bc

Innocent Heart

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
HE
badboy
kickass heroine
confident
mafia
bxg
kicking
mystery
loser
campus
enimies to lovers
war
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang isang inosenting babae ay nakilala ang isang cold pero playboy na lalaki?

What if she met the most playboy mafia?

Will Marco Sagier take advantage of Annisa’s innocence?

Dahil sa pagligtas ni Marco sa buhay ni Annisa ay pinangako niya sa lalaki na makikipagtsuktsukan siya rito. Hindi naman niya alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng bagay na iyon. Madalas niya lang marinig ang bagay na iyon sa kan’yang mga katrabaho, mapahamak kaya si Annisa dahil sa kan’yang kainosentihan?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Hey bro I heard maganda 'yong naiuwi mo kagabi," bungad ng kaibigan ni Marco na Rusty. "Yeah Allyson Gutierrez," walang ganang sagot ni Marco. "Damn! Really? That girl is super hot man!" Hindi makapaniwalang sambit ng lalaki. Natawa naman si Marco sa reaksyon ng kaibigan niya. Ano pa bang aasahan sa isang gwapong tulad niya? Siyempre dapat maganda rin ang ikakama niya. Hindi naman pweding basta-basta na lang ang babae maikakama niya, oo nga't playboy siya pero mapili naman siya. Hindi porke babae ay papatulan na agad niya. Never been hurt and never been inlove iyan si Marco. Love? Para sa kan'ya ay isang kalokohan lang iyon. Dahil sa love ay nagiging mahina ang mga tao alam niya 'yon dahil nakikita naman niya iyon sa paligid niya kaya sinumpa nya na hinding-hindi siya mai-inlove sa kahit na sino. Annisa Marasigan isang inosenting babae NBSB siya. At the age of twenty three never pa siyang nagka-boyfriend o kahit crush manlang. Tanging ang kan'yang ama na lang ang kasama niya dahil iniwan na sila ng kan'yang ina. Bata pa lang siya noon nang sumama ang ina niya sa lalaking mayaman. Ang katuwiran nito ay ayaw na niya sa mahirap na buhay. Driver ng jeep ang kanyang tatay kaya hindi ganoon kaluwag ang kanilang pamumuhay, sapat lang sa pang araw-araw na gastusin. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang waitress. Hindi siya nakapagkolehiyo kaya iyon lang ang trabahong napasukan niya pero kahit ganoon ay masaya naman siya. Marangal na trabaho naman iyon at sapat sa mga gastusin niya ang kinikita. "Tay alis na po ako," magalang na paalam ni Annisa sa kan'yang ama. "Hindi mo na ba ako iintayin anak?" Tanong ng kan'yang ama. Ngumiti siya at yumakap sa ama. "Hindi na 'tay mamaya na lang uwian sabay tayo ha!" paalala niya sa ama. "Sige ingat ka anak." Kahit na hindi sila kompleto nang siya ay lumaki, hindi iyon naging dahilan para lumayo ang kan'yang loob sa ama bagkus ay mas naging malapit pa siya rito. "Opo ingat din kayo sa pagpasada," paalala niya. Nang makarating siya sa trabaho ay narinig na naman niya ang tsismisan ng mga katrabaho niya tungkol sa mga nakatsuktsukan ng mga ito. Hindi siya nakikisali dahil hindi naman niya alam kung ano ang tsuktsukan na sinasabi ng mga ito. Hindi niya alam ang ibig sabihin noon, kung bagay ba iyon, pagkain o kaganapan. Sa asta naman ng kan'yang mga katrabaho ay mukhang mga nasisiyahan sila. Kabanata 1 Annisa Marasigan's POV Naglalakad ako papunta sa terminal ng jeep kung saan naroon si tatay, kalalabas ko lang sa trabaho at napag usapan namin na sabay kaming umuwi. Sabagay palagi naman kaming sabay umuwi dahil ang sabi niya mahirap na daw mag isa ako umuwi kapag gabi maraming masasamang loob. Ang naiisip ko lang naman na masasamang loob ay iyong mga magnanakaw kaya hindi ako natatakot wala namang nanakawin sa akin. Isa pa ay mas makakatipid na rin ako kung sasabay na lang ako pauwi kay itay kumpara kung mamamasahe pa ako. Malapit na ako sa terminal nang makasalubong ko ang mga tao na nagtatakbuhan. Hala may fun run ba? Dapat siguro sumali ako pero si tatay pala pupuntahan ko muna. Nakakapagataka lang na parang kinakanahan sila? Nagtuloy pa rin ako sa paglalakad kahit paminsan minsan akong nababangga ng mga tao. Grabe naman sila sa pagtakbo. Nakarating ako sa terminal at nakita kong walang tao tanging mga jeep lamang ang naroroon. Hala! Sumali ba sa fun run maging mga driver? Sumali kaya si Itay? Isang malakas na putok ang dahilan kung bakit napatakip ako ng tenga ko. Ano 'yon? Hindi naman new year pero bakit may nagpapaputok? Paalis sana ako ng terminal para hanapin si tatay nang biglang may humigit sa'kin. "Sige Marco iputok mo 'yan nang madamay itong babae na ito," sabi ng manong na may hawak sa'kin at may nakatutok na baril sa ulo ko. Napatingin ako sa guwapong lalaki na nasa harapan ko. Hindi ko siya nakitaan ng awa bagkus ay natawa pa siya sa sinabi ng lalaking may bihag sa'kin. Malamig ang mga mata niya na nakatingin sa amin, halatang wala siyang pakialam kung madamay man ang buhay ko sa away nilang dalawa. "Huwag kang magpatawa hindi isang tao ang magagamit mo laban sa'kin tss." Malamig na sagot nito sa manong na may hawak sa akin. Hala ano daw? Hahayaan niya ako paano kung patayin ako ng mama na 'to? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, talagang hahayaan niya lang ako na mamatay? Wala ba siyang puso? "Waahh kuya maawa ka iligtas mo ako!" Nagmamakaawang hiyaw ko sa kan'ya. Aba hindi pa dapat ako mamatay, paano na lang ang Itay ko? Kami na nga lang dalawa ang magkasama sa buhay iiwan ko pa siya. Hindi pwede! Tumingin lang siya sakin at ngumisi. Parang kinilabutan ako sa ngisi niya, may kung ano iyon na para bang kayang pataasin ang lahat ng mga balahibo ko. "Ano namang kapalit pag niligtas kita?" Tanong niya sa akin. Ha? Kapalit? Patay anong ibibigay ko sa kan'ya wala naman akong pera wala rin akong alahas. Paano na ito? Ang daya! Ako na nga lang ang nadamay sa away nila, hihingi pa siya ng kapalit! "Ah ano wala kasi akong pera eh... ano na lang papayag akong makipagtsuktsukan sayo!" Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Ano ba kasi iyong tsuktsukan? Naririnig ko lang iyon sa mga katrabaho ko! Lagot napasubo pa yata ako. "Alright," nakangising sagot niya bago nagpaputok ng baril. Naramdaman kong lumuwag ang hawak sa'kin ni manong hanggang sa tuluyan na akong nabitawan. Ayokong tignan dahil natatakot akong malaman na tama ang nasa isipan ko. "Nailigtas na kita, I'll wait for the tsuktsukan part you're sayin' okay?" "Ha? Ah oo gusto mo ba kunin number ko para text text na lang tayo?" Natawa naman siya sakin at umiling na lang. "Nah I can find you whenever I want to." Mayabang na sagot niya. 'Yon lang at umalis na siya nang makaalis na siya ay saka ako natauhan at agad na umalis sa lugar na iyon para hanapin si itay. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
36.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.7K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
239.4K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.2K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
91.5K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
47.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook