Chapter 2
Hunter's Pov.
Kinabukasan maaga akong nagising para maagang makapag duty sa resort.
Hindi ko na ginising si nanay ako na nag luto ng agahan namin. Pinagluto ko siya ng ginisang ampalaya at pritong tuyo .
Saka kina tok ko si nanay sa kwarto niya para sa agahan namin.
“Nay, nay mag almusal na po tayo nay naka luto na po ako kain na po tayo.” Wika ko habang kina katok ko pinto ng kwarto ni nanay.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni nanay at saka lumabas .
“Aga mo nagising anak mukhang naka luto ka na ng agahan natin anak ano ito bumabawi ba ito?” Wika ni nanay sa akin.
“Malamang nay babawi talaga ako dahil lagi mo nalang ako inaasikaso nay.” Sagot ko na man kay nanay
“Kain na nga tayo at baka ika'y malate pa ng pasok .” Wika ni nanay sa akin.
Natapos na kaming kumain ni nanay at saka nagpaalam na din akong papasok na sa trabaho.
“Nay,alis na ako nay ingat ka po dito .” Wika ko sa kanya
“Sige anak mag ingat ka din lage at gabayan ka ng panginoon .” Wika ni nanay sa akin.
7am ng umaga nag hahabol na naman ako ng oras. Ang hirap pa naman makasakay ng umaga dito sa amin kaya maglalakad na naman ako sa unahan nito.
Kailangan ko na talagang asikasuhin yung kukunin kung sasakyan para hindi na ako mahirapan sa byahe nito.
Next week asikasuhin ko na yun para makuha ko na din at surprise ka na din kau nanay .
Malaki laki na din ipon kaya na din i down payment sa sasakyan na kunin ko.
Ilang saglit may dumaan na tricycle at doon na ako naka sakay.
Naka baba na ako andami ng pumapasok na guest sa resort.
“Good Morning sir.” wika ng isang guide sa resort
Pumunta muna ako sa quaters ng mga staff para iwan mga gamit ko nag bihis na ako ng board short , t -shirt na white at halfcup hat white. Tinanggal ko na din ang sapatos kung suot .
Kinuha ko na din Surfboard ko na nakasandal sa gilid at lumabas na ako para pumunta sa dalampasigan.
“Hi sir Hunter Good Morning po?” Wika ng isang babae nasa gilid ng information sa hotel.
“Hello ma’am Sheila Good Morning din po.” Wika ko din sa kanya.
“Laki ng improvement mo sir dati taga sa lubong ka lang ng mga pumapasok na mga guest . Ngayon hinahangaan ka na sir Hunter.” Wika ni Shiela sa akin.
“Hindi naman ma'am kung hindi sa may ari nitong resort hindi ko maabot ang pangarap ko professional Surfer ma'am
kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng pamilya ko dito handa parin akong tumulong dito.” Wika ko kay ma'am Sheila.
“Sipag mo talaga sir kaya proud kami sa inyo po.” Sagot ni Sheila.
“Salamat po maam ,Sige po punta muna ako doon ma’am Sheila.” Wika sa kanya.
Oo Malaki na talaga narating ko dito dahil naging professional Surfer na talaga ako ilang contest na din sinalihan ko ilang trophy ang natanggap ko pero dito pa rin ako tumulong sa gusto mag pa assist na beginners na pumapasok maging surfer.
Yum nga lang itsura ko talaga kala mo’y maangas pero kung sino nakakakilala aa akin yung mabait ako .
Hindi ko na problema kung tingin nila sa akin masungit, mukhang barambado tingin sa akin parang halimaw dahil sa mga balbas ko sa mukha.
Nakita ko si Kian mag kasama isang babae nasa isang cottage naka upo silang dalawa. Pero hindi ko pinansin baka nag uusap silang dalawa. Dumaan lang ako na walang nakita sa kanila.
“Bro.” Tawag niya sa akin habang naglalakad ako .
“Bro dyan ka pala bro musta? May kasama ka ata bro?” Wika ko kay Kian.
“Ah, Oo ito pala si Trexie kaibigan ko .Riane si Hunter kaibigan ko din.” Wika ni Kian sa amin.
“Hello po sir Hunter I’m Trexie.nice meeting you sir.” Wika niya naka smile sa akin.
“Nice meeting you too Ah,Trexie .” Sagot ko kay Trixie
“So guys i have to go may gagawin pa kasi ako so maiwan ko muna kayo dito .” Wika ko sa kanilang dalawa.
Habang naglalakad ako palayo sa kanila naririnig ko silang dalawa .
“Kian,napaka strikto pala ng kaibigan mo sayang gwapo pa naman sana . Pero parang ayaw niya ata sa babae umiiwas .”
Wika ni Trixie kay Kian .
“Hayaan mo lang kaibigan ko pero mabait yun kanun lang yun siya sobrang mabait talaga yun. Ganun lang siya mahiyain sa mga babae palibhasa kasi hindi pa nagkaka girlfriend hanggang ngayon .” Wika ni Kian kay Trexie.
Hinayaan ko lang sila pag usapan nila ako wala naman din akong paki alam kung pag usapan nila ako.
Tinanggal ko t- shirt para mag surfing na ako sa alon.
Pumunta na ako sa malalim para maka pagsimula na ako.
Isinakay ko sarili ko sa board at saka tumayo na parang nakalutang sa mga alon gamit ang surfing board at nag pa wave ang ako sa malaking alon papuntang dalampasigan.
Andaming pumapalakpak habang ginagawa ko ang pag surfing sa malaking alon.
Bumalik ako ulit sa malalim parte ng dagat para mahabol ko ang malaking alon ng dagat para maganda ang pagka balance ko.
Binalansi ka lang katawan at subrang timing malaki ang pagka balance ko sa malaking alon papuntang dalampasigan.
Magpahinga muna ako ipon lang muna ng lakas . Habang naglalakad ako papuntang dalampasigan may lumapit sa akin isang lalaki .
“Hi sir ang galing niyo naman po sa pag surfing pwede po ba magpa turo sir?” Wika ng isang lalaki sumunod sa kanya.
“Oo naman pwede mag pa schedule kayo doon sa formation area para sa training surfing pagkatapos yun tig natin schedule mo para masimulan kita sa pagtuturo.” Wika ko sa sa lalaking nag tatanong.
“Okay sir ,salamat po sa info.” Wika ng lalaki sa akin.
Napa upo ako sa isang lilim ng cottage para maka pahinga may biglang lumapit na naman na isang babae.
“Hi Mr. De Vera? I'm Jessy from Baguio City.” Wika ng isang babae naka swimsuit habang inaabot ang isang kamay.
“Hello nice meeting you Miss Jessy.” Wika ko sa kanya .
“Can I invite you to a competition in Zambales?” Wika ni Miss Jessy sa akin.
“Nakita ko kasi mga galawan mo? You have a good strategy and style. Kaya gusto kitang invite sa isang competition gaganapin sa Zambales Next Year pa naman malaki price dito. Baka want mo mag join Mr.De Vera?” Wika mi Miss Jessy sa akin.
“Kung gusto mong sumali just call me . This is my calling card.” Wika niya sabay bigay sa calling card niya sa akin.
Kinuha ko ang inabot niyang calling card at tinignan.
“Sige pag isipan ko Miss Jessy malayo pa naman competition.” Sagot ko sa kanya
“See you Mr. De Vera.” Wika ni Miss Jessy sa akin.
“Okay I think about it Miss Jessy nice meeting you again.” Wika ko kay Miss Jessy na magpapaalam na umalis.
Iisipin ko pa kung sasali ba ako sa competition malaki din ang price ang makukuha pero doon makikita ang galing ng manlalaro.
Tumayo ako ulit at pumunta sa laot para makipagsabayan sa malaking alon ulit.
Gagawin ko mga style ng pag surfing.
Unahin ko ang pag Shortboard Revolution.
Ang pag saluhin ang mga alon na hindi naa-access ng mga longboarder, na masyadong matarik at kritikal para sa mga higanteng board. Yun ang gagawin ko kung makakaya ko yun style na yun.
Hinanda ko ang sarili ko para makuha ang style na yung gagawin ko.
Hinintay ko muna ang malaking alon at saka sasakay sa surfboard ko .Tinatantsa ko muna ang malaking alon para gawin na yun.
Tumingin muna ako sa malayo at pakiramdaman ang parating na malaking alon.
Biglang may parating na malaking alon at inihanda ko na ang sarili ko para magawa ang Shortboard Revolution.
Parating na ang alon isinakay ko na ang sarili ko at dahan dahan akong tumayo at binalanse ang katawan ko at buwelta ng lakas para maipalipad ko ang surfboard pati sarili ko hanggang pagtaas ng alon .
Parang lumipad ako sa taas ng malaking alon . Kinabahan ako sa ginawa ko baka mamali ang pag bagsak ko pero nagawa ko naman ng maayos sa pag lipad kasama ng board ko.
Biglang nagulat ang mga tao sa ginawa ko sa paglipad kasama ang surfboard ko.
Napahiyaw sila sa akin dahil kinabahan din sila sa ginawa ko.
Alam nila delikado ginawa ko na pagpapalipad pero nagawa ko ng sakto lang nawala ang kaba ko pagkatapos.
Biglang lumapit si Kian sa akin.
“Bro ang lupit ng ginawa mo bro grabe hanep ang ginawa mo pag palipad sa ere.” Wika ni Kian sa akin na namangha.
“Sinubukan ko lang bro kung kaya ko yung style na yun kala ko nga mapapalya ako pero nagawa ko ng maayos.
Kinabahan din ako baka bumagsak ako bigla sa ginawa kung paglipad.” Wika ko kay Kian habang hinihingal.
“Congrats bro galing mo talaga ba sa pag surfing mo .” Wika ni Kian sa akin.
“Salamat bro ,Iniisip ko nga kung sasali ba ako sa competition next year na inaalok sa akin na nag organize sa event gaganapin sa Zambales.” Wika ko kay Kian.
“Go ka na bro magaling ka naman bro wag mong sayangin ang opportunity saiyo.
Minsan lang mangyayari din practice ka lang lagi sa mga style na gagawin mo.” Wika ni Kian sa akin .
“Sige bro salamat sa payo mo sa akin.” Wika ko sa kanya .
Lumapit sa akin ang lalaking nagpa schedule para magpaturo paano mag basic ng pag surfing.
“Sir,pwede na ba akong magpaturo sayo si? May schedule na ako bukas sana ikaw na lang maging Trainor ko po .” Wika ng lalaki sa akin.
“Patingin schedule mo?” Wika ko sa kanya.
“Your Loren ,Ok i will teach you and trainor for 1 week .” Wika ko sa kanya habang nakatitig sa akin.
Yes,yes,Thank you sir .” Wika niya habang tuwang tuwa na pumayag ako
“Kailangan maaga ka dito tomorrow tapos bilhin mo na mga requirements na gagamitin bukas Loren.” Wika ko sa kanya.
“Sige po sir bibilhin ko na po ngayon at bukas maaga po ako dito sir,salamat po sir alis na po ako.” Wika niya sa akin na dali daling umalis.
Pumunta muna ako sa shower para makapag shower dahil sa tubig alat . Kinuha ko ang t- shirt kung white para makapag lunch na muna ako.
Pumunta ako ng canteen para maghanap ng makakain ng tanghalian.
Sobrang dami ng tao sa canteen sumingit na lang ako para makakain lang
Pagkatapos kung kumain nagpahinga ako saglit para bumalik ulit sa dalampasigan.
Sobrang tirik ng init hindi muna ako nag punta sa dagat tumambay muna ako sa lilim na may mga mahahabang upuan na pwede humiga saglit.
Biglang may dumaan na mga babae nakikinig lang ako sa kanila habang dumadaan.
“Siya yung nag surfing kanina gwapo pala ni sir.” Wika ng isang babae.
“Ang ganda din ng pangangatawan niya may girlfriend na kaya siya?” Wika ng isang babae .
“Swerte girlfriend ni sir pogi at yummy ang pangangatawan crush ko siya talaga sana naman pumansin .” Wika ng isang babae ulit sabay nagtatawanan papalayo.
Hindi ko alam sa sarili ko bakit hindi ako ma attract sa isang babae parang may hinahanap pa ako isang katangian ng babae.
Hindi ko maintindihan sarili ko minsan masungit ako . Dedma lang talaga pagdating tungkol sa mga usap sa mga babae.
Bumangon ako at naglakad lakad sa dalampasigan muna. Pinagmamasdan muna ang dagat kung maganda ulit ang mga alon na humahampas .
Nag stay muna ako dahil hindi masyado mahampas ang alon .
Naglalakad lakad na lang muna ako sa dalampasigan.
Pinulot ko ang mga basura na nakakalat sa dalampasigan habang wala akong magawa. Sa sobrang dami kung napulot kumuha na lang ako ng garbage bag para doon ilagay ang mga basura na napulot ko.
Ayuko nakikita may mga kalat sa tabi ng dagat kaya minsan pag wala akong ginagawa ako na ang pumupulot sa mga nakakalat na basura.
Dumating na ang dapit hapon ang ganda pagmasdan ng kalangitan lalo na dito banda sa dagat kitang kita ang paglubog ng araw. Maraming kumukuha ng mga litrato dahil ang ganda ng view dito.