Chapter 5

2158 Words
Chapter 5 Ava’s Pov. “Ninang ilang taon na po si kuya Hunter?” Tanong ko kay ninang “35 yrs old na si Hunter ngayon. Gabi lang nandito anak ko dahil nagtatrabaho din sa araw.” Wika ni ninang sa akin. “Anak dito pala kwarto mo katabi sa kwarto ni kuya Hunter mo pwede mo ng i ayos mga gamit mo anak.” Wika ni ninang sa akin “Sige po ninang i ayos ko lang itong mga gamit ko sa kwarto.” Wika ko kay ninang habang bitbit mga gamit ko Pumasok na ako sa loob ng kwarto para mag ayos ng dala kung mga gamit. Inilapag ko ang mga gamit ko sa kama ko para i ayos ang mga damit ko. Habang nag aayos ako tinatawag ako ni ninang para mag hapunan. “Lalabas na po ninang.” Sambit ko Lumabas na ako sa kwarto para samahan ko si ninang maghapunan. “Ninang si kuya Hunter po anong oras din po umuwi dito sa bahay ninang?” Tanong ko kay ninang habang kumakain kami “Mga 10 pm pa yun makakauwi buhat mag overtime siya ngayon gabi.”Sabi ni ninang sa akin. “Wag kang mailang sa kinakapatid mo ituring mong kuya Ava mabait naman si Hunter anak.” Sabi ni ninang sa akin. “Pagkatapos mong kumain Ava pwede ka ng magpahinga sa kwarto mo ako na bahala dito sa pagligpit .” Wika ni ninang sa akin. Nang natapos na ako kumain pumunta na ako sa kwarto. Umupo ako saglit para ituloy ang pag aayos ng mga gamit ko. Ng nakatapos ako humiga muna ako saglit sa kama dahil masakit likod ko hanggang sa nakatulog ako. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Nagising na ako ng 11pm bumangon ako. Bigla akong na uhaw lumabas ako para uminom ng tubig. Dumertso na ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Nagulat ako na may biglang may tao sa bandang sala na ka upo sa sofa na single chair. Alam ko si kuya Hunter yung nasa sala naka upo. “Good evening po kuya Hunter .” Wika ko sa kanya. Antagal niyang umimik hinayaan ko lang siya baka naka tulog lang din. Humakbang na ako papuntang kwarto biglang nagsalita siya. “Kumain ka na ba Ava?” Tanong niya sa akin habang nakaupo siya sa upuan parin. Napahinto ako sa paglakad at sumagot. “Opo kuya sabay kami ni ninang kumain.” Sagot ko sa kanya. Hindi pa rin siya tumatayo sa kinauupuan niya. “Sinabihan ka ng mama mo kung anong patakaran ko dito sa loob ng bahay?” Wika ni Hunter sa akin “Opo kuya sinabihan na ako ni mama pero kuya Hunter kung pwede naman ako ng maayos kay ninang kung saan po ako pwedeng pumunta kuya.” Wika ko kay kuya Hunter “Pwede naman pero ang nakakabuti sayo pero pag bulakbol wag mo ng tangkain dahil ako magdidisiplina simula ngayon sayo.” Wika ni kuya Hunter sa akin. “Sige po kuya Hunter papaalam po ako ng maayos kay ninang kung aalis po ako .” Wika ko kay kuya Hunter Hindi pa rin siya nagpapakita sa akin naka upo parin siya hanggang ngayon. “Sige na pwede ka ng matulog sa kwarto mo.” Wika ni kuya Hunter sa akin. Pumasok na ako naiinis sa sinabi niya grabe napaka higpit sa akin kala mo naman magulang talaga. Grrr…. Nakakainis talaga kala mo kung sino eh. Palibhasa kasi matanda na eh kapanahunan ata ito ng matatanda . Bahala na gagawa ako ng paraan para makapunta ako talaga . Kala niya hindi ako makakahanap ng paraan para maka gimik. Tingnan lang natin bahala siya mapagod kakasaway niya sa akin. Kinuha ko ang tuwalya para makapag halfbath dahil init na init na ako sa katawan ko. Pagkabtapos ko nagbihis umupo ako sa kama iniisip ko parin sinabi ni kuya Hunter sa akin. Humiga na din ako para maka pahinga na din ako. Maaga akong nagising para maabotan ko si kuya Hunter pero maaga pa lang umalis din ng bahay. Hindi ko talaga na abotan kung anong itsura niya. Siguro napaka matanda na niya dahil sa pananalita pa lang tsaka na . Hanggang ngayon wala pa rin asawa dahil iba ugali niya. Nagpaalam ako kay ninang na aalis muna ako ngayon para puntahan ang school pinapasukan. “Ninang aalis pala ako ngayon pupuntahan ko dati kung pinag aralan ko . Kukunin kp lang card ko para ma transfer dito banda sa lugar ninyo po ninang.” Wika ko kay ninang habang kumakain kami ngayon. “Sige anak para maka transfer ka na dito sa San Juan .” Wika ni ninang sa akin. Pinayagan ako ni ninang umalis para kumuha ng card ko sa dati kung school. Dali dali naman akong maligo para makapunta sa school ko. Ayuko munang gumawa ng kapalpakan ngayon dahil kaalis pa lang ni mama. Magpapakabait muna ako kay ninang at kay kuya Hunter. “Ninang alis muna po ako.” Wika ko kay ninang “Sige mag ingat ka Ava.” Sagot ni ninang sa akin. Ilang minuto nasa school na ako pumunta muna ako registrar information para mag appeal mag transfer ako sa ibang school. Binigyan nila ako ng form para ma fill up at saka pinirmahan . Ilang saglit binigay sa akin na ang card ko. “Ava Cruz.” Wika ng isang babae na rining ko galing sa malayong tinig. Napalingon ako at napatingin ako si Rachel pala tumatawag sa akin. “Hello Rachel .” wika ko “Saan ka na ngayon nakatira?” Tanong niya sa akin “Nasa San Juan na ako nakatira ngayon sa ninang ko Rachel.” Sagot ko sa kanya “Ang layo naman uuwian mo paano pag aaral mo dito?” Tanong niya sa akin “Pumunta nga ako dito para kunin ang card ko para ma transfer ako doon malapit.” Sagot ko naman Ha,mag transfer ka? Paano yan d ka namin makakasama pag may lakad nito?” Tanong ni Rachel sa akin “Kaya nga eh mapapalayo kasi ako sa byahe nito Rachel pag dito pa rin ako papasok.” Sagot ko sa kanya. “Paano yun hindi ka na makakasama sa amin pag gimikan.” Wika ni Rachel sa akin. “Minsan kung pwede ako makapaalam ako ng maayos sasama ako sa inyo.” Wika ko kay Rachel “Ang sarap nga mag outing sa next week.” Wika ni Rachel. “May alam ako na beach malapit sa amin baka gusto nyo ang ganda doon.” Wika ko kay Rachel “Saan yun banda sa La Union?” Wika ni Rachel “Sa San Juan sa Urbiztondo Beach Resort.” Wika ko kay Rachel “O sige doon lang tayo mag outing next week sabihin ko sila.” Wika ni Rachel sa akin “Pm ninyo na lang ako pag tuloy kayo mag outing.” Wika ko sa kanya “Sige doon na lang tayo mag outing baka dami boys doon.” Wika ni Rachel na natutuwa. “Hindi ko alam kararating ko lang din kahapon doon sa lugar.” Wika ko kay Rachel. “Sige see you all nalang tayo doon . Hindi na din ako magtatagal dito layo pa byahe mo baka magabihan ako sa daan mapagalitan pa ako ng bago kung kuya sa bahay.” Wika ko kay Rachel na nakasimangot “May kuya ka pala ano yun instant kuya talaga?” Wika ni Rachel sa akin. “Oo instant talaga grumpy man.” Wika ko na naasar “Gwapo ba yun instant kuya mo Ava yummy ba?” Wika ni Rachel “Hindi ko pa talaga nakikita sa totoo lang boses lang narinig ko . Pero yung boses parang monster eh nakakatakot.” Wika ko kay Rachel “Naku lagot ka talaga Ava yan na talaga makaka away mo ngayon hindi na ang mama mo .” Wika ni Rachel sa akin. “Dati-dati nakaka takas ka sa mama mo ngayon hindi na dahil may instant kuya ka na talaga.”Wika niya na pa tawa sa akin. “Hindi umbra din sa akin kaya kung paikotin din yan para makasama ako sa gimikan.” Wika ko kay Rachel “Hahaa baka hanggang salita ka lang din Ava?” Wika ni Rachel sa akin. “Pag kasama ako yun nagawaan ko ng paraan ganun lang yun.” Wika ko kay Rachel “Sige na uwi na ako baka hanapin pa ako ni ninang .” Wika ko kay Rachel “Okay ingat ka friend kita na lang tayo doon sa resort.” Wika ni Rachel Lumabas na ako ng Campus para maka byahe na ako papunta La Union . 3pm na nasa bus pa ako naipit sa traffic dahil may disgrasya nangyari. Hindi umuusad ang sasakyan . Ilang minuto din kaming nasa kalsada sa tagal na hindi maka usad. Gabi na ako nakarating sa bayan ng San Juan. Sumakay na ako agad ng tricycle papunta sa bahay nila ninang. Nadaanan ko ang resort na sinasabi ko kay Rachel. Siguro ang ganda ng views sa loob nito . Mala sosyal ang resort dito kaya gusto kung puntahan ito. Malapit na akong makarating sa lugar nila ninang. Dali- dali akong nag bayad ng pamasahe sa tricycle para hindi ako maabutan ni kuya Hunter. Ninang sambit ko sa pinto habang kumakatok sa pinto. Binuksan ni ninang ang pintuan. “Oh, bakit ngayon ka lang anak?” Wika ni ninang sa akin. “May nangyaring disgrasya pa way dito sa La Union kanina ninang kaya yung bus sinakyan namin naipit sa traffic po.” Wika ko kay ninang “Wala pa po si kuya Hunter ninang?” Tanong ko “Wala pa pumunta sa bayan may pinuntahan na kaibigan daw.” Wika ni ninang sa akin. “Ah ganun po ba .”Sagot ko kay ninang “Kain ka na kumain na kasi ako nagutom ako kanina Ava.” Wika ni ninang sa akin “Busog din ako ninang nag snack kasi ako kanina pag baba ko sa bus.” Wika ko kay ninang. Ay salamat buti na lang wala pa si kuya Hunter kung naabutan pa ako baka napagalitan na talaga ako nito. Iniisip ko paano ko maka paalam next week mag outing kami iisip ako ng ipag rarason ko nito. Makaka gala pa ako dahil sembreak naman 2 weeks pa naman. Pero sasamahan ko naman si ninang hindi muna ako lalabas ng bahay para papayagan akong maka gala sa next week. “Ninang pahinga na po ako sa kwarto ko .” Wika ko kay ninang Sige pahinga ka na din. Nakuha mo na ba card mo sa school mo?” Tanong ni ninang sa akin “Opo ninang nakuha ko na po tagal din binigay sa akin kanina isa din po yun natagalan din po.” Wika ko kay ninang. Pumasok na ako sa kwarto para maka pag bihis at maka magpahinga na din ako. 7:30am nagising ako lumabas ako ng kwarto para ako na magluto. Nagulat ako may niluto na sa lamesa agahan. “Morning ninang aga ninyo po na gising ako na po sana magluluto pero may niluto na pala dito.” Wika ko kay ninang “Oo maaga nagising si Hunter kanina at siya nag luto ng agahan bago siya umalis papasok trabaho . Yan na talaga nasanayan niya magluto ng agahan namin.” Wika ni ninang sa akin. “Ah ,Ganun po ba ang sipag pala ni kuya Hunter kahit nagtatrabaho pa siya naiisip pa niya itong magluto.” Wika ko kay ninang “Ninang pwede po bang magtanong?” Wika ko kay ninang “Ano ba yun Ava?” Sagot ni ninang sa akin “Si kuya Hunter po ba may katangian po bang masungit ?” Tanong ko kay ninang “Si Hunter mabait naman ang anak ko masipag din . Oo masungit din siya minsan sa mga babae kaya hindi pa yan nagkaka girlfriend hanggang ngayon.” Wika ni ninang sa akin. “Ah,kaya pala ang sungit niya sa akin ayaw niya sa mga babae hindi talaga kami nito magkakasundo.” Wika ko pa bulong. Napaka sensitive niya pa lang lalaki kaya hindi siya nag ka girlfriend. Baka may something na lalaki gusto niya. Naku ba makita ko siya parang monster pala mukha niya. Laging naka taas kilang gawin niya sa akin. Gusto ko talagang makita siya para makita ko din ang kasungitan niyang mukha. Baka talaga bading siya dahil hanggang ngayon hindi siya nag kaka girlfriend. Pero hindi ko siya ma timing pag nandito siya sa bahay dahil gabing gabi na din siya umuwi tapos sa umaga maaga din siya umalis ng bahay. Paano kaya kami magkikita nito kung ganito lang naman mailap siya. Iniimagine ko ang mukha niya mukhang matanda na siya dahil sa edad na niya at subsub sa pagtatrabaho araw araw . Pakiramdam ko mailap siya sa tao at nanay niya lang iniintindi niya sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD