutuntun namin,hindi ko alam kong saan 'to papunta.Ayaw ko namang magtanong gusto ko kasing masurpresa ako sa kung saan man kami mapapadpad. Sa wakas pagkatapos ng pagkahaba habang kalsada ay nakarating kami sa karatig na bayan. Bibisitahin niya pala ang bagong bili nilang farm doon.Maganda ang location ng farm nila at malawak rin,may iba't ibang hayop na silang inaalagaaan doon kaya nakisali kami sa pagpapakain ng mga kambing at baka. Pagkatapos nun ay nangabayo kami upang maglibot libot pa.Hindi na ako nagtaka kung bakit marunong siya.Nung una ayaw kong sumakay kasi natatakot ako.Pero dahil mapilit siya ay wala akong nagawa.Alam ko din naman kasing hindi niya ako titigilan hanggat hindi ako pumapayag. "Is it okay if I help you up?"taking niya ng makitang nahihirapan ako sa pagsakay ng kabayo. Tumango ako sa kaniya.Ganun nalang ang gulat ko ng hawakan niya ang bewang ko.Nanigas ang aking katawan dahil tila kinikiliti ako ng hawak niya.Libo libong boltahe ng kuryente ang dumaloy doon. "Okay,just relax.I'll left you up."pagkasabi niya nun ay siya naman ang pag-angat ko mula sa lupa.Tagumpay akong nakasakay sa kabayo pagkatapos sumunod naman siya.Kahit na sa iisang kabayo lang kami ay pinanatili niyang may espasyo sa pagitan namin. Ng magsimulang tumakbo ang kabayo ay kinabahan ako.Ito ang unang beses na nangabayo ako,kinakabahan ako at the same time na eexcite ako.May pinaghalong thrill at excitement! Napapatitili ako kapag bumibilis ang takbo ng kabayo , agad din naman niyang pinapabagal. Parang nabalik ako sa medieval period.It was enchanting,ang saya sa pakiramdam! Isinasantabi ko nalang ang hiyang narardaman ko sa bawat taong nakakasalubong namin.Ngayon lang naman kasi 'to at hindi rin naman kami magtatagal dito. Linibot namin ang mango at lemon plantation nila.Umabot din kami sa coconut plantation nila at doon huminto kami sa gitna ng mga nagtataasang niyog.May maliit na kubo doon,itinali muna ni señorito ang kabayo sa puno ng niyog di kalayuan sa kubo. Pagkatpos niyang itali ang kabayo ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa kubo.Walang imik akong nagpatianod sa kaniya.Deri deritso lang kami sa pagpasok ng kubo. "Nanay Ema!"masiglang tawag nito sa may katandaang babae na nasa loob ng kubo.Sa tingin ko nasa mid 50 na siya.Lumapit siya roon at yumakap sa ginang. "Ohh iho,ikaw pala!"masyang aniya ng babae at yumakap din kay señorito. "Kamusta po kayo ni tatay?"tanong ni señorito pagkatapos ng yakapan nila. "Maayos naman kami.Ikaw ba kumusta?"balik tanong ng matanda. "Okay na okay lang ako nanay"masiglang sabi ni señorito at yumakap uli sa matanda. "Si tatay at Eman po ba asaan?" "Naku! Si Eman na sa skwelahan may inaayos at ang tatay mo naman ay nangunguha ng niyog para sa bisita bukas dito."sagot ng ginang. "Ganun po ba" "Ay!tamang tama pala ang dating niyo.Gagawa kami ngayon ng buko shake"masayang sabi ng ginang. "Nobya mo ba iho?"nanunuksong tanong tanong ng matanda. "Yes" Nanlaki ang mata ko sa naging sagot ni Señorito. Bakit siya nagsinungaling? Tila yata umakyat lahat ng dugo sa aking mukha.Sigurado akong namumula na ako.Malakas din ang t***k ng aking dibdib.At mas dumoble pa iyon ng lumapit si señorito,umakbay sa akin at iginiya ako palapit sa matanda. "Nay ito pala si Caramel,at Caramel ito si Nanay Ema ang tagapangalaga dito"pagpakilala nito sa amin. "Hello po 'nay,magandang araw "nahihiyang bati ko. Bahagyang tumawa ang ginang pati si señorito. "Hello din iha at magandang araw din "nakangiting saad sa akin ng ginang. Ngumiti lang ako bilang sagot. "Huwag kang mahiya iha huh?"malamyos na saad nito. "Oh siya!Dito na muna kayo maghahanda ako ng meryenda niyo"paalam nito sa amin at umalis na. Ng masiguradong wala na ito ay saka ako lumingon kay señorito may matalim na mga mata. "Bakit ka - "I'll just help nanay.Dito ka lang muna"putol niya sasabihin ko. Hindi pa ako sumasagot ay iniwan na ako nito doon.Napabuntong hininga nalang ak,halatang iniiwasan niya ang tanong ko. Bakit naman kasi sinabing nobya niya ako? E diba nga may babae na siyang nagugustuhan? Naguguluhan tuloy ako. Baka naman nag aasume ako! Baka naman ang ibig niyang sabihin ng nobya ay kaibigan. Tama! Ang english ng nobya ay girlfriend ibig sabihin babaeng kaibigan.'Yun yun! Tama! iyon yung ibig sabihin niya! Hindi na ako nagtanong pa sa kaniya tungkol doon hanggang sa matapos kaming uminom ng buko shake na ginawa nila. Pagkatapos namin doon ay tumungo kami sa talampas.Kabayo uli ang sinakyan namin patungo roon. Namangha ako sa aking nadatnan.Parang sa mga fairytale na movie lang ito makikita.Ang malawak na lupain ay natatabunan ng berdeng damu at sa gitna nito ay may malaking puno na may mga baging,idinuduyan ito ng hangin.Napakatahimik din ng lugar tanging ang huni ng mga ibon ang maririnig,parang ang sarap mamahinga dito. Tumakbo si señorito papunta sa puno at nagpagulong gulong sa damuhan na parang bata.Natawa ako sa ginawa pero nakigaya din ako sa kaniya.Ng tumigil ay pareho kaming nakahiga pero sa magkaibang deriksiyon tanging ang mga ulo lang namin ang magkadikit. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin,pareho lang kaming nakatingin sa asul na kalangitan.Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. Ano kayang naiisip niya?Tila napakalalim niyon. Tila may problema siya.Ayoko namang magtanong dahil hinihintay kong magsabi siya sa akin ayokong pangunahan siya. "I like her...hindi pala I love her"mahinang bulong niya pero nadinig ko pa din dahil sa magkalapit naming mukha. Parang may kumirot sa puso ko ng marinig ko iyon pero pilit kong binaliwala iyon.Wala ito! Nagdadalawang isip pa ako kung magsasalita ba ako o ano,sa huli ay nagsalita nalang ako. "Sinabi mo na ba sa kaniya?"mabuti at nagawa ko pang magtanong. "No...I'm scared to tell here"mabigat na sabi niya. "Bakit?" Bakit siya natatakot?May nakakatakot ba?Natatakot ba siya na baka hindi siya nito gusto? "I'm scared...Because if I tell her I don't know if she'll still accept me...I don't want to ruin whats between us...hindi ko kaya kapag nasira iyon...But the other side of me can't hold anymore...Hindi ko na kayang itago ang narardaman ko...I'll go crazy...Its driving me crazy"nahihirapang aniya. Yun pala ang pinoproblema niya. "Kung hindi mo na kaya sabihin mo sa kaniya kasi habang pinipilit mong itago iyan ikaw lang din ang mahihirapan.Tiyaka diba nga sabi nila the truth Will set you free...Kailangan mong harapin ang takot mo...Magpakatapang ka...Dahil kung talagang mahal mo siya magpapakatapang ka na sabihin ang nararamdaman mo"mahabang saad ko. Hindi talaga ako makapaniwalang nagagawa ko pang mag-advice. Napabuntong hininga ako,dinadama ang bawat kirot na nararamdaman ko...bawat pintig ng puso ko parang sinasaksak ng punyal.Jusko ano ba ito! "Your right...Thank you"mahinang saad niya. Hindi ako sumagot.Nanatiling tikom ang bibig ko. Namayani muli ang katahimikan sa pagitan namin. Bakit ganun?Pinigilan ko din naman ang puso ko...pinigilan ko din naman ang sarili ko...Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para pigilan itong nararamdaman ko.Bakit ganun?...bakit nararamdaman ko pa ito? Palagi ko namang pinapaalalahanan ang sarili ko na hindi pwede dahil impossible!Bakit ganun pa din! Ayan tuloy nasasaktan ako! "Do you like it?"kapagkuwan ay basag niya sa katahimikan. "Huh?"wala sa sariling sagot ko. "Do you like it here?"ulit niya,this time nilinaw na niya.Saka ko lang napagtanto ang tanong niya. "Oo,maganda dito,ang sarap tambayan"sabi ko sabay dapa sa damuhan. "And sunset can be seen here"dugtong pa niya sa sinabi ko at dumapa narin,nakigaya sa akin. "Talaga?"Hindi makapaniwalang saad ko. "Yes,you'll see later...and I have this"nakangiting aniya sabay wagayway ng kamay niyang may hawak na camera. Nanlaki ang aking mata sa aking nakita. Huh?saan niya nakuha iyan? "Saan galing iyan?"nagtatakang tanong. "Kanina ko pa ito daladala.Hindi mo napansin?" Umiling ako sa tanong niya.Hindi ko talaga na pansin na may daladala siyang camera. Bigla niyang tinutok sa akin at may pinindot.Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Hoy!burahin mo iyon!" Umiling lang siya at tumawa.Akmang kukuhanin ko ang camera ng itaas niyang ang kaniya kamay sabay bangon sa pagkakadpa.Bumangon din ako at pilit na inabot ang kamay niyang may hawak ng camera. "Ano ba!ibaba mo!"naasar na saad ko "No!"tumatawang sabi niya. Tumatalon talon ako para abutin ang camera,siya naman ay itinataas pa ang kamay. "Idelete mo yan!akin na!" "Abutin mo!"pang-aasar niya. Kung tatalon lang ako hindi ko iyon makukuha sa tangkad ba naman niya.Nakaisip ako ng ideya kung paano ko iyon makukuha.Humanda ka! Inilagay ko ang aking mga kamay sa balikat niya at tumalon kasabay nun ang pagyakap ng aking mga binti sa kaniyang bewang.Sa gulat niya ay napatigil siya sa paggalaw ginamit ko ang pagkakataon na iyon para abutin ang camera.Malapit ko na sanang maabot ang camera ng bigla siyang gumalaw paatras.Napatili ako at agad agad na bumaba at sa hindi sinasadya ay natulak ko siya kaya na out of balance siya.Ngunit bago siya bumagsak ng tuluyan ay parang nagslow motion ang paligid...sa sobrang bagal ay nahawakan niya ako sa bewang at sabay kaming bumagsak sa damuhan.Siya sa ilalim ako sa ibabaw niya.Nagkatitigan kami at parang binabasa niya ako.Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa uri ng pagtitig niya.Wala ni isa sa amin ang kumurap.Its like mawawala ang isa sa amin kung may kukurap. Biglang tumahimik ang paligid ang tanging naririnig ko lang ay ang pag-awit ng mga ibon,ang hampas ng hangin sa puno at higit sa lahat ang malakas at mabilis na t***k ng aking puso. Shit! Nahulog na nga talaga ako! Nahulog na ako sa kaniya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD