Prologue
PROLOGUE
Tumatakbo ako pauwi na galing school para bang kumakabog dibdib ko na hindi ko maintindihan. Hinahanap ko si nanay .
Nay,nay,nay .Walang sumasagot sa loob ng bahay .
“Saan kaya nagpunta si Nanay bakit walang tao dito.” tanong ko sa sarili ko.
Biglang lumabas si Aling Sita na kapitbahay namin.
“To,Wala nanay mo diyan nasa hospital siya ngayon na disgrasya tatay mo.” Sabi sa ‘kin ni Aling Sita.
“Po, Saan na hospital po Aling Sita?” Tanong ko sa kanya.
‘Sa bayan lang To.” Wika ni Aling Sita sa akin.
Bigla akong napatakbo pa kalsada ni hindi na nga ako nag pasalamat kay Aling Sita.
Habang papunta ako sa kalsada tumutulo na mga luha ko kung na pano si tatay.
Pumara ako ng pedicab para magtungo sa Hospital. Pagdating ko bumaba ako agad at nagtungo sa Information Area ng Hospital.
“Nurse saan po na room si tatay Benjie De Vera?” Tanong ko sa isang nurse habang humihikbi sa iyak.
“Kayo ba anak ni sir Benjie De Vera wag ka pong mabibigla wala na tatay mo nasa morgue na siya ngayon.” Wika ng isang nurse sa information section.
Biglang gumuho ang mundo ni Hunter sa narinig na wala na ang kanyang tatay.
Hindi niya alam kung paano na lang sila ng nanay niya . Iyak siya ng iyak sa gilid ng information area .
Nakita ko si nanay naglalakad habang umiiyak nilapitan ko siya.
“Nanay,anong nangyari kay tatay.” Tanong ko habang umiiyak ako.
“Wala na si tatay mo anak nabangga ng 10 wheeler ang dinadalang sasakyan ng tatay mo nadurog ang harapan naipit ang tatay mo dead on arrival na siya pagdating dito.”
Sabi ni nanay habang umiiyak din siya sa harapan ko.
“Nanay paano na tayo ngayon hindi ko matanggap wala na po si tatay nay. Kahapon masaya pa tayo magkasamang tatlo tapus kukunin na siya sa atin agad.”
Sabi ko kay nanay habang iyak ng iyak.
Ini burol na si tatay sa bahay kinaumagahan. Hindi ko iniwan si tatay sa harapan ng ataol niya. Kinakausap ko si tatay habang naka himlay siya sa bahay namin. Wala akong gana kumain hindi ako masyadong nakakatulog dahil gusto ko nasa tabi ako ni tatay.
“Anak ,kumain ka muna hindi ka pa kumakain simula kahapon.” Wika ni inay sa akin.
“Ma , wala akong gana kumain ma dito lang ako sa tabi ni tatay ilang araw na lang ililibing na din siya nay hindi na natin makikita nay.” Wika ko kay nanay na malungkot ang boses.
“Anak tanggapin na natin na wala na si tatay mo magiging gabay na siya natin. Malay mo binabantayan na lang niya tayo anak kasama na siya ng panginoon sa langit.” Sabi ni nanay sa akin na malungkot din.
“Tay, pinapangako ko sayo tatay magsisikap ako mag aral tay tutulungan ko si nanay . Ako na po bahala kay nanay tay hindi ko siya pababayaan pangako yan tay. Mahal na mahal ka namin ni nanay tatay.” Wika ko habang tumutulo luha ko sa harapan ng kabaong ni tatay.
Ililibing na si tatay inihatid na namin sa huling hantungan niya tinanggap na namin ng buong buo para hindi na malungkot si tatay sa langit magsisimula kami ulit sa buhay na kami na lang ni nanay magkasangga. Kakayanin namin ni nanay ang pagsubok sa buhay namin dalawa.
Isang taon nakalipas……
“Nanay alis na po ako puntang resort nay.”
Wika ko kay nanay na paalis sa bahay.
“Ingat ka lage anak .” Sagot ni nanay sa akin.
Papunta na ako sa resort para magduty ng ilang oras . Nag apply ako ng working student para matustusan ko din paano ang pag aaral ko hindi masyado mabigat sa gasto si nanay.
Maaga akong nakarating dito sa resort tamang tama wala pa masyadong mga dumadayo makaka maka pahinga muna ako saglit.
Kay gandang pagmasdan ang paligid lalo na kulay bughaw ang kalangitan reflect sa dagat .
“Hunter,” tawag sa akin sa malayo.
“Opo papunta na po.” sagot ko sa tumawag sa akin.
“Good Morning Miss Sheila.” Bati ko sa staff sa resort.
“Goodmorning Hunter may darating tayo mga guest dito sa resort ah, paki assist pag dumating sila Hunter.” Wika ng staff sa resort.
“Sige po ma'am Sheila ako na po bahala sa kanila po.” Wika ko habang naka ngiti sa kanya.
Nasa bandang gate lang ako naghihintay darating mga guest ngayon araw na ito.
Dumating na mga guest at marami silang
nagsadatingan.
“Good Morning ma'am and sir welcome to The Urbiztondo Beach Resort . Come and enjoy the summer.” Wika ko sa guest na dumating.
Inihatid ko sila sa hotel na pag check in nila at itinuro ang mga kubo na pag stay nila.
Miya miya may parating na naman ibang guest. Inaasikaso ko na naman sila pagkatapos sa unang batch .
Hanggang sa dumami ang mga guest na dumating.
Inassist ko sila hanggang sa gustong pumunta sa kabilang isla sinamahan ko sila .
Napagod ako maghapon sa pag guide sa kanila pero worth it naman dahil nakakatulong naman sa pag aaral ko .
Kumuha ako ng isang mineral na tubig para inumin habang naka upo nasa linong ng puno. Daming tao ngayon dahil sabado ngayon at wala kaming pasok.
Pinahiran ko ng towel sa bandang noo dahil tagaktak ng pawis nito.
Sobrang init talaga pero kailangan natin magtrabaho.
Tumayo ako at naglakad sa tabing dagat.
Biglang nag high tide lumabas ang mga nag surfing saktong malalaki ang alon .
Napadaan si kuya Glen ang idol ko magaling mag surfing tawag sa kanila
Mam Surfing trainer. Dala dala niya ang surfing board.
“Kuya Glen iba na naman dala mong surfing board.” Wika ko sa kanya.
“Ah,Yah iba na naman dala ko ngayon may 3 surfing board ako sa bahay.” Sagot niya sa akin.
“Kuya pwede bang magpaturo sayo ng pag surfing kuya Glen gusto ko kasing matoto ng ganyan kuya.” Wika ko kay kuya Glen.
“Sige turuan kita pag wala masyado tao
Hunter para matuto ka din.” sagot ni niya
asa akin.
“Sige po kuya asahan ko po yan na tulungan nyo po akong matuto kuya Glen.” Wika ko sa kanya.
Pinagmamasdan ko siya sa malayo papunta na siya dagat sakay sa surfing board niya .
Parating na ang alon pahampas papunta dito sa dalampasigan.
Sinakyan ni kuya Glen patayo at sinabayan sa pagtayo sa surfing board niya papunta dito sa dalampasigan.
Ang galing niya makipag sabay sa alon bilib na bilib ako sa kuya Glen ko .
Gusto kung maging Surfing Man gaya ni kuya Glen balang araw.
Tumayo na ako at pumunta ako ulit sa nag assist sa mga guest .
5pm na ng hapon malapit na akong mag out sa duty .
Papunta na ako sa entrance desk sa log out sa duty.
“Ma'am Sheila uwi na po ako bukas ulit po.” Wika ko sa kanya habang nagpapaalam umuwi.
“Sige Hunter ingat ka sa pag uwi.” Wika ni ma'am Sheila sa akin.
Kinuha ko ang backpack ko para mag bihis ng t shirt tapos lumabas na ako sa resort para mag abang ng tricycle .
Habang nakasakay na ako sa tricycle na ako may isang matanda naki sabay din inalalayan ko siya para maka upo siya .
Malapit na din ako makarating sa bahay ilang minuto na lang baba na ako sa tricycle.
Nang naka baba na ako nilakad ko papuntang looban ng kanto .
“To,nagabihan ka na ngayon sa pag uwi.”
Wika ni Aling Silya na kapitbahay namin.
“Opo ,gawi maraming guest po dumating sa resort kailangan assist po Aling Silya.”
Sagot ko kay Aling Silya.
“Napaka sipag mong bata talaga To, kaya yan tiwala lang sa buhay at sipag. Sana nga ganyan din ka sipag mga anak ko dito pero sobrang mga tamad din .” Wika ni Aling Silya sa akin.
“Ah,ganun po ba Aling Silya kailangan talaga magsipag lalo na po matagal wala na si tatay po kailangan din ako ni nanay.
Tiis lang po talaga para makapag tapos sa pag aaral at makatulong ako kay nanay balang araw.” Wika ko kay Aling Silya .
“Swerte naman ng nanay mo sayo To, sipag sipag mo talaga ng bata habang nag aaral nagtatrabaho ka pa para matustusan pag aaral mo .” Wika ni Aling Silya na natutuwa sa akin.
“Kailan po Aling Silya kami na lang po ni nanay magkasangga sa buhay kailangan kung tulungan si nanay para naman hindi siya mabigatan sa gastusin po.” Wika ko kay Aling Silya.
“Napakabait mong bata talaga To kaawain at patnubayan ka ng panginoon diyos at sana gabayan ka lagi sa mga pangarap mo.” Wika ni Aling Silya sa akin
“Salamat po Aling Silya sige po pasok na po ako sa bahay at magluluto pa po ako ng hapunan namin ni nanay .” Wika ko kay Aling Silya na nagpapaalam.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at binuksan ang ilaw sa loob.
Magbibihis lang ako pagkatapos mag hahanda na ako para maka pag luto ng hapunan.
6:30pm na wala pa si nanay para pagdating ni nanay kakain na kaming dalawa.
Miya miya may kumatok sa pinto.
“Nay, ikaw na ba yan nay wait lang po.” Pasigaw ko habang nasa sala nanunuod ng tv.
“Oh, anak kanina ka pa dumating?” Tanong ni nanay sa akin na nasa pintuan.
“Mano po nanay opo mga 6pm po ako dito na po ako sa bahay at naka pagluto na din ako ng hapunan natin nay.” Wika ko kay nanay.
“Mukhang pagod na pagod ka po nay?” Tanong ko kay nanay habang paupo si nanay sa sala.
“Oo anak napagod ako dami stock na dumating nag display kami sa store maghapon.” Wika ni nanay sa akin na nagpapahinga sa upuan.
“Ganun po ba nay hayaan mo po nay makapagtapos lang ako sa pag aaral ako na magtatrabaho tigil na po kayo at dito na lang po kayo sa bahay .” Wika ko kay nanay at nangangako sa kanya.
“Anak, aral ka ng mabuti ha isipin mo kinabukasan mo lage anak mahal na mahal kita anak. .” Wika ni nanay sa akin habang niyayakap ako.
“Tara nay kain na po tayo nanay naka luto na ako.” Wika ko kay nanay nag aaya kumain
“Ano ulam niluto mo anak ?” Tanong ni nanay sa akin.
“Nagluto lang po ako ng repolyo na ginisa at pritong isda po nanay.” Sagot ko.
“Sarap naman yan sipag mo talaga anak ko sana buhay pa tatay mo anak para makita niya ka sipagan mo anak.” Wika ni nanay sa akin.
“Kahit wala na din si tatay nay nakikita pa rin niya tayo nay na masaya.” Wika ko kay nanay.
“Kung nasaan man tatay mo masaya na din siya nakikita tayo ngayon anak. Wika ni nanay sa akin.
“Tara na nga kain na tayo at maaga na tayo magpahinga para bukas anak.” Wika ni nanay sa akin.
“Nay, Salamat mahal na mahal kita nanay.”
“Mahal na mahal din kita anak tandaan mo yan anak .” Wika ni nanay sa akin.
Masaya na din kami ni nanay na kaming dalawa lang nanay ayaw na ni nanay mag asawa ulit dahil mahal na mahal niya si tatay . Kahit wala na si tatay ay ni rerespeto ni nanay ang pagmamahal niya sa tatay ko.
Kahit mahirap lang kami masaya na kami babawi na lang ako kay nanay pag nakapag tapos na talaga ako sa pag aaral.
Kinabukasan maagang umalis si nanay para maka pasok ng maaga. Pahirapan kasi pag umaga sumakay dito dahil bihira lang trycle talaga. Ginagawa ni nanay maaga siyang umaalis.
Ako naman minsan nilalakad ko kahit papaano sanay na ako mag lakad simula grades school ginagawa ko na yan dati pa.
Saktong 8 am nakakarating sa resort wala pa masyadong tao .
Ganun parin gagawin ko mag entertainment pa rin ng guest kung sino mag check in.
Buong mag hapon yun na din ginagawa ko sasamahan ibang guest para mag pasama sa ibang isla.
Masaya ako sa ginagawa ko na pag guide sa kanila . Minsan nagkaka tip din ako minsan pag mag kusang nag bibigay ng pera par pang snck lang naman. Iniipon ko yun para may pang baon na ako sa darating na lunes.
Hindi na ako humihingi ng pera minsan kay nanay para makatipid din sa gastusin ni nanay. Napaka buti ng may ari ng resort na pinasuksan ko dahil pinapasok ako kahit nag aaral pa ako.