CHAPTER 14

2077 Words
Chapter 14 Dito na ba nagtatapos ang buhay ko? Hanggang dito na lang ba? Palakas ng palakas ang busina ng sasakyan palapit ng palapit ito sa akin.Ngunit bago pa man iyon tumama sa aking katawan ang sasakyan ay nadinig ko ang paulit ulit na patawag sa aking pangalan kasabay nun ang pagyugyug sa aking balikat. "Caramel gising!Caramel!Caramel gising!"sabi ng kung sino at malakas na niyugyug ang aking balikat. Gusto kung bumangon pero hindi ko maigalaw ang aking katawan tanging ang aking ulo lang ang naigagalaw. "Gising Caramel!Gising!Gising Caramel"hayun na naman ang malakas na boses at mas lumakas din ang pagyugyug niya. Saka palang nakagalaw ang aking katawan ng bahagya niya akong sampalin.Napabalikwas ako pabangon sa gulat, hinihingal at pawisan ang aking noo. Si ate Patris ang nabungaran ko napayakap agad ako sa kaniya,may luha sa gilid ng aking mga mata.Takot na takot ako parang totoong totoo ang panaginip. "Shhh...panaginip lang yun"malamyos na saad niya habang hinihimas himas niya ang likod ko. Bakit? Bakit parang totoo? Ano ang nais ipahiwatig nun? Anong ahas? . Bakit tinatawag niyang ahas si mama? At ako? Ano ang ibig sabihin nun? Iyon ang mga katanungang namumuo sa aking isipan. Ilang minuto pa akong yumakap kay ate Patris bago kumawala. "Ayos ka na Cara?"nag-aalalang tanong niya,tumango ako bilang sagot. . "Binangungot ka.Huwag ka kasing matutulog ng nakatihaya hindi maganda 'yan"mahabang pahayag niya. Tumango lang uli ako."Bakit ka nga pala narito Ate?"pag-iiba ko ng paksa. "Ano kasi...pinapatawag ka ni Señora" Natulala ako sa sinabi niya,bigla ay nag-iba ang aking pakiramdam.Kinakabahan ako na natatakot.Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko,halo halo ito.Mabilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba at takot.Pagkatapos ng panaginip na iyon hindi ko yata kayang humarap kay Señora. "Oh,ayos ka lang ba?Namumutla ka,masama ba pakiramdam mo?"magkasunod niyang tanong.Sasagot na sana ako ng muli siyang magsalita. "Teka, ikukuha kita ng tubig"dagdag pa niya at nagmamadaling umalis para kumuha ng tubig. "Oh! inom ka muna"inilahad niya sa akin ang isang basong tubig.Kinuha ko iyon at uminom upang kahit papaano mabawasan ang kaba ko.Kinalahati ko ang lamang tubig niyon. "Huwag ka nalang kaya pumunta kay señora sasabihin ko nalang na masama ang pakiramdam mo" "Hindi na,pupuntahan ko siya"hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. Pupunta ako baka mahalata niya. "Sigurado ka?" "Oo.Kanina pa ba niya ako pinapatawag?" "Oo medyo kanina pa" Ng marinig ko ang kaniyang sagot ay agad akong tumayo mula sa pagkakaupo. "Ahh cge pupunta na ako kanina pa pala ako pinapapunta" Nagmamadali akong umalis sa bahay,panigirado galit na iyon ayaw kasi nitong pinapaghintay siya.Nakakainis pa nito ay kinakabahan ako nangangatog ang aking tuhod buti nga at nagagawa ko pang ihakbang ang aking mga paa. At ang mas nakakainis ay hindi ko alam kung nasaan si señora ni hindi ko man lang natanong si Ate Patris sa pagmamadali ko.Saan ko kaya siya pupuntahan hindi naman pwedeng matagalan pa ako lalo dahil talagang yari ako nito.Kahit naman hindi pa ako nito napapagalitan ay nakita ko na itong magalit sa iba kong mga kasamahan dito.Sa tuwing pinaghihintay ito,o di kaya may hindi nagustuhan ay grabe ang galit nito,buti nga at hindi nagmana si señorito sa kaniya. Ano ba naman Caramel? Katangahan nga naman. Ang layo ko na sa bahay mas matatagalan ako kung babalik pa ako dun at may posibilidad na wala na doon si Ate Patris.Napagpasiyahan ko nalang na hanapin si señora sa loob ng masion. Hinanap ko siya sa loob ng mansion,pero hindi ko makita.Nagtanong-tanong din ako sa iba naming kasamahan pero hindi daw nila nakita.Asaan ba kasi si señora?Mas lalo akong kinakabahan na hindi ko siya mahanap. "Oh Caramel bakit ka humahangos?Tumakbo ka ba?Ano bang pinag-gagawa mong bata ka?"sunod sunod na tanong ni Manong Roel isa sa mga driver dito. "Ehh hinahanap ko po kasi si señora,nakita niyo po ba?"balik tanong ko sa kaniya. "Kakahatid ko lang sa kaniya.Bakit?" "Hala umalis na po!Lagot na!" "Bakit ija?" "Eh pinapatawag niya daw po kasi ako kaso natagalan pa ho ako" "Hayaan mo na ija,umalis naman na siya.Hindi yun magagalit" "Sure ho kayo dun?" "Oo naman,makakalimutan niya din iyon sa dami ng appointment niya"ngising aniya ni Manong "Trust me"nakathumbs up na sabi niya sabay taas baba ng kilay niya. "Sabi niyo 'yan huh!" "Oo" "Sige ho,mauna na ako" tumango lang si Manong lumakad naman ako paalis. "Huwag ka nang mag-alala dun"pahabol pa nito muli akong lumingon sa kaniga at nagthumbs up sabay tango. Halos mapatili ako ng biglang may humarang sa pintuan buti nalang natakpan niya ang bibig ko. "Shhhhhh"sabi niya at walang ano ano'y hinila niya ako pabalik sa loob. "Wesley ano ba!"nagpupumiglas kong sabi mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko,pero hindi masakit para bang nag-iingat siya na hindi ako masaktan. "Wesley baka may makakita sa atin!Bitaw!"madiin ngunit mahina kung saad pero hindi siya nakinig patuloy niya lang akong hinila. "Wesley- Naputol ang sasabihin ko ng bigla siya humarap sa akin. "If you won't stop making noise they will know,do you want that?"nakataas kilay niyang tanong.Umiling iling ako. "Bitawan no kasi ako!"pilit kong inaalis ang aking kamay sa pagkakahawak niya. "No" "Wesley!isa!" "Dalawa!"pangagaya niya.Sinamaan ko siya ng tingin. "Wesley hindi ako nagbibiro" "Caramel you think I'm just kidding?"masungit na tanong niya. "Bitawan mo kasi ako" "No.Didn't I tell you that we're going to talk"malamig na sabi niya. "Nagsabi ka pero bitaw- "Be quit love if you don't want them to know us" "Bitaw kasi" hindi niya ako pinansin,pilit kong tinatanggal ang aking kamay sa pagkakahawak niya. "Ano ba Wesley bitaw"mahinang saad ako,takot baka may makarinig.Hindi niya uli ako pinansin sa halip ay mas bumilis lang ang lakad niya. "If you don't stop talking I'll shout"banta niya.Inirapan ko siya. "Try"hamon ko sa kaniya. LOL! as if naman tototohanin niya.Pero mali pala ako ng akala dahil binigyan niya ako ng ngisi. "Try huh?"taas kilay niyang tudyo sa akin.Nanlaki ang mata ko sa gulat ng sumigaw siya. "Manang!- Mabilis pa sa alas kwatro ang kilos ko agad kong tinakpan ang bibig niya at hinila papunta sa likod ng pader.Shit! Masama ko siyang tinignan aliw naman ang mga mata niya sa nakikita.Natutuwa talaga siya pag-naaasar niya ako.Hmmm...kung 'di lang talaga....Kung 'di ko lang talaga mahal ang lalaming ito baka nahambalos ko na. Tinanggal niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.Kumawala sa labi niya ang mapanudyong ngiti inirapan ko nalang siya.Tinawanan niya lang ako. "Tara na!"humawak siya sa kamay ko hindi na ako umangal pa at nagpatianod nalang sa kaniya mamaya sumigaw na naman 'to. "Hindi kana umangal ha"ngising tudyo niya. Hindi na ako umimik pa.Hindi ko siya kakausapin bahala siya! "Good girl.Stop making noise or else they'll know us" sabi niya ng mapansing hindi ko siya sinasagot.Umirap nalang ako sa kaniya.Mahina siyang tumawa sa aking naging aksiyon.Maududling na ako kakairap sa kaniya tapos siya tatawanan lang ako. Patago-tago kami sa mga sulok habang paakyat siguro sa kwarto niya para makaiwas sa mga iilang katulong na pakalat kalat sa loob.Kinakabahan ako tuwing may makikita akong katulong baka kasi mahuli kami. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating kami sa kwarto niya ng walang nakakaalam sa amin.Pagkapasok namin saka pa lang niya binitawan ang aking kamay,dumeritso siya sa kama at umupo.Nanatili akong nakatayo sa may pinto pinapanood siya.Sumeryoso ang aking mukha.Bigla ko ulit naalala ang aking panaginip,heto na naman at bumigat ang aking damdamin.Muling nanumbalik ang takot na minsan nang naghari sa aking kalooban. "Hey!"napabalik ako sa aking ulirat ng marinig ang malambing na pagtawag niya sa akin. Sumenyas siya sa akin,pinapaupo ako sa tabi niya.Ilang bese niyang tina-tap ang kama sa kaniyang tabi. Sa halip na umupo sa kaniyang tabi ay dumeritso ako sa couch at doon na upo.Mayamaya pa ay naramdaman kong naglakad siya palapit sa akin.Naupo siya sa aking tabi. "Love,let's talk"mahinahon niyang saad.Humarap ako sa kaniya at tumango. "Anong pag-uusapan natin?"tanong ko. "Do we have a problem?"balik-tanong niya.Umiling ako. Sa loob loob ko gustong gusto ko nang sabihin sa kaniya lahat lahat dahil alam kong maiintindihan niya ako...gusto kong umiyak sa kaniyang bisig dahil paniguradong yayakapin ako nito ng pagmamahal at papawiin nito ang mabigat na pakiramdam...Pero sa halip na magsalita ay nanahimik ako...pinipigil ang sarili...Sa oras na bumukas ang aking bibig hindi ko na ito mapipigil pa. "Then why suddenly cold?"masasalamin sa mga mata niya ang sakit nung sabihin niya iyon.Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Kasi..."panimula ko.Parang napakahirap aminin sa kaniya ng rason ko.Hindi kasi dapat ganun...Mababaw kasi ang rason na iyon...its nonsense!...its selfishness! hindi dapat ganun! "Kasi ano?...Hmmm...?"inipit niya sa aking tenga ang iilang hibla ng aking buhok na tumatabing sa aking mukha. "Ano...Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako...Naiinis ako nang nalaman kong hindi matagal ang pananatili mo dito... Gusto kong manatili ka nalang dito...dito sa tabi ko..."Nagbaba ako ng tingin,ayaw kong makita niya ang mga mata kong may namumuo ng luha. "Alam ko namang nonsense ang rason ko...Nagiging makasarili na ako...Masyado na akong nagiging needy pagdating sayo...Hindi dapat ganun,dapat ini-intindi kita...dapat malaya ka,hindi kita dapat kinukulong sa akin!Hindi dapat kita pinipigilan na abotin ang mga pangrap mo! "Hindi ko na napigil ang sarili ko at sinabi ko na sa kaniya. Umagos ang masaganang luha sa aking mata na agad ko ding pinunasan.Ayokong makita niyang nahihirapan ako.Malakas siyang bumuntong hininga. "Love"malambing na tawag niya. Hinawakan niya ang magkabila kong mukha at dahan dahan itong inangat.Ayoko!...Ayoko!...Ayoko sanang mag-angat ng tingin pero wala na akong lakas matapos marinig ang malambing niyang pagtawag sa akin.Nang matagumpay niyang naiangat ang aking mukha ay nagtama ang mga mata namin,ang kaniya ay nasasaktan ganun din ang sa akin.Tinuyo niya ang mukha ko gamit ang kaniyang daliri. "Hindi nonsense ang rason mo...Naiintindihan ko...Naiintindihan kita...You are annoyed because you are stopping your self not to feel sad at the same time your trying to understand me"nahihirapan niyang sabi. "You just want me to stay with you but I can't...You're not needy, its just you've missed me...You are not suppressing me to reach my dream...Beacuse I've already reach it...you are the dream,I already have you...and that's all I needed...its just only you"buong puso niyang saad. Inilagay niya ang kaniyang noo sa akin,pinikit niya ang kaniyang mga mata and i can't help it but to do that same. "I'm sorry" mahinang wika ko. "Don't be sorry.Wala kang kasalanan"Bahagya siyang lumayo kaya minulat ko ang aking mga mata.Umiling ako. "Still sorry" Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya kasi pakiramdam ko may nagawa akong mali...naguiguilty ako dahil nakakadagdag ako sa mga pasanin niya...Marami na nga siyang inaasikaso at prinoproblema sa pag-aaral niya heto pa ako...I should've keep it all to myself...I should've endure it by myself...Now that I've said it to him pakiramdam ko nahihirapan siya dahil sa akin.Pahirap lang ako! Bumuntong hininga siya.Niyakap ko siya dahil unti unti na namang namumuo ang luha sa aking mga mata. "Hushhh love...stop crying please"malambing na pagpapatahan niya sa akin,humigpit ang yakap niya at bahagya pang hinahaplos ang likod ko.Ang kaninang namumuong luha at tuluyan ng tumulo. "Sorry...k-kasi...k-kasi d-dahil sa akin nahihirapan ka...Sorry kasi nagiging pabigat ako...sorry kasi pahirap ako sayo"umiiyak na sabi ko. "Love no...."kumakawala siya sa yakap niya pero pinipigil ko ito sa halip ay mas lalo ko hinigpitan ang yakap ko.Ayoko!ayoko ko siyang pakawalan! "Love listen"sinapo niya ang aking mukha at iniharap sa kaniya.Mas lalo akong naiiyak ng makita kong tumutulo rin ang kaniyang luha. "Love your not scot to me,your my ease...When I'm with you everything is fine...you'll be never a burden to me because you always lift me up...So please stop thinking that...Stop crying please...its hurting me"umiiyak na saad niya,panay ang pahid niya sa aking mga luha samantalang ang kaniya ay hinahayaan niya lang na tumulo. Namayani ang katahimikan sa amin,wala ni isa ang nagsalita.Magkayap lang kami at ninanamnam ang komportableng pakiramdam sa bisig ng bawat isa. "Next time let it out as early as possible.Hindi maganda yung kinikimkim mo lang...You can complain it to me...you can shout at me...slap me even if you punch me its okay,just let it out please"malamyos na sabi niya.Tango lang ang sinagot ko. He gave me kiss.Mabilis lang iyon,isang dampi lang na parang hangin na dumaan. "Your eyes are a little bit swollen"puna niya sa mata ko. "Panget na ba ako?"wala sa sariling tanong ko. "Silly.Of course not,still beautiful love"ngsising aniya sabay halik sa ulo ko. "Talaga lang huh?"nakangusong sabi ko.Tumawa lang siya sabay tango. "Your beautiful...So much beautiful" "Bolero" "Hey I'm not"depensa niya. "Its true your beautiful...Sa sobrang ganda mo nga plinano ko na ang future ko kasama ka" Nanlaki ang mata ko sa pagkasurpresa.Ngumiti siya sa akin.A genuine smile. "I'll study hard.... find a job then I'll marry you"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD