CHAPTER 13

2145 Words
"Hanggang kailan kaba rito mananatili?"Tanong ko kay Wesley kasalukuyan kaming nasa sapa nagpapahinga kagagaling lang namin sa pagjojoggibg sinamahan ko kasi siya. "Tatlong lingo lang,love"sagot niya. "Ambilis na man!"di ko maiwasang hindi malungkot. "I have a lot to do at Manila.Maraming requirements ang need maacomplish for this sem plus the enrollment.So i need to go there early,love" mahabang paliwanag niya. "Okay"mailing tugon ko. "Hey!please don't get mad" "Hindi ako galit...Napulungkot lang ang ikli kasi ng bakasyon mo" "Don't be sad...babalik naman ako"malambing na sabi niya sabay himas sa ulo ko. Naiintindihan ko naman e...Naiintindihan ko siya! Pero bakit?...bakit naiinis ako?...bakit ganun...diba dapat intindihin ko siya...dapat maging masaya ako para sa kaniya kasi bihira pang ang oportunidad na makapag-aral sa Manila...so dapat maging masaya ako para sa kaniya kasi ang swerte niya! Hindi ko alam basta kusa nalang tumayo ang aking mga paa at lumakad papaalis.Pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang ng may humawak sa aking kamay at pinigilan ako sa pag-alis.Nilingon ko siyan,puno ng pakiusap ang kaniyang mga mata.Bumuntong hininga siya sabay gagap sa aking mga kamay. "Love,please...intindihin ko naman ako oh"halos nagmamakaawa niyang saad. Tinikom ko ang bibig ko...ayokong magsalita baka kung ano pa ang masabi ko.Alam ko kung bakit ako nagkakaganito...Halo halo na kasi ang nararamdaman ko...Kinakain na ako ng lungkot at pag-o-overthink.Ang hirap lang kasi...Ang hirap ng malayo sa kaniya...kahit pa kasi sabihing nagsusulatan kami...hindi naman parati! Oo naiintindihan kita! Naiintindihan ko! Gustong gusto kong isigaw iyon sa kaniya. "Love,kailangan kong bumalik doon kasi madami- "Oo na,naiintindihan ko"sinikap kong magsalita ng casual. "Then,why...why are you leaving?"parang nahihirapan siyang sabihin iyon "Magpapahinga lang ako "walang ganang saad ko. Bumuntong hininga siya saka pinakawalan ang aking kamay.Iniwan ko siya doon,siguro nga kailangan kong magpahinga...kailangan kong makapag-isip isip. Hindi na kami muling nagkita ni Wesley busy raw kasi ito sabi ni Senyora kanina ng padalahan niya ito ng meryenda kay Ate Patris. "Hoy,Cara yos-a ka lang ba?"tano ni Ate Patris "Pansin ko kanina ka pa wala sa mood ,Mel.May probs ka ba share mo naman!"sabi ni Andrie anak ng hardenero. "Wala"maikling tugon ko. Kasalukuyan kaming namamahinga sa likod bahay.Tapos na kasi ang mga trabahuhin namin. "Aysus!lukuhin mo jowa ni Patricia,huwag lang ako!"biro ni Andrie "Hoy!pinagsasabi mo baliw!"naiinis na sabi ni Ate Patris. "Baliw sayo- Natigil ito sa pagsasalita ng malakas na binatukan ni ate.Natawa tuloy ako. "Aray putik!masakit!"reklamo nito. "Masasaktan ka talaga sa akin!"banta ni Ate. "Ang ganda sana kaso mapanakit!"malakas na sabi ni Andrie sabay tawa ng malakas at bago pa man siya mahampas ni Ate ay kumaripas na ito ng takbo. "Bwesit ka!Huwag ka ng bumalik pa rito!"sigaw ni Ate. Natawa nalang ako sa kanila.Ganyan talaga yang mga iyan basta nagtatagpo ang lamdas nila.Hindi sila mapagkasundo. "Ehh,Cara may problema ka ba?"nag-aalalang tanong niya. "Wala ate,pagod lang siguro ito"sagot ko. "Magpahinga ka" "Mamaya na tutulong pa ako kay mama,labada niya ngayon" "Aysus ako...kami na bahala dun" "Okay lang ako Ate" "Aysus mareyosip...bahala ka" Natawa ako sa kaniya...Madali kasi siyang kausap pagsinabing ayaw mo edi hindi ka niya pipilitin hahayaan ka nalang niya. Matapos ang pamamahinga namin ay nagsibalikan na kami sa trabaho.Hindi na ako nakatulong kay mama dahil marami naman na sila doon. "Caramel" Napahawak ako sa aking dibdib ng may tumawag sa pangalan ko.Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng mansiyon.Gayon na lang ang kaba ko dahil si Senyora ito. "Senyora kayo po pala"magalang na saad ko.Pinilit huwag mautal.Mataray itong nakatingin sa akin. Yung mga mata niya tila matalim kung makatingin parang nangangatay idag dag pa ang makapal na kilay niya na halos palaging nakataas.Kaya palagi ako kabado tuwing pinapatawag niya ako. "Give Wesley some cookies and juice"maawtoridad na utos niya. Gusto ko sanang tumanggi kasi ayoko pa siyang makita...pero may parte sa akin na namiss siya...Ewan ang gulo! "Sige po"cassual na saad ko at bahagyang yumuko bago umalis para magtungo sa kusina para ihanda ang cookies at juice para kay Wesley. Sabi na e.hindi ako papasok dito!Kasi naman si Ate Patris inutos sa akin na tignan ko daw ang gas kung na e-off na iyon.May kutob talaga akong hindi maganda dito at tama ako! Ng matapos ko ng ihanda ay chineck ko muna ang gas bago ako naglakad paalis sa kusina.Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.Parang nanginginig ang tuhod ko...nanlamig bigla ang pakiramdam ko... Baka galit siya sa akin! O di kaya baka naiinis! Pinangungunahan na ako ng aking isip.Parang ayoko ng tumuloy,baka naman pwedeng iba na ang gumawa nito.Palihim na akong nanalangin na sana may makasalubong akong katulong. Ngunit nakarating na ako sa tapat ng kwarto niya ay wala ni isang katulong akong nakita. Nasaan ba ang mga iyon? Wala na!Ako na talaga gagawa nito! Nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o hindi. Huminga muna ako ng malalim bago napagpasiyahang kumatok.Nakakatatlong beses na ako ng katok pero wala pa ding sumasagot. Pati ba naman siya wala? O baka tulog? Hindi naman ata. Nakakainis na ang bigat kaya ng dala dala ko tapos yung isang kamay ko nangangawit na kakatok hindi pa binubuksan!.Sunod sunod na katok ang ginawa ko dahil sa inis.Nadinig ko ang pagaalit niyang boses. "Come in"malakas na sabi niya. Wewss!galit nga. Nagdadalawang-isip pa ako kung papasok ako.Kasi naman galit siya!Bahala na nga! Kinakabahan man ay pinihit ko ang door knob at pigil hiningang pumasok sa loob.Hindi ito ang unang beses na pumasok ako sa kwarto niya.Bumungad sa akin ang amoy ng pabangong lagi niyang ginagamit.Malawak ang kwarto at black ang white ang theme ng silid.Ang mga bintana ay natatabunan ng itim na mga kurtina ang dingding ay puti at ang king size bed niyang kama nasa gitna ay itim. Nasa may right side siya nandoon sa study table busy sa pagtipa sa laptop bahagya pang nakakunot ang noo,may makapal ding libro sa tabi ng laptop.May nagkalat na mga papel din sa sahig. "What do you need?"walang emosyon niyang tanong habang nagsusulat sa papel.Napalunom munq ako bago sumagot. "Auhmm...Nandito na ang snacks mo pinadala ng mommy mo"kinakabahan man ay hindi ko ipinahalata. Napatigil ito sa ginagawa niya at agad na lumingon sa gawi ko.Nagtama ang aming paningin ganun nalang ang pagbilis ng t***k ng aking puso.Matamaan niya lang akong tinitigan. Lumapit ako sa kaniya at inilapag doon sa space na natitira sa mesa ang dala dala kong tray.Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.Nailang tuloy ako. Yumuko ako upang pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig.Lihim akong napangiti ng makitang inilagay niya sa may sulok ng lamesa ang kamay niya upang siguro hindi ako masaktan kapag nauntog ako. Inilagay ko sa ibabaw ng mga papel ang mga napulot ko.Nagdadalawang isip ako kung magpapaalam pa ba ako o aalis nalang.Kung aalis ako ng walang paalam para namang napakabastos ko. "Auhmm...aalis na po ako"sabi ko.Hindi siya sumagot.Tumitig lang sa akin,napalunok tuloy ako. Tumalikod na ako para umalis na.Habang lumalakad ako palabas pakiramdam ko sinusundan niya ako.Ayoko namang lingunin pa siya. Nagulat ako ng may humablot sa braso ko paharap sa kaniya,nauntog tuloy ako sa malapad niyang dibdib.Napatili ako ng walang ano ano'y binuhat niya ako at ibinagsak sa kama, siya naman ay tumabi sa akin.Mahigpit siyang yumakap sa bewang ko at isiniksik sa aking leeg ang kaniyang mukha. "Ano ba! Wesley!"pilit kong inalis ang kamay niyang nakayap sa aking bewang mas hinigpitan naman niya ang yakap niya at mas lalong sumiksik sa aking leeg. "Please...love let's talk"malambing na sabi niya. "Nag-uusap naman na tayo diba.At pwede bang bumangon tayo" "No...let's just stay like these" "May trabaho pa ako mamaya nalang"sabi ko at sinubukang kumawala sa yakap niya. 'Wait,love give me a minute"saad niya sabay tanggal sa mukha niya mula sa aking leeg. Dumapa pa siya at tumingin sa aking mukha,tila ba sinasaulo niya ang aking wangis. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ang awkward ng posisyon namin.Inilagay niya pabalik ang knaiyang mukha sa aking leeg.Nakikilit ako dahil sa mainit niyang hininga na tumatama sa aking leeg. "Give me a seconds"paos na aniya. "Huh?"hindi ko nakuha ang sinabi niya. "One" Nagsimula siyang magbilang kaya mas lalo akong nagtaka. "Wuy,anong ginagawa mo" Hindi niya ako sinagot nagpatuloy lang siya sa pagbibilang"two...three" "Teka nga bakit- Pinutol niyang sasabihin ko "Four ...and five" "And times up!"malakas na sabi niya sabay alis sa higaan,bumangon na rin ako.Lumapit siya sa akin,he towered over me. "Later we're going to talk.Is that okay?"malambing na tanong niya sabay hawi sa buhok kong nakatabing ng kunti sa aking mukha. Tumango lang ako bilang sagot ."You can go...don't forget later"sabi niya sabay kindat. "Okay"mahinang sabi ko at tuluyan ng linisan ang kaniyang silid. Ng makababa ako ay nakasalubong ko ang isa sa mga kasamahan namin. "Ohh! Caramel saan kaba nanggaling hinahanap ka ng mama mo" "Ahhmm..pinaghatid po ako ni Señora ng meryenda ni señorito.Bakit daw po?Asaan po ba si Mama?"sunod subod kong tanong. "E.yung mama mo nasa palengeke na may pinabibili si señora.Kanina hinahanap ka nun kasi nagpapasama siya e. di ka mahagilap kaya ayun umalis nalang kasama si Andrie"mahabang paliwanag nito. Umawang ang bibig ko,hindi makapagsalita..Si Welsey kasi nanglalandi pa yan tuloy!...leason learned huwag lumandi kung oras ng trabaho!! "Siya mauna na ako sayo mqy gagawin pa ako."paalam nito at tinalikuran na ako. Nakanguso akong naglakad palabas ng mansiyon.Magsasampay pa pala ako sa mga nilabhang pamunas at pot holders ni mama kanina. Nakalimutan ko tuloy dahil sa kalandian ko!My gwwadd ka stress! Nagpunta ako sa likod bahay para magsampay na.Abala na ako sa pqgsasampay ng biglang may bumato sa akin ng nilukot na papel,ang masama sa mukha ko tumama.Walang hiya! Hindi ko na sana papansinin iyon dahil kailangan matapos ko na ito,mainit kasi ang kaso may sumunod na naman this time naman may kasamang ballpen.Tumingala ako para tignan kung sino iyon.Masama kung tinignan si Wesley na nakapeace-sign.Nakalimutan ko palang kwarto niya ang nasa taas. Pinulot ko ang unang papel na binato niya,binuklat ko iyon. "Hi love! You're like a sun,you shines so beautiful" Nag-init ang pisnge ko matapos iyon basahin.Bahagya kong kinagat ang labi ko at pasimpleng ngumit.Alam niya talaga kung paano ako pakiligin.Pero agad ding napawi ang ngiti ko ng mabasa sa gilid ang maliit na maliit na sulat. PS:bawal kiligin Alam niya kung paano ako pakiligin at alam na alam din niya kung paano ako asarin.Lumingon ako sa gawi niya at pinandilatan ko siya,natawa naman siya.Kinuha ko ang pangalawang papel na binato niya. "Hi babe !" Iyun lang ang nakasalut doon.Kinuha ko ulit ang unang papel at doon sumulat. Hi love your like a sun... PS.santol ! Santol 'yun! wag kang assuming! Iyon ang isinagot ko sa unang sulat. Kinuha ko naman ang pangalawang sulat. "Huwag kang magulo may trabaho ako!" Pagkatapos kong sumulat ay tumingin ako sa gawi niya,nakangiti ganun din siya.Sumenyas ako na ibabato ko ang papel sa kaniya,tumango naman siya.Magkasunod kong binato ang papel at magkasunod itong tumama sa mukha niya.Sapol! Nadinig ko ang malakas at malutong na mura niya.Napatawa nalang ako. At ayun nga natalagan ako sa pagsasampay kasi nilalandi niya ako doon.Patuloy kaming nagpalitan ng mga salit gamit ang papel at ballpen.Kung ano ano lang ang sinusulat namin.Di na din ako lugi doon patas naman kami,natagalan ako sa trabaho siya naman hindi nakapag-aral ng maayos.Ang kulit niya kasi! Umuwi na ako sa bahay tapos naman na ang trabaho ko,magpapahinga muna ako.Pakiramdam ko pagod na pagod ako...idagdag pa ang mabigat kong pakiramdam.Oo,nagagawa kong ngumit at makipag-usap sa kaniya pero nandito pa din ang kung ano sa aking dibdib.Hindi ko ito gusto pero hindi ko rin mapigilan.Ayaw ko ng ganito kasi hindi ito mabuti pero wala ako magawa.Ipapahinga na ko na muna ito baka sakaling mabawasan kung ano man ito. Pagkarating ko sa bahay kumain muna ako bago nagpahinga sa sala.Napabangon ako ng pabalyang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Señora na galit na galit ang mukha.Nanlilisik ang kaniyang mga mata at mabilis siyang lumalakad patungo sa akin. Hindi na ako nakakilos pa dahil sa gulat at takot na naramdaman ko.Ng makalapit siya sa akin ay hinaklit niya ang braso ko patayo at walang ano ano'y sinampal niya ako ng napakalakas napaupo ako dahil doon.Umiyak ako ng malakas dahil sa sakit at hapdi.Nalasahan ko ang sarili kong dugo sa aking labi. "Walang Hiya ka!Hinding-hindi ko gugustuhin na ang anak ng ahas ang makakapareha ng anak ko!...Pareho talaga kayo ng ina mo mga AHAS!...AHAS KAYO!"nanggagalaiting sabi sabay duro sa akin. Napahiyaw ako sa sakit ng hilahin niya ang buhok ko,halos matanggal na ang anit ko sa lakas na paghila niya sa buhok ko. "AHAS!...AHAS KA!...AHAS KAYO!"sigaw niya sa akin habang walang pakundangan akong hinihila palabas ng bahay. "Tama na po! Tama na po!parang awa niyo na!"nagmamakaawang kong sabi. "Maawa!?Ako?...Hinding hindi ako maawa sayong AHAS Ka!"malakas na sigaw niya at hinila ulit ako. Panay na ang pagmamakaawa ko pero hindi siya nakinig.Napahiyaw uli ako ng malakas niyang hinila ang buhok ko at tinulak sa may kalsada kasabay nun ang pagbusina ng papalapit na sasakyan.Hindi na ako nakakilos sa gulat.Nasulyapan ko pa ang ngiti ni Señora. Ito na ba ang katapusan ko? Ito ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD