Kabanata 2

1092 Words
"Tay saan ka ba natago? Sobrang natakot kanina," tanong ko kay itay nang makauwi kami. Akala ko ay katapusan ko na kanina, hindi ko manlang siguro nasulyapan si Itay kung namatay ako kanina. "Nasa tindahan ako ni Aling Nena nagmemeryenda anak, pasensya ka na nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong niya. "Hindi naman ‘Tay mabuti na lang niligtas ako nung lalaki," kuwento ko kahit na may kapalit naman iyng pagliligtas sa akin. Tumango na lang sya at pumunta sa kusina para magluto ng hapunan namin habang ako naman ay pumasok na sa silid ko para makapagpalit ng damit pambahay. Mabuti na ring hindi na nagtanong pa si Itay ng detalye dahil papano ko naman ipapaliwanag na nakiusap ako sa lalaking iyon na iligtas ako kapalit ng tsuktsukan, bagay na hindi ko naman alam kung ano. Habang nagbibihis ako ay iniisip ko pa rin kung ano ba tsuktsukan na ‘yon baka mamaya e mapahamak ako. Pero wala naman akong magagawa dahil iniligtas niya ako kailangan ko talagang tumupad sa sinabi ko dahil utang ko sa kan’ya ang buhay ko. Kahit naman nadamay lang ako sa away nila ay dapat ko pa ring ipagpasalamat na niligtas niya ako, paano na lang kung hindi? Haaayy! Bahala na nga! Maaga akong pumasok kinabukasan dahil may event sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Birthday party ng kaibigan ng boss namin pa birthday niya raw. Mabait ang boss namin pero minsan nakakatakot. Ewan ko ba sa mga lalaki, bakit ganoon sila mukha namang mabait pero nakakatakot katulad na lang noong lalaki kahapon. Hayyy! Naku naalala ko na naman iyon, paano kaya kami magkikita? Pagkarating ko sa trabaho ay agad akong nagbihis ng uniform ko. "Annisa bilisan mo ayusin mo na raw ang mga lamesa," utos sa’kin ng katrabaho kong si Rica. Agad naman akong nag-ayos ng mga lamesa at upuan. Wala kaming mga customer ngayon dahil sa party. Naka-reserve ang buong restaurant para lang sa kaibigan ng boss namin, ang balita pa ay kasosyo niya rin ito sa mga negosyo niya kaya ganoon na lang siguro ang special treatment nito sa kaibigan. Matapos kong ayusin ang lamesa at upuan ay mga lobo naman ang inayos ko. Hinanginan ko ang mga ito at inayos ang arrangement. HAPPY BIRTHDAY MARCO Iyan ang nakasulat sa mga lobo. Matapos naming ayusin ang lahat ay pumunta na kami sa kusina para ihanda ang mga pagkain dahil nagdadatingan na ang mga bisita. Pansin ko na karamihan sa mga dumadating ay mga lalaki tila bilang lang sa daliri ang mga babae. "Kamusta ang tsuktsuk mo kagabi Rica?" tanong ni Yanyan, kapwa ko waitress. "Sarap girl, sobra!" Masayang sagot ni Rica. Masarap? Ibig sabihin ba nun pagkain ang tsuktsuk? baka naman tusok tusok ‘yon, ‘yong mga fishball ganun? Mas lalo akong napapaisip, sana naman ay tama ang naiisip ko. Baka mahilig sa steet food iyong nagligtas sa akin kaya pumayag siya sa inalok ko sa kan’ya. "Ikaw Annisa may tsuk tsuk ka na ba?" baling nila sa akin. "Ah… ano wala pa pero baka mga isang araw kasi may nakausap na ako sabi niya tawagan na lang daw niya ako," sagot ko sa kanila. Pero sa totoo lang okay lang naman siguro akong magtsuktsuk, kakain lang naman ng steet food masaya lang siguro na may kasama kaya ganyan sila. "Ayon sa wakas makakarelate ka na sa amin!" Masayang sabi ni Yanyan. Ngumiti lang ako sa kanila bago nagdala na ng pagkain sa labas para sa mga bisita. Habang nag lalagay ako ng pagkain sa mga mesa ay napalingon ako sa bagong dating at nanlaki ang mata ko nang makita iyong lalaking tumulong sa akin kahapon! Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, hindi ko alam pero kinakabahan ako sa presensya niya. May kung ano sa kan’ya na para bang manginginig na lang ako sa kaba. "Happy Birthday Marco!" Masayang salubong sa kan’ya ng boss namin. Siya ang may birthday? "Tss may pa ganito kapa Renzo ha, love na love mo talaga ako," sagot nito bago sila nagyakapan. Agad naman akong bumalik sa kusina at nagtago baka makita niya ako wala pa naman akong dalang pera ngayon baka ayahin niya na ako ng tsuktsukan papano ko siya ililibre? Naku naman! Birthday pa naman niya, dapat talaga ngayon ko siya ilibre. Bahala na nga mamaya! "Annisa dalhin mo raw itong juice sa table noong may birthday," utos ni Rica. Pagkarinig ko pa lang sa utos ni Rica ay agad na akong kinabahan, paano kung makilala niya ako? "Bakit ako?" Kinakabahang tanong ko. Bakit naman ako pa ang naisipan nilang utusan? "Girl, bakit hindi? Sige na ang guwapo swerte mo makakalapit ka," sagot niya sa akin. Wala akong nagawa kundi dalhin ang juice at nang makarating na ako sa table ay yumuko ako para ‘di niya makita ang mukha ko. Ipinatong ko ang juice sa lamesa at ng akmang aalis na ako nang may humawak sa kamay ko at agad naman akong napalingon at nakita ko ang nakangiting mukha ng nagligtas sakin kahapon. Ngiti pa lang niya ay kinakabahan na ako, kahit nakangiti siya ay ramdam na ramdam ko ang lamig ng kan’yang mga mata. "So you work here?" tanong niya. "Opo," nahihiyang sagot ko sa kan’ya. Lalo naman siyang napangisi at binitawan ang kamay ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. "Okay I'll wait for you later para sa kapalit ng kahapon," sambit niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at muli na namang ginapangan ng kaba, wala nga akong dalang pera ngayon! "Ngayon na po ba tayo magtsutsuktsukan?" tanong ko sa kan’ya. "Hmm, oo perfect timing since birthday ko," tumatango-tangong sagot niya. Wala naman na akong nagawa kundi tumango, siguro kina Aling Nena ko na lang siya aayain para pweding utang na lang muna bukas ko na lang babayaran. Nakakainis naman kasi bakit ngayon pang wala akong dalwang pera? Matapos ang party ay nag ayos na kami ng mga ginamit at habang nagtatrabaho pa kami ay nakita kong hinihintay ako ni Marco, iyong nagligtas sa’kin kahapon. Nalaman ko ang pangalan niya dahil siya ang may birthday at ang nakalagay na pangalan sa lobo ay Marco kaya malamang iyon ang pangalan niya. Matapos namin ayusin lahat ng ginamit sa party ay nagbihis na ako para mapalitan ang suot ko na uniform. Lumabas na ako at naabutan ko si Marco na nakasandal sa kotse. Agad siyang lumingon sa’kin nang makita niya akong palabas at nang makalapit ako ay binuksan niya ang pintuan ng kotse, pumasok naman ako. "Pwede bang doon na lang tayo sa kakilala ko?" tanong ko sa kan’ya. "Ahh sige?" naguguluhang sagot niya sa’kin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD