CHAPTER 2
Warning:
Typos and grammatical errors ahead!!!!
Abala ako sa paglalagay ng mag damit na plinantsa sa basket ng makarinig ako ng pagbukas sara ng pinto.
Nangunot ang aking noo...ambilis naman ata ni mama
"Sabi ko na ngaba nandito ka lang"wika ng baritonong boses
Agad akong napaangat ng tingin ng marinig ang boses na iyon.
"Señorito ano pong ginagawa niyo dito at ano po ang kailangan mo?"sunod sunod kong tanong.
"I bring you some snack"sabi niya at ipinakita ang hawak niya.
"Nag abala ka pa señorito"tanging sabi ko.
"Wala yun kawawa ka naman kasi kung magutom ka matangkad ka nga payat kapa edi mukha kang-
"Mukhang ano huh?"putol ko sa sasabihin niya.
"Ahheemmm...mukha kang..."pabitin na sabi niya
"Ano huh señor!?"nakataas ang kilay kong tanong
"Nothing let's eat,nangagawit na ako sa kakahawak nito"reklamo niya.
Sinamaan ko muna siya ng tingin bago tinulungan.
"Bakit kasi nagdala ka pa niyan dito?"Tanong ko habang hinahanda ang mesa.
"Wala kasi akong kasabay mag meryenda umalis sina mommy at daddy,kaya ikaw nalang"mahabang sabi niya.
"Ohhh siya, tara Kain na"aya ko sa kaniya
Kumuha na siya ng pagkain ganun din ako.
Napatitig ako sa kaniya habang ngumunguya siya...amp ang cute!
Napakaswerte ko dahil kahit na malayo ang agwat namin sa buhay ay kinaibigan niya pa rin ako.
Noong mga bata pa kami akala ko pinagtitiisan niya lang ako bilang kaibigan niya dahil wala siyang kalaro pareho kaming walang kapatid ngunit ng lumaki kami ay hindi nagbago ang kaniyang pakikitungo sa akin.
"Hey!"
Sana walang magbago sa amin
"Hey!"
Sana- naputol ang pag-iisip ko ng medyo lumakas ang boses nito.
"Hey!, why are you staring at me like that?...may dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya.
"Huh? a-aahh w-wala señorito"utal utal kong sabi at sumubo nalang ng pagkain
"Auhmmm I have a favor to you"nag aalinlangan niyang sabi
"Ano yun?"tanong ko
"May gagawin ka ba sa linggo?"
"Hmmm...wala naman..bakit?" Sabi ko habang ngumunguya
Wala na akong masyadong gawain sa linggo dahil sabado naman ang araw ng labada ni mama.
"Pede ka bang sumama sa akin?"pakiusap niya.
"Sumama Saan?"naguguluhan kong tanong.
"Birthday ng kaibigan ko he invited me,I want you to come with me"paliwanag niya.
Ako sasama sa kaniya?
Ayoko! mayayaman ang nandoon manliliit lamang ako sa aking sarili.
"Huwag ka sanang magtatampo pero ayokong sumama...pasensiya na"paghingi ko ng tawad.
"Bakit ayaw mong sumama?"tanong niya
"Nakakahiya kasi"alanganin kong sabi.
Nakakunot ang noo niya habang seryosong nakatingin sa akin.
"Nahihiya kang kasama ako?"seryoso niyang saad at masama ang tingin sa akin.
Nagulat ako sa sabi niya.hindi ganun ang ibig Kong sabihin.
"Mali ka señorito...hindi ganun ang ibig kong sabihin,nahihiya ako dahil mayayaman ang mga naroon"ani ko
Nawala ang pagakakunot ng noo niya at seryoso siyang tumitig sa aking mga mata.
"No need to worry that,your with me"sabi niya at hinawakan ako as kamay.
Ang mainit at malambot niyang palad ay humawak sa akin at naging sanhi iyon ng pgatibok ng mabilis ng aking puso.
Naramdaman ko rin na tila may kuryenteng dumadaloy.
Bigla akong nagtaka.
Bakit ganun?.Bakit bumulis ang t***k ng aking puso?
Bakit may kuryente?
Madalas niyang hawakan ang kamay ko at kadalasan normal lang naman ang nangyayari.
Bakit may iba akong nararamdaman?
Hindi...Hindi ito maaari!
Napabalik ako sa aking ulirat ng magsalita itong muli.
"So please come with me"pagsusumamo niya
Umiling ako. Ayoko mas lalo akong mahihiya kung kasama ko siya.
Nakakahiyang makihalubilo sa mga mayayaman hindi ako nararapat doon ma a out of place lang ako doon.
"Why?wala ka namang gagawin diba?"tanong niya
Tumango ako bilang sagot.
"You shouldn't worried about the people dahil walang masyadong tao dun dahil kaming magkakaibigan lang ang naroon"
"Ehh nandun naman pala ang mga kaibigan mo 'di mo na ako kailangang isama dun"sabi ko
"Iba pa din pagkasama kita dahil ikaw ang dabest"
"It was just a simple celebration tayo tayo lang...at isa pa manonood kami ng sunset kaya gusto ko kasama kita"dagdag niya
"Please sama ka"nagamamakaawa niyang sabi
Hindi ko alam...pero napatango na lamang ako.Hindi ko matanggihan ang gwapo niyang mukha.
"Really?...thank you"sabi niya at umakbay sa akin
"Ako na ang bahalang magpaalam sa mama mo"sabi niya na may malapad na ngiti sa labi
Tumango ako bilang sagot.
"Don't forget sa sunday yun"masayang sabi niya
Napalingon kami ng biglang bumukas ang pinto.
"Ohh Wesley narito ka lang pala" sabi niya
"Bakit po?"magalang niyang tanong
"Dumating na ang mommy mo at kanina ka pa hinahanap "sagot ni mama.
"Auhhh cge po aalis na ako"sabi niya at tumayo na.
Bago siya lumabas at tumango siya sa akin.
Iniligpit ko muna ang pinagkainan namin ni Wesley.Pinanood lamang ako ni mama.
Pagkatapos kong magligpit ay umupo ako sa tabi ni mama.
"Ma,snack po kayo"aya ko may natira pa kasi andami ba naman a ng dinala ni Wesley.
"Salamat nak pero tapos na"sagot niya.
Lumapit siya sa akin.
Hinawakan niya ako sa kamay at ngumti sa akin.
"Nak dalaga ka na"sabi niya sabay haplos sa buhok ko.
"Paalala ko sayo nak na huwag kang masyadong malapit Kay Wesley hindi na kayo mga bata iba na angg iisipin ng mga tao at isa pa alam mo naman kung ano ang ugali ni Senyora"mahabang sabi niya
"Opo ma alam ko at tatandaan ko po iyan alam ko din po kung saan ako lulugar"sabi ko
Ngumiti si mama at niyakap ako.
Sa mundong ito alam ko na malayo ang agwat naming dalawa ni Wesley,siya ay galing sa mayamang pamilya samantalang ako ay katulong lamang nila.Napakalayo namin sa isa't isa dahil siya ay tila isang tala na nagniningning at kay hirap niyang abutin.
'Yan ang realidad ,siguro nga ay nasanay nalang siya sa akin dahil simula pa nung mga bata ay magkasama kami.
Maituturing na swerte ako dahil kahit na ang layo ng agwat namin ay kinakaibigan niya parin ako.
At hanggang doon lang kami...
Wala ng mas higigit pa doon...
"Nak?"tawag sakin ni mama habang unti unting kumakalas sa yakap.
mabilis
"Po?"sagot ko
Tumitig siya at seryoso akong tinignan.Kinabahan ako sa uri ng pagtitig niya sa akin.
"May crush ka na ba?"nakangiti niyang tanong
"Ma!,wala po ako niyan!"depensa ko.
"Hmmm...talaga ba?"hindi naniniwalang sabi niya.
"Ma naman!, sino bang magkakagusto sa akin sa itsura ko ba namang ito"
"Maganda ka nak,hindi lang sa labas pati din sa loob"
"Sus!binola mo pa po ako"
" 'di kita binobola,ako kaya ang mama mo,mana ka sa akin"
Sabay kaming natawa sa sinabi niya.
"Pero seryoso nak huwag ka muna sumubok sa mga bagay na 'yan...hindi pa ako handa para sayo sa mga ganyang bagay.Nais ko munang makapagtapos ka ng pag-aaral"seryoso niyang sabi.
"Opo ma,at wala pa po sa isip ko ang mga ganyang bagay, ang priority ko po ay ang aking pag-aaral dahil gusto ko pong matupad lahat ng pangarap ko para sa atin"mahabang saad ko.
"Hmmmm...ang swerte swerte ko sayo" sabi niya sabay kurot sa pisnge ko.
"Ako din ma ang swerte ko sa inyo"saad ko at kinurot ko din ang pisnge niya.
Sabay kaming natawa...Para kaming mga baliw.
Napatigil ako sa pagtawa ng may maalala.Kailangan ko pa lang unahan sa pagpapaalam kay mama si señorito.Baka kasi di ako payagan at least masasabi ko ng maaga kay señorito.
"Auhmmm....nga po pala ma may sasabihin po ako sa. inyo"nag-aalinlangan kong sabi.
"Ano yun nak?"
"A-ano kasi ma,auhmm...m-magpapaalam po sana ako"utal utal kong sabi.
Kinakabahan ako dito,dahil di ako sigurado kung papayag ba siya.
"Bakit?,Saan ka pupunta?"naguguluhang tanong niya
"A-ano po kasi ma...ahhh pinapasama po ako ni señorito sa birthday ng kaibigan niya"kabadong sabi ko.
"Ano!?,bakit naman?"takang tanong niya.
"Hindi ko po alam, ang sabi lang po kasi niya kaya daw niya ako isasama kasi manonood daw ng sunset at gusto daw niyang makita ko yun"paliwanag ko
"Nak,puro mayayaman ang naroon"nag-aalalang sabi niya.
"Auhhm wala daw bisita sila lang ng mga kaibigan niya"
"Ikaw ba nais mong pumunta?"
Tumango ako.Gustong gusto kong sumama pero kung ayaw ni mama okay lang.
Narinig ko ang buntong hininga niya.
"Ohh siya siya ,sige na pumapayag na ako"
"Talaga ma!?"gulat kong sabi.
Hindi ko inexpect na papayag siya.
"Oo-
Naputol ang sasabihin niya ng bigla ko siyang niyakap.
"Thank you ma!"
"Walang ano man...Lahat gagawin ko mapasaya ka lang"sabi niya sabay hagod sa aking likod.
Excited na ako!...sobrang excited na!
Hindi na ako makapaghintay!
Sa wakas isa sa pangarap ko ang mapanood ang sunset ngayon matutupad na!
Bawat araw na dumadaan ay ginagawa kong abala ang aking sarili para matapos ang lahat ng kailangan kong gawin bago ako umalis.
Mabilis na lumipas ang mga araw at bukas na ang flight namin.Kinakabahan ako na natutuwa,ewan 'di ko maexplain ang nararamdaman ko.
Inimpake ko na ang mga damit na kailangan ko at lahat na rin ng pangangailangan ko ay naihanda na ni mama.Panay rin ang bilin niya sa akin ng kung ano ano.Huwag ko daw pababayaan ang sarili ko,mag iingat daw ako.Huwag din daw ako hihiwalay kay Welsey baka mawala ako,hindi ko paman daw kabisado ang lugar.
Siguro sobra talaga siyang nag-aalala sa akin dahil ito ang unang beses na magkakahiwalay kami.
Pagkatapos kong ihanda ang lahat ay
nagpahinga na ako dahil bukas maaga pa akong gigising,maaga rin kasi ang flight namin.
Kinabukasan nagising ako dahil sa tunog ng alaram.Alas kwatro palang ng madaling araw ngunit kailangan ko nang bumangon dahil ilang oras pa ang byahe mula Mindoro papuntang airport,alas onse ang flight namin.Naligo na ako at nag-almusal kasama si mama nagising din kasi siya.
Nagbihis na ako,simpleng white shirt na may print na 'NIKE' at pinatungan ko ng black na hoodie partnered with black jeans lang ang suot ko then white shoes.
Binitbit ko na ang bag na nagalalaman ng aking mga damit.Sa may gate ako mag-aantay kay señorito,sinamahan ako ni mama.Habang naglalakad kami ay panay na naman ang paalala niya sa akin palaging opo.
Pagkarating namin sa gate naroon pa si manong Edgar ang pang nightshift na guard.
"Good morning manang Isabel,Caramel"bati niya
"Good morning din po"pabalik kong bati
"Magandang umaga rin sa iyo"bati ni mama
"Maylakad ho ata kayo.Saan punta niyo?"tanong ni manong Edgar
"Itong anak ko lang ang may lakad kasama siya ni señorito"aniya ni mama
Akamang magsasalita uli si manong Edgar ng mapapikit kami dahil biglang may nakakasilaw na ilaw ng tumama sa mga mukha namin.Galing iyon sa sasakyan ni señorito at patungo ito sa direksiyon namin,agad namang binuksan ni Manong Edgar ang gate.
Tumigil ang sasakayan sa harapan namin at saka lumabas doon si señorito
"Good morning po"magalang niyang bati pagkababa niya
"Good morning din ijo"saad ni mama
"Akin na po any gamit ni Caramel"paghingi niya ng gamit ko kay mama na agad din namang ibinigay ni mama.
Pagkatapos niyang ilagay ang aking mga gamit ay nagpaalam na siya kay mama.
"Aalis na po kami"aniya ni señorito
"Sige mag-iingat kayo"sabi ni mama at niyakap ako
Iginiya na ako ni señorito papasok ng sasakyan
Bago kami tuluyang umalis ay binuksan ko muna ang bintana at kumaway kaya mama.
At tuluyan na ngang lumayo ang sasakyan mula sa kanila.
Tahimik lang kami sa loob wala ni isa sa amin ang nasasalita.Seryoso siya habang nagmamaneho,inabala ko nalang ang aking sarili sa panonood sa daan.
Kapag kuwan ay tumikhim siya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Did you eat?"tanong niya at sumulyap sa akin tapos binalik muli ang tingin sa daan.
"Oo,tapos na"sagot ko
"Good.Are you still sleepy?"tanong niyang muli habang hindi sumusulyap sa akin
"Auhh,medyo"saad ko
Inaantok pa talaga ako dahil hindi ako sanay na nagigising ng ganito kaaga.
"Have some sleep you have a lot of time to sleep
"Hindi na"
"Why?"
"Hindi naman ako masyadong inaantok"
"Kahit na,it should be better if you'll have some sleep"
"Hindi na"
"You sure?"
"Oo"
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Okay then"
Sa totoo lang inaantok talaga ako,hindi ako sanay na gumising ng ganito kaaga,pero nakakahiya naman kung matutulog ako habang siya nagmamaneho magmumukhang ako yung amo sa aming dalawa.
Hayys! Buhay mahirap nga naman...