CHAPTER 11

2086 Words
Habang tumatagal ang titigan namin ay unti unting nagkakalapit ang mukha naming dalawa.Tila na wala na ang aking inhibisyon,tinangay na ng kakaibang damdamin. Naipikit ko ang aking mga mata,huminga ng malalim.Pinipilit kong mabalik sa aking huwisyo. Gising! Please Gumusing ka! Hindi ito maaari! Bibilang ako! Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima!!!! Times up!!!!!! Iminulat ko ang aking mata,bumungad sa akin ang magkalapit naming mukha.Bigla akong nakaramdam ng nahiya. "Caramel"nahihirapan niyang saad sa mahinang boses sapat lang para marinig ko. "Ang bigat mo"dugtong pa niya. Doon ko lang narealize na nasa ibabaw pa pala niya ako.Agad-agad akong bumangon. Ang awkward! Nakakahiya! Walang sino man ang nagsalita sa aming dalawa.Para bang napipi kami sa pangyayaring iyon.Nakatingin siya sa ibang direksiyon ganun din ako pero magkatabi kaming nakaupo.Pinaglalaruan ko sa aking mga kamay ang mga damu.Hindi ko alam kung paano ko ulit siya kakausapin pagkatapos nung nangyari....Hindi ko alam kung saan magsisimula.Parang nakakailang...Ang awkward! Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa din sa amin ang nagsalita.Katahimikan ang namayani.Tila napakalalim ng kaniyang iniisip,malayo ang tanaw at nakatulala.Papalubog na ang araw... Unti-unti nang nagkukulay kahel ang kalangitan. Hindi pa ba kami uwi? Tatanungin ko ba siya o ano? Bahala na nga! Tumikhim ako para kunin ang kaniyang atensiyon,hindi naman ako nabigo dahil bumaling siya sa akin.Napalunok muna ako bago magsalita. "Hindi pa ba tayo uuwi?Baka gabihin tayo sa daan "Tanong ko. Hindi siya sumagot tanging nakatitig lang siya sa akin saka bumuntong hininga at nag-iwas ng tingin.May kung anong emosyon akong nakita sa kislap ng kaniyang mga mata.Hindi ko alam kung ano ang mga iyon. Huh? Anong ibig sabihin nun? Galit siya? Naiinis dahil sa nangyari? Ngumuso nalang ako.Hindi ko naman kasalanan yun e.kung binigay niya agad sa akin ang camera edi sana hindi yun nangyari. Akamang tatayo na ako ng bigla siyang humawak sa aking kamay.Napatingin ako sa kaniya,nagtatanong.Hindi siya umimik at tumayo lang saka ako inangat patayo. Akala ko lalakad na kami pero hindi pala nanatili siyang nakatayo,gustuhin ko mang lumakad na ay hindi ko magawa dahil tila napako ako sa kaniyang mga titig. Ginagap niya ang aking mga palad ganun nalang ang pagwawala ng aking puso.Madalas naman niyang hawakan ang aking kamay pero ngayon may kakaiba akong nararamdaman. Sa ilalim ng kahel na kalangitan ay nakita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot at takot. Ngunit bakit? "Caramel...I have something to tell you"nag-aalangan niyang saad.Sabay titig sa aking mga mata. Tumango ako at hinintay kung ano ang sasabihin niya.Sinalubong ko ang kaniyang mga titig. "Caramel I...." Saad niya.Humigpit ang hawak sa aking kamay na para bang mawawala ako. "I...I love you"madamdaming pahayag niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.Tila nabingi ako,natulala.Hindi ko ma proseso sa aking isipan ang sinabi niya. "Caramel- Naputol ang sasabihin niya ng iwinaksi ako ang kamay niyang nakahawak sa aking mga kamay. "Hindi maaari!...Hindi pwede!"umiiling na saad ko. "Mahal kita...I love you"ulit niya pa sa sinabi niya kanina. Ganun nalang ang pagtibok ng malakas ng puso ko.Nagririgodon ito sa loob ng aking dibdib na para bang gusto nitong tumalon palabas. "Hindi maaari! hindi kita pwedeng mahalin!" "Bakit?"parang nasasaktan na sabi niya. "Anong bakit Wesley?Tinatanong pa ba iyan?Syempre hindi pwede kasi malayo ang agawat natin anak ka ng amo namin samantalang ako anak ng katulong...Mahirap ako mayaman ka kaya hindi pwede.Hindi tayo bagay!" Mahabang aniya ko. "But...Caramel I love you- "Pero hindi nga pwede kasi- " Kasi ano? Kasi katulong ka lamang at ako anak ng inyong amo!Na mayaman ako at mahirap kalang kaya hindi pwede!...ganun ba iyon?!...huh!...It doesn't matter to me Caramel!...Wala akong pake kahit mahirap ka pa!..I don't care because I love you!.. I love every part of you!"madiin niyang pahayag. "Wesley hindi nga pwede!- "I love you!I love you!l love you!I love you!I love you and thats it!...ilang I love you pa ba ang kailangan kong sabihin para tanggapin mo ako!"Halos sumigaw na siya. Hindi ako nakapagsalita,umatras ang aking dila.Ni kumilos hindi ko magawa...Nasasaktan ako...nasasaktan akong makita siyang ganito. "Alam ko!...nararamdaman ko mahal mo rin ako! Do you love me right?"Halos nagmamakaawa na siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin...Hindi ko na kayang salubungin ang mga tingin niya. "Answer me Caramel yes or no?" Napapikit ako ng mariin at lihim na napakagat ng labi...Wala na...hindi ko na kayang pigilan pa! Bahala na! Dahan dahan akong tumango.Nagliwanag ang kaniyang mukha.Sinapo niya ang aking mukha at pinagdikit ang aming mga noo. "I want you to say it to me...I need you to say it" "I love you Wesley"mahinang saad ko sapat lang para marinig niya. Ngumiti siya sabay halik sa aking noo. "I love you too"ngiting aniya sabay yakap sa akin. "Ayaw ko pa sanang sabihin ito sayo kasi alam kong pag-aaral ang priority mo.Pero ng malayo ako sayo araw araw akong nangungulila sayo.Nahihibang ako...hindi ako makapag-isip ng maayos kasi na sayo lang ang isip ko.At sa tuwing uuwi ako at nakikita kita ay hindi ko napipigilan ang damdamin ko"madamdaming pahayag niya. Unti unting lumuwag ang yakap hanggang sa tuluyan na siyang kumawala sa yakap.Dahan dahan niyang pinaglapit ang aming mga mukha hanggang sa naglapat ang aming mga labi.Napapikit ako sa senyasiyong hatid ng halik.Libo libong kuryente ang dumadaloy sa akin at tila may paru parung nagliliparan sa aking tiyan. Tama nga ang sabi nila matamis ang unang halik.Masuyo at puno ng pag-iingat ang kaniyang halik ngunit damang dama ko ang intensidad na dulot nito.Ng maramdaman kong lumayo siya ng bahagya ay saka ako nagmulat ng mata. "Damn! I love you"sabi niya uli pagkabitaw namin sa halik. "Wesley yung- "Shhh...huwag kang makinig sa sasabihin ng iba...Mahal kita at mahal mo ako iyon lang ang paniwalaan mo"putol nito sasabihin ko. "Señorito- Naputol ang sasabihin ko ng ilapat niya ang kaniyang daliri sa aking labi. "Don't call me like that please"nakangusong saad niya. Cute amp! Tumango ako bilang sagot. "Wesley,Pwede bang ilihim muna natin ito?"pakiusap ko sa kaniya. "Pero- "Sa tamang panahon sasabihin din natin sa kanila"putol sa sasabihin niya. "Okay...whatever you want I'm okay with that"sabi nito. "Thank you" "I love you" Natawa ako sa sagot niya sa akin. "Let's go.We need to get home its getting dark" Sumakay kaming muli sa kabayo pabalik. Magkahawak kamay kaming umuwi sa mansion.Sa may likod na kami nagkahiwalay dahil doon kami dumaan. Wala nang mas sasaya pa sa aking nararamdaman.Sobrang saya ko...Isa ito sa hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko.Alam kong mali ang mahalin si Wesley pero hindi ko na rin kayang maglihim pa.Mahal ko siya at iyon lang ang alam kung tama. Ng sumunod na mga araw ay mas lalo silang hindi mapaghiwalay palagi silang magkasama.At mas naging malambing pa sa kaniya si Wesley.Kapag nasa bakuran sila ng mga ito ay hindi nagpapakita ng kahit na anong apeksiyon sa akin pero kapag nasa labas sila ay todo lambing at alaga ito sa akin. Kahit na opisyal na sila ay araw araw parin itong nanliligaw sa kaniya.Halos araw araw itong may bigay na bulaklak minsan naman tsokolate o di kaya naman mga tula. Napakaromnatic niya...Sa tula na binibigay niya ay doon ko lang napagtanto na ang babaeng tinutukoy niya doon sa restaurant nila ay ako pala.Bawat araw na dumadaan ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya dahil sa pagmamahal na pinapadama at pinapakita sa akin...mas lalo kong napagtatanto kung gaano kalalim ang damdamin ko para sa kaniya. Abala ako sa pagmumuni-muni habang hinihintay si Wesley sa sapa.Dito kami nagkikita tuwing tapos na ang oras ko sa trabho.Napagkasunduan kasi namin na dito nalang magkita sa aming paboritong tambayan. "Hi love"bulong nito. Napatayo ako sa gulat ng may bumulong sa akin.Tinawanan lang naman ako ni Wesley. "Bakit ka ba nanggugulat?"kunyaring naiinis na sabi ko. "Sorry"malambing na sabi nito sabay yakap. "Ang lalim kasi ng iniisip mo 'yan tuloy di mo nalamayan ang pagdating ko"saad nito habang yakap yakap ako. "Ikaw kasi e!"paninisi ko sa kaniya. "Why me,is it my fault?"nagtatakang tanong niya sabay kalas sa yakap. "Oo kasalanan mo pasok ka kasi ng pasok sa isip ko"nakangusong sabi ko. Napaiwas siya ng tingin sa akin,nakikita kong may ngiting gustong kumawala sa labi niya ,pinipigilan lang.Bahagya ding namumula ang tenga niya. Kinikilg ba siya? "Your making your move again"mahinang saad niya. "Huh?" "You are taking my breath away again alam mo ba iyon?Nakakakorni mang sabihin but damn girl! Kinikilig ako"nahihiya niyang sabi sabay lagay ng kaniyang mukha sa aking leeg. Napatawa ako ng mahina sa naging reaksiyon niya.Ang cute! Hindi ko nga alam kung bakit ko ba nasabi iyon basta basta nalang lumabas sa bibig ko.Nabigla nalang din ako sa aking sinabi. "Hoy ano okay ka pa ba diyan?"untag ko sa kaniya "Yes I'm okay because you were here"ma lambing na saad niya. "So hows your work love?"tanong nito at umalis na sa pagkakahilig sa aking leeg. "Hmm.....okay lang" "Aren't your tired?"nag-aalalang tanong nito sa akin. "Hindi naman" "Sigurado?" "Oo" "Talaga" "Oo nga" "Su- Natigil siya sa pagsasalita ng iharang ko ang kamay ko sa bibig niya. "Oo nga.Kulit mo!"nakanguso kong saad sabay pisel sa mukha niya. "Ouch!" "Masakit?"birong sabi ko tumango naman siya at dahan dahang inilapit ang pisnge niya sa akin. Tinampal ko iyon ng mahina. Sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa ako. Aww cute! "Your so bad"nagtatampong saad niya. Tumingkayad ako para halikan siya sa pisnge.Nangiti siya dahil dun. "Am I bad?"nanunuksong tanong ko. "Your not bad.Your too good...too good for me"sabi niya na may malawak na ngiti sa labi habang inaalalayan akong maupo sa nakalatag na picnic mat. "Nga pala kamusta na sina Kiel?"naisatanong ko sa kaniya habang inilalabas ang mga pagkaing dala niya Siya naman ay abala sa pag-ayos sa picnic mat na bahagyang natupi ng hangin. Natigilan siya,napatingin sa akin.Nakakunot ang noo at may napipikong eskspresyon.Matalim ang tingin sa akin.Parang galit. "What?Did you just say Kiel?"walang emosyong tanong niya sabay upo sa kabilang dulo ng picnic mat. "Oo.Sabi ko kumusta na siya"ulit ko. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo.Malalim at mabilis ang kaniyang paghinga,umiigting din ang kaniyang panga.Hindi sinagot ang tanong ko sahalip ay kumuha ng pagkain at ibinigay sa akin. Anong nangyari? Ng pamansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay umiwas siya ng tingin. "M-may mali ba akong nasabi?"nag-aalangan kong tanong. "Wala"walang gana niyang sagot. "Bakit ka nakasimangot?" "Sinong nakasimangot?ako hindi ah!baka ikaw!"sabi niya sabay duro pa sa akin. "Ito ba ang sinasabi mong naka simangot"turo niya sa mukha niyang nakangiti ng malapad pero halata namang pilit lang.Napanguso nalang ako sa inakto niya. "Hindi 'yan ngiti.Bakit nga kasi parang galit ka?"tanong ko. Hindi siya umimik.Nagkunwaring hindi ako narinig.Lumapit ako sa kaniyang tabi.Bahala siya kukulitin ko siya hanggang sa sabihin niya. "Bakit nga" "Its nothing" "I don't believe.Bakit nga" Napaenglish na rin tuloy ako! Hindi siya sumagot. "Bakit nga?! Bakit?! Bakit?! Bbaakkiitt?!"paulit ulit na tanong ko sa kaniya,yinugyug ko pa ang balikat niya. Napasimangot nalang ako ng hindi man lang siya sumagot. Bahala siya! Tumayo ako at nagmartsa paalis.Bahala siya ayaw niya naman akong kausapin.May tuyo ata ngayon..daig pa ako! Natigil ako sa paglakad ng bigla nalang may humablot sa kamay ko kaya napasubsub ako sa dibdib niya.Mahigpit niya akong niyakap. "I'll tell you,huwag mo lang akong iwan please"nagmamakaawang sabi nito sabay kalas sa yakap. Hinila niya ako pabalik sa pag-upo sa picnic mat.Hinayaan ko lang siya.Umupo siya sa harapan ko sabay hawak sa mga palad ko.Tumingin siya sa akin,tinaasan ko siya ng kilay.Nagbuntong hininga siya,tila kinakalma niya ang sarili. "Love...I'm...I'm...jealous"nahihirapan niyang sabi.Nag-iwas siya ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ang sinabi niya. "Nagseselos ka!"hindi makapaniwalang saad ko,natatawa pa. Napalunok siya,nakaiwas padin ng tingin. "Yes,and don't laugh about it."masungit niyang saad. "Bakit ka nagseselos?tinanong ko lang naman kung kamusta siya" "Who wouldn't be jealous if his girl is asking about another guy" "Kaibigan mo naman 'yun e" "Yeah.But damn! I just can't help it.Don't you know that when the first time he saw you, he said your beautiful.Damn!"naiinis na saad niya. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako ng makita siyang naiinis dahil lang sa nagseselos siya.Parang gusto kong sumimangot nalang siya. "See your reaction.Seems you like what you've heard"mas naiinis na sabi niya. "Hindi naman e.Natutuwa lang akong makita kang nakasimangot dahil sa selos.Ganyan ka pala"nangingiti kong saad. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.Nakakunot ang noo niya bahagyang nanlaki ang mata. "Ang gwapo mo" pinisil ko ang pisnge niya. "Stop"masungit na sabi niya sabay tanggal sa kamay kong nasa pisnge niya. "Selos ka pa din"bulong ko. "Ikaw lang naman gusto ko.Wala ng iba!"sinadya kong lakasan ang boses ko para madinig niya. "I know.Sa gwapo ko ba namang ito"confident nitong sabi. "Ang hangin"biro ko. "Mahangin na kung mahangin basta gwapo ako"natatawang aniya. Sabay kaming natawa na sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD