Chapter 57 Ava's Pov Kinabukasan lumabas na kami ng ospital. Pina drive na lang namin sa papa ni Chie ang sasakyan para maka uwi na kami. Ilang oras din ang biyahe namin. Pagdating namin sa bahay agad agad nagpahinga na si Hunter sa kwarto niya. Ako ang mag aasikaso ka kanya hanggang gumaling siya. Ngayon hindi na namin maitatago ang relasyon naming dalawa. “Mama, magpahinga na po din kayo ma ako na po magluluto ngayon ma.” Wika ko kay mama Claire. “Salamat anak . Masakit din ulo ko baka sa byahe din . Magpapahinga lang ako saglit anak sa kwarto.” Wika ni mama Claire “Inom ka gamot ma .Ito po ma .” Wika ko sa kanya. “Salamat Ava. Magpahinga muna ako anak ikaw muna bahala dito.” Wika ni mama Claire sa akin Nagluto ako ng uulamin namin. Mag nilagang karne ng baboy lutuin ko. Al

